wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ekonomiks 9 Review II

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tawag sa taong bumibili at kumukonsumo ng mga produkto at serbisyo?

a)

mamimili


b)

negosyante

c)

prodyuser

2.

Anong karapatan ng mamimili ang tumutukoy sa pangangailangan na mabigyan ng sapat na kaalaman at impormasyon ang mamimili tungkol sa produktong kaniyang bibilihin o serbisyong kukuhanin?

a)

karapatan sa edukasyon

b)

karapatan sa pagpili

c)

karapatang magtatag ng organisasyon

3.

Anong karapatan ang tumutukoy sa pangangailangang magkaroon ng sapat na dami ng produktong mabibili sa tama at abot-kayang presyo upang mabili ng mga mamimili ang mga produktong kanilang kailangan?

a)

karapatang magkaroon ng edukasyon

b)

karapatang maging ligtas sa anumang sakit o pinsala

c)

karapatang makamit ang mga pangunahing pangangailangan

4.

Upang mabatid natin ang mga halaga ng mga produkto at serbisyong ating nabili maging ang kabuuang halaga nito ay marapat lamang na?

a)

pangangalagaan ang kalikasan

b)

iulat ang pandaraya sa pamahalaan

c)

humingi ng resibo

5.

Upang higit na mapaunlad natin ang ating ekonomiya ay dapat lamang na bigyang pansin ng bawat isa ang mga produktong gawa ng mga Pilipino at ginawa sa Pilipinas. Paano natin ito maisasakatuparan?

a)

pangangalaga sa kalikasan

b)

pagtangkilik sa gawang Pilipino

c)

paghingi ng resibo

6.

Bilang isang mamimili ay nababatid nating tayo ay may right to basic needs. Alin sa mga sumusunod ang pagsasabuhay ng karapatang ito?

a)

tiwala si Marisa na ang mga produktong kaniyang nabili ay dumaan na sa pagsusuri ng DFA

b)

nabibili ni Marisa ang kaniyang mga pangangailangan sa murang halaga o abot-kaya

c)

nasusuri ni Marisa ang mga nutrisyong mayroon sa produktong nabili gamit ang nutritional facts sa mismong produkto

7.

Batid ni Jose na siya ay may karapatang mabuhay at maghanapbuhay. Alin sa sumusunod ang dapat niyang asahan sa karapatang ito?

a)

makapagtinda ng anumang produktong naisin

b)

magkaroon ng lugar kung saan hindi mapanganib

c)

makapagtayo ng mga tindahan sa anumang lugar na naisin

8.

Bumili si Grace ng mga gagamitin niya para sa darating na party sa kanilang paaralan. Bumili siya ng pulang bestida na hanggang tuhod ang haba, isang dilaw na sapatos, at kulay asul na bag. Ano ang ipinahihiwatig nito?

a)

karapatan sa pagpili

b)

karapatan sa maayos at malinis na kapaligiran

c)

karapatan sa tamang impormasyon

9.

Iniendorso ng paboritong artista ni Micah ang isang spray net sa buhok na nakapag-aambag sa pagkasira ng ozone layer. Ano ang marapat niyang gawin?

a)

tangkilikin ito upang mapasaya ang paboritong artista

b)

huwag tangkilikin ang produkto dahil alam niyang makakasira ito sa kalikasan

c)

iulat sa pamahalaan ng mga pandaraya

10.

Ano ang tawag sa paglikha o paggawa ng produkto upang matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao?

a)

pagkonsumo

b)

produksyon

c)

pamimili

11.

Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga salik ng produksyon?

a)

kapital

b)

pamilihan

c)

entreprenyur

12.

Alin sa sumusunod ang hindi dapat maging katangian ng isang entreprenyur?

a)

mainitin ang ulo

b)

walang kinikilingan

c)

matiyaga

13.

Nag-ani ng pinya sa taniman si Carlo. Binalatan niya ang isa sa mga pinya upang maging panghimagas nila sa hapunan. Anong uri ng produkto ang ginamit ni Carlo?

A. good

B. service

a)

Tama ang B.

b)

Tama ang A.

c)

Tama ang A at B.

14.

Nais ni George na magpatayo ng bahay para sa kanyang pamilya. Kumuha siya ng inhinyero upang tumulong sa pagtatayo. Bumili na rin siya ng mga materyales para sa konstruksyon.
Anong uri ng produkto ang ginamit ni George?

A. goods

B. service

a)

Tama ang A at B.

b)

Tama ang B.

c)

Tama ang A

15.

Si Andrea ay isang pediatrician. Kumikita siya sa pamamagitan ng panggagamot sa mga batang may sakit at pangangalaga sa mga bagong panganak na sanggol. Anong uri ng produkto ang ginagawa ni Andrea?

A. good

B. service

a)

Tama ang A.

b)

Tama ang B.

c)

Tama ang A at B.

16.

Kikay at mabutinting si Sarah. Bumibili siya ng beads na may iba't ibang kulay, hugis, at laki, mga panali, at pliers para makagawa ng mga hikaw, pulseras, at kuwintas. Anong uri ng produkto ayon sa gamit ang mga beads na binili ni Sarah?

A. final o end product

B. products with derived use

a)

Tama ang A at B.

b)

Tama ang A.

c)

Tama ang B.

17.

Ano ang maaaring gawin ng isang entreprenyur kung gusto niyang magsimula ng isang negosyo ngunit wala siyang sapat na kapital para rito?

a)

Mangutang sa malalaking bangko ng perang magagamit na kapital.

b)

Humanap ng taong interesado sa itatayong negosyo na maaaring maging kasosyo para madagdagan ang perang kapital.

c)

Ipagbili ang kaniyang mga ari-arian upang magkaroon ng kapital.

18.

Ang lupa, lakas paggawa, kapital, at entreprenyur ay mga salik sa produksyon. Alin kaya sa mga ito ang pinakamahalaga?

a)

Ang kapital ang mahalaga dahil ito ang ginagamit sa pagbili ng mga kakailanganing sangkap at kagamitan sa paggawa ng produkto.

b)

Lahat ay mahalaga dahil ang bawat isa ay kailangan para makasimula ng negosyong may layuning gumawa ng produkto o serbisyo.

c)

Ang lupa ang pinakamahalaga dahil dito nakukuha ang mga hilaw na sangkap para makagawa ng produkto.

19.

Ano ang mga bagay na nakakaimpluwensiya o nakakaapekto sa paggawa ng mga produkto?

a)

salik ng produksyon

b)

salik ng distribusyon

c)

salik ng pagkonsumo

20.

Alin sa sumusunod ang hindi isang salik ng produksyon?

a)

relihiyon

b)

kapital

c)

entreprenyur

21.

Alin sa sumusunod na salik ng produksyon ang nagtatayo ng bahay-kalakal?

a)

kostumer

b)

entreprenyur

c)

suplayer

22.

Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kapital?

a)

entreprenyur

b)

kagamitan

c)

bahay-kalakal

23.

Alin sa sumusunod ang kabilang sa lakas paggawa?

a)

karpintero

b)

negosyante

c)

pari

24.

Alin sa sumusunod na katangian ang dapat taglayin ng isang entreprenyur?

a)

nasasagot ang mga tanong tungkol sa social media advertising

b)

nasasagot ang mga basikong katanungan ukol sa ekonomiks

c)

nasasagot ang lahat ng tanong ng mga konsumer

25.

Ano ang maaaring mangyari kung may isang salik ng produksyong mawala, magkulang, o maubos?

a)

magkakaroon ng kalabisan

b)

magkakaroon ng kakapusan

c)

magkakaroon ng krisis