WorksheetsREMEDIATION EXAM - TAKE 1
Total questions: 30
Worksheet time: 15mins
Ang Ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na "oikonomia". Batay sa salitang ito, ano ang kahulugan ng Ekonomiks?
Pagtugon sa walang katapusang pangangailangan ng tao.
Paggamit ng wasto sa limitadong pinagkukunang - yaman
Pagtugon sa walang hanggang kagustuhan ng tao
Pamamahala ng sambahayan
Isinasaalang mo ang presyo at kalidad ng mga produkto. Anong katangian mamimili ang taglay mo?
May alternatibo
Mapanuri
Hindi nagpapadaya
Wala sa pagpipilian
Anong batas ang nagtakda ng mga kalipunan ng mga patakarang nagbibigay ng proteksyon at nangangalaga sa Interes ng mga mamimili?
Civil Code of the Philippines
Consumer Act of the Philippines
Price Tag Law
Revised Penal Code
Alin sa mga sumusunod na pananagutan ng mga mamimili ang tungkuling alamin ang ibubunga ng pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo sa ibang mamamayan?
Pagkilos
Mapanuring kamalayan
Pagmamalasakit na panlipunan
Kamalayan na kapaligiran
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng output?
manggagawa, entrepreneur, kapital
lamesa, de lata, damit.
tubig, lupa, kahoy
D. makinarya, tela, harina
Si Mang Ben ay nagtatrabaho bilang mananahi sa lsang kilalang garment factory sa Bulacan ? Malaki ang kanyang inuuwing kita sa kanyang pamilya dahil sa madalas niyang pag oovertime. Anong salik ng produksyon ang ginagampanan ni Mang Ben?
kita
paggawa
kapital
entreprenyur
Ano ang dahilan bakit may pagkonsumo?
Dahil sa kakapusan
Dahil sa bahagi ito ng buhay ng tao
Dahil sa pagkakaroon ng ibat ibang mga okasyon
Dahil sa napakaraming pangangailangan at kagustuhan ng tao
Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang yaman tulad ng yamang Likas, yamang tao at yamang kapital. Bakit nagkakaroon ng kakapusan sa mga Ito?
Dahil limitado ang mga pinagkukunang yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
Dahil likas na malawak ang paggamit ng mga tao sa yaman ng bansa
Dahil sa mga bagyo at iba pang kalamidad na pumipinsala sa pinagkukunang yaman
Dahil sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ibinebenta sa pamilihan
Bilang isang matalino at rasyonal na mag-aaral, paano ka magsasagawa ng desisyon?
Isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan
Isaalang-alang ang trade-off at opportunity cost
Isaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon
Isaalang-alang ang mga paniniwala, mithiin, at tradisyon
Bakit mahalaga ang mga salik ng produksyon?
Dahil sa mga ito, maisasagawa ang wastong alokasyon
Dahil ito ay makatutulong sa tao sa paggawa ng tamang pagdedesisyon
Dahil sa pagsasama ng mga salik na ito, nagiging posible ang produlusyon
Dahil nagbibigyang solusyon ng mga ito ang suliraning kaugnay ng kakapusan
Naibalita na may papasok na bagyo sa bansa sa susunod na araw. Maaaring magkulang ng suplay ng produkto sa pananalasa nito. Tataas ang pagkonsumo ng tao sa kasalukuyan bilang paghahanda sa paparating na bagyo. Anong salik sa pagkonsumo ang inilarawan?
Kita
Pagkakautang
Demonstration Effect
Mga Inaasahan
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang halimbawa ng mga inaasahan bilang salik sa pagkonsumo?
Pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin
Pagbabayad ng buwanang interes sa isinanlang gamit
Pagagamit ng produktong inindorso ng paboritong artista
Pag-iimbak ng pagkain dahil sa paparating na bagyo
Paano naaapektuhan ng pagkakautang ang pagkonsumo ng tao?
Tataas ang kanyang pagkonsumo
Bababa ang kanyang pagkonsumo
Wala itong epekto sa kanyang pagkonsumo
Mababawasan ang kanyang pagkakautang
Alin sa mga sumusunod ang ginagawa ng isang matalinong konsyumer?
Gumagamit ng credit card sa pamimili at palaging inaabangan ang mga sale sa mall
Bumibili ng segunda mano upang makamura at makatipid sa pamimili na pasok sa badyet.
Bumibili nang labis sa pangangailangan upang matiyak na hindi mauubusan sa pamilihan
Sumusunod sa badyet at sinusuri ang presyo, sangkap, at timbang ng produktong binibili
Hinahayaan lamang ni Linda na nakabukas ang gripo habang siya ay naghuhugas ng pinggan. Tuloy tuloy ang tulo ng tubig na wala man lang nakasahod na planggana. Anong uri ng pagkonsumo ang ginagawa ni Linda?
Mapanganib
Produktibo
Tuwiran
Maaksaya
Ang mga sumusunod ay mga katangian na dapat taglayin upang maging matagumpay na entrepreneur maliban sa isa. Alin ang hindi kabilang dito?
Matalino at nakapagtapos ng pag-aaral
Mahusay sa inobasyon
Kakayahan sa pangangasiwa sa negosyo
May lakas ng loob na humarap at makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ng isang tao?
Pagkakautang
Mga Pangangailangan
Kita
Pagbabago ng Presyo
Alin ang tumutukoy sa paggamit at pakinabang ng mamimili sa mga produkto at serbisyo?
Pamimili
Pagkonsumo
Pagdedesisyon
Produksyon
Alin sa mga sumusunod na salik ng produksyon ang ginagamit ang lakas ng tao upang malinang at maging kapaki-pakinabang ang mga likas na yaman at hilaw na sangkap?
Entreprenyur
Paggawa
Kapital
Lupa
Anong salik sa produksyon ang itinuturing na "Kapitan ng Industriya"?
Entreprenyur
Pamahalaan
Lakas Paggawa
Kapital
Ayon kay Gregory Mankiw, ang ekonomiya at sambahayan ay maraming pagkakatulad, gaya na lamang ng paggawa ng mga desisyon. Sa mga pagpapasyang ito, magagamit ang apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiya para tugunan ang nagkukulang na yaman. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa apat na batayang tanong ng Ekonomiks?
Ano ang gagawin?
Kailan gagawin?
Gaano karami ang gagawin?
Paano gagawin?
Isa sa mahalagang konsepto sa Ekonomiks ang tungkol sa alokasyon. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa alokasyon?
Ito ay ang paggamit at paglinang ng mga likas na yaman
Ito ay tungkol sa pagpapasya at padedesisyon ng buong husay
Ito ay pag-aaral tungkol sa kagustuhan at pangangailangan ng tao
Ito ay mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang yaman, produkto at serbisyo
Alin ang iyong pangunahing pangangailangan kung pagbabatayan ang hirarkiya ng pangangailangan ni Abraham Harold Maslow?
Pangangailangang Panlipunan
Pisyolohikal
Kaganapan ng Pagkatao
Seguridad at Kaligtasan
Ano ang tinutukoy sa oppurtunity cost?
Halaga ng bagay o ng best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon ng tao
Pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay
Pakinabang na nakukuha mula sa ginawang pagpili at pagdedesisyon ng tao
Pagsusuri ng isang indibidwal sa karagdagang halaga maging ito ay gastos at kapakinabangan na makukuha sa isang matalinong pagdedesisyan
Anong sistemang pang-ekonomiya ang may mekanismo ng malayang pamilihan, kung saan sa ganitong sistema ang konsyumer at prodyuser ay kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes at pakinabang lamang?
Mixed Economy
Market Economy
Tradisyunal na ekonomiya
Command Economy
Sino ang may komprehensibong kontrol at regulasyon sa ekonomiya sa command economy?
Pamahalaan
Prodyuser
Pamilihan
Konsyumer
Sa kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas, anong uri ng sistemang pang-ekonomiya ang umiiral sa ating bansa?
Command Economy
Mixed Economy
Market Economy
Tradisyunal na ekonomiya
Alin ang hindi naglalarawan sa lipunang may market economy?
Walang buwis na ipinapataw sa kalakal
Ang pamahalaan ang may kontrol sa negosyo
Malayang nakakapasok ang mga kalakal sa pamilihan
Maraming nagtitinda ang nagpapababaan ng presyo
Alin sa sumusunod ang mga bansang nagpatupad sa sistemang command economy?
Cuba, N. Korea & Dating Unyong Sobyet
China, Japan & Singapore
Pilipinas, Indonesia, & Malaysia
USA. UK & France
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa lnput?
Makinarya
Lakas paggawa
Kapital
Yaring produkto
