wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

THE ULTIMATE KOMFIL REVIEWER

Total questions: 85

Worksheet time: 1hrs 24mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay nagmula sa unang dalawang letra ng

alpabetong Griyego na alpha at beta.

(a)  

2.

Ang tawag sa paraan ng pagbibigay-simbolo sa

wikang pasalita sa pamamagitan ng paraang pasulat.

(a)  

3.

Ang sistema ng pagbabaybay at

pagsulat bago dumating ang

mga kastila

(a)  

4.

Ang baybayin ay binubuo ng ____ pantig at ____ na katinig

(a)  

5.

Pagsusulat na Ipinakilala ng mga kastila

(a)  

6.

“Kung ano ang bigkas siyang

sulat, kung ano ang tunog ay

siyang titik, at kung ano ang

sulat ay siyang basa”.

(a)  

7.

Sino ang sumulat o naggawa ng Abakada?

(a)  

8.

Ano anong mga letra ang naidagdag sa "Makabagong alpabetong Filipino" ?

(a)  

9.

Ang Abakada ay may ____ katinig at ____ na pantig

(a)  

10.

ito ay mga tunog na

ginagamitan ng mga katumbas na letra upang mabasa at

mabigkas.

(a)  

11.

Ang salitang WIKA ay nagmula sa salitang

LATIN na LENGUA na ang literal na

kahulugan ay “ (a)   ”.

12.

Ayon sa (a)  

“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.

Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at

pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at

sa iba pang mga wika "

13.

Katutubong Wikang Pinagbatayan ng Pambansang Wika ng Pilipinas sang ayon sa Saligang Batas ng 1935

  • - 1937 noong iprinoklama ng Pangulong Quezon



(a)  

14.

Wikang Pambansa na

itinalaga matapos

magkaroon ng hindi

pagkakaunawaan ang

mga dialekto sa

Pilipinas.

(a)  

15.

Kasalukuyang tawag

sa Pambansang wika

ng Pilipinas, Lingua

Franca ng mga

Pilipino/ Pilipinas at

isa sa mga opisyal na

wika sa Pilipinas

kasama ng Ingles

(1987)

(a)  

16.

Kahulugan ng SWP + YEAR

(a)  

17.

Kahulugan ng LWP + YEAR

(a)  

18.

Kahulugan ng KWF + YEAR

(a)  

19.

Sino ang nagsabi na

" ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang

tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo

upang magamit ng mga taong kabilang sa isang

kultura "

(a)  

20.

8 KATANGIAN NG WIKA

" Ang wika ay may tiyak na dami ng mga

tunog na pinagsama sama sa isang

sistematikong paraan upang makabuo ng

mga makabuluhang yunit tulad ng mga

salita. "

(a)  

21.

8 KATANGIAN NG WIKA

" Ang bawat wika ay pinili

at isinasaayos sa paraang pinagkasunduan

ng pangkat ng mga taong gumagamit nito.

Ang mga tunog na binibigkas ay pinili at

isinaayos para sa layunin ng mga

gumagamit.. "

(a)  

22.

8 KATANGIAN NG WIKA

" Dahil sa patuloy na pagbabago ng panahon, nagbabago

rin ang wika. Kung paano mabilis na nagbabago ang

panahon, gayon din kabilis nagbabago ang wika.. "

(a)  

23.

8 KATANGIAN NG WIKA

" Taglay ng wika ang mga tuntunin na

makabuo at makalikha ng mga salita,

parirala, sugnay at pangungusap na

kailanman ay hindi pa nababasa o

naririnig. "

(a)  

24.

8 KATANGIAN NG WIKA

" Ang kultura at wika ay dalawang bagay na

di mapaghihiwalay. Ang wika ay aspekto ng

kultura. Ang kultura ay binubuo ng mga

ideolohiya o pangkalahatang pananaw ng

mga tao na nabibilang sa isang lipunan. "

(a)  

25.

8 KATANGIAN NG WIKA

" Ang bawat wika ay may kanya kanyang sariling

set ng mga tunog, mga yunit panggramatika at

kanyang Sistema ng palaugnayan. "

(a)  

26.

8 KATANGIAN NG WIKA

" Ang komunikasyon na galing sa salitang

Latin na communis – to work publicly with

ay nagbibigkis sa mga tao para magkaisa. "

(a)  

27.

8 KATANGIAN NG WIKA

" Ang bawat wika ay may kanya kanyang sariling

set ng mga tunog, mga yunit panggramatika at

kanyang Sistema ng palaugnayan. "

(a)  

28.

8 KATANGIAN NG WIKA

" Maraming mga tunog sa paligid na

makahulugan ngunit hindi lahat ay

maituturing na wika. "

(a)  

29.

ito ay ang mga salitang

istandard dahil kinikilala,

tinatanggap at ginagamit ng

higit na nakararami lalo na ng

mga nakapag-aral ng wika.

(a)  

30.

Mga salitang palaksak o

karaniwang ginagamit sa

pang araw-araw na

pakikipag-usap sa mga

kakilala at kaibigan.

(a)  

31.

ang antas ng wikang ito ay

ginagamit sa punong-lungsod ng

bansa may iisang paraan ng

paggamit tulad ng

pagpapakahulugan, bigkas, tono

at kayarian ng mga salita.

(a)  

32.

mga salitang malalim,

matalinghaga at masinig at

kadalasang nakikita sa mga

akdang pampanitikan tulad

ng tula, maikling kwento

nobel at iba pa.

(a)  

33.

Ang antas ng wikang ito ay ginagamit sa

isang tiyak na lugar at ginagamit ng tiyak

na pangkat ng mga tao sa isang komunidad

o lalawigan.

(a)  

34.

Ang antas ng wikang ito ay karaniwang

ginagamit sa pang-araw araw na

pakikipag-ugnayan ng tao.

Ang kayarian ng mga salita ay napapaikli at

mas nagiging madali ang paggamit ng mga

salita sa mga impormal na pakikipag

diskurso sa paraang salita.

(a)  

35.

itinuturing na

pinakamababang antas ng mga salita at

karaniwan ginagamit sa kalye at may

kayariang binabaliktad.

Ito ay katumbas ng slang sa ingles. Hindi

sumusunod sa wastong gramatika at

kadalasang sinasalita ng mga taong di

nakapag aral.

(a)  

36.

Sinabi nya na

" Ang wika ay natutunan dahil ito ay

may ginagampanang tungkulin o

gamit "

(a)  

37.

MGA GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon

sa mga pangangailangan ng tao gaya ng

pakikipag-ugnayan sa iba.

(a)  

38.

MGA GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

Ginagamit ang wika sa pagbibigay ng

gabay sa kilos ng isang tao. Nagagawa

nitong kontrolin ang tao sa dapat at

hindi dapat nitong gawin.

(a)  

39.

MGA GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

Ginagamit ang wika sa pagpapanatili ng

magandang samahan at pagpapatatag ng

relasyong sosyal sa pagitan ng mga

indibiduwal.

(a)  

40.

MGA GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

Ginagamit ang wika sa pagpapalabas ng

saloobin o pagpapahayag ng sariling

damdamin, opinion at pananaw sa buhay.

(a)  

41.

MGA GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

Ginagamit ang wika sa pagtatanong

upang mangalap ng mga impormasyong

may sapat na basehan o masusing

pinag-aaralan.

(a)  

42.

MGA GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

Ginagamit ang wika sa pagpapalawak ng

imahinasyon o pagpapagana ng

imahinasyon ng isang tao.

(a)  

43.

baybayin ang salitang

enrique

(a)  

44.

Mula sa salitang latin na “discursus” na

nangangahulugan ng argumento. Isang berbal na

pagpapalitan ng mga ideya. Tumutukoy ito sa

paggamit ng wika sa paraan ng pagpapahayag ng

mga ideya. At sa pang-unawa kung paano ang

wika.

(a)  

45.

DALAWANG ANYO NG DISKURSO

________ DISKURSO

______ NA DISKURSO

(a)  

46.

APAT NA URI NG DISKURSO

Isang paraan ng pagpapahayag na

nagkukuwento. Naghahayag ito ng

pagkasunod sunod na pangyayaring

kailangang pagalawin nang maunlad tungo

sa tiyak na katapusan.

(a)  

47.

APAT NA URI NG DISKURSO

Isang uri ng pagpapahayag na pagpapakita

ng hugis, kabuuan o kaanyuan sa

pamamagitan ng mga salitang panlalarawan.

Layunin ng talatang naglalarawan ang

makabuo ng malinaw na imahinasyon sa

mambabasa o nakikinig

(a)  

48.

APAT NA URI NG DISKURSO

Ginagamit ito sa lahat ng pagkakataon sa ibat

ibang larangan. Ito ay isang paraan ng

pagpapahayag na nagbibigay impormasyon o

kaalamang nagbibigay linaw o sagot sa

pag-aalinlangan o kamangmangan.

(a)  

49.

APAT NA URI NG DISKURSO

Isang uri ng akdang naglalayong magpahayag ng

paninindigan o paniniwala, kuro-kuro, palagay o

opinion at katotohanan.

(a)  

50.

URI NG PAGLALAHAD

isang pagpapahayag ng isang manunulat ng kanyang mga

ideya, kaisipan, pananaw o damdamin kaugnay ng isang paksa.

(a)  

51.

URI NG PAGLALAHAD

ang paglalahad ng mga panuto o pamamaraan

ang siyang nagiging batayan upang maingat na masundan ang isang

Gawain

(a)  

52.

URI NG PAGLALAHAD

ang mahusay na pagsusuri ay bunga ng maingat na pagbubusisi

ng isang manunuri sa bawat detalyeng nakapaloob sa akda o pelikula.

(a)  

53.

URI NG PAGLALAHAD

isang uri ng eksposisyon na naglalayong ipahayag ang

pananaw ng isang pahayagan o ng isang manunulat kaugnay ng isang

isyu, mapa-sosyal, pulitikal ispiritwal o kultura man.

(a)  

54.

URI NG PAGLALAHAD

isang anyo ng pagpapaliwanag sa dahilang nagbibigay ito ng

mga tiyak at malinaw na detalye kaugnay ng isang mahalagang

pangyayari na madalas ay kagaganap pa lamang.

(a)  

55.

URI NG SALAYSAY

nangangailangan ito ng isang paksang

may kakayahan o personalidad at ang buhay niya ay lipos ng mga

katangiang di-karaniwan.

(a)  

56.

URI NG SALAYSAY

nakapagbibigay ng tanawin sa guni-guni ang

ganitong uri. Kinakailangan mabigyang buhay at kaluluwa ang mga

tauhan ng kasaysayan.

(a)  

57.

URI NG SALAYSAY

layunin nitong makapagbigay at

makapag-iwan sa mambabasa o tagapakinig ng kailangang italang ang

pangyayari

(a)  

58.

URI NG SALAYSAY

binibigyan tuon dito ang maliliit na

pangyayari sa buhay upang mabigyang kulay o hugis sa pamamagitan

ng sariling pagpapakahulugan sa akda.

(a)  

59.

URI NG SALAYSAY

ang uring ito ay tungkol sa mga

karanasang kaugnay sa paglalakbay o pagpunta sa ibat ibang pook.

(a)  

60.

Ito ang pag-aaral ng tunog.

(a)  

61.

DALAWANG URI NG PONEMA

Ito ang mga tunog na ginagamitan ng

mga katumbas na letra o titik upang

mabasa o mabigkas.

(a)  

62.

DALAWANG URI NG PONEMA

Ito ang mga pantulong sa ponemang

segmental na siyang dahilan kung bakit

higit na nagiging mabisa ang ating

paggamit ng 21 ponemang segmental sa

ating pakikipagtalastasan.

(a)  

63.

PONEMANG SEGMENTAL

ang tawag sa alin mang

patinig na sinusundan ng malapatinig

na /w/ o /y/ sa loob ng isang pantig.

(a)  

64.

PONEMANG SEGMENTAL

tinutukoy nito ang mga salitang

katutubong may nagkakapalitang

ponema nang hindi nagbabago ang

kahulugan.

(a)  

65.

PONEMANG SEGMENTAL

ito ang mga pares ng

salita na magkaiba ang kahulugan

ngunit magkatulad sa bigkas maliban

sa isang ponema.

(a)  

66.

PONEMANG SEGMENTAL

ito ang mga magkasunod na

magkaibang katinig sa isang pantig, sa

isang pantig na maaaring matagpuan sa

posisyong inisyal o posisyong pinal ng

pantig

(a)  

67.

PONEMANG SUPRASEGMENTAL

ito ang taas-baba na iniuukol sa

pagkabigkas ng pantig ng isang salita

upang higit na maging mabisa ang

pakikipag usap natin sa ating kapwa.

(a)  

68.

PONEMANG SUPRASEGMENTAL

tumutukoy

sa haba ng bigkas na inuukol ng

nagsasalita sa patinig ng pantig ng salita.

Ang diin naman ay tumutukoy sa lakas ng

bigkas sa pantig ng salita.

(a)  

69.

PONEMANG SUPRASEGMENTAL

bahagyang pagtigil sa

pagsasalita upang higit na maging

malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa

kausap.

(a)  

70.

Pag-aaral ng salita

(a)  

71.

ang pinakamaliit na yunit ng

isang salita na nagtataglay ng kahulugan.

Ito ay may tatlong uri

(a)  

72.

MGA ANYO NG MORPEMA

paggamit ng makahulugang tunog o ponema sa Filipino

na nagpapakilala ng gender o kasarian.

a)

Morpemang ponema o morpemang

binubuo ng isang ponema.

b)

Morpemang di-Malaya (panlapi)

c)

Morpemang Malaya (salitang ugat)

73.

MGA ANYO NG MORPEMA

ang panlapi ay isang morpema na ikinakabit sa isang

salitang-ugat upang makabuo ng isang bagong salita o

anyo ng salita.

a)

Morpemang ponema o morpemang

binubuo ng isang ponema.

b)

Morpemang di-Malaya (panlapi)

c)

Morpemang Malaya (salitang ugat)

74.

MGA ANYO NG MORPEMA

Ito ang mga salitang-ugat o tinatawag ding payak ang anyo o

kayarian dahil may taglay itong tiyak na kahulugan.

a)

Morpemang ponema o morpemang

binubuo ng isang ponema.

b)

Morpemang di-Malaya (panlapi)

c)

Morpemang Malaya (salitang ugat)

75.

URI NG PANLAPI

ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat.

(a)  

76.

URI NG PANLAPI

panlaping isinisingit sa pagitan ng unang katinig at kasunod nitong

patinig.

(a)  

77.

URI NG PANLAPI

Ito ay mga panlaping matatagpuan sa hulihan ng salitang-ugat.

(a)  

78.

URI NG PANLAPI

panlaping nasa unahan at hulihan ng salitang-ugat.

(a)  

79.

URI NG PANLAPI

panlaping nasa unahan, gitna at hulihan ng salitang-ugat.

(a)  

80.

nakapokus sa pagsasama ng mga salita para

makabuo ng pangungusap na may kahulugan.

Pag-aaral ng estraktura ng pangungusap

(a)  

81.

lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong

diwa.

(a)  

82.

2 BAHAGI NG PANGUNGUSAP

ang tawag sa paksang

pinag-uusapan sa pangungusap

(a)  

83.

2 BAHAGI NG PANGUNGUSAP

ang tawag sa naglalarawan

sa simuno

(a)  

84.

kung ang panaguri ay nauuna kaysa simuno o paksa.

Halimbawa:

Nagtatagumpay sa buhay ang taong masisipag.

(a)  

85.

kung ang simuno o paksa naman ang nauuna kaysa sa

panaguri. Ang panandang “ay” ang kadalasang makikita

sa mga pangungusap na nasa di-karaniwang ayos.

Halimbawa:

Ang taong masisipag ay nagtatagumpay sa buhay.

(a)