WorksheetsAP10_2ND QTR_REVIEWER
Total questions: 30
Worksheet time: 15mins
Mabilis ang paglaganap ng mga impormasyon sa panahong kasalukuyan gamit ang internet. Ano ang proseso ng pakikipag-ugnayan at pagsasama-sama sa pagitan ng mga tao, mga kompanya at mga pamahaalan sa buong mundo?
Globalisasyon
Kooperasyon
Kontrakwalisasyon
Malaki ang naging papel ang globalisasyon sa ating pamumuhay at sa buong mundo. Bakit maituturing na isang isyung panlipunan ang globalisasyon?
Sapagkat maraming kabataan ang napapariwara dahil sa kanilang mga magulang na pinili mangibang bansa.
Sapagkat patuloy ang pagdami ng mga makabagong teknolohiya na nagdudulot ng paglimot sa kultura ng ating bansa.
Sapagkat direkta nitong binago, binabago at hinahamon ang sistema ng pamumuhay at mga institusyon na matagal nang naitatag.
Malawak ang dimensyon at malaki ang pagbabagong dulot ng globalisasyon sa ating lipunan. Alin sa sumusunod ang HINDI nagsasaad ng paniniwalang pinagmulan ng globalisasyon?
Ang globalisasyon ay pinaniniwalaang dumaan sa anim na “wave”o panahon.
Ang paniniwalang ang globalisasyon ay mula sa partikular nabahagi ng kasaysayan na marami ang pinag-ugatan.
Ang paniniwalang ang globalisasyon ay nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo at walang kaugnayan sa mga pangyayaring naganap sa nakalipas.
Alin sa sumusunod na artikulo at seksyon ng Saligang Batas ng 1987 ang nagsasaad na ang estado ay dapat magkaroon ng buong proteksyon ang mga mangaggawa, lokal man at ibang bansa, organisado at hindi organisado, at itaguyod ang pagtatrabaho at pagkakapantay-pantay ng mga oportunidad sa pagtatrabaho para sa lahat?
Artikulo XI, seksyon 3
Artikulo XIII, seksyon 2
Artikulo XIII, seksyon 3
Alin sa sumusunod ang tawag sa mga taong nagpupunta sa ibang lugar o bansa na walang dokumento, walang permiso para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan?
Irregular Migrants
Temporary Migrants
Permanent Migrants
Bakit higit na mapanganib para sa kababaihan kaysa kalalakihan ang pangingibang-bansa?
Mas madalas silang maabuso.
Hindi maganda ang nakukuha nilang trabaho.
Naiiwan nila ang kanilang mga anak nang walang nag-aalaga
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pananaw o perspektibo tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon?
Ito ay pinaniniwalang nakaugat sa bawat isa.
Ito ay pinaniniwalaang may anim na “wave” o epoch.
Ito ay nakaugat sa pamayanang binubuo ng mayayaman.
Alin sa sumusunod na pahayag ang maglalarawan sa binago ng globalisasyon sa sistema ng hanapbuhay ng mga Pilipino?
Pagdami ng bilang ng mga Pilipinong gumagamit ng makabagong teknolohiya.
Patuloy na pagtatayo ng negosyo ng mga dayuhan sa ating bansa.
Pagdagsa ng Business Process Outsourcing (BPO) sa ating bansa.
Alin sa sumusunod na tugon ang maaaring mong gawain kung ikaw ay isang miyembro ng lipunan at nakikita mo na ang epekto ng globalisasyon sa politika, ekonomiya, teknolohiya at kultura?
Gawing hamon sa buhay ang mabuti at masamang epekto ng globalisasyon.
I-post sa social media ang damdamin tungkol sa epekto ng globalisasyon.
Palawakin at linangin ang mabuting epekto ng globalisasyon.
Alin sa sumusunod ang HINDI tumutukoy sa epekto ng globalisasyon?
Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigdigang pamilihan.
Ang palagiang pangingibang bansa ng mga artista para magbakasyon o umiwas sa mga intriga na ipinupukol sa kanila ng mga taong galit sa kanila.
Binago ng globalisasyon ang pook pagawaan at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa.
Si Aldreech at ang kanyang pamilya ay lumipat ng bahay dahil mas malapit ito sa kanyang pinapasukan trabaho at malapit din sa paaralan ng kaniyang anak. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa paglipat sa loob ng bansa ng mga migrante na
magmumula sa bayan, lalawigan o rehiyon patungo sa ibang pook?
Panloob na migrasyon
Panlabas na migrasyon
Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pagrerecruit, pagdadala, pagtatago at pagtanggap ng mga tao sa pamamagitan ng hindi tamang pamamaraan tulad ng dahas at pagkidnap?
Slavery
Human Trafficking
Forced Labor
Maraming mga Pilipino ang nangangarap na makapunta sa ibang bansa. Alin sa
sumusunod ang pangunahing dahilan ng pangingibang bansa ng mga Pilipino?
Makapag-aral sa mga kilalang unibersidad sa ibang bansa.
Makapagbisita at makapaglibang sa mga makasaysayang pook.
Magkaroon ng magandang oportunidad na makapagbibigay sa kanila ng maayos na buhay
Kapag pinag-uusapan ang migrasyon ukol sa ekonomiya ng isang bansa, alin sa sumusunod ang higit na nakatutulong at nakapagpapaganda ng ekonomiya ng Pilipinas na idinidulot ng mga OFW’s?
Pagbili ng mga kalakal ng OFW sa bansang kanilang napupuntahan.
Pagdami ng mga OFW kung kaya sa ibang bansa na sila umaasenso.
Pagtaas ng mga remittances na naipapadala ng mga OFW sa Pilipinas.
Mabilis lumago ang globalisasyon lalo na sa panahong kasalukuyan, Alin sa
sumusunod ang nagsasaad ng dahilan kung bakit lumago ang kaisipang globalisasyon?
Sa pagsulong ng teknolohiya, politika at transportasyon
Sa pagsulong ng kooperasyon, bayanihan at komunikasyon
Sa pagsulong ng teknolohiya, kooperasyon at komunikasyon
Alin sa sumusunod ang HINDI naging epekto ng globalisasyon sa buong daigdig?
Pagpapalitan ng kalakal at kultura
Pagtutulungan sa paglutas ng suliranin
Pagsasarili ng mga mahihirap na bansa
Ang labor-only contracting ay pinagbabawal ayon sa batas. Ano ang dapat gawin o tugon ng pamahalaan sa mga kompanya na patuloy na nagsasagawa nito?
Huliin ang mga malalaki lamang na kompanya at pabayaan ang mga maliiit.
Imbestigahan ito at ipatupad ang kaparusahan nang naaayon sa nakasaad sa batas.
Bigyan ng isa pang pagkakataon ang mga kompanya upang ayusin ang sistema.
Mahalaga na pag-iisipan ng maigi ang lahat ng iyong desisyon sa buhay, bilang isang mag-aaral, ano ang dapat mong gawing paghahanda upang hindi mapabilang sa mga Pilipinong walang trabaho sa hinaharap?
Pagtuunan ng pansin ang bagay na magbibigay ng kasiyahan sa kasalukuyan.
Sundin ang mga hilig ng kaibigan upang sabay sabay na makapaghanap ng trabaho.
Pagbutihin ang pag-aaral sa kasalukuyan at hasain pa ang mga kasanayan na magagamit sa pagtatrabaho sa hinaharap.
Alin sa sumusunod ang dapat isaalang - alang ng pamahalaan sa pagbuo ng desisyon sa pagtaas ng sahod ng mga manggagawa?
Ang kakayahan ng mga employer na magbigay ng umento sa sahod.
Ang kakayahan ng mga employer at pangangailangan ng mga manggagawa.
Ang pangangailangan ng mga manggagawa, kakayahan ng employer at pangangailangan o lagay ng ekonomkiya.
Alin sa sumusunod ang nagpalala sa kawalan ng trabaho na humatong din sa pagkamatay ng maraming tao sa mundo?
Hindi pagkakaunawaan ng China at USA.
Pag-aagawan ng mga teritoryo sa West Philippine Sea.
Nakapagpalala ng Corona Virus Infectious Disease o COVID-19.
Malaking hamon ang globalisasyon sa kaunlaran ng ating bansa. Paano makakasabay ang Pilipinas sa hamon ng globalisasyon?
Pigilan ang pagpasok ng mga dayuhan sa Pilipinas upang walang maging kaagaw ang mga Pilipino sa mga oportunidad sa ating bansa.
Kailangan pasimulan ang rebelyon sa impyeyalistang globalisasyon at
mga dikta ng International Monetary Fund at World Bank dahil kapag nanatili sunud-sunuran, lulubog sa krisis ang bansa.
Kailangan ng patakaran sa industriyalisasyon ng eknomiya upang mabawasan ang brain drain ng mga Pilipino, magkaroon ng mondernisasyon sa agrikultura upang matugunan ang kakulangan sa pagkain.
Ang ating Pangulong Bongbong Marcos ay nagnanais na paigtingin ang agrikultura sa ating bansa upang makasabay ito sa mga hamon ng globalisasyon. Kung ikaw ay kasama bilang kawani ng Department of Agrarian Reform o DAR, alin sa sumusunod ang maaari mong imungkahi sa ating pangulo na siyang makatutulong sa pagpapaunlad ng ating agrikultura?
Pag-aralin ang mga magsasaka upang lumawak ang kanilang kaalaman sa
pagsasaka.
Bigyan ang mga magsasaka ng iba pang pagkakakitaan upang magkaroon sila ng sapat na kita para sa kanilang kabuhayan.
Magkaroon ng pangmatalagang programa para sa magsasaka na magbibigay sa kanila ng pondo upang lumago ang kanilang kita.
Maraming nangangarap na mangibang bansa dulot nh kahirapan sa buhay. Nangangamba ang mga ekonomista na maapektuhan ang ekonomiya dulot ng brain drain at brawn drain na epekto ng migrasyon. Kung ikaw ay magiging economic adviser ng ating pangulo, alin sa sumusunod ang maaari mong gawin upang masolusyunan ang isyung ito?
Gumawa ng comic strip na nagpapakita ng estado ng Pilipinas.
Gumawa ng isang poster slogan upang huwag umaalis ang mga Pilipino
Gumawa ng isang developmental plan na tutugon sa mga isyu ng migrasyon.
Pinangangambahan ng mga pinuno at mga mamamayan ng iba’t ibang bansa ang dumarami at lumalalang kaso ng transnational crimes tulad ng terorismo na isa sa mga epekto ng globalisasyon. Kung ikaw ay kasapi ng Kongreso sa paggawa ng mga polisiya, paano mo tatayahin ang isang epektibong polisiya?
Ang polisiya ay tatalakayin ayon sa nilalaman, organisasyon at datos o estadistika.
Ang polisiya ay tatayahin ayon sa nilalaman, sistematikong pamamaraan at may impak sa manunuod.
Ang polisiya ay tatayahin ayon sa nilalaman, organisasyon, kaangkupan at sistematikong pamamaraan.
Isa sa mga pagtugon ng ating bansa sa pagbabagong dulot ng globalisasyon sa paggwa ay ang pagbabago ng ating kurikulum upang makasabay ang mga mag-aaral na magsispagtapos sa standard na itinakda ng pandaigdigang mamumuhunan. Bakit patuloy ang pagtaas ng porsiyento ng suliranin ng job-mismatch sa bansa?
Hindi lahat ng nagtapos ng sekondarya ay nakapagpatuloy sa kolehiyo kaia nagiging dahilan ng tinatawag na job-mismatch.
Madalas ay ang kursong kanilang natapos ay hindi nakabatay sa pangangailangan ng mga namumuhunan o kompanya.
Maraming kurso at kolehiyo sa bansa ang hindi tumutugon sa pangangailangan ng mga pribadong kompanya na nagtatakda.
Ang Pilipinas, sa pamumuno ni dating Pangulong Manuel L. Quezon ay tumutulong at tumatanggap ng mga Jews refugees. Noong 1930 nasa 1,200 ang dumating sa kanilang bansa. Ano ang dahilan ng paglipat ng mga Jews sa Pilipinas?
Para sa malaking oportunidad sa trabaho sa ibang bansa
Para sa paghahanap ng ligtas at payapang tirahan
Para sa mas mataas na kalidad ng edukasyon
Maalaga at maruga ang ating mga OFW. Bakit malugod na tinatanggap ng ilang mayayamang bansa ang mga migrante mula sa mahihirap na bansa?
Naghahanap sila ng matutulungang bansa.
Nakararanas sila ng pagbaba ng populasyon.
Nangangailangan sila ng mga domestic helper.
Ang pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na tinatawag na Guarded Globalization ay naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyang proteksyon ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante . Alin sa sumusunod ang natataya ang epekto ng globlisasyon
bilang isyung panlipunan?
Pagpapataw ng buwis o taripa sa lahat ng produkto at serbisyong nagmumula sa labas ng bansa upang tumaas ang halaga nito kumpara sa presyo ng mga produktong lokal.
Malayang makapasok ang mga kalakal na nagmumula sa labas ng bansa
upang magkaroon ng pantay na kompetisyon ang dayuhang kalakal sa lokal na pamilihan.
Pagpapataw ng buwis o taripa sa lahat ng podukto at serbisyong nagmumula sa lokal na namumuhunan upang tumaas ang presyo ng kanilang produkto ng sa gayon ay lumaki ang kanilang kita.
Ang sektor ng industriya sa ating bansa ay lubusan ding naapektuhan ng globalisasyon. Maraming dayuhang kompanya ang nakapasok sa ating bansa bunsod ng pandaigdigang kasunduan ng Pilipinas sa iba’t ibang pandaigdigang institusyong pinansyal. Alin sa sumusunod na pahayag ang bunga ng deregularisasyon sa mga polisiya ng estado sa uasaping paggawa?
Ang pamantayang pangkasanayan at kakayahan, pagpili at pagpapasahod ay nakabatay sa polisiya ng dayuhang mamumuhunan.
Maraming oportunidad sa mga mangagawang Pilipino sa labas ng bansa na nagiging dahilan ng pagka-ubos ng lakas paggawa ng bansa.
Naiiwasan ang iba’t iabang anyo ng oang-aabuso sa karapatan ng manggagawa dahil ang mga patakaran ay nakabatay sa pandaigdigang kasunduan.
Isa sa mga kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino sa Pilipinas ay ang pag-iral ng sistema ng mura at flexible labor. Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa konsepto ng mura at flexible labor?
Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at tinutubo sa pagpapatupad ng malaking pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng malaking pasahod at pagpapahaba sa panahon ng ng paggawa ng mga manggagawa
