NEW
Font size
WorksheetsPANITIKAN
Total questions: 60
Worksheet time: 30mins
1. Ano ang tawag sa tunggalian sa pagtula ng isang babae at lalaki?
balitaw
siday
luwa
gozos
Sa tulang Bus Papuntang Camarines Sur ay inihambaning ang masidhi at mainit na pagmamahal ng mga Bikolano sa isang __________.
a. Atsal
a. Bawang
a. Sili
a. Sibuyas
1. Cebuano ang wikang ginagamit hindi lamang sa Gitnang Visayas kundi ng halos sang-apat na bahagi ng Pilipinas. Saan galing ang salitang Cebuano na ang ibig sabihin ay lumakad sa tubig.
a. Saloma
a. Sugbo
a. Dayegon
a. Subuhanon
1. Ibigay ang kahulugan ng salitang “kaliluhan” na mula sa kwentong Prinsesa ng Kumintang.
a. Matinding hinanakit
a. Kataksilan
a. Kawalang tiwala
a. A, B at C
1. Bakit ang pag-aaral ng panitikan sa kasalukuyan ay nakabatay sa kognitibo at kultural na aspeto?
a. Pagpapaunlad ito sa pampag-iisip ng mga kabataan at pagpapatibay sa sariling pagkakilanlan.
Panlunas na tumutugon sa mga tao upang makapagplano sa sariling buhay at matugunan ang suliranin sa lipunan.
Naipapakita ang angking talino at kakayahan ng mga taong lumikha ng mga kamangha-manghang piyesa
Naipapakita ang kultura ng mga tao at kung paano sila namumuhay sa kasalukuyan
Ang “Anong Batangueno ang mag-aatubili sa Independensya?” ay isang simbolismo at pahiwatig sa kwentong Prinsesa ng Kumintang na nangangahulugang ________?
Ang mga sulyap niya ay parang nang-aakit
Masyadong matalas ang balisong
Nagpakita ng interes ang dalaga
Lahat ng Pilipino ay umaasam ng kasarinlan
Anong Rehiyon ang binubuo ng mga probinsya ng Bukidnon, Camiguin, Lanao del Norte, Misamis Occidental, at Misamis Oriental?
Hilagang Mindanao (Rehiyon X)
Davao (Rehiyon IX)
Peninsula ng Zamboanga (Rehiyon IX)
SOCCSKSARGEN (Rehiyon XII)
Ang sumusunod ay sinasabi ng panig ng pangaral hinggil sa pagdidisiplina ng anak maliban sa isa. (Ano ang Nakakapabuti para sa Anak, Pamalo o Pangaral?)
Mapapatino mo ang iyong anak sa paraan ng pangaral dahil hindi tiyak na mapapabuti ito sa paraan ng pagpalo kaya mas mainam ang pangaral
Ang pagiging malambot sa mga anak ay magdudulot ng ugaling “laki sa layaw”
Pangaral dahil pag pamalo ang gamit ay hindi matututo ang bata kundi lalo lamang titigas ang ulo ngunit kapag pangaral ay matututo ang bata dahil malalaman nila kung ano ang dapat gawin
Pangaral dahil ito ay importante sa ating buhay at ito lang din ang pag-asa para miging maganda ang ating kinabukasan
Ibigay ang kahulugan ng salitang “nalulugami” na mula sa kwentong Prinsesa ng Kumintang
Nadidismaya
A, B, at C
Nalulumbay
Nababahala
1. Malawak ang sakop ng katutubong Panitikan sa Visayas, marami itong bugtong, sawikain, awit , mga kwento na sa kanila ay Sugilanon at ang tula na tinatawag nilang ____________.*
a. Asoy
a. Hurabaton
a. Binalaybay
a. Paktakon
Bunga na din ng impluwensya ng mga kalapit na lalawigan, nagkaroon ng ilang _______ ang wika ng mga Bikolano.*
Malayo-Polynesian
a. Barayti
4,000 na hiram na salita sa mga Kastila
5,000 na hiram na salita sa mga Kastila
1. Ang may salin ng kwentong Tikbalang ay si _________.*
a. Carlo A. Arejola
a. Jose Reyes
Araceli Calomos-Delgado
a. Merlinda C. Cantre
Ito ay ang ikalawang pinakamalaking pulo sa katimugang bahagi ng Pilipinas at isa sa tatlong pinakamalaking grupo ng mga isla sa bansa.*
a. Visayas
a. LuzViMinda
a. Luzon
a. Mindanao
Ito ay dating Kanlurang Mindanao, ay matatagpuan sa tangway ng mismong pangalan
a. SOCCSKSARGEN (Rehiyon XII)
a. Davao (Rehiyon IX)
a. Peninsula ng Zamboanga (Rehiyon IX) 10
a. Hilagang Mindanao (Rehiyon X)
1. Ayon sa may akda ng Kung Penafrancia Fyesta, hindi niya malilimot ang pista ng Penafrancia dahil doon niya nakilala ang kanyang naging __________.*
a. Patron
a. Publishing company
a. Matalik na kaibigan
a. Kabiyak
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng dulang patula MALIBAN SA ISA
a. Karilyo
a. Anekdota
a. Senakulo
a. Panuluyan
Ito ay tumatalakay sa kasaysayan ng pananampalataya sa Indiya. Ipinapalagay itong pinakamahabang epiko sa buong daigdig
a. Mahabharata
a. Illiad at Oddysey ni Homer
Koran mula sa Arabia
a. Banal na Kasulatan o Bibliya
1. Tulad ng sa mga Tagalog, ang mga mamamayan ng rehiyon ng Bikol ay may dyalektong mula sa _______.*
Malayo-Indonesian
a. Kastila
a. Malayo-Polynesian
a. Hapon
Ibigay ang kahulugan ng pahayag mula sa kwento ng Prinsesa ng Kumintang “ Mula sa plato ng putsero ay iniangat ni Elisa ang magandang mukha at sinipat ng tingin ang binatang abogado.*
Ang mga sulyap niya ay parang nang-aakit
a. Ang dalaga ay interesado sa kanilang usapan
Nagpakita ng interes ang dalaga sa binata
a. Parang nanunudyo ang dalaga
Saang bahagi ng Pilipinas ang tinaguriang “Prinsesa ng Kabisayaan”?
a. Silangang Visayas
a. Kanlurang Visayas
a. Visayas
a. Gitnang Visayas
1. Sa Alamat ng Bulkang Mayon, anong paraan pinapakita at pinaparamdam ni Panganoron ang pangungulila kay Daragang Magayon.*
Kapag ang bundok ay bumubuga ng maiinit na bato
Kapag ang tuktok ng bulkan ay napapalibutan ng mga hamog at ulap.
Tuwing umuulan subalit nagbubuga ng maiinit na bato ang bulkan
Tuwing lumilindol dahil sa bulking Mayon
1. Ang sumusunod ay sinasabi ng panig ng pangaral hinggil sa pagdidisiplina ng anak maliban sa isa. (Ano ang Nakakapabuti para sa Anak, Pamalo o Pangaral?)*
Pangaral dahil pag pamalo ang gamit ay hindi matututo ang bata kundi lalo lamang titigas ang ulo ngunit kapag pangaral ay matututo ang bata dahil malalaman nila kung ano ang dapat gawin
a. Pangaral dahil ito ay importante sa ating buhay at ito lang din ang pag-asa para miging maganda ang ating kinabukasan.
Mapapatino mo ang iyong anak sa paraan ng pangaral dahil hindi tiyak na mapapabuti ito sa paraan ng pagpalo kaya mas mainam ang pangaral
Ang pagiging malambot sa mga anak ay magdudulot ng ugaling “laki sa layaw”
1. Ang Kapitan Heneral at mga pari ay nagsisipaglaro ng baraha isang araw ng Disyembre samantalang naghihintay ng ___________ (Los Banos, El Filibusterismo).*
a. Oras ng Hapunan
a. Oras ng Siesta
a. Oras ng Agahan
Oras ng Pananghalian
1. Sa anong aklat na nakasulat na pinaniniwalaang ninuno ng mga Bisaya ang mga datu at ang kanyang tagasunod?*
a. librong Rabii
a. librong Maragtas
a. librong Saomi ditoy
a. librong Baltazar
Tawag sa pagalingan at paunahan sa pagsagwan sa Bikol River ay tinatawag na _________.*
a. Regata
a. Regeta
a. Reggatta
a. Regatta
Ang _____________ ay salitang Bikol na palambing na pagtawag sa isang sinisinta o minamahal
a. Ba
a. Padaba
a. Padangat
a. Lahat ng nabanggit
1. Ang sumusunod ay sinasabi ng panig ng pamalo hinggil sa pagdidisiplina ng anak maliban sa isa. (Ano ang Nakakapabuti para sa Anak, Pamalo o Pangaral?)*
Makikitang nagsisisi ang anak kapag ang disiplinang gamit ay pamamalo
Mas mainam na ang anak ay manatili sa bahay at magbasa ng mga aklat
Ang pamamalo sa anak ay isang indikasyon na mahal niya ito
a. Ang pagiging malambot sa mga anak ay magdudulot ng ugaling “laki sa layaw”.
Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na “sa mga kaginoohan ay hindi nawalan ng saysay ang halos dalawang oras na pagtatagayan” mula sa kwento ng Prinsesa ng Kumintang.
a. nalibang ang mga kalalakihan sa init ng usapan
a. naging mas interesado ang binata sa dalaga
a. nagpakita ng interes ang dalaga sa binate
a. masyadong matalas ang balisong
Ano ang ibig sabihin ng acronym na, ARMM?
a. Autonomous Region and Muslim Mindanao
a. Autonomous Region in Muslim Mindanao
Autonomous Region at Muslim Mindanao
a. Autonomous Region of Muslim Mindanao
Anong Rehiyon ang matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Mindanao?*
Peninsula ng Zamboanga (Rehiyon IX)
SOCCSKSARGEN (Rehiyon XII)
a. Hilagang Mindanao (Rehiyon X)
a. Davao (Rehiyon IX)
1. Ang mga katutubong panitikan sa Muslim Mindanao ay karaniwang oral ang tradisyon. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwang sa oral na tradisyon?*
Ang mga kwetong naririnig ay iniiba at pinapalitan base sa kanilang sariling paniniwala at tradisyon
Nakasulat ang mga kwentong narinig at saka ito isasalaysay o itatanghal sa ibang tao o ibang lugar upang marinig ng iba
a. Ang mga kwento ay hindi nakasulat at sinasalinlahi sa pamamagitan ng pagtatanghal o pagbibigkas sa iba
May sariling mga Pagtatanghal na sila lamang ang nakakaalam
1. Bakit kaya ang isang nayon ay karaniwan ng higit na mapayapa kaysa isang bayan o lungsod?*
Mas makakapag-isip ng matiwasay at nakakatulong na maibsan ang kalungkutan
Maraming makikitang magagandang tanawin sa nayon tulad ng mga bundok, dagat at iba pa
Mura ang mga bilihin at mapayapa ang pamumuhay
Lahat ng nabanggit
Sa panahon ng 21st century, may posibilidad ba na ikaw ay maniniwala sa mga engkanto tulad ng tikbalang na kung saan ang ating mga ninuno ay naniniwalang ito ay totoo
Hindi, dahil tayo ay nasa panahon na ng napakaraming eksplenasyon na mula sa Agham at Siyensiya
a. Oo, dahil hindi malalaman ng ating mga ninuno ang kanilang mga anyo kung hindi sila nakakita.
Oo, sapagkat meron parin tayong mga kapwa Pilipino na naninirahan na malayo sa kabihasnan at nakabase ang mga paniniwala sa kanilang mga nakakatanda
a. Lahat ng nabanggit
Ano ang nangyayari kapag pinapalo ang mga gong ng dakilang Sultan tuwing Biyernes sa kwentong-bayan na, “Si Anak at ang Uwak?
Ang mga tunog ng mga ito ay naririnig sa walong burol at walong lupain upang pagtipun-tipunin ang kanyang Sapalo kandatuan (sampung puno), siyao ka Solotanan (siyam na sultan) at Pat a Wasir (apat na tagapayo)
Ang mga tunog ng mga ito ay naririnig sa anim na burol at anim na lupain upang pagtipun-tipunin ang kanyang Sapalo kandatuan (sampung puno), siyao ka Solotanan (siyam na sultan) at Pat a Wasir (apat na tagapayo)
Ang mga tunog ng mga ito ay naririnig sa limang burol at limang lupain upang pagtipun-tipunin ang kanyang Sapalo kandatuan (sampung puno), siyao ka Solotanan (siyam na sultan) at Pat a Wasir (apat na tagapayo)
a. Ang mga tunog ng mga ito ay naririnig sa pitong burol at pitong lupain upang pagtipun-tipunin ang kanyang Sapalo kandatuan (sampung puno), siyao ka Solotanan (siyam na sultan) at Pat a Wasir (apat na tagapayo)
1. Paano naging kabuuan o body of works ang panitikan?*
Naging tulay o midyum sa paghatid ng mensahe sa mga saloobin ng mga manunulat
a. Naging bunga ang panitikan ng pagnanasa ng taong makapagpahayag at maging malikhain.
Naging susi upang makilala angmayamang kalinangan at tradisyon ng lahing pinagmulan
Naging saksi sa pinaggagalingang kasaysayan ng isang bansa
Paano mo maipaliliwanag ang salawikaing ito, "Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay”?
Kung ano ang binato sa iyo, batuhin mo rin siya ng ganito
Huwag mong sabayan ng galit ang iyong mga kaaway
Mag-away nang mag-away. Huwag magpatalo sa kaaway
Sabayan mo nang galit ang iyong mga kaaway
1. Batay sa iyong sariling karanasan, paano mo mailalarawan ang tunguhin o layunin ng panitikan bilang isang sining?*
Bahagi ng isang indibidwal ang makapagpahayag sa anumang paraan at dahilan.
Pagdiriwang ng mga pista na nagpapakita ng iba’t ibang ritwal sa pamamagitan ng pagsasayaw
a. Nagagamit ng mga mamamayan ang panitikan upang makibahagi sa kasaysayan.
Nabubuksan aang pagkakataong makilala ang panitikang likha ng isang panahon
1. Karamihan sa mga Bikolano ay multilinggwal, at ang kanilang kaalaman sa ibang wika, partikular sa Ingles at Tagalog, ay naging sanhi upang sila ay makapagsulat subalit bakit kakaunti lamang ang mga batid na panitikan sa Bikol?*
Dahil nahihirapan ang ibang manunulat na isalin ang dyalekto ng mga Bikolano.
Mas madaling pag-aralan ang panitikan ng Tagalog at Cebuano
Hindi na rin ito napag-uukulan ng pansin sapagkat napakarami nang mga kilalang panitikan sa Pilipinas
Dahil karamihan sa mga akda ng Bikol ay hindi pa nakokolekta at nalalathala kaya di ma-access maging ang mga Bikolano mismo
1. Piliin ang mga wastong salita upang mabuo ang saknong mula sa tulang Pili, Camarines Sur ni Carlo A. Arejola.
Mamaya. Pagdating natin, _________ ka agadLaging magpopo, dahil ______, padabaNa ¬__________ ko ay gusto kong________ din nila nang buong-buo*
Magmano, mahalin, pinakamamahal, ikaw
a. Magmano, gusto, gustuhin, pinagmamalake
Mag-aamen, ayaw, pinagmamalake, gustuhin
a. Magmano, ikaw, pinakamamahal, mahalin
1. Ano ang kadahilanan kung bakit itinuturing na Golden Age ang Panitikang Hiligaynon sa pagdating ng mga Amerikano?*
Sumasailalim sa mahabang pagbabago ang panitikang Hiligaynon
Sa panahong ito nakilala ang unang nobela at ang mga makatang nagging tanyag
Naging simula ng paglilimbag ng panitikang Hiligaynon na isinalin sa wikang Kiniray-a at wikang Aklanon.
Namumulaklak ang musikang Cebuano sa pagbubukas ng mga tangahalan
1. Paano nagiging prosesong debelopmental ang pag-aaral ng panitikan?*
Naipapakita ang kalagayan ng lipunan mula noon at sa kasalukuyang kalagayan ng panitikan sa ating bansa
Naibabahagi ang yamang literari ng ating bansa sa ibat ibang henerasyon
Nagsisilbing repleksyon ng ibat ibang ideya tungkol sa lipunan at mundong ginagalawan
Pagpapatuloy sa nasimulang pag-aaral mula sa elementarya hanggang hayskul at pagsisimula sa mataas na antas ng pag-aaral ng panitikan.
1. Alin sa sumusunod na kaisipan ang hindi totoo sa Katimugang Tagalog?*
May iba’t ibang kultura ang mga mamamayan dito
Bunga ng mga pangyayari sa kasaysayan ang kasalukuyang Mindanao
Marami itong magagandang tanawin na maaaring pasyalan
Pangkaraniwan ang digmaan sa lahat ng bahagi ng Katimugang Tagalog
Saknong mula sa tulang “ Ito ang Nayon Ko”, dugtungan ang tula. “Marikit na pook ay nalalatagan Ng namumulaklak na damong ______________Dito, ang masiwal na langay-langayan, Maghapong kalaro ng hanging ____________.*
a. Lihim at Lumtian
a. Amihan at Tanawin
a. Luntian at Amihan
a. Nananalangin at Amihan
Ano ang dahilan kung bakit oral ang tradisyon mayroon ang mga katutubong panitikan sa Muslim Mindanao?
Dahil ang oral na tradisyon ay may mahikang taglay
Wala sa nabangggit
Dahil ang pagkakaiba na ito ang nagpapakilala sa kakanyahan ng bawat grupo
Dahil karamihan sa kanila ay hindi nakasulat at sinasalinlahi sa pamamagitan ng pagtatanghal o pagbibigkas nito sa iba
Ano ang dahilan kung bakit namatay si Odang (hipon) sa tabing dagat mula sa kwentong bayan na Si Anak at ang Uwak
Siya ay sobrang nakaramdam ng pighati sapagkat nakita niya ang kanyang asawang si Mama Kakowak (lalaking Uwak) na ikinasal na sa iba sa kaharian ng Agamaniyog
Siya’y naging masakitin at namatay sa matinding pag-iisip na ang kanyang asawa ay umalis upang mamasyal at manligaw sa iba
Siya ay pinaslang
Pinatay siya ng kanyang asawang si Mama Kakowak dahil sa hindi pagkakaunawaan nila sa isang bagay
1. Sa anong paraan pinukaw ng sarswelang “An Pagtabang ni San Miguel ni Norberto Romualdez ang maraming manonood?*
Humulma ito sa pagkamalikhain ng mga kompositor at artistang Cebuano
Nagpalakas ito sa panitikan ng ating bansa
Nagpapahiwatig ng mga kasiya-siyang gawain ng mga Pilipino noong unang panahon
Sa kagandahan ng kanyang musika at aksyon.
1. Ano ang epekto ng mahabang proseso ng pagbabago sa panitikan ng Silangang Visayas dahil sa pananakop ng mga Kastila at ng mga Amerikano?*
May mga sumusubaybay mula sa pagsulat hanggang sa pagtatanghal
Simula ng pagsasama ng sining ng pagtatanghal na nababanayad na rin sa tula,ritwal at mga sayaw
May mga panitikang hindi nakolekta, hindi naidokumento at hindi nailathala.
Nagkaroon ng bagong anyo upang magpakita ng mga damdaming laban sa imperyalismo
1. Sa anong dahilan na ang panitikan ay naging isang pangangailang pang-edukasyon?*
Nabibigyang saysay at halaga ang kasaysayan ng panitikan sa Pilipinas
Ang pag-aaral na ito ay gumanap/gumaganap ng ibat ibang tungkulin sa lipunan- iba-iba sa bawat panahon,lugar, at bawat antas
Mahalaga sa kaunlaran ng mga kabataan sa akademya
Maiikintal sa pang-unawa at kaisipan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng mga akda at pag-aaral nito sa akademya
Sa anong paraan nakakasabay ang panitikan sa kasalukuyan?*
Mas nagiging malapit o accessible ang mga akda,tula at sulatin ng mga manunulat sa maraming mambabasa
Ang internet ang dahilan sa kawalan ng interes ng mga milenyal sa mga panitikang Pilipino dahil nahuhumaling sa banyagang anyo ng panitikan
Mas madali o mabilis ang pakikipag-ugnayan at ang pag-usbong ng karunungan sa malawak na koneksyon sa usaping pang-institusyon,pangnegosyo, at pampropesyonal
Marami sa mga kabataan ang mabilis nakalimot sa likhang gawa ng mga Pilipino
1. Paano mo maipapaliwanag ang pahayag na ito. “Ang panitikan ay isang uri ng nakasulat na sining?*
Sa pamamagitan ng abstraksyon,nakabubuo ang manunulat ng konsepto at mga imahe na kinakatawan ng mga salita
Ang paglikha ay may kakabit na gamit at tungkulin
Ang sining at kultura ay daluyan ng kamalayan ng isang indibidwal
Nalilinang ang kakayahan ng isang indibidwal upang maipahayag ang anumang likhang sining.
Paano mo mailalarawan ang terminong Cebuano MALIBAN sa isang pahayag
Nanggaling sa salitang Subuhanon na ang ibig sabihin lumakad sa tubig
Nakilala sa kanilang galing sa paggawa at pagtugtog ng gitara
Ginagamit bilang pantukoy sa wika at pati na rin sa mga gumagamit ng wikang ito
Wikang ginagamit hindi lamang ng Gitnang Visayas kundi ng halos sang-apat na bahagi ng Pilipinas
Ikaw ay susulat ng iyong sariling akdang pampanitikan para sa isang online na patimpalak sa pagsulat. Ano ang dapat na isaalang-alang mo upang maging matagumpay ang iyong pagsulat?*
Magbasa ng ibang panitikan para maging huwaran
Alamin ang mga panuntunan at pamantayan sa paghusga
Isakatuparan ang pagiging malaya sa lahat ng pagkakataon.
Dapat maging malikhain sa iyong pagsusulat
Ang sugilanon o kwento ng mga Cebuano ay maaaring maging alamat o kwento ng isang folk hero o epiko. Maraming kilalang magagadang epiko sa Pilipinas. Anong epiko naman ang nagpakilala sa mga taga- isla ng Panay?*
a. Bantugan
a. Indarapatra at Sulayman
a. Ibalon
a. Labaw Donggon at Hinilawod
1. Alin sa mga sumusunod ang kapaki-pakinabang matatamo sa pag-aaral ng sariling panitikan?*
Ang pag-aaral ng panitikan ay may malaking impluwensiya sa buhay ng tao at sa daigdig
Nagpapaunlad ng mga kasanayang pampag-iisip ng mga mag-aaral
Ang pag-aaral ng panitikan ay isang pangangailangang pang-edukasyon
Mapapangalagaan ang ating yamang literari ang yamang panlipi
1. Isa itong sitwasyon sa kalagayan ng kasalukuyang panitikan sa Pilipinas MALIBAN SA ISA:*
Ang mga suliranin sa produksyon ng akda at mga limitasyon nito ng mga mambabasa
a. Nababaling ang atensyon ng mga mambabasa sa mas interaktibong anyo ng sining.
a. Nakapanlulumo ang kalagayan ang ating panitikan dahil sa kawalan ng mga mambabasa.
a. Naglalayong magpakita o mailahad ang sarili,nadarama o saloobin hinggil sa pananaw sa buhay at sa mundo.
1. Ilarawan ang Tikbalang batay sa mga kwento ng matatanda sa kasalukuyan.*
Ito ay isang nilalang na may mala-kabayong hitsura
Batay sa paniniwala, nakasasanhi ang tikbalang ng pagkaligaw ng landas ng mga tao, partikular na habang nasa kagubatan at mga bundok
a. Lahat ng nabanggit ay inilalarawan ang isang Tikbalang.
Mayroon itong katawan ng isang tao subalit may mga paa ng isang kabayo
1. Bakit mahalagang malaman ng mga Pilipino ang buhay at kultura ng Luzon?*
Mauunawaan nila ang mga kababayan sa Gitnang Luzon
Masusuri nila ang pamamahala ng gobyerno sa Gitnang Luzon
Mababatid nila ang epekto ng digmaan sa Gitnang Luzon
Makikilala nila ang magagandang tanawin sa Gitnang Luzon
Maraming mga dayuhan ang sumakop sa Pilipinas, sa anong Panahon mas lumawak ang kaaalaman ng mga Cebuano sa kanluraning musika?
Panahon ng mga Hapon
a. Panahon ng mga Amerikano
Walang tumulong sa kanila
a. Panahon ng mga Kastila
1. Paano higit na mapababatid sa mga mambabasa ang kaisipan o diwa ng isang isinusulat na akdang pampanitikan?*
Gumagamit ng matatalinhagang pagpapahayag
Dapat malikhain ang pagkasulat
a. Tumutugon sa tema o paksa ng panitikan.
a. May sapat na kakayahang pangwika ang manunulat.
Gumanda ang takbo ng ekonomiya sa Panitikan ng Waray at dahil dito maraming limbagan ang nabuksan. Anong tawag sa unang dyaryong waray na nakatulong sa pamulaklak ng mga tulang Waray
a. An Lantawan
a. An Saloma
a. An Kaadlawon
An Balitao
