wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

REVIEW TEST - G11 (PPITTP / FPL)

Total questions: 90

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

(FPL)

Ang paraan ng pagkakasulat ng sulating ito ay maligoy, detalyadong-detalyado ang mga pangyayari, gumagamit ng mga makukulay na paglalarawan, mga idyoma at mga tayutay.

a)

Akademiko

b)

Journalistik

c)

Pampanitikan

d)

Sulating Teknikal-Bokasyunal

2.

(FPL)

Anong sulatin ang layunin ang magbigay ng napapanahong impormasyon sa mga mambabasa.

a)

Akademiko

b)

Journalistik

c)

Pampanitikan

d)

Sulating Teknikal Bokasyunal

3.

(FPL)

Maikli at tuwiran ang mga pananalitang ginagamit sa sulating ito.

a)

Akademiko

b)

Journalistik

c)

Pampanitikan

d)

Sulating Teknikal Bokasyunal

4.

(FPL)

Ano ang anyo ng pagkakasulat ng sulating teknikal-bokasyunal?

a)

Tuwiran

b)

Tuluyan

c)

Tuluyan/Patula

d)

Walang tiyak na anyo

5.

(FPL)

Ano ang layunin ng sulating teknikal-bokasyunal?

a)

Magbigay ng napapanahong impormasyon sa mga mambabasa

b)

Makapagturo ng aral at makapagbigay-aliw sa mga mambabasa

c)

Magpaliwanag ng mga pangyayari ayon sa siyentipikong pamamaraan

d)

Magbigay-alam, maghikayat at makaimpluwensya sa mga mambabasa

6.

(FPL)

Ano ang layunin ng sulating akademiko?

a)

Magbigay ng napapanahong impormasyon sa mga mambabasa

b)

Makapagturo ng aral at makapagbigay-aliw sa mga mambabasa

c)

Magpaliwanag ng mga pangyayari ayon sa siyentipikong pamamaraan

d)

Magbigay-alam, maghikayat at makaimpluwensya sa mga mambabasa

7.

(FPL)

Ito ay higit na makulay at higit na mabuti ang kalidad kaysa sa Flyers.

a)

Leaflet

b)

Poster

c)

Manwal

d)

Brochure

8.

(FPL)

Kailangang integratibo at nagpapakita ng koneksyon sa iba't ibang aktibidad na kasangkot ang may-akda sa pagsulat ng ganitong uri ng sulating teknikal-bokasyunal.

a)

Liham Aplikasyon

b)

Naratibong Ulat

c)

Liham Pangnegosyo

d)

Feasibility Study

9.

(FPL)

Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa Manwal?

a)

Akto ng pagbibigay-pansin

b)

Ito ay nakatuon sa aktibidad

c)

Nagtatala sa pangangailangan

d)

Binibigyang-diin ang koneksyon ng mga produkto, marketing, mga serbisyo at suporta

10.

(FPL)

Ito ay may tatlong gawain: kunin ang atensyon ng mambabasa, kumbinsihin, at humingi ng interbyu.

a)

Liham Pangnegosyo

b)

Liham Aplikasyon

c)

Naratibong Ulat

d)

Feasibility Study

11.

(FPL)

Gumagamit ng masarap na salitang naglalarawan at mahalaga ang naglalarawang label ng pagkain.

a)

Menu ng Pagkain

b)

Dokumentasyon ng Produkto

c)

Deskripsiyon ng Produkto

d)

Kagamitang Pampromosyon

12.

(FPL)

Ginagawang malay sa legal na proseso at isang halimbawa ng palimbag na patalastas.

a)

Flyers

b)

Babala

c)

Paunawa

d)

Anunsiyo

13.

(FPL)

Alin sa sumusunod sa ibaba ang totoo tungkol sa Babala?

a)

Isang uri ng patalastas

b)

Mahalagang bahagi ang pag-aanalisa

c)

Nagpapayo ng pag-iingat o huwag nang ituloy ang pagkilos

d)

Ginagawang maikli at simple ang pagpapaliwanag at lakipan ng ilustrasyon hanggat maaari

14.

(FPL)

Alin sa mga sumusunod ang 'di hakbang sa pagsulat ng isang kagamitang pampromosyonal?

a)

Gumawa ng Tema

b)

Maging tapat sa Pagpapatotoo

c)

Bigyang-diin ang Kapakinabangan

d)

Magkaroon ng malawakang sarbey

15.

(FPL)

Alin sa mga sumusunod ang hakbang sa pagsulat ng isang kagamitang pampromosyonal?

a)

Umisip ng Suliranin

b)

Maging Tapat sa Pagpapatotoo

c)

Mangalap ng Maraming Larawan

d)

Magkaroon ng Malawakang Sarbey

16.

(FPL)

Ito ay pagsaalang-alang kung ano ang magiging epekto ng inyong produkto sa kanilang mga kagustuhan at pangangailangan.

a)

Bukas para sa suhestiyon.

b)

Maging Tapat sa Pagpapatotoo.

c)

Bigyang-diin ang kapakinabangan.

d)

Karaniwang-Ayos ng Pangungusap

17.

(FPL)

Ano ang maaring maging paliwanag ng hakbangin na "Bukas para sa Suhestiyon"?

a)

Bukas sa anumang komento at reaksiyon.

b)

Handang ibigay ang lahat ng impormasyon.

c)

Inilalahad ng mabuti ang mga benepisyo.

d)

Inaayos ang gramatika.

18.

(FPL)

Ang halimbawang pagsasabing pinakamagaling sa buong mundo" o "nangunguna sa buong bansa" ang inyong serbisyo ay halimbawa ng anong hakbang?

a)

Bukas sa suhestiyon.

b)

Maging Tapat sa Pagpapatotoo.

c)

Bigyang-diin ang Kapakinabangan.

d)

Karaniwang Ayos ng Pangungusap.

19.

(FPL)

Para makabuo ng isang kagamitang pampromosyonal ano ang dapat mong gawin upang masunod ang etikang substantiation sa pagsulat nito?

a)

Hindi kinopya sa mula sa ibang kagamitang pampromosyon.

b)

Lokal man o Pambansa dapat ang aking gagawin ay naaayon sa batas

c)

Kailangang pawang katotohanan ang inilalahad sa mga kagamitang pampromosyon.

d)

Kailangang ang aking isusulat ay mapatotohanan ito ng mga tao na nakagamit na ng naturang produkto.

20.

(FPL)

Para makabuo ng isang kagamitang pampromosyonal ano ang dapat mong gawin upang masunod ang etikang Product Honesty sa pagsulat nito?

a)

Hindi kinopya sa mula sa ibang kagamitang pampromosyon.

b)

Lokal man o Pambansa dapat ang aking gagawin ay naaayon sa batas.

c)

Kailangang pawang katotohanan ang inilalahad sa mga kagamitang pampromosyon.

d)

Kailangang ang aking isusulat ay mapatotohanan ito ng mga tao na nakagamit na ng naturang produkto.

21.

(FPL)

Makakatulong paglalagay ng mga pangsuportang bagay sa hakbang na ito para mas madaling maunawaan at mahikayat ang mga mambabasa. 

a)

Sumulat ng Pamagat.

b)

Simple at Direkta ang Mensahe.

c)

Maglagay ng numerong tatawagan.

d)

Paglalagay ng disenyo at mga larawan.

22.

(FPL)

Sa hakbang na ito kinakailangan na madaling maunawaan ang flyers.

a)

Sumulat ng Pamagat

b)

Simple at Direkta ang Mensahe

c)

Maglagay ng numerong tatawagan

d)

Paglalagay ng disenyo at mga larawan

23.

(FPL)

Ang hakbang na ito ay ang paglalagay ng detalye para magamit ng mga taong magiging interesado sa iyong flyer.

a)

Sumulat ng Pamagat

b)

Simple at Direkta ang Mensahe

c)

Maglagay ng numerong tatawagan

d)

Paglalagay ng disenyo at mga larawan

24.

(FPL)

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga hakbang sa pagsasagawa ng flyers?

a)

Simple at Direkta ang Mensahe

b)

Mangalap ng mga Impormasyon

c)

Ipamahagi ang flyers sa maraming tao

d)

Paglalagay ng mga disenyo at mga larawan

25.

(FPL)

Isaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ang mga hakbang sa pagsasagawa ng flyers.

I. Paglalagay ng disenyo at mga Larawan

II. Sumulat ng Pamagat

III. Ipamahagi ang flyers sa maraming tao

IV. Simple at direkta ang mensahe

V. Maglagay ng numerong matatawagan

a)

I, II, III, IV at V 

b)

II, IV, I, V at III

c)

V, IV, II, II, at I

d)

II, III, IV, V at I

26.

(FPL)

Ano ang etika na ipinapakita dito?

a)

Legal

b)

Substantiation

c)

Orihinalidad

d)

Product Honesty

27.

(FPL)

Batay sa larawan, anong etika ang nilabag ng produkto na ito?

a)

Orihinalidad

b)

Product Honesty

c)

Substantiation

d)

Hindi mapanira ng ibang produkto

28.

(FPL)

Ito ay tumutukoy sa paglalahad ng pangalan ng taong maaring tanungin o hingan ng iba pang detalye ukol sa kaganapan.

a)

Pagbabanggit sa Lugar

b)

Pagbabanggit ng Layunin

c)

Pagpapabatid sa Nagpadala

d)

Pagbabanggit ng Araw, Petsa at Oras

29.

(FPL)

Ito naman ay ang paglalahad kung ano ang kaganapan o okasyon.

a)

Pagbabanggit sa Lugar

b)

Pagbabanggit ng Layunin

c)

Pagpapabatid sa Nagpadala

d)

Pagbabanggit ng Araw, Petsa at Oras

30.

(FPL)

Alin sa mga pahayag ang wasto at kinakailangan na tandaan sa pagsulat ng babala?

  1. 1. Ang mga pahayag ay kinakailangan na nailalahad na may pokus ng pandiwa ng tagaganap.

2. Kailangang isaayos ang wastong pagkakasunod-sunod ng babala, pag-ingat at mga dapat tandaan.

a)

Tama ang 1 at mali ang 2

b)

Tama ang 2 at mali ang 1

c)

Parehas na tama ang 1 at 2

d)

Parehas na mali ang 1 at 2

31.

(FPL)

Sa pagbuo ng paunawa, patalastas, anunsyo, alin sa mga sumusunod ang kinokonsidera kapag ang salitang gagamitin ay simple at mabilis na maiintindihan ng babasa?

a)

Paggamit ng Wika     

b)

Paglalagom/Pagbubuod

c)

Paggamit ng imahen o Simbolo

d)

Wala sa Nabanggit

32.

(FPL)

Anong ang angkop na etika ang ipinapakita sa larawan?

a)

Legal

b)

Orihinalidad

c)

Substantiation

d)

Product Honesty

33.

(FPL)

Isa sa mga hakbang sa paggawa ng menu ng pagkain ay ang paglalarawan sa bawat pagkain. Alin sa mga sumusunod ang hindi naglalarawan sa pagkain?

a)

Green Mango Shake  

b)

Crunchy Fried Chicken

c)

Mushroom and Meatballs

d)

Crispy Bangus Ala Pobre

34.

(FPL)

Alin sa mga sumusunod ang kailangang isaalang-alang sa paggawa ng lay-out ng menu ng pagkain?

a)

Magbigay ng mga promo.

b)

Magbigay ng mga pagkain na pasok sa diet.

c)

Kailangang ang larawan ay katakam-takam sa paningin.

d)

Maaaring hatiin ang menu sa mga bahagi tulad ng pagkain para sa agahan, tanghalian at hapunan.

35.

(FPL)

Prinsipyo sa pagsulat ng Kagamitang Pampromosyon na kung saan dapat totoo ang impormasyon at hindi pinapalabis ang mga inilalahad na impormasyon.

a)

Tumpak

b)

Tuwiran

c)

Maikli

d)

Mabalangkas

36.

(FPL)

"Ang Patalastas ay dapat makapanatili ng pokus ng publiko."

a)

ATENSIYON

b)

INTERES

c)

KAGUSTUHAN

d)

AKSIYON

37.

(FPL)

"Ang Patalastas ay kailangang makapagpasigla ng pagkagusto ng publiko."

a)

ATENSIYON

b)

INTERES

c)

KAGUSTUHAN

d)

AKSIYON

38.

(FPL)

Pagbibigay-kabatiran sa pampublikong awdyens.

a)

Anunsiyo

b)

Babala

c)

Paunawa

d)

Pabatid

39.

(FPL)

Paglalarawan ng Pagkain sa Menu batay sa panlasa.

a)

BISWAL

b)

GUSTATORI

c)

NOSTALGIA

d)

GEOGRAPHIC

40.

(FPL)

Paglalarawan sa pagkain na nagpapalakas sa benta na kung saan gumagamit ng mga salitang nagpapaalala sa nakaraan o kasaysayan ng buhay ng mamimili.

a)

NOSTALGIA

b)

HISTORY

c)

BRAND NAME

d)

GEOGRAPHIC

41.

(FPL)

Anong ibig sabihin ng FPL?

a)

Filipino sa Piling Larang

b)

Filipino sa Piling Lipunan

c)

Filipino sa Pilipinong Larangan

42.

(FPL)

Saang grupo ng mga asignatura nabibilang ang FPL?

a)

Applied Subjects

b)

Core Subjects

c)

Minor Subjects

43.

(FPL)

Ilang bahagdan sa paggagrado ang Written Works sa FPL?

a)

20%

b)

30%

c)

40%

44.

(FPL)

Ilang bahagdan sa paggagrado ang Gawaing Pagganap sa FPL?

a)

40%

b)

50%

c)

60%

45.

(FPL)

Ilang bahagdan sa paggagrado ang Terminong Pagsusulit sa FPL?

a)

20%

b)

30%

c)

40%

46.

(PPITTP)

Pagkukwento ng pangyayari tungkol sa isang tauhan sa isang tagpuan na may maayos na simula – katapusan.

a)

TEKSTONG NARATIBO

b)

TEKSTONG IMPORMATIBO

c)

TEKSTONG DESKRIPTIBO

d)

TEKSTONG PROSIDYURAL

47.

(PPITTP)

Tekstong naglalahad ng argumento o katwiran hinggil sa isang isyu, kung saan nagnanais na ipatanggap ang katotohanang ito sa mambabasa.

a)

TEKSTONG PERSWEYSIB

b)

TEKSTONG IMPORMATIBO

c)

TEKSTONG DESKRIPTIBO

d)

TEKSTONG ARGUMENTATIBO

48.

(PPITTP)

Tekstong nagpapahayag ng impresyon at kakintalan likha ng pandama. Isinusulat ng may-akda ang detalye batay sa kanyang pandama.

a)

TEKSTONG PERSWEYSIB

b)

TEKSTONG IMPORMATIBO

c)

TEKSTONG DESKRIPTIBO

d)

TEKSTONG ARGUMENTATIBO

49.

(PPITTP)

Sapilitang maiino mo na may mga bagay na hindi mo kayang gawin at hindi mo kayang abutin.”

a)

maniniwala

b)

matatanggap

c)

maaangkin

d)

mapapatunayan

50.

(PPITTP)

Talastas kong salat ang buhay mo sa pagmamahal ng isang ina.”

a)

kamalayan sa kakulangan sa buhay

b)

kaalaman sa mga reyalidad ng buhay

c)

pag-unawa sa kakulangan ng mundo

d)

pagpapatunay na may mga bagay na hindi kayang maabot

51.

(PPITTP)

Bakit hindi na kailangan ng mataas na kaalaman upang maunawaan ang kadakilaan ng Diyos ayon sa akda ni Marcelo H. Del Pilar?

a)

sapat na ang nakikita upang ito'y patunayan

b)

nasa loob natin ang banal na espiritung nagpapatunay nito

c)

hindi kailangan ng Diyos ng papuri ng tao

d)

may sentido-komon ang tao upang madikta sa kanya nito

52.

(PPITTP)

Alin sa mga sumusunod ang hindi hiling ng Diyos sa tao batay sa binasang akdang "Ang Kadakilaan ng Diyos" ?

a)

mahalin ang kapwa tao

b)

alagaan ang kanyang mga likha

c)

pagbutihin ang buhay

d)

sambahin siya na Maylikha

53.

(PPITTP)

Uri ng panauhan sa isang tekstong naratibo na kung saan ang tagapagsalaysay ay isa sa mga pangunahing tauhan sa kwento.

a)

Unang Panauhan

b)

Maka-Diyos na Pananaw

c)

Ikatlong Panauhan

d)

Obhetibong Pananaw

54.

(PPITTP)

Pamamaraan sa nareysyon o pagsasalaysay na kung saan nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung  ano ang kahihinatnan o mangyayari sa kuwento.

a)

Dayalogo

b)

Foreshadowing

c)

Plot Twist

d)

Ellipsis

55.

(PPITTP)

Pamamaraan sa nareysyon o pagsasalaysay na kung saan isang plot device kung saan nabibigyang-resolusyon ang tunggalian sa pamamagitan ng awtomatikong interbensyon ng isang kamay.

a)

Deus ex Machina

b)

Comic Book Death

c)

In Media Res

d)

Ellipsis

56.

(PPITTP)

Nag-aalinlangan at nagdududa ang may akda sa tekstong "Ang Kadakilaan ng Diyos", na kayang tumbasan ng Diyos ang anumang likha ng tao.

a)

TAMA

b)

MALI

57.

(PPITTP)

Isinalaysay sa tekstong “Ang Kadakilaan ng Diyos” na lahat ng kamangha-manghang pangyayari sa ating kalikasan ay nagkataon lamang at hindi ayon sa kagustuhan ng Diyos.

a)

TAMA

b)

MALI

58.

(PPITTP)

(“Ang Kadakilaan ng Diyos”) Ang Diyos ay lumikha ng tao na kawangis niya, na may parehas na lakas, karunungan at kakayahan.

a)

TAMA

b)

MALI

59.

(PPITTP)

Hindi mapasubaliang ang may tangan ng korona sa larangan ng moda sa damit ay maong o denims.

a)

estilo

b)

desinyo

c)

paraan

d)

benta

60.

(PPITTP)

Ano ang sinisimbolo noon ng pagsusuot ng maong matapos ang mga nangyaring rebelyon sa ating lipunan?

a)

pagbabago

b)

kalayaan

c)

kakanyahan

d)

moderno

61.

(PPITTP)

Bakit ang maong ang itinuturing na kasuotan ng daigdig?

a)

pagiging tapat sa kasuotang panlahat

b)

matagal pananatili bilang pormal na kasuotan

c)

dahil sa simboliko nitong kahulugan sa lipunan

d)

kasikatan ng nakadiskubre nito

62.

(PPITTP)

Raw data o orihinal na pinagmulan ng impormasyon.

a)

Hanguang Primarya

b)

Hanguang Sekondarya

c)

Hanguang Tersiyarya

d)

Hanguang Elektroniko

63.

(PPITTP)

Paraan sa paglalahad ng tekstong Impormatibo na kung saan nagpapakita ng mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anomang bagay, konsepto, o pangyayari.

a)

Sanhi at Bunga

b)

Paghahambing

c)

Pagbibigay Kahulugan

d)

Pagbibigay Klasipikasyon

64.

(PPITTP)

Paraan sa paglalahad ng tekstong Impormatibo na kung saan nükadalasang naghahati-hati ng isang malaking paksa o ideya sa iba’t ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ang pagtalakay.

a)

Sanhi at Bunga

b)

Paghahambing

c)

Pagbibigay Kahulugan

d)

Pagbibigay Klasipikasyon

65.

(PPITTP)

Saan nagsimulang tawaging denims ang maong?

a)

California, USA

b)

Nimes, France

c)

Manila, Philippines

d)

London, England

66.

(PPITTP)

Pangunahing layunin ng siyensiya ang mailarawan nang akma ang anomang dapat at kailangang malaman tungkol sa mundo at kalawakan.

a)

Karaniwanang Paglalarawan

b)

Teknikal na Paglalarawan

c)

Masining na Paglalarawan

d)

Masusing Paglalarawan

67.

(PPITTP)
Ang silong ng puno ay tila isang magandang pintuang-bayan na bumubukas sa isang malawak na kaharian ng kalikasan, kung saan ang malambot na sinag ng araw ay dumadaloy tulad ng ginto sa mga sanga habang ang mga dahon ay sumasayaw sa kakaibang ritmo ng hanging naglalaro sa kanilang mga dulo.

Ito ay halimbawa ng anong uri ng paglalarawan?

a)

Karaniwanang Paglalarawan

b)

Teknikal na Paglalarawan

c)

Masining na Paglalarawan

d)

Masusing Paglalarawan

68.

(PPITTP)
Ang pang-uri kung ito’y nagpapakita o nagpapahayag ng kahigitan, pangingibabaw o pamumukod sa karamihan o sa lahat.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

d)

Panlahat

69.

(PPITTP)
ANO ANG HINDI LAYUNIN NG TEKSTONG DESKRIPTIBO?

a)

maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, stiwasyon, at iba pa.

b)

nagbibigay ang sulatin na ito ng pagkakataon na mailabas ng mga mag-aaral ang masining na pagpapahayag

c)

magpinta ng matingkad at detalyadong imahen na makapupukaw sa isip at damdamin ng mga mambabasa

d)

nagbibigay ng sunod-sunod na direksyon at impormasyon sa mga tao upang tagumpay na maisagawa ang mga gawain.

70.

(PPITTP)
Ano ang hindi totoo sa tekstong deskriptibo?

a)

Nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa limang pandama: paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, at pandama.

b)

Masidhi nitong inihahatid sa mga mambabasa ang larawang-diwa at imahen na nais bigyang-diin o ipahayag.

c)

Binibigay ng may-akda ang isang madetalyeng imahinasyon na magsisilbiing pundasyon niya upang paniwalaan ang katotohanan ng isang bagay.

d)

Nagpapaliwanag sa mga paraan sa pagsasagawa ng isang bagay. Nagbibigay na malinaw na mga hakbangin.

71.

(PPITTP)
Uri ng talambuhay na kung saan binibigyang-diin ang layunin, simulain at mga kaisipan ng isang tao. Tinatalakay ang mga pangyayari sa buhay tungkol sa kanyang tagumpay o pagkabigo.

a)

Talambuhay na Pang-iba o Palahad

b)

Talambuhay na Pansarili

72.

(PPITTP)
Isang uri ng paglalahad at naisasagawa rin sa pamamagitan ng mahusay na eksposisyon, madalas na nahihirapan ang mga manunulat na gumawa ng sulating purong paglalarawan lamang ang nilalaman.

a)

Deskripsiyon

b)

Preskripsiyon

c)

Konskripsiyon

d)

Prohibisyon

73.

(PPITTP)
Uri ng pamilang na nagsasaad ng sunod-sunod na pagbilang ng tao o mga bagay.

a)

Panunuran

b)

Patakaran

c)

Patakda

d)

Pamahagi

74.

(PPITTP)
Anong Uri ng pamilang?

iisa - lilima - tatatlo

a)

Panunuran

b)

Patakaran

c)

Patakda

d)

Pamahagi

75.

(PPITTP)
Anong Uri ng pamilang?

1/2 - tig-dadalawa - kalahati

a)

Panunuran

b)

Patakaran

c)

Patakda

d)

Pamahagi

76.

(PPITTP)
Alin sa dalawa ang hindi layunin ng blog?

a)

Binibigyan ng platform ng blogging ang pagpapahayag ng sariling boses at opinyon, nagbubukas ng pinto sa masusing diskusyon at pagbabahagi ng impormasyon hinggil sa iba't ibang mga paksa.

b)

Isa itong paraan upang ipakita ang mga 'di kanais-nais na gawa ng isang tao, naglalaan ito ng pagkakataon na maipamahagi ang mga kaalaman at masisira sa iba.

77.

(PPITTP)
Alin sa mga sumusunod ang pangkalahatang layunin ng tekstong prosidyural?

a)

Pagpapagana ng mga kasangkapan.

b)

Pagpapanatili ng operasyon ng isang pagawaan.

c)

Pagpapanatili ng kaligtasan sa isang lugar-pinagtatatrabahuhan.

d)

Pagsasakatuparan ng mga bagay na kailangang sumusunod sa proseso upang maging matagumpay.

78.

(PPITTP)
Nilalaman ng tekstong prosidyural na kung saan ito serye ng mga hakbang na isasagawa upang mabuo ang proyekto.

a)

Layunin

b)

Kagamitan

c)

Metodo

d)

Ebalwasyon

79.

(PPITTP)
Nilalaman ng tekstong prosidyural na kung saan ito ang mga pamamaraan sa pagsukat ng pagiging matagumpay ng proyekto.

a)

Layunin

b)

Kagamitan

c)

Metodo

d)

Ebalwasyon

80.

(PPITTP)
TUKUYIN KUNG TAMA o MALI ANG PAHAYAG

"Sa pagsulat ng tekstong prosidyural mahalagang nasa pangkasalukuyang panahon ito at gumagamit ng hindi pangkaraniwang mga salita.

a)

TAMA

b)

MALI

81.

(PPITTP)
TUKUYIN KUNG TAMA o MALI ANG PAHAYAG

"Ang detalyadong paglalarawan sa tekstong prosidyural ay mahalaga upang maunawaan ng mabuti ng mambabasa ang mga dapat gawin."

a)

TAMA

b)

MALI

82.

(PPITTP)
TUKUYIN KUNG TAMA o MALI ANG PAHAYAG

"Ang mga panghalip na "mo, ikaw, ka" ay hindi dapat gamitin sapagkat ang ginagamit sa tekstong prosidyural ay "ako, ko, akin".

a)

TAMA

b)

MALI

83.

(PPITTP)
TUKUYIN KUNG ANONG LAYON NG COHESIVE DEVICES

*Ganoon din/Gayundin

*At/ at saka

*Bilang karagdagan/ dagdag pa rito/riyan/rito

a)

Pagdaragdag

b)

Pag-uugnayan ng mga pangungusap o talata

c)

Halimbawa

d)

Pagsusunuran ng kalagayan o pangyayari

84.

(PPITTP)
TUKUYIN KUNG ANONG LAYON NG COHESIVE DEVICES

*Kaugnay nito/niyan

*Ilan sa mga halimbawa

a)

Pagdaragdag

b)

Pag-uugnayan ng mga pangungusap o talata

c)

Halimbawa

d)

Pagsusunuran ng kalagayan o pangyayari

85.

(PPITTP)
TUKUYIN KUNG ANONG LAYON NG COHESIVE DEVICES

*Kasunod nito

*Kasunod niyan

a)

Pagdaragdag

b)

Pag-uugnayan ng mga pangungusap o talata

c)

Halimbawa

d)

Pagsusunuran ng kalagayan o pangyayari

86.

(PPITTP)
ANO ANG IBIG SABIHIN NG PPITTP?

a)

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

b)

Pagbasa at Pagsulat ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

c)

Pagsulat at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

87.

(PPITTP)
Saang nabibilang grupo ng mga asignatura ang PPITTP?

a)

Applied Subjects

b)

Core Subjects

c)

Minor Subjects

88.

(PPITTP)
Ilang bahagdan ng paggagrado ang Written Works sa PPITTP?

a)

20%

b)

50%

c)

30%

d)

40%

89.

(PPITTP)
Ilang bahagdan ng paggagrado ang Gawaing Pagganap sa PPITTP?

a)

60%

b)

50%

c)

40%

90.

(PPITTP)
Ilang bahagdan ng paggagrado ang Terminong Pagsusulit sa PPITTP?

a)

20%

b)

30%

c)

40%