NEW
Font size
WorksheetsAraling Panlipunan Review Quiz
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Ano ang layunin ng mga Espanyol sa pananakop ng mga katutubo?
pagpapayaman ng mga katutubo
pagpapalaganap ng Kristiyanismo
pagtatag ng pamahalaang sultanato
paglalakbay sa mga magandang tanawin
Paano ipinakita ni Magellan ang Pwersa Militar ng Espanya sa pagpasok nila sa Pulong Mactan?
Sinalakay ng mga Espanyol ang Mactan.
Nagsanduguan sina Lapu-lapu at Magellan.
Nagdadala sila ng mga pagkain galing sa Cebu.
Nagdaraos ng pagpupulong si Magellan sa kanilang pinuno.
Ano ang paraang ginamit ng mga Espanyol na nagdulot ng kahinaan sa mga Pilipino dahil pinag-away nila ang mga kapwa Pilipino?
divide and rule
kolonyalismo
merkantilismo
sosyalismo
Ano ang naging mahalagang paraan na ginamit ng mga Espanyol para magtagumpay ang kanilang pananakop sa bansa?
pakikipagkaibigan sa mga katutubo
pagbili ng mga produktong gawa ng mga katutubo
pagpapalaganap ng Relihiyong Kristiyanismo sa mga katutubo
paglaban sa mga mananakop gamit ang mga sibat, bangkaw, at iba
pa.
Bakit kailangang pilitin ng mga Espanyol ang mga Pilipino sa bagong paniniwala?
Para maging pari din ang mga Pilipino
Para sila ay makapunta sa mga bundok
Para ganap na maipapatupad ang kolonyalismo
Para makakuha sila ng mga agimat sa mga Pilipino
Ano ang tawag sa sapilitang pagpapalipat ng mga katutubo sa mga pueblo o sentrong populasyon?
Falla
Polo Y Servicio
Reduccion
Residencia
Ito ang salitang tumutukoy sa isang patakaran na tuwirang pagkontrol ng malakas na bansa sa isang mahinang bansa?
Imperyalismo
Kolonyalismo
Kristiyanismo
Ekspedisyon
Ano ang naging dahilan kung bakit gusto ng Espanya na masakop ang Pilipinas?
Malawak ang lupain ng Pilipinas.
Nagustuhan nila ang katangian ng mga Pilipino kaya sinakop nila ito.
Gusto nilang maging mayaman ang mga Pilipino kaya sinakop nila ito.
Upang maipalaganap ang kristiyanismo at maging tanyag sa buong daigdig.
Bukod sa yamang likas na taglay ng Pilipinas, ano pa ang ibang dahilan ng pagsasakop ng Espanya dito?
Ninais nilang maging kaibigan ang mga Pilipino upang mapadali ang pananakop.
Nais nilang ipalaganap ang Kristiyanismo sa bansa at sa mga Pilipino.
Gusto nilang makamit ang karangalan at kapangyarihan bilang nangungunang bansa.
Lahat ng nabanggit.
Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit madaling nasakop ng mga Espanyol ang Pilipinas.
Walang pagkakaisa ang mga Pilipino.
Walang pinuno na gustong lumaban sa mga Espanyol.
Kawalan ng sapat na pera para matustusan ang pangangailangan.
Ang mga Pilipino ay napakabait kaya madali silang naloko ng mga Espanyol.
Bakit sapilitang inilipat ng mga Espanyol ang mga katutubong Pilipino mula sa malalayong pamayanan upang pagsama-samahin sa isang bayan?
Madali nilang maturuan ang mga katutubo hinggil sa katesismo.
Mabilis ang pagkuha ng mga katutubong Pilipino na tutulong sa Pamahalaang Espanya.
Mabilis ang pagkakaroon ng mga makabagong kagamitang pang - ekonomiya sa mga katutubong Pilipino.
Higit na maging madali ang pagpapatupad ng mga patakarang kolonyal tulad ng pangongolekta ng buwis at pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
Ito ay isang palatandaan ng pagtanggap ng mga Pilipino sa kristiyanismo.
Pagbibinyag
Pagserbisyo sa kumbento
Pakikinig ng sermon
Pagbibigay ng pagkain sa mga pari
Ilang reales ang tributo o buwis noong 1851?
18 reales
12 reales
10 reales
5 reales
Ang monopolyo sa tabako ay nagdudulot ng________ sa mga magsasaka.
kasaganaan
pagmamalabis
magandang kita
kakulangan ng pagkain
Ang Krus ay sumasagisag sa pagpapalaganap ng relihiyon at ang espada ay_______.
Pagpapalaganap ng Kritiyanismo.
Pananakop ng mga Pilipino sa mga Espanyol.
Pagpapalawak sa kapangyarihan ng mga Espanyol.
Pananakop at pagpapalawak ng lupain at kolonya ng Espanya
gamit ang lakas sandatahan.
Ang korona ay sumisimbolo sa karangalan at kapangyarihan ng Espanya.ano naman ang sumisimbolo sa kristiyanismo?
ginto
krus
espada
Wala sa nabanggit
Ano ang ginagawa ng mga Espanyol kung hindi sila tinatanggap ng mga katutubo sa kanilang lugar?
lumisan sila
nagpaalipin sila
nagmamakaawa sila
gumamit sila ng puwersa
Ang relihiyong pinalaganap ng mga Espanyol ay _.
Animismo
Kristiyanismo
Budismo
Paganismo
Ano ang katibayang papel na pinanghahawakan ng mga Pilipino nasilaay nagbabayad ng buwis sa Pamahalaang Espanyol?
bandala
cedula personal
listahan
resibo
Alin sa mga sumusunod ang negatibong epekto ng sapilitang paggawa sa Pilipinong polista?
Naging mapagkumbaba sila.
Natuto sila ng magtipid ng pagkain.
Sila ay naging matiyaga sa pagtatrabaho.
Nawawalay sila sa kanilang pamilya nang matagal.
