WorksheetsAraling Panlipunan Quiz
Total questions: 75
Worksheet time: 38mins
Ano ang iyong mararamdaman sa sitwasyon:
Binili ka ng nanay mo ng pasalubong na prutas.
A. matutuwa
B. matatakot
C. malulungkot
C. magagalit
Nawala ang iyong lapis.
A. magagalit
B. matatakot
C. matutuwa
D. malulungkot
Naiwan kang mag-isa sa madilim sa kuwarto.
A. malulungkot
B. matatakot
C. magagalit
D. masaya
Sinira ng iyong kalaro ang iyong bagong laruan.
A. masaya
B. matatakot
C. magugulat
D. magagalit
Biglang may lumitaw sa harapan mo.
A. magugulat
B. matutuwa
C. malulungkot
D. magagalit
Siya ang ilaw ng tahanan. Naghahanda ng ating agahan, tanghalian at hapunan.
A. nanay
B. tatay
C. kuya
D. ate
Siya ang pinakabata sa pamilya. Laging binabantayan ni ate o kuya.
A. bunso
B. lolo
C. pinsan
D. tatay
Siya ang haligi ng tahanan. Maasahan at nagtatrabaho araw-araw.
A. kuya
B. ama
C. nanay
D. tiyo
Siya ang panganay na anak na babae. Sino siya?
A. bunso
B. kuya
C. ate
D. pinsan
Maagang naulila sa ama si Lino kaya ang nanay na lamang niya ang kasama niya sa bahay. Anong uri ng pamilya mayroon sila?
A. two-parent family
B. single-parent family
C. extended family
D. Nuclear Family
Kasama nina Ella ang kanyang lolo at lola na naninirahan sa kanilang tahanan. Anong uri ng pamilya sila?
A. two-parent family
B. single-parent family
C. extended family
D. malaking pamilya
Kasamang namumuhay nina Lea at kanyang mga kapatid ang kanilang nanay at tatay. Anong uri ng pamilya mayroon sila?
A. two-parent family
B. single-parent family
C. extended family
D. maliit na pamilya
Kung tatay lamang ang nangangalaga sa mga anak, anong uri ng pamilya ito?
A. Extended Family
B. Single-Parent Family
C. Two-Parent Family
D. Nuclear Family
Sa anong uri ng pamilya kabilang ang nasa larawan?
A. Maliit na Pamilya (Small Family)
B. Malaking Pamilya (Big Family)
C. extended family
D. single-parent family
Sila ang pinakamatanda sa pamilya. Sila ay dapat tulungan at igalang. Magulang sila ng iyong tatay o nanay. SIno sila?
A. lolo at lola
B. ate at kuya
C. tiyo at tiya
D. pinsan
•Oktubre
•Layunin nito na gunitain ang pagkakaibigan, pagkakaisa at pagbubuklod ng mga bansa sa buong mundo para sa katahimikan, kaunlaran at kapayapaan.
A. Araw ng Kalayaan
B. Araw ng mga Nagkakaisang Bansa o United Nations Day
C. Bagong Taon
D. Pasko
Kailan ipinagdiriwag ang Araw ng mga Bayani o National Heroes Day?
A. Agosto
B. Enero
C. Oktubre
D. Hunyo
Ano ang petsa ng BAGONG TAON?
A. Enero 1
B. Disyembre 31
C. Disyembre 30
D. Pebrero 14
Anong buwan pinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan?
A. Pebrero 14
B. Mayo 1
C. Hunyo 12
D. Hunyo 15
Ito ang panahon na inaalala ang pagsasakripisyo ni Hesus.
A. Mahal na Araw
B. Pasko
C. Bagong Taon
D. Flores de Mayo
Ano ang ipinagdiriwang tuwing ika-14 ng Pebrero?
A. Araw ng mga Patay
B. Araw ng mga Bayani
C. Araw ng mga Puso
D. Araw ng mga Manggagawa
Saan ka pupunta kapag gusto mong mag-aral at magbasa ng tahimik?
A. Silid-aralan
B. Computer Room
C. Silid-aklatan
D. Kantina
Lugar sa paaralan kung saan nagpapasulat, nagpapabasa at nagpapabilang ang guro sa mga bata?
A. Silid-aklatan
B. Silid-aralan
C. Klinika
D. Tanggapan ng Punong guro
Masakit ang tiyan ng iyong kaklase dahil nagugutom na siya. Saan mo siya maibibili ng pagkain?
A. Palaruan
B. Silid-aklatan
C. Kantina
D. Klinika
Gusto ng mga magulang mo na makausap ang punong guro ng paaralan. Saan mo siya dadalhin?
A. Tanggapan ng Punong guro
B. Silid-aralan
C. Klinika
D. Silid-aklatan
Gusto mong maglaro kasama ang iyong mga kaibigan. Anong lugar sa paaralan ang inyong pupuntahan?
A. Silid-aklatan
B. Klinika
C. Palaruan
D. Banyo
Lugar sa paaralan kung saan dinadala ang mga batang may sakit?
A. Palaruan
B. Klinika
C. Palikuran
D. Silid-aralan
Tukuyin kung anong uri ng bahay ang nasa larawan.
D. Bungalow
B. Bahay kubo
C. Two storey house
D. Apartment
Anong uri ng bahay ang tinutukoy. Ito ay maliit na bahay, na yari sa kawayan at pawid.
A. Bungalow
B. Bahay kubo
C. Two storey house
D. Single Storey
Tukuyin kung anong uri ng bahay ang nasa larawan.
A. Bungalow
B. Bahay kubo
C. Two storey house
D. mansiyon
Hulaan kung sino ang tinutukoy.
Nagtuturo ako sa inyong mag sulat at magbilang.
A. guwardiya
B. nars
C. librarian
D. guro
Hulaan kung sino ang tinutukoy.
Pinapahiram ko kayo ng mga libro.
A. guwardiya
B. nars
C. librarian
D. guro
Hulaan kung sino ang tinutukoy.
Madalas akong nagbabantay sa pasukan at labasan ng paaralan.
A. guwardiya
B. librarian
C. dentista
D. guro
Ang aming ______ ang gumagabay at nagtuturo sa aming mga mag-aaral na bumasa at sumulat?
A. guwardiya
B. punongguro
C. guro
D. librarian
Dito tayo maaaring humingi ng tulong kapag may sunog?
A. Istasyon ng Bumbero
B. Palengke
C. Istasyon ng Pulis
D. Palaruan
Saang lugar sa pamayanan maaari tayong maglaro at maglibang?
A. Paaralan
B. hospital
C. botika
D. palaruan
Saang lugar sa pamayanan tayo maaaring bumili ng makakain?
A. Hospital
B. Palengke
C. Istasyon ng Pulis
D. Bangko
Saang lugar tayo makakabili ng gamot?
A. hospital
B. simbahan
C. paaralan
D. botika
Saan lugar sa pamayanan tayo maaaring matuto?
A. simbahan
B. botika
C. paaralan
D. palaruan
Dito sa lugar na ito tayo nakikinig sa salita at aral ng Diyos.
A. bangko
B. simbahan
C. barberya
D. istasyon ng pulis
Dito naninirahan ang bawat pamilya sa pamayanan
A. mall
B. bahay
C. istasyon ng bumbero
D. paaralan
Dito tayo makakabili ng tinapay. Anong lugar ito?
A. barberya
B. panaderya
C. istasyon ng bumbero
D. paaralan
Sa lugar na ito nagpapagupit ng buhok ang mga tao. Anong lugar ito?
A. simbahan
B. botika
C. barberya
D. paaralan
Siya ang nagpapalipad ng eroplano
A. kartero
B. piloto
C. abogado
D. arkitekto
Siya ang naghahatid ng sulat
A. tubero
B. kartero
C. piloto
D. abogado
nagbabahagi ng kaalaman sa mag-aaral
A. denstista
B. guro
C. bumbero
D. tubero
Nagtitinda ng iba't ibang produkto
A. Tindero/ Tindera
B. sundalo
C. security guard
D. bumbero
Siya ang nagtatanim ng prutas at gulay
A. mangingisda
B. magsasaka
C. tubero
D. dentista
gumagawa ng masarap na tinapay
A. dentista
B. panadero
C. mangingisda
D. magsasaka
Siya ang nangangalaga sa ating mga ngipin.
A. dentista
B. panadero
C. mangingisda
D. magsasaka
Nagbabantay ng bangko at mall
A. Pulis / Sundalo
B. Security guard
C. Pulis Trapiko
D. Bumbero
Nagtatanggol sa mga taong walang kasalanan
A. piloto
B. abogado
C. arkitekto
D. inhinyero
Siya ang gumagawa ng plano ng bahay
A. arkitekto
B. inhinyero
C. karpintero
D. tubero
Siya ang nag-kukumpini ng mga sirang bahay.
A. arkitekto
B. inhinyero
C. karpintero
D. tubero
Nagsasaayos ng mga sirang tubo ng tubig
A. tubero
B. elektrisyan
C. mekaniko
D. sastre
Nagsasaayos ng sirang sasakyan
A. tubero
B. elektrisyan
C. mekaniko
D. sastre
Nananahi ng damit ng lalaki
A. modista
B. sastre
C. sapatero
D. elektrisyan
Nananahi ng damit ng babae
A. modista
B. sastre
C. sapatero
D. tubero
Ito ang ating Pambansang Bulaklak
A. Rosas
B. Sampaguita
C. Gumamela
D. Ilang-Ilang
Kulay sa watawat na sumasagisag sa katapangan ng mga Pilipino.
A. pula
B. dilaw
C. asul
D. puti
Ano ang pambansang dahon ng Pilipinas?
A. Palaspas
B. Anahaw
C. Mangga
D. Santol
Ito ay isang matibay at malaking puno.
A. Narra
B. Orchids
C. Gumamela
D. Mahogany
Anong simbolo sa watawat ng Pilipinas ang kumakatawan sa 3 malalaking pangkat ng mga pulo sa Pilipinas?
A. araw
B. buwan
C. bituin
D. tatsulok
Alin sa mga sumusunod ang Pambansang Sayaw?
A. Pandanggo sa Ilaw
B. Tinikling
C. Cariñosa
D. Maglalatik
Ano ang pambansang hayop ng pilipinas?
A. baka
B. aso
C. kalabaw
D. pusa
Ano ang ating pambansang isda?
A. Lapu - Lapu
B. Anduhaw
C. Bangus
D. Sapsap
Sino ang pambansang Bayani ng Pilipinas?
A. Jose Rizal
B. Andres Bonifacio
C. Emilio Aguinaldo
D. Heneral Luna
Anong simbolo sa watawat ng Pilipinas ang kumakatawan sa unang 8 lalawigan na lumaban sa mga Kastila?
A. buwan
B. sinag ng araw
C. bituin
D. tatsulok
Ang Wikang Filipino ay __.
A. Pambansang Wika ng Pilipinas
B. Pambansang Prutas ng Pilipinas
C. Pambansang Awit ng Pilipinas
D. Pambansang Sayaw ng Pilipinas
Sino ang unang bayani ng ating bansa?
A. Jose Rizal
B. Lapu-Lapu
C. Magellan
D. Andres Bonifacio
Dito ikinulong si Dr. Jose Rizal bago siya barilin.
A. Unibersidad ng Santo Tomas
B. Fort Santiago
C. Welcome Rotonda
D. Luneta Park
Siya ang kompositor o lumikha ng musika ng ating pambansang awit
A. Julian Felipe
B. Jose Palma
C. Emilio Aguinaldo
D. Jose Mari Chan
Ano ang Pambansang awit ng Pilipinas
A. Bayang Magiliw
B. Lupang Hinirang
C. Bahay kubo
D. Bayan Ko
Alin sa mga sumusunod ang dapat ibigay sa mga bata upang sila ay maging malusog na bata?
A. Mga aklat
B. Mga damit
C. Mga laruan
D. Mga masustansiyang pagkain
Tinutulungan ni Nanay Cora si Ela
sa pagsagot ng kaniyang modules. Ano ang karapatang tinatamasa ni Ela?
A. Makapaglaro
B. Maprotektahan
C. Makapag-aral
D. Makapaglibang
