Font size
WorksheetsFINALS BASUPAN
Total questions: 91
Worksheet time: 47mins
Ito ay proseso ng pag-aayos, pagkuha, at pag unawa ng anumang uri at anyo ng impormasyon o ideyang kinakatawan ng mga salita o simbolo na kailangan tingnan at suriin upang maunawaan.
Pakikinig
Pagsasalita
Pagbasa
Pagsulat
Pagbasa ng masaklaw at maramihan upang makuha ang pangkalahatang pag-unawa o ang gist ng binasa. Ito ay ginagamitan ng skimming at scanning. Ito ay nagaganap kung ang babasahin ay ayon sa interes ng mambabasa at hindi katangian sa klase. Ang malaya at boluntaryong pagbabasa ito ay maaaring maging tulay tungo sa mas mataas na kakayahang komunikatibo at akademiko sa wika at ito ay kadalasang nagbubunga ng intensibong pagbabasa.
Ekstensibong Pagbasa
Intensibong Pagbasa
Masinsin at malalim ang pagbabasa kung kaya’t itinuturing na dulong bahagi na ito ng proseso. Ayon kay Douglas Brown, ito ay parang zoom lens kung saan sinusuri ang kaanyuang gramatikal, panandang diskurso, at iba pang detalye sa estruktura upang maunawaan ang literal na kahulugan, implikasyon, at retorikal na ugnayan sa isang akda. Isang uri ng narrow reading kung saan piling babasahin lamang hinggil sa isang paksa ang pinagtutuunan ng pansin, at kadalasan ay may gabay ng isang guro kung paano ito suriin.
Intensibong Pagbasa
Ekstensibong Pagbasa
Literal ang pag unawa sa impormasyong nabasa. Nauunawaan ang magkakahiwalay na detalye kagaya ng mga tauhan at katangian ngunit hindi pa makakabuo ng kabuuang interpretasyon nito.
PRIMARYANG ANTAS
MAPAGSIYASAT NA ANTAS
ANALITIKAL NA ANTAS
SINTOPIKAL NA ANTAS
Mayroon nang kabuuang pag-unawa sa teksto at nakapagbigay na ang mambabasa ng mga hinuha o impresyon. Ngunit, halos panlabas lamang na katangian ng teksto ang tinitignan dito kagaya ng mga titulo, heading, at subheading, at ang paggamit ng skimming, kung kaya ay paimbabaw pa rin ito.
PRIMARYANG ANTAS
MAPAGSIYASAT NA ANTAS
ANALITIKAL NA ANTAS
SINTOPIKAL NA ANTAS
Ito ay malalim, mapanuri, at kritikal na pagbasa upang mahasa ang katumpakan, kaangkupan, at katotohanan ng nilalaman na teksto. Hinimay-himay ang tekstong binasa pagdating sa analitikal na antas upang suriin nang mabuti hindi lamang ang nilalaman kundi ang pagkakagawa nito.
PRIMARYANG ANTAS
MAPAGSIYASAT NA ANTAS
ANALITIKAL NA ANTAS
SINTOPIKAL NA ANTAS
Pinakamataas sapagkat ito ay mayroon nang paghahambing sa iba’t ibang teksto at akda na kadalasang magkakaugnay. Hindi tumitigil sa paghihimay-himay ang pagbabasa; kinakailangang makabuo ng bagong kaalaman mula dito.
PRIMARYANG ANTAS
MAPAGSIYASAT NA ANTAS
ANALITIKAL NA ANTAS
SINTOPIKAL NA ANTAS
koleksyon ng mga paksa.
Syntopicon
Pagsisiyasat
Asimilasyon
Mga Tanong
Kabilang dito ang pagtukoy sa mahahalagang akda hinggil sa paksang nais pag-aralan.
Pagsisiyasat
Asimilasyon
Mga Tanong
Mga Isyu
Tinutukoy ang uri ng wika at mahahalagang terminong ginamit upang makapag desisyon kung susunod dito o gagawa ng sariling kategorisasyon
Pagsisiyasat
Asimilasyon
Mga Tanong
Mga Isyu
Dito nakakagawa ng sariling katanungang nais masagot, lalo na ‘yung kaiba sa mga suliranin binuo ng mga eksperto at ‘yung hindi gaanong ipinaliwanag ng maayos.
Pagsisiyasat
Asimilasyon
Mga Tanong
Mga Isyu
Lumilitaw ito lalo na kung magkaiba ang pananaw ng mga may-akda ng isinangguni. Sa puntong ito, natatalakay na ng mambabasa nang maayos ang bawat panig at nakapagbibigay na ng sariling konklusyon, bagay na maging ambag sa pagpapaunlad ng paksa.
Asimilasyon
Mga Tanong
Mga Isyu
Kumbersasyon
Ayon kay Sicat-De Laza, laging kwestiyonable ang katotohanan kaya’t ang pagtukoy dito ay hindi ang pangunahing punto at layunin ng sintopikal na pagbabasa. Bagkus, ito ay nagmula sa mayaman na diskurso at diskusyon sa pagitan ng mga eksperto.
Asimilasyon
Mga Tanong
Mga Isyu
Kumbersasyon
Sinisiyasat na ang tekstong babasahin. Sinusuri ang panlabas na katangian nito upang malaman ang tamang estratehiya sa pagbasa batay sa uri at larangan ng teksto at sa layunin ng pagbasa. Nagkakaroon ng skimming, gayundin ng previewing o surveying sa pamamagitan ng mabilisang pagtingin sa mga bahagi ng teksto. Nagsisimula rin maiuugnay ang paksa sa ating imbak at kaligirang kaalaman, kaya nakabubuo na ng mga tanong.
BAGO MAGBASA
PAGKATAPOS MAGBASA
HABANG NAGBABASA
Dahil dito nangyayari ang pinakamalaking bahagi ng kognisyon. Nakapokus na ang mambabasa upang masagot ang mga tanong na naporma bago pa magbasa at mapatotohanan o mapasubalian ang kanyang mga prediksyon.
BAGO MAGBASA
HABANG NAGBABASA
PAGKATAPOS MAGBASA
pagdaragdag at pagpapalawak ng bagong ideya sa impormasyong natutunan sa teksto.
Elaborasyon
Organisasyon
Biswalisasyon
pagbuo ng koneksyon sa pagitan ng iba’t ibang bahagi ng impormasyon sa teksto.
Elaborasyon
Organisasyon
Biswalisasyon
paggawa ng imahe at larawan sa isipan.
Elaborasyon
Organisasyon
Biswalisasyon
Ipinakikita ng mga kasanayang ito na hindi lamang natatapos sa pagbabasa ng huling salita sa teksto ang proseso ng pagbasa; pagkilala sa opinyon o katotohanan; pagtukoy sa layunin, pananaw, at damdamin ng teksto; pagsulat ng paraphrase, abstrak, at rebyu.
BAGO MAGBASA
HABANG NAGBABASA
PAGKATAPOS MAGBASA
pagsagot ng mga tanong hinggil sa nabasa
Pagtatasa ng komprehensyon
Pagbubuod
Pagbuo ng sintesis
Ebalwasyon
panunahing ideya at detalye
Pagtatasa ng komprehensyon
Pagbubuod
Pagbuo ng sintesis
Ebalwasyon
pagbibigay ng perspektibo at pagtingin ng manunulat batay sa pag-unawa ng mambabasa.
Pagtatasa ng komprehensyon
Pagbubuod
Pagbuo ng sintesis
Ebalwasyon
pagtataya sa katumpakan at kaangkupan ng impormasyong nabasa, gayundin ang halaga at ugnayan ng teksto sa layunin ng pagbasa.
Pagtatasa ng komprehensyon
Pagbubuod
Pagbuo ng sintesis
Ebalwasyon
Mga pahayag na maaring mapatunayan o mapasusubalian sa pamamagitan ng empirikal na karanasan, pananaliksik, o pangkalahatang kaalaman o impormasyon.
KATOTOHANAN
OPINYON
Mga pahayag na nagpapakita ng preperensya o ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip ng isang tao. Kadalasan mayroon itong panandang diskurso tulad ng “sa opinyon ko”, “para sa akin”, “gusto ko”, o “sa tingin ko”.
KATOTOHANAN
OPINYON
Ito ay tumutukoy sa nais iparating at motibo ng manunulat sa teksto, gayundin ang suliranin o pangunahing tanong na nais solusyunan ng may-akda.
LAYUNIN
PANANAW
DAMDAMIN
Ito ay tumutukoy sa distansya ng manunulat mula sa paksang tinatalakay.
LAYUNIN
PANANAW
DAMDAMIN
Ipinapahiwatig na pakiramdam ng manunulat sa teksto.
LAYUNIN
PANANAW
DAMDAMIN
Muling naipapahayag ang ideya ng may-akda gamit ang sariling pananalita ng mambabasa.
PARAPHRASE
ABSTRACT
REBYU
Tinatawag din itong precis o synopsis. Ito ay buod ng pananaliksik, tesis, o tala ng kumperensya na nagpapakita ng kabuuang latag ng pananaliksik, kabilang ang layunin, metodolohiya, at kinalabasan.
PARAPHRASE
ABSTRACT
REBYU
Isang uri ng kritisismo na ang layunin ay suriin ang isang aklat, pelikula, produkto o proyekto batay sa nilalaman, estilo, anyo, at gamit nito. Kadalasan ay may pagtataya o ebalwasyon kung mahusay ba o hindi ang aklat, pelikula, produkto, o protekyo. Ito rin ay naglalaman ng maikling buod upang magkaroon ng ideya ang mababasa tungkol sa teksto.
PARAPHRASE
ABSTRACT
REBYU
Ito ay naglalarawan ng bagay, tao, lugar, hayop, sitwasyon, karanasan, at iba pa. Hindi lamang basta-bastang paglalarawang hinihingi kundi masining na pagpapahayag dahil kailangan matingkad at detalye ang imahen upang makapukaw sa isip at damdamin ng mga mambabasa. Karaniwang gamit dito ay mga pang-uri, pang-abay, at maging pandiwa at mga tayutay.
TEKSTONG DESKRIPTIBO
TEKSTONG NARATIBO
TEKSTONG NANGHIHIKAYAT / PERSUWEYSIB
TEKSTONG NANGANGATWIRAN / ARGUMENTATIBO
TEKSTONG PROSIDYURAL O NAGBIBIGAY-HAKBANG
Ito ay ang paglalarawan kung ito’y direktang nagpapakita ng katangiang makatotohanan at di mapasusubalian, kagaya ng tangkad, kulay ng balat, bayang pinagmulan, atbp.
Obhetibo
Subhetibo
ito kung batay lamang sa personal na persepsyon ng manunulat.
Obhetibo
Subhetibo
Ito ay nagsasalaysay o nagkukuwento ng tiyak na pangyayari, totoo man ito o hindi.
TEKSTONG DESKRIPTIBO
TEKSTONG NARATIBO
TEKSTONG NANGHIHIKAYAT / PERSUWEYSIB
TEKSTONG NANGANGATWIRAN / ARGUMENTATIBO
TEKSTONG PROSIDYURAL O NAGBIBIGAY-HAKBANG
Kung ang sanaysay ay totoong nangyari, maging personal na karanasan man o hindi.
DI-PIKSYON
PIKSYON
Kung ang salaysay naman ay kathang isip lamang at kadalasang matatagpuan sa mga nobela, maikling kwento, maging sa mga tulang pasalaysay.
DI-PIKSYON
PIKSYON
Personal man ang paksang mapili, may panlipunan pa rin itong implikasyon at kahalagahan.
PAKSA
ESTRUKTURA
ORYENTASYON
Kailangang malinaw at lohikal ang estruktura ng kwento, maging kronolohikal man ito o gumagamit ng analepsis o flashback.
PAKSA
ESTRUKTURA
ORYENTASYON
Ito ang kaligiran ng kwento, kasama na ang mga tauhan, lunan o setting, oras o panahon, at maging damdaming umiiral (tone at mood) ng teksto. Sabi pa ni Sicat-De Laza, ito ang nagtatakda “kung gaano kahusay na na sapul ng manunulat ang realidad sa kanyang akda”. Maaari ding maisama ang tema ng akda sa oryentasyon, ayon kay Fuentes.
PAKSA
ESTRUKTURA
ORYENTASYON
gumagamit ng pag-uusap ng mga tauhan upang magsalaysay. Ginagamitan ito ng mga panipi (“ ‘’) bilang pananda.
Diyalogo
Foreshadowing
Plot twist
Ellipsis
nagbibigay ng mga pahiwatig o hint sa kahihinatnan ng kwento
Diyalogo
Foreshadowing
Plot twist
Ellipsis
tahasang pagbabago sa direksyon o inaasahang kalalabasan ng kwento.
Diyalogo
Foreshadowing
Plot twist
Ellipsis
omission o pag-alis ng ilang yugto ng kwento upang hayaan ang mambabasa na magpuno sa naratibo. Kabilang sa mga gumamit nito ay si Ernest Hemingway sa kanyang iceberg theory o theory of omission.
Diyalogo
Foreshadowing
Plot twist
Ellipsis
teknik kung saan pinatay ang mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang lilitaw upang magbigay-linaw sa kwento.
Comic book death
Reverse chronology
In medias res
Deus ex machina
mula sa dulo ang salaysay pabalik sa simula.
Comic book death
Reverse chronology
In medias res
Deus ex machina
nangangahulugang “sa kalagitnaan ng mga bagay”; kadalasang ginagamit kasama ang flashback upang ilahad ang mga karakter, lunan, at tensyon.
Comic book death
Reverse chronology
In medias res
Deus ex machina
“Diyos mula sa makina”. Sabi ni Horace sa kanyang Ars Poetica, ito ay isang uri ng pagbibigay-resolusyon sa pamamagitan ng biglaan at awtomatikong interbensyon ng isang karakter, bagay, o pangyayari na hindi ipinakilala sa mga unang bahagi ng kwento.
Comic book death
Reverse chronology
In medias res
Deus ex machina
Ito ang naging batayan ng paggalaw o pagbabago ng posisyon at disposisyon ng mga tauhan, at nagtatakda ng resolusyon ng kwento.
KOMPLIKASYON O TUNGGALIAN
RESOLUSYON
Ito ang kahahantungan ng komplikasyon. Maaaring lantad o di-lantad ang resolusyon. Kadalasan ay umiiwas ang mga awtor sa pagbibigay ng mga komento (authorial comment) upang hindi lumihis ang daloy at maging ganap ang kwento sa sarili nitong paraan, lalo na kung piksyon ito.
KOMPLIKASYON O TUNGGALIAN
RESOLUSYON
Ito kilala rin sa mga tawag na literary nonfiction o narrative nonfiction. Ito ay genre na gumagamit ng mga teknik ng piksyon sa pagsusulat ng mga akdang makatotohanan at nangyari sa totoong buhay. Mahalaga ang poetika sa pag akda bagaman ito ay naghahayag ng katotohanan. Ito ay matatagpuan sa mga bayograpiya, food writing/blogging, literary journalism/ feature writing, memoir, personal essay, at travel writing
CREATIVE NONFICTION
INSIGHT
Ito nalilikhang pananaw sa bawat kwentong ibabahagi sa iba. Ito ay makakatulong upang mas maunawaan natin ang pagiging komplikado ng buhay at ang pagkakaroon ng mga nuances ng mga bagay-bagay upang mas maging bukas tayo sa saklaw ng kung paano maging tao.
CREATIVE NONFICTION
INSIGHT
isang di-piksyong uri ng pagsulat upang kumbinsihin o impluwensyahan ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu.
TEKSTONG DESKRIPTIBO
TEKSTONG NANGHIHIKAYAT / PERSUWEYSIB
TEKSTONG NARATIBO
TEKSTONG NANGANGATWIRAN / ARGUMENTATIBO
TATLONG ELEMENTO NG PANGHIHIKAYAT AYON KAY ARISTOTLE
Ethos
Pathos
Logos
Athos
paggamit ng kredibilidad, karanasan, o imahe (hawak ito ng hinihikayat dahil maaaring magkaiba ang reputasyon ng isang tao depende sa kung sino ang tatanungin)
Ethos
Pathos
Logos
paggamit ng emosyon ng mambabasa
Ethos
Pathos
Logos
paggamit ng lohika at impormasyon
Ethos
Pathos
Logos
Kung argumentatibo ang estilo ng panghihikayat, masasabing gumagamit ito ng _____ pati _____, lalo na kung pinagpipitagang mananaliksik o eksperto ang may-akda ng teksto
Ethos
Pathos
Logos
ang ginagamit kadalasan sa mga patalastas at kampanya ay ang _____ at ______ upang direktang maimpluwensyahan ang mga manonood.
Ethos
Pathos
Logos
“TGP: Tagapagpagaling ng Pilipinas” - ang konseptong ginagamit dito ay tanging ikaw na lang ang nahuhuli o di pa gumagamit ng produkto o serbisyo kaya’t dapat ay sumakay ka na sa metaporikal na bandwagon dahil kung hindi ay mapag-iiwanan ka.
bandwagon
card stacking
glittering generalities
name calling
ito ay ang pagsasabi lamang ng mga magagandang aspeto ng isang produkto o serbisyo upang ito ay tangkilikin. Halimbawa, mahilig ang Coca-Cola sa mga patalastas na nagsusulong ng pakikipagkaibigan at pagmamahalan ng pamilya ngunit hindi ipinapakita ang mga sakit na maaaring bunga ng labis na pag-inom nito.
bandwagon
card stacking
glittering generalities
name calling
“Master: sikreto ng mga guwapo!” - ito ang paggamit ng mga magaganda, nakasisilaw, at mga mabubulaklak na salita o pahayag upang ganyakin ang mga mamimili, kumbaga’y pinapaliguan ng papuri o flattery ang produkto o serbisyo.
glittering generalities
name calling
plain folks
testimonial
“Dilawan!” “Dutertard!” - negatibo ito dahil hindi magagandang puna o taguri ang binibigay sa isang tao o bagay. Malimit natin itong makita tuwing eleksyon kung kailan nagsisiraan ang bawat kampo.
glittering generalities
name calling
plain folks
testimonial
ang nag-eendorso ay gumagamit ng katangian ng pagiging payak o ordinaryo upang pagkatiwalaan, kagaya na lamang ng mga kampanya sa eleksyon (“Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura?”). Maaari ding gumamit ng ganitong device ang mga patalastas ng mga artistang kunwari ay direktang gumagamit ng sabong panlaba (Breeze! ni Carmina Villaroel) kahit alam naman nating hindi talaga sila ang gumagawa nito. Pwede ring gamitin ang mga ordinaryong tao upang iendorso ang produkto o serbisyo.
glittering generalities
plain folks
testimonial
transfer
ito ang tuwirang pag-eendorso sa isang tao o produkto. Maaaring sikat na personalidad, maaari din namang ordinaryong tao, kagaya ng mga nasa patalastas ng MX3
name calling
plain folks
testimonial
transfer
ito ang paggamit ng kasikatan ng isang personalidad upang umangat ang popularidad ng isang produkto. Halimbawa na lamang ang paggamit ng mga bankable na endorsers na kagaya nina Kris Aquino at Sharon Cuneta na malakas manghikayat sa mga mamimili.
name calling
plain folks
testimonial
transfer
ipinagtatanggol ng manunulat ang kanyang posisyon o opinyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensya mula sa personal na karanasan at kaugnay na mga pananaliksik, maging empirikal man itong ginawa ng manunulat o yaong nailathala na.
TEKSTONG NANGANGATWIRAN / ARGUMENTATIBO
TEKSTONG NANGHIHIKAYAT / PERSUWEYSIB
TEKSTONG DESKRIPTIBO
TEKSTONG NARATIBO
pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan. Ito ang unang pinagkakasunduan o itinatakda bago pa man pumili ng panig sa argumento.
proposisyon
argumento
ito ang paglalatag na mismo ng mga dahilan at ebidensya upang pangatwiranan ang panig.
proposisyon
argumento
pag-atake sa personal na katangian/katayuan ng katunggali kaysa sa kaisipang kanyang ipinaglalaban
argumentum ad hominem
argumentum ad baculum
argumentum ad misericordiam
non sequitur
paggamit ng pwersa o awtoridad kaysa sagutin ang punto ng katunggali
argumentum ad hominem
argumentum ad baculum
argumentum ad misericordiam
non sequitur
nagpapaawa at umaapela sa damdamin ng mga mambabasa
argumentum ad hominem
argumentum ad baculum
argumentum ad misericordiam
non sequitur
walang kaugnayan ang konklusyon sa mga naunang sinabi
argumentum ad hominem
argumentum ad baculum
argumentum ad misericordiam
non sequitur
maaaring may katwiran ang isinagot ngunit hindi ito ang hinihingi ng tanong (missing the point)
non sequitur
ignorantio elenchi
maling paglalahat
maling paghahambing
pagsasaklaw ng buong sitwasyon batay lamang sa kaunting mga halimbawa
maling paglalahat
maling paghahambing
false dichotomy/ dilemma
maling awtoridad
hindi angkop ang aspetong pinaghahambingan ng dalawang bagay
maling paglalahat
maling paghahambing
false dichotomy/ dilemma
maling awtoridad
dalawang pagpipilian lamang ang tinutumbok kahit mayroon pa namang ibang alternatibo
maling paglalahat
maling paghahambing
false dichotomy/ dilemma
maling awtoridad
walang sapat na kaugnay na kaalaman ang sangguniang ginamit
maling paglalahat
maling paghahambing
false dichotomy/ dilemma
maling awtoridad
naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon, kadalasan tungkol sa mga batayang tanong: ano, kailan, saan, bakit, at paano. Ito ay kadalasang nakabatay sa tunay na pangyayari, kagaya ng: biyograpiya, diksyunaryo, encyclopedia, almanac, papel-pananaliksik sa mga dyornal, siyentipikong ulat, at mga balita sa dyaryo.
TEKSTONG IMPORMATIBO / EKSPOSITORI
TEKSTONG PROSIDYURAL
TEKSTONG NANGANGATWIRAN / ARGUMENTATIBO
TEKSTONG NANGHIHIKAYAT / PERSUWEYSIB
Nagpapakita ito ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari, lalo na ng kinalabasan o resulta at ng mga naunang pangyayari. Kung ang resulta ay isang suliranin, mainam na magbigay ng mga mungkahing solusyon para dito.
Sanhi at Bunga
Paghahambing
Pagbibigay-depinisyon
Paglilista ng Klasipikasyon
Nagpapakita ang mga ito ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga konsepto at pangyayari.
Sanhi at Bunga
Paghahambing
Pagbibigay-depinisyon
Paglilista ng Klasipikasyon
Nagpapaliwanag ito ng kahulugan ng isang salita, termino, o konsepto, maging konkreto man o abstrakto. Kailangan ding pag-ibahin ang kahulugang denotatibo (mula sa diksyunaryo) sa kahulugang konotatibo (pansarili o ibang kahulugan ng salita).
Sanhi at Bunga
Paghahambing
Pagbibigay-depinisyon
Paglilista ng Klasipikasyon
Dito hinahati-hati ang isang malaking paksa o ideya sa iba’t ibang kategorya upang magkaroon ng sistema ang pagtalakay.
Sanhi at Bunga
Paghahambing
Pagbibigay-depinisyon
Paglilista ng Klasipikasyon
kung paano isasagawa ang isang tiyak na bagay sa kahit ano mang larangan ng pagkatuto, maging ito man ay sa pagluluto, sa pagse-set up ng mesang binili sa IKEA, sa laro, eksperimento, atbp. layunin nito na makapagbigay ng sunod-sunod na direksyon upang matagumpay na maisagawa ang mga gawain sa ligtas, episyente, at angkop na paraan.
TEKSTONG PROSIDYURAL O NAGBIBIGAY-HAKBANG
TEKSTONG IMPORMATIBO / EKSPOSITORI
TEKSTONG NANGANGATWIRAN / ARGUMENTATIBO
TEKSTONG NANGHIHIKAYAT / PERSUWEYSIB
ang kalalabasan o kahahantungan ng proyekto, lalo na ang ideyal na resulta
layunin o target na awtput
kagamitan
metodo
ebalwasyon
mga kasangkapang kakailanganin upang makumpleto ang isasagawang proyekto. Nakalista ito batay sa pagkakasunod sunod ng paggamit. Ang nilalamang ito ay maaari ring wala sa ibang uri ng tekstong prosidyural na hindi gumagamit ng kasangkapan.
layunin o target na awtput
kagamitan
metodo
ebalwasyon
serye ng mga hakbang o panuto na isasagawa ayon sa pagkakasunod-sunod
layunin o target na awtput
kagamitan
metodo
ebalwasyon
pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng proyekto batay sa layuning nailatag.
layunin o target na awtput
kagamitan
metodo
ebalwasyon
sistematiko at obhetibong proseso ng pangangalap at pag aanalisa ng datos upang makabuo ng kongklusyon upang masagot ang mga tanong at makapaglatag ng solusyon. Nagsisimula ito sa mga sangguniang naglalaman ng mga bagay na alam na upang patunayan (di kaya’y pabulaanan) ang isang panukala, teorya o hipotesis, o pamamaraan tungo sa paggawa ng bagong kaalaman.
PANANALIKSIK
PAGPILI NG PAKSA
KATANUNGAN
OPINYON
KATANGIAN NG PANANALIKSIK
maingat na pagtitipon, pagtatala ng ulat, at pagpili ng mga datos na kinikilala sa pinagkunan
matiyaga, maingat, at di nagmamadaling pagsasakatuparan
nangangailangan ng kaalamang higit sa karaniwan
nangangailangan ng tamang obserbasyon at interpretasyon
makasumpong ng sagot sa mga suliraning hindi pa nabibigyang-lunas
ang nagtatakda sa bigat at halaga ng gagawing pananaliksik. Ito ang pangunahing ideya na gumagabay sa takbo ng pananaliksik.
PANANALIKSIK
PAGPILI NG PAKSA
KATANUNGAN
OPINYON
