Font size
WorksheetsTHIRD PERIODICAL TEST IN ARALING PANLUPUNAN 9
Total questions: 61
Worksheet time: 33mins
Bilang isang mag-aaral at mamimili paano ka makakatulong sa paglutas ng implasyon? Ako ay bibili lamang . . . . . .
Piliin sa mga sumusunod ang naaapektuhan sa tuwing may implasyon.
Mga nagpapautang
Nangungutang
Taong di-tiyak ang kita
Speculators
Paano mo mabibigyang kahulugan ang Patakarang Piskal?
Kinokolekta ng tuwiran at direkta ang buwis mula sa mga indibidwal at bahay-kalakal sa pamamagitan ng ______________.
Ilan ang GDP ng sinusuring bansa batay sa ibinigay na mga datos?
₱200 M
₱530 M
₱501 M
₱450 M
Mahalagang kapangyarihan ng pamahalaan na kinokolekta mula sa kinikita ng sambahayan at bahay-kalakal?
Buwis
Insentibo
Token
Cash Gift
Ito ay tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng presyo nang halos lahat ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan?
Resesyon
Implasyon
Depresyon
Deplasyon
Ilan ang GNI ng sinusuring bansa batay sa ibinigay na mga datos?
₱200 M
₱204 M
₱548 M
₱550 M
Sa paanong paraan nalulugi ang mga nagpapautang sa panahon ng implasyon?
Hindi na sila binabayaran.
Sobra ang perang natatanggap.
Bayad na isang libo na tinanggap ay bumababa sa tunay na halaga nito.
Tumataas ang halaga ng salapi kaya dapat mataas din ang ibabayad sa kanya.
Paano nakalilikom ng pondo ang pamahalaan upang makalikha ng pampublikong paglilingkod?
Sa tulong ng electric revenue
Sa ambag ng financial revenue
Sa pamamagitan ng public revenue
Sa pangangasiwa ng private revenue
Sumusukat kung ilang bahagdan ang naging pag-angat ng ekonomiya kompara sa nagdaang taon ang _________.
Gross National Product
Growth Rate
Nominal GNI
Real GNI
Pagpapaliban ng paggastos ng sambahayan para sa kanilang pangangailangan sa hinaharap?
Sahod
Allowance
Insentibo
Pag-iimpok
Tawag sa kita mula sa buwis
Private Revenue
Market Revenue
Public Revenue
Financial Revenue
Upang maipatupad ng Patakarang Pananalapi bakit kailangan ng Fiat Money Authority ng Bangko Sentral?
A. Sapagkat sila ang pinakamalaking bangko sa Pilipinas.
B. Sapagkat madami ditong perang maaaring gamitin .
C. Sapagkat sila ang may kapangyarihang mag imprenta ng salapi sa bansa.
D. Sapagkat lubos na pinagtitiwalaan ng pamahalaan ang Bangko Sentral.
Kung si Anthony ay nakabili ng 45 inches na TV noong taong 2009 sa halagang Php 25,000.00 at ngayong 2020 ay kailangan niyang muling bumili ngunit ang halagang kanyang mabibili sa kaparehong presyo ay hindi na kasing laki ng dati niyang nabili noong taong 2009. Ano ang tamang paliwanag sa pangyayari?
Hindi na available sa merkado ang kaparehong brand ng TV.
Ang Php 25, 000.00 nuon ay hindi na kapareho ng halaga sa kasalukuyan.
Sarado na ang tindahang dati niyang pinagbilhan.
Wala siyang trabaho upang makabili ng TV.
Halagang nakalaan upang makabili ng mga produkto at serbisyong makapagdaragdag sa asset ng pamahalaan tulad ng Government-owned and Controlled Corporation (GOCC).
Current Operating Expenditures
Net Lending
Capital Outlays
Budget Allocation
Nakaaapekto sa ekonomiya ng bansa ang mataas na implasyon dahil sa__________.
A. tumataas ang presyo sa pamilihan
B. marami ang nawawalan ang hanapbuhay
C. bumababa ang halaga ng pera
D. dumadami ang nangungutang
Si Mr. Yohan ay isang Japanese National, ay mayroong malaking negosyo sa Pilipinas. Saang Gross Domestic Product isasama ang kaniyang kinita?
China at Pilipinas dahil parehong dito nagmula ang kanyang kita.
Pilipinas dahil nandito ang kanyang negosyo at kumikita siya dito.
Japan dahil mamamayan siya nito.
Wala sa nabanggit.
Kung ang implasyon ay demand-pull inflation sa paanong paraan ito malulutas?
Ang supply ng salapi sa merkado ay dapat limitahan upang makontrol ang labis na paggasta.
Pagpapataas sa paggawa upang mapataas ang output n
Kinokolekta ng tuwiran at direkta ang buwis mula sa mga indibidwal at bahay-kalakal sa pamamagitan ng ______________.
A. excise tax
B. proporsiyonal na buwis
C. sales tax at income tax
D. witholding tax
Kinakailangang higpitan ang suplay ng salapi sa ekonomiya ng bansa upang_________?
A. maiwasan ang pagkakaroon ng mga utang
B. hindi magwelga ang mga manggagawa
C. dumami ang pera ng bansa
D. maiwasan ang pagtaas ng implasyon
Saang gastusin nakapaloob ang pagbabawas ng niluluwas o export sa inaangkat o import?
Namumuhunan
Personal
Panlabas na sektor
Pamahalaan
Nakakalikom ng salapi ang pamahalaan sa pamamagitan ng __________.
sales tax at income tax
witholding tax
taripa
value-added Tax
Mahalagang gumamit ng salapi bilang batayan ng palitan upang ______________.
A. mapadali ang pagbili ng produkto
B. hindi maging kumplikado ang pagkumpara ng halaga ng produkto
C. maikling oras ang maguguol sa pamimili
D. Lahat ng nabanggit
Sa paanong paraan malulutas ang demand-pull inflation?
Palakasin ang lakas paggawa upang mapataas ang produksiyon.
Pagbubukas ng maraming trabaho upang mapasigla ang ekonomiya.
Pagpapautang ng may mababang interes upang makaengganyo ng mga mangangalakal na magnegosyo.
Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta sa ekonomiya
Kung ikaw ay may nakitang negosyante na nagsasagawa ng hoarding ano ang iyong gagawin?
Isusumbong sa kinauukulan dahil isa sila sa dahilan kung bakit lalong tumataasang presyo ng mga produkto.
Hindi na makikialam at baka mapahamak pa.
Magkikibit-balikat na lang.
Iaasa na lamang sa pamahalaan ang pagtuklas.
Kung ang Bangko Sentral ay magpatupad ng Expansionary Money Policy ano ang magiging epekto nito sa ating ekonomiya?
A. Aalis ang mga dayuhang negosyante sa ating bansa
B. Dadami ang mga negosyanteng magtatayo ng kanilang mga negosyo
C. Marami ang magsasara ng kanilang negosyo
D. Mawawalan ng trabaho ang mga manggagawa
Nabibigyang pondo o badyet ang mga gastusin para sa pagbili ng mga produkto at serbisyong tulad ng Personal Services at Maintenance and Other Operating Expenditures sa pamamagitan ng _____________________.
expense Class
current Operating Expenditures
capital Outlays
net Lending
Si Amer ay bahagi ng sambahayan na kumukonsumo ng produkto at serbisyo. Ang AFB Corporation ay isa sa mga kompanyang lumilikha ng mga produktong kailangan ni Amer. Anong sektor ang nagsisilbing ugnay sa pagitan ni Amer at AFB Corporation?
Pamahalaan
Commodity Market
Financial Market
Panlabas na Sektor
May iba pang institusyong Pananalapi maliban sa mga bangko. Ano ang tulong nito sa mga mamamayan?
A. Nagkakaroon ng dagdag ahensya ang maaaring utangan.
B. Nagkakaroon ng seguro sa anumang mangyayaring aksidente o pinsala sa katawan dulot ng trabaho.
C. Makapagpalit ng dayuhang salapi sa pera na ginagamit sa ating bansa.
D. Lahat ng nabanggit.
Sa pamamagitan ng _____________ policy ay isinasagawa ng pamahalaan ang paggasta sa mga proyektong pampamahalaan at pagpapababa sa buwis.
contractionary Fiscal
demand Pull
expansionary Fiscal
cost - push
Bakit HINDI kabilang sa pamilihang pinansyal ang korporasyon?
Sapagkat madami kayo dito.
Sapagkat hindi ka makakautang dito.
Sapagkat kinakailangang may share ka dito.
Sapagkat mayayaman lang ang miyembro nito.
Ang kita ng ____________ ay kabayaran na tinatanggap ng mga tao na hindi matatawag na sahod o sweldo at kabilang din dito ang mga dibidendo na kabayaran sa ari-arian.
Kompanya o korporasyon
Entrepreneur at ng mga ari-arian
Empleyado
Pamahalaan
Ang ________ ay produksyon na nagawa sa loob ng bansa sa isang taon.
Real GNI
Gross National Income
Gross Domestic Product
Nominal GNI
Makatutulong ka upang maging malusog ang ekonomiya ng ating bansa sa pamamagitan ng ____________.
A. pamumuhunan
B. pag-iimpok
C. pagnenegosyo
D. pag-iinvest
Paano nakatutulong ang mga bangko sa ekonomiya ng bansa lalo na ang Bangko Sentral?
A. Nag- iisip kung paano makatutulong upang malutas ang anumang suliranin sa pananalapi na kinakaharap ng bansa.
B. Gumagawa ng paraan na palaguin ang ekonomiya ng bansa.
C. Nagsasagawa ng mga pag-aaral upang matulungan ang pamahalaan.
D. Nagpapautang sa pamahalaan ng may mababang interes upang mapalago ang ekonomiya ng ating bansa.
Naitatag ang Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines upang_________.
A. makautang ang mga nasa Mindanao
B. tulungan ang mga Muslim
C. makasabay sa kultura ng mga Muslim
D. dumarami ang mga Muslim sa bansa
Paano nakatutulong ang Open-market operation ng BSP sa pamahalaan?
A. Sa pamamagitan ng pagbenta o pagbili ng pagkakautang ng pamahalaan
B. Paghingi ng pahintulot na gumastos ng pera ng pamahalaan
C. Pagpapautang sa mga maliliit na bangko sa bansa
D. Pagsasagawa ng mga seminar sa mga maliliit na negosyante
Paano matutukoy kung nararapat na bang magpatupad ng Expansionary Fiscal Policy ang pamahalaan? Ang mga sumusunod ay palatandaan nito MALIBAN sa:
Ang kabuuang output ay mababa ng higit sa inaasahan dahil hindi nagamit ang mga resources
Mababa ang pangkalahatang demand ng sambahayan
Walang insentibo sa mga mamumuhunan na gumawa o magdagdag pa ng produksyon
May mataas na pangkalahatang output at employment
Ang mga sumusunod ay mga limitasyon sa pagsukat ng pambansang kita. Alin ang hindi kabilang?
Externalities
Kalidad ng buhay
Pormal na sektor
Hindi pampamilihang gawain
Ipatutupad ang patakarang ito kapag nasa alanganing pagtaas ang mga presyo sa ekonomiya.
Contractionary Fiscal Policy
Demand Pull
Expansionary Fiscal Policy
Cost - push
Si Christoff ay umutang kay Justin ng Php 100.00 na ipinambili ng isang kilong isda sa kalukuyan. Kung 5% ang antas ng implasyon sa susunod na buwan, ano ang halaga ng isang kilong isda?
Php 110.00
Php 95.00
Php 105.00
Php 100.00
Paano inilalarawan ang unang modelo?
Ang pambansang ekonomiya ay bukas.
Ang bahay- kalakal at sambahayan ay iisa.
Ang pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng pamilihan.
May dalawang aktor sa isang ekonomiya-ang sambahayan at bahay kalakal
Titipunin ng Department of Budget and Management ang mahahalagang dokumentong bubuo sa President's Budget at National Expenditure Program at ipapasa sa ________ upang sang-ayunan at maging isang ganap na batas.
Senado
Kongreso
Pangulo
Bangko Sentral ng Pilipinas
Mahalagang mapataas ang produksiyon at pagkonsumo sa isang bansa upang_________.
hindi na mangutang
lumago ang ekonomiya ng bansa
maging kasapi ng mayayamang bansa
makasama sa pandaigdigang pamilihan
Sinasabing ang buwis ay napakamalaking tulong sa bansa, sa paanong pamamaraan ka makatutulong sa pamahalaan sa wastong pangongolekta ng buwis?
Suportahan ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga tax evader.
Isuplong sa kinauukulan ang mga negosyanteng hindi nagbabayad ng tamang buwis.
Humingi ng resibo kung mamimili sa malalaking tindahan tulad ng department store.
Paalalahanan ang magulang at iba pang kakilala hinggil sa wastong pagbabayad ng buwis.
Alin ang HINDI kabilang sa mga paraan ng pagsukat ng pambansang kita?
Economic Freedom Approach
Income Approach
Expenditure Approach
Added Approach
Kung mataas ang implasyon ano ang maaaring ipatupad ng Bangko Sentral bilang tulong sa ekonomiya ng ating bansa?
A. Expansionary Money Policy
B. Tight Money Policy
C. Easy Money Policy
D. Contractionary Money Policy
Mahalaga ang pag-iimpok ng pera para ____________.
A. makabili ng kotse at bahay
B. sa bakasyon at luho
C. sa hinaharap tulad ng emergencies at retirement
D. may maipagmalaki sa iba
emand-pull inflation sa paanong paraan ito malulutas?
Ang supply ng salapi sa merkado ay dapat limitahan upang makontrol ang labis na paggasta.
Pagpapataas sa paggawa upang mapataas ang output ng produksiyon.
Maghikayat ng pautang sa mababang interes upang mapasigla ang paggasta.
Pagdaragdag ng maraming trabaho upang mapasigla ang ekonomiya.
Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit may taong hindi nagagawang mag-impok MALIBAN sa isa.
A. Kawalan ng isang tao ng disiplina sa kanyang sarili
B. Pagiging mahilig magluto sa bahay kaysa kumain sa restaurant
C. Inuuna ang bisyo tulad ng alak, sigarilyo at sugal
D. Pagiging maluho sa mga bagay kahit hindi pa kailangan
Kung ikaw ay nagnanais na makaipon ng sapat na salapi para sa hinaharap, ipagpapaliban mo ang paggastos sa pamamagitan ng __________.
A. investment
B. pamumuhunan
C. economic investment
D. savings
Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao ayon kay Francisco Colayco maliban sa:
A. pagreretiro
B. proteksyon sa buhay
C. mga hangarin sa buhay
D. maging inspirasyon sa buhay
Kung sa kasalukuyan ay may implasyon ang CPI noong nakaraang taon ay 100 at ang CPI sa kasalukuyan ay 125, ano ang kahulugan nito?
Ang price index ng batayang taon ay 125
Ang market basket ay 125
Ang halaga ng market basket sa kasalukuyan ay 25% na mas mataas kaysa sa batayang taon
Ang halaga ng market basket sa kasalukuyan ay 125% na mas mataas kaysa sa batayang taon.
Sinabi ni Laica sa kanyang asawa na dapat niyang panindigan ang SUWELDO -________ = GASTOS upang makapag-imbak ng pera sa bangko.
A. BANKING
B. SAVINGS
C. INTEREST
D. DEPOSIT
Bakit mahalagang masukat ang performance ng ekonomiya ng bansa?
Makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng magandang pamamalakad ng ekonomiya.
Magiging malakas ang bansa pagdating sa pakikipagkalakalan.
Ito ay repleksyon ng magandang pamumuno sa bansa.
Lahat ay tamang sagot
Ang mga sumusunod ay pinagmumulan ng pondo ng ating pamahalaan, alin ang HINDI kabilang?
Buwis
Sa mga salaping nakalagak sa Bangko Sentral ng Pilipinas
Pagbebenta ng ari-arian at mga kompanyang pag-aari ng pamahalaan.
Mula sa iba't ibang kagawaran ng pamahalaan
Kung ang kabuuang kita ni Nicole ay Php20,000.00 at ang kanya namang kabuuang gastusin ay Php17,000.00, magkano ang maaari niyang ilaan para sa pag-iimpok?
A. Php2,000.00
B. Php3,000.00
C. Php4,000.00
D. Php1,000.00
Ang mga sumusunod ay mga paraan kung papaano ka makapag-iimpok MALIBAN sa isa.
A. Magkaroon ka ng disiplina sa iyong sarili
B. Matutong sumabay sa uso
C. Gumastos lamang ng naaayon sa iyong mga pangangailangan
D. Magbukas ka ng bank account sa bangko
Katulong ng sambahayan at bahay-kalakal sa mga desisyong panghinaharap?
Bangko
Pamahalaan
Pamilihan ng Tapos na Produkto at Serbisyo
Pamilihan ng mga Salik ng Produksiyon
Kung ikaw ay may pera na nagkakahalaga ng isang milyong piso, paano mo ito pamamahalaan?
A. Ibibili ko ng bahay at lupa para sa mga magulang ko
B. Bibili ako ng bago at magarang kotse
C. Magpapatayo ako ng negosyo, mamumuhunan at mag-iimbak ng pera sa bangko
D. Ibibili ko ng mga alahas, bag, damit at pagkain
