WorksheetsPAGBASA_3rd quarter_exam
Total questions: 79
Worksheet time: 1hrs 19mins
Ito ay isang proseso o paraan ng pagkuha ng impormasyon o kahulugan sa mga
simbolong nakalimbag o nakasulat.
(a)
Kadalasang kinakatawan ng wika ang mga ideyang ito bilang mga simbolo na sinusuri ng
paningin o hipo (Braille)
(a)
APAT NA MAKRONG KASANAYANG PANGWIKA:
(a)
Ang pagbasang may (a) ay ang pagbuo ng mambabasa ng mga tulay na mag-uugnay
sa kanyang datingkaalaman at karanasan sa bagong impormasyong kanyang
makukuha mula sa tekstong binasa.
MGA TEORYA SA PAGBASA:
(a)
Nagsisimula ang pagbasa sa pagkilala sa mga letra na bumubuo ng salita, parirala at pangungusap, hanggang mabasa ang isang akda.
(a)
Nagsisimula ang pagbasa sa taglay na dating kaalaman at karanasan (prior/background knowledge)
ng mambabasa na ikinokonekta niya sa tekstong binasa.
(a)
Ginagamit ng mambabasa ang kanyang dating kaalaman at karanasan upang unawain
ang teksto na kumakatawan sa kaisipan ng manunulat.
(a)
Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbasa ay naidaragdag sa dati nang imbak na
kaalaman at karanasan (iskema) ng mambabasa.
(a)
Sa pagbabasa, nalilinaw ang (a) ng mambabasa kung ito ba'y tama, mali, kulang o dapat baguhin.
Tumutukoy ang metacognition sa kamalayan ng tao sa proseso ng sarili niyang pag-iisip habang gumagawa siya ng pagpapakahulugan o pagbasa.
(a)
MGA ELEMENTO NG METAKOGNITIBO NG PAGBASA:
(a)
MGA KAANTASAN NG PAGBASA:
(a)
tinatawag ding itong panimulang pagbasa, nakatutok ito sa aktuwal na pagkilala
sa mga letra at salita gaya ng sa Elementarya;
literal ang pagkaintindi ng mambabasa at umiikot lamang sa mga tanong
na ano, sino, saan, at kailan.
(a)
dahil nakatakda sa limitadong oras ang pagbasa;
superpisyal o paimbabaw lang ang kaalaman na kinukuha ng mambabasa sa teksto
gaya ng kung tungkol saan ang akda, ano-ano ang mga bahagi nito, anong uri ito ng
babasahin, atbp.
(a)
Aktibo, interpretatibo at mapanuri ang pagbasang ito sapagkat iniintinding mabuti ang pahiwatig at pakahulugan ng teksto; binibigyang pansin nito ang mga tago, di-lantad at nakapaloob na kaisipan sa akda; nahihinuha ang mas malalim na implist na kahulugan ng teksto at nasasagot ang tanong na "bakit”.
(a)
Natutukoy ang katotohanan sa opinyon at kawastuhan o kasapatan ito;
napaghahambing ang ideya ng manunulat sa sariling ideya.
(a)
komparatibo ito, dapat ay marami ng librong nabasa ang mambabasa para makapaghambing, makapagtulad, makapagiba-iba, makapagsuri, makapuna, at makapagpahalaga sa akda o aklat na binabasa.
(a)
MGA TEKNIK SA PAGBASA:
(a)
madalian ang pagbasa para magkaroon ng impresyon sa akda kung dapat ba itong basahin o hindi makakuha ng pangkalahatang ideya sa nilalaman ng teksto.
(a)
tulad ng iskiming, mabilisan din itong pagbasa para agad makuha ang sagot sa isang tanong, matagpuan ang susing salita (keyword) o hinahanap na numero, makita ang partikular naimpormasyon sa teksto.
(a)
magaan, pansumandali at pampalipas-oras ang pagbasa habang naghihintay nang hindi mainip;
ito ang pangkaraniwan, laganap at di madibdibang pagbasa.
(a)
intensibong pagbasa, kung saan iniisa isa ang bawat detalye, sinusuri, pinupuna, kinukwestiyon,
tinataya at inihimay na mabuti ang bawat ideya sa akda.
(a)
malikhaing pagbasa sapagkat tumutuklas ito ng panibagong konsepto para magawan
ng bagong pormang maiuugnay sa kapaligirang sosyal at kultural;
tinitignan dito ang katunayan at kawastuhan ng ideya bago isabuhay.
(a)
may mga impormasyong di agad nakukuha sa minsanang basa o isahang basa.
Lumilinaw ang paksang sinasaliksik sa patuloy na repetisyon.
(a)
pagbasang sinasabayan ng pagsulat o pagmamarka para madaling balikan at dahil na rin sa di kayang tandaan sa memorya ang lahat ng importanteng bagay sa nabasa.
(a)
maituturing itong maikling kritika na naglalaman ng pagsusuri at pamumuna ng isang akda o aklat para pahalagahan ang kabuuang porma at nilalaman nito.
(a)
MGA URI NG TEKSTO:
(a)
isang uri ng babasahing di piksiyon. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports, agham o siyensiya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon, at iba pa.
(a)
Di tulad ng ibang uri ng teksto, ang mga impormasyon o kabatirang inilahad ng may-akda ay hindi nakabase sa kanyang sariling opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya't hindi nito masasalamin ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa.
(a)
Karaniwang may malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang manunulat o kaya'y nagsasagawa siya ng pananaliksik at pag-aaral ukol dito. Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin, textbook, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng encyclopedia, gayundin sa iba't ibang web site sa Internet.
(a)
ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO:
(a)
MGA ESTILO SA PAGSULAT, KAGAMITAN/SANGGUNIANG
MAGTATAMPOK SA BAGAY NA BINIBIGYANG-DIIN:
(a)
MGA URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO:
(a)
Sa uring ito ng teksto inilalahad ang mga totoong pangyayaring
naganap sa isang panahon o pagkakataon.
(a)
Karaniwang sinisimulan ng manunulat sa isang mabisang panimula o introduksiyon. Kung ito ay isang balita, mababasa sa bahaging ito ang pinakamahalagang impormasyon tulad ng kung sino, ano, saan, kailan at paano nangyari ang inilalahad.
(a)
Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa paligid.
(a)
Ang pagsulat ng ganitong uri ng teksto ay nangangailangan ng masusing pananaliksik sapagkat ang mga impormasyon at detalyeng taglay nito ay naglalahad ng katotohanan ukol sa paksa at hindi dapat samahan ng personal na pananaw o opinyon ng manunulat.
(a)
Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari. Layunin nitong makita ng mambabasa mula sa mga impormasyong nagsasaad kung paano humantong ang paksa sa ganitong kalagayan. Karaniwan itong ginagamitan ng mga larawan, dayagram, o flowchart na may kasamang mga paliwanag. Halimbawa nito'y ang siklong buhay ng mga hayop at insekto tulad ng paruparo, palaka, at iba pa.
(a)
Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw, o anumang bagay na nais niyang mabigyang-buhay sa imahinasyon ng mambabasa.
(a)
Isang bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng tekstong deskriptibo ay ang relasyon
nito sa iba pang uri ng teksto.
(a)
Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring maging SUBHETIBO o OBHETIBO.
(a)
ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan nang napakalinaw at halos madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa totoong buhay.
(a)
naman ang paglalarawan kung ito'y may pinagbatayang katotohanan.
(a)
GAMIT NG COHESIVE DEVICES O KOHESYONG
GRAMATIKAL SA PAGSULAT NG TEKSTONG DESKRIPTIBO:
(a)
Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng
paksang pinaguusapan sa pangungusap.
(a)
Ex: Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting kaibigan.
(Ang Ito sa ikalawang pangungusap ay tumutukoy sa Aso na nasa unang pangungusap.
Kailangang balikan ang unang pangungusap upang malaman ang tinutukoy ng panghalip na ito.)
(a)
Ex: Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa gabi. Ang matatamis niyang ngiti at mainit na yakap sa aking pagdating ay sapat para makapawi sa kapagurang hindi lang ang aking katawan kundi ng aking puso at damdamin. Siya si Bella, ang bunso kong kapatid na mag-iisang taon pa lamang.
(Ang Siya sa unang pangungusap ay tumutukoy kay Bella, ang bunsong kapatid. Malalaman lamang kung sino ang tinutukoy ng siya o niya kapag ipinagpatuloy angpagbabasa.)
(a)
Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
(a)
Ex: Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago.
(Ang salitang aklat sa unang pangungusap ay napalitan ng salitang bago sa ikalawang pangungusap. Ang dalawang salita'y parehong tumutukoy sa iisang bagay, ang aklat.)
(a)
May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawawalang salita.
(a)
Ex: Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo.
(Nawala ang salitang bumili gayundin ang salitang aklat para sa bahagi ni Rina subalit naiintindihan pa rin ng mambabasa na tulad ni Gina, siya’y bumili rin ng tatlong aklat dahil nakalahad na ito sa unang bahagi.)
(a)
Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangunguasap.
(a)
Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyong.
(a)
Maaari itong mauri sa dalawa: ang REITERASYON at ang KOLOKASYON.
(a)
Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses. Maaari itong mauri sa tatlo: pag-uulit o repetisyon, pag-iisa-isa, at pagbibigay-kahulugan.
(a)
Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay
nagtatrabaho na sa murang gulang pa lang.
(a)
Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay
talong, sitaw, kalabasa, at ampalaya
(a)
Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay naisasantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
(a)
Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maaaring magkapareha o maaari ding magkasalungat.
(a)
Ex: nanay-tatay, guro-mag-aaral, hilaga-timog, doktor-pasyente,
puti-itim, maliit-malaki, mayaman-mahirap
(a)
Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan. Pangunahing layunin ng ganitong uri ng teksto ang makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o saya.
(a)
- May Iba't Ibang Pananaw o Punto de Vista (Point of view) sa Tekstong Naratibo
- May Paraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o Damdamin sa Tekstong Naratibo
- May mga Elemento ang mga Tekstong Naratibo
(a)
MAY IBA'T IBANG PANANAW O PUNTO DE VISTA (POINT OF VIEW) SA TEKSTONG NARATIBO:
(a)
Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na ako.
(a)
Dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya't gumagamit siya ng mga panghalip na ka o ikaw subalit tulad ng unang nasabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulatsa kanilang pagsasalaysay.
(a)
Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siya. Ang tagapagsalaysay ay tagapag-obserba at nasa labas siya ng mga pangyayari.
(a)
Dito ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya't iba't ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwang itong nangyayari sa isang nobela kung saan ang mga pangyayari ay sumasakop sa mas mahabang panahon at mas maraming tauhan ang naipakikilala sa bawat kabanata.
(a)
MAY PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG DIYALOGO, SALOOBIN,
O DAMDAMIN SA TEKSTONG NARATIBO:
(a)
Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi.
(a)
Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan ng panipi.
(a)
MAY MGA ELEMENTO ANG MGA TEKSTONG NARATIBO:
(a)
Isang espesyal na uri ng tekstong expository ang tekstong prosidyural. Inilalahad nito ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan. Nagpapaliwanag ito kung paano ginawa ang isang bagay. Layunin nitong maipabatid ang mga wastong hakbang na dapat isagawa.
(a)
- Nasusulat sa kasalukuyang panahunan
- Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang
- Tinutukoy pangkalahatang ang mambabasa pamamaraan sa pamamagitan ng paggamit ng mga panghalip
- Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa para sa instruksiyon
- Gumagamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive devices upang ipakita ang
pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi
- Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsyon (hugis, laki, kulay, at dami).
(a)
NILALAMAN NG TEKSTONG PROSIDYURAL:
(a)
Nilalaman ng bahaging ito kung ano ang kalalabasan o kahahantungan ng proyekto ng prosidyur.
(a)
Nakapaloob dito ang mga kasangkapan at kagamitang kakailanganin upang makumpleto ang isasagawang proyekto.
(a)
Serye ng mga hakbang na isasagawa upang mabuo ang proyekto.
(a)
Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur na isinasagawa.
(a)
