Font size
WorksheetsIkatlong Markahan sa Araling Panlipunan 6
Total questions: 43
Worksheet time: 22mins
Anong hakbang ang ginawa ni Pangulong Manuel A. Roxas upang matugunan ang mga hamon at suliranin sa kanyang administrasyon?
Nakipag ugnayan at nakipag kaibigan sa bansang Espanya.
Umalis papuntang Estados Unidos kasama ang kanyang gabinete
Pumirma nang kasunduang Philippine Rehabilitation Act sa pagitan ng Pilipinas at Espanya
Pumirma nang kasunduang Philipine Rehabilitation Act sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos
Alin sa mga sumusunod ang hindi naging suliranin ng ating pamahalaan pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig?
pag-aalsa ng ilang pangkat sa pamahalaan
pagkakaroon ng mataas na antas ng pamumuhay na tulad ng Estados Unidos
wasak na mga gusali, imprastraktura at pagka paralisa ng mga transportasyon.
mabuway na ekonomiya at bagsak na produksyon sanhi ng pagkasira ng mga palayan at sakahan
Sa iyong palagay, ang pagpirma ni Pangulong Manuel A. Roxas ng kasunduan sa Estados Unidos ay nakatulong ba upang matugunan ang mga suliranin at hamon na kinaharap ng Pilipinas pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig? Bakit?
Hindi, dahil umasa na lamang ang mga Pilipino sa tulong na ibinigay ng Estados Unidos
Oo, dahil malaki ang naitulong nang perang ibinigay ng Estados Unidos sa Pilipinas sa rehabilitasyon at pagpapagawa ng mga bagong gusali sa ating bansa
Hindi tiyak o sigurado kung natugunan ba o hindi ang mga suliranin at hamong kinaharap ng pamahalaan.
Oo, dahil nagkaroon ang mga Pilipino ng sapat na kamalayan sa mga produkto at kulturang kanluranin na siyang naging paraan upang bumuti ang antas ng kanilang pamumuhay.
Ang mga sumusunod ay ang mga kasunduang kaagapay o kapalit ng Philippine Rehabilitation Act. Alin sa mga ito ang hindi?
Batas Militar
Bell Trade Act
Parity Rights
Military Base Agreement
Bakit mahalaga sa ekonomiya ng ating bansa ang pagtangkilik ng mga produktong sariling atin?
Ipinapakita nito na mahal natin ang ating bansa.
Makatutulong ito upang umangat pa at mas makilala ang ating produkto sa ibang bansa
Makatutulong tayo upang kumita at umunlad ang kabuhayan ng ating mga kapwa Pilipino
Lahat ng mga nabanggit
Bakit maraming Pilipino ang nagalit at hindi sumang-ayon sa pagpirma ni Pangulong Roxas sa kasunduang inilahad ng Estados Unidos?
Ang kasunduan ay pabor lamang sa mga Pilipino
Hindi naging pantay ang kasunduan sa mga Pilipino
Ang mayayaman lamang ang nakatanggap ng tulong at benepisyo.
Marami ang nakatanggap ng benipisyo at tulong mula sa Estados Unidos.
Bakit labag sa konstitusyon at saligang batas ng Pilipinas ang patakarang Parity Rights?
Ito ay isang paraan ng pakikipagkaibigan sa ibang bansa.
Ito ay patakarang nag uutos na tumangkilik sa mga p rodukto ng ibang bansa.
Ito ay isang paraan ng panghihimasok ng makapangyarihang mga bansa at mga bagong tatag na estado.
Ito ay kasunduang nagbibigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at Amerikano na linangin ang mga likas na yaman ng bansa.
Naging aktibo ang kilusang Hukbalahap (Hukbo Laban Sa hapon) sa administrasyong Roxas. Alin kaya sa mga sumusunod ang maaring naging dahilan ng kanilang pag-aalsa?
Pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga produkto ng ibang bansa
Hindi pagsang-ayon ng pamahalaan sa kasunduang Batas Militar
Pagbabayad ng pamahalaang Amerikano ng napakababang halaga sa Pilipinas bilang bayad pinsala sa digmaan
Galit at kawalan ng tiwala sa pamahalaan dahil sa pagsang-ayon nito sa mga hindi pantay na kasunduan na inilahad ng Estados Unidos
Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa mga reaksiyon ng mga Pilipino sa mga ilang hindi pantay na kasunduan. Alin sa mga ito ang hindi nabibilang sa kanilang mga reaksiyon?
Pag-aalsa laban sa pamahalaan
Pagbatikos sa administrasyong Roxas
Pakikipagsaya kasama ang mga Amerikano
Galit dahil sa paglabag ng kanilang mga Karapatan
Sa kanyang panunumpa bilang Pangulo ng Pilipinas ipinahayag niya na ang “Pilipinas ay magiging dakila muli”. Sinong Pangulo ito?
Carlos P. Garcia
Ferdinand E. Marcos
Manuel A. Roxas
Ramon F. Magsaysay
Sinong Pangulo ang nagpaunlad sa mga baryo dahil sa pananiniwala na “kung ano ang nakabubuti sa karaniwang tao ay nakabubuti rin sa buong bansa”?
Carlos P. Garcia
Diosdado P. Macapaga
Elpidio R. Quirino
. Ramon F. Magsaysay
Siya ang Pangulo na nagbigay pansin sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagpapatibay ng Agricultural Land Reform Code. Siya’y naniniwala na “walang imposible kapag may gusto kang mangyari”. Sino ang Pangulo ito?
Carlos P. Garcia
Diosdado P. Macapagal
Elpidio R. Quirino
Ramon F. Magsaysay
Sino ang nagpairal ng patakarang “Pilipino Muna’ upang paunlarin ang kayamanan ng bansa, pagpapaunlad at pagtatangkilik sa mga produktong Pilipino?
Carlos P. Garcia
Elpidio Quirino
Ferdinand Marcos
Manuel R. Roxas
Sa kanyang panunungkulan nabigyan ng amnestiya at nakapamuhay nang tahimik ang mga kasapi ng HUKBALAHAP. Kaninong panunungkulan ito nangyari?
Carlos P. Garcia
Elpidio R. Quirino
Manuel A. Roxas
Ramon F. Magsaysay
Alin sa mga programa ni Pang. Manuel Roxas ang binuo upang tulungan ang mga tao at mga pribadong kompanyang makapagsimula muli at makapagpanibagong-buhay pagkatapos ng digmaan?
Parity Rights
Military Bases Agreement
Philippine Trade Act of 1946
Rehabilitation Finance Corporation
Alin sa mga programa ni Pang. Manuel Roxas ang binuo upang tulungan ang mga tao at mga pribadong kompanyang makapagsimula muli at makapagpanibagong-buhay pagkatapos ng digmaan?
Parity Rights
Military Bases Agreement
Philippine Trade Act of 1946
Rehabilitation Finance Corporation
Saan sa mga sumusunod nakilala si Pang. Elpidio Quirino?
Pilipinismo
Green Revolution
Ama ng Foreign Service
Pilipino Muna
Ang mga sumusunod ay programa ni Pang. Elpidio Quirino maliban sa isa. Ano ito?
Pagharap ng suliranin sa mga Huk
Pagpapakalat ng Wikang Pambansa
Pagsugpo sa paglaganap ng Komunismo
Pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Pilipino
Siya ang ika-siyam na Pangulo ng Pilipinas ?
Diosdado Macapagal
Ferdinand Marcos
Carlos Garcia
Ramon Magsaysay
Kailan inilunsad ni Pang. Garcia ang patakarang “Pilipino Muna”?
Agosto 12, 1958
Hunyo 19, 1971
. Agosto 21, 1958
Hulyo 19, 1971
“Kampiyon ng masang Pilipino at Kampiyon ng Demokrasya” ang tanyag na taguri sa Pangulong ito.
Carlos Garcia
Ramon Magsaysay
Ferdinand Marcos
Diosdado Macapagal
Ang lahat ay mga suliraning kinaharap ni Pang. Elpidio Quirino sa kanyang panunungkulan maliban sa isa. Ano ito?
pag-angat ng kabuhayan ng bansa
paglaganap ng suliranin sa mga Huk
pagpapalakas ng demokrasya sa bansa
pagsugpo sa banta ng komunismo sa bansa
Ang suliranin sa Huk ay nalutas sa pamamagitan ng programang ito kung saan ang lahat ng susukong kasapi ay bibigyan ng kapatawaran at pagkakalooban ng lupang masasaka
Green Revolution
Land Tenure Reform Law
Economic Development Corps (EDCOR)
Agriculture Land Reform Code
Aling programa sa Ikatlong Republika ang nagtatadhana ng paghahati-hati ng malalaking asyendang bibilhin ng pamahalaan upang maipamahagi nang hulugan sa mga kasama
RFC
Land Tenure Reform Law
Agriculture Land Reform Code
Economic Development Corps (EDCOR)
Ano ang ahensya na itinatag sa ilalim ng panunungkulan ni Pang. Ferdinand Marcos upang mamahala sa pamamahagi ng lupa?
Department of Agriculture
Department of Tourism
Department of Trade and Industry
Department of Agrarian Reform
Isang programang naglalayong mahikayat ang mga Pilipino na mamuhay ng simple at matipid.
Austerity Program
Social Security Act
Green Revolution
Agriculture Land Reform Code
Upang mapabuti ang kalagayan ng pangkaraniwang tao aling batas ang nagsasaad ng paghimok sa mga korporasyong gawing kasapi ng Social Security Office ang lahat ng kanilang kawani at mga manggagawa?
Austerity Program
Social Security Act
Green Revolution
Agriculture Land Reform Code
Layunin ng pagtatayo ng proyektong ito sa pangunguna ni Gng. Imelda Marcos na makilala sa buong mundo ang sining ng mga Pilipino.
Folk Srts Theater
Aliwan Theater
Cultural Center of the Philippines
A at C
. Nagtatadhana ng pagtanggap ng Pilipinas ng $620 milyon mula sa ang Estados Unidos upang maipagawa ang mga napinsala ng digmaan at maibalik muli ang mga palingkurang-bayan.
Parity Rights
Military Bases Agreement
Tydings Rehabilitation Act of 1946
Rehabilitation Finance Corporation
Ang mga sumusunod ay di-mabuting epekto ng Parity Rights maliban sa isa. Ano ito?
. Paghina ng mga tradisyunal nating industriya
Pagtatali ng ating pamilihan sa pamilihan ng mga Amerikano
. Lubusang pagkalugi ng mga magsasakang Pilipino sa mga gastusin sa mga sakahan
Nagkaroon ng bagong kaalaman ukol sa kalakalan ang mga Pilipinong mangangalakal gaya ng paggamit ng mga makinarya at bagong teknolohiya
Siya ang nagpanukala ng Philippine Rehabilitation Act of 1946.
Sen. Millard Tydings
Pang. Manuel Quezon
Cong. Jasper Bell
.Pang. Manuel Roxas
Ang pagkakaloob ng halagang 620 milyong dolyar ay ipinanukala ng __________.
Batas Militar
Bell Trade Act
. Philippine Rehabilitation Act of 1946
Pang. Manuel Roxas
Bakit nagkaroon ng Kasunduang Base Militar sa pagitan ng Amerika at Pilipinas?
Upang maging malaya sa mga mananakop
Ito ang magpapalakas sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas
Upang magkaroon ng malayang kalakalan sa dalawang bansa
Upang mapangalagaan ang kapayapaan at teritoryo ng bawat isa laban sa mga mananakop
Sino ang ambassador na kasama ni Pang. Manuel Roxas na lumagda sa Kasunduang Base Militar?
Paul Mcnutt
Jasper Bell
Millard Tydings
Manuel L. Quezon
Kailan inaprubahan ang Parity Rights?
Marso 14, 1947
Marso 11, 1947
Oktubre 1945
Abril 30, 1946
Tumutukoy sa lubos na pagkamalaya at pagkamakapangyarihan ng isang bansa.
Soberanyang panloob
Soberanyang panlabas
Soberanya
Kapayapaan
Paano maipapakita ng Pilipinas ang pagkakaroon ng panloob na Soberanya?
Limitado ang kapangyarihan
Nagpapatupad ng sariling batas
Sumusunod sa batas ng ibang bansa
Nakakapagpasya sa paraan na ipagtanggol ang bansa sa impluwensya ng ibang bansa
Alin ang nagpapakita ng kahalagahan ng Panlabas na Soberanya?
Nakalilikha ng sariling batas.
Pagtatanggol sa bansang Pilipinas
Nakakapagpasya sa paraan na ipagtanggol ang sariling bansa.
Walang kapangyarihan ang ibang bansa na ipilit sa Pilipinas ang kanyang patakaran
Bakit mahalagang maging isang soberanong bansa?
Dahil napapamunuan ng lider ng ibang bansa
Dahil nakakasunod sa batas ng makapangyarihang bansa.
Dahil nagtataglay ito ng mga karapatang makabubuti sa bansa
Dahil nagkakaroon ng kakayahan na magpatupad ng batas sa ibang bansa.
Anong karapatan ang tinatamasa kung nagpapadala ang Pilipinas ng sugo, kinatawan o embahador sa ibang bansa?
makapagsarili
mamuno sa nasasakupan
makipag-ugnayan
pantay na pagkilala
Sino ang maaaring magtanggol sa ating bansa sa oras ng digmaan?
mga piling mamamayan
Lahat ng Pilipino
mga pinuno sa pamahalaan
mga mamamayang may 21 taong gulang
Aling ahensiya ng pamahalaan ang may pangunahing tungkulin sa pagtatanggol ng ating bansa?
ROTC
Kagawarang Panlakas
Hukbong Katihan ng Pilipinas
Sandatahang Lakas ng Pilipinas
Sila ang may nakaatang na tungkuling ipagtanggol ang estado kung hinihingi ng pagkakataon.
Sila ang may nakaatang na tungkuling ipagtanggol ang estado kung hinihingi ng pagkakataon.
mga sundalo
mga kalalakihan
mga mamamayan
