NEW
Font size
WorksheetsCORE 13 FINALS
Total questions: 30
Worksheet time: 10mins
Ang tao ay isang panlipunang nilalang. Alin sa mga ss. ang nagpapaliwanag nito?
Ang tao ay nabubuhay para sa iba
Ang tao ay natututo kasama ang iba
Ang tao ay nabubuhay kasama ang iba
Lahat ng nabanggit
Ito ay kabutihan para sa bawat indibidwal na nasa lipunan
Kolektibong pagtingin
Kabutihang panlahat
Lipunan
Komunidad
“Walang sinumang tao ang nabubuhay para sa kanyang sarili lamang.” Ang pahayag ay tumutukoy sa tao bilang
Panlipunang nilalang
Ispiritwal na nilalang
Intelektwal na nilalang
Moral na nilalang
Sa lipunan hindi dapat mabura ang indibidwalidad o ang pagiging katangi-tangi ng mga kasapi. Ibig sabihin nito ay
Dapat kolektibo ang pagtingin sa lipunan
Ang lipunan ay dapat may iisang layunin
Dapat naigagalang ang pagkakaiba ng indibidwal sa lipunan
Dapat mangibabaw ang kapakanan ng lahat kaysa indibidwal
“Binubuo ng lipunan ang tao.” Ibig sabihin ay
Ang tao ang sentro ng lipunan
Ang tao ang pinakamahalagang bahagi ng lipunan
Ang layunin ng lipunan ay para sa kapakanan ng tao
Malaki ang impluwensiya ng lipunan sa paghubog ng tao
Ito ang layunin ng lipunan
Pagkakaisa
Pagtutulungan
Kooperasyon
Kabutihang panlahat
Bakit mas epektibo ang patas kaysa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan?
Sa pamamagitan nito, mas maisaalang-alang ang kakayahan at pangangailangan ng bawat isa.
Walang kakayahang magpasiya para sa sarili at sa iba ang mga mamamayan
Karapatan ng bawat mamamayan na matanggap ang nararapat sa kaniya
Hindi pantay-pantay ang mga tao, ngunit may angkop para sa kanila
Hindi namumulat ang tao isang araw at bigla niyang isisigaw, “Ako!”. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag nito?
Ang kanyang pagkamulat ay ginawa at ginagawang posible ng kanyang ugnayan sa kapwa tao
Mula sa ugnayan nasasabi niya ang mga ayaw at gusto niya maging
Itinatatag niya ang kanyang sarili mula sa pagmamalay sa mga hindi siya
Lahat ng nabanggit
Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng katotohanan ukol sa lipunan?
Walang ibang tunguhin ang lipunan kundi makamit ng mga indibidwal ang kanilang mga saysay sa loob ng kolektibo
Gagawa ng batas ang lipunan upang masiguro na walang hadlang sa pag-unlad ng tao
Lilikha ng mga pagkakataon ang lipunan upang makamit ng tao ang kanyang layon
Lahat ng nabanggit
Ang mga sumusunod ay nagsasaad ng katotohanan ukol sa lipunan maliban sa
Ang tao ay para sa lipunan
Ang lipunan ay para sa tao
Ipunan ng mga pagnanasa sa saysay ang lipunan
Pinatatakbo ang lipunan ng mga taong naghahanap ng kanilang saysay
Ano ang nagbibigay sa atin ng pagkakataong maghanap ng iba't ibang mga aktibidad upang makamit ang ating mga layunin, kagalingan at kaligayahan?
Kalayaan
Relihiyon
Gobyerno
Pamilya
Ano ang tumutukoy sa isang organisadong grupo na ang mga miyembro ay madalas na nakikipag-ugnayan at mayroong isang karaniwang teritoryo at kultura?
Pangkat
Relihiyon
Pamilya
Edukasyon
Sino ang pilosopong naniniwala na ang mga tao sa kanilang natural na estado ay pinamamahalaan ng kanilang mga pagnanasa at ito ay madalas na humantong sa hidwaan sa kanilang mga kapwa?
Jean Jacques Rosseau
John Locke
Thomas Hobbes
David Gauthier
Ano ang konsepto ni John Locke sa kontratang panlipunan?
Kabutihang Panlahat
Pahintulot ng Pamahalaan
Natural na Estado
Veil of Ignorance
Ano ang pangunahing layunin ng kontrata sa lipunan ayon kay Jean Jacques Rosseau?
Kapakanan ng Indibidwal
Natural na Estado
Pahintulot ng Pamahalaan
Kabutihang Panlahat
Ano ang tumutukoy sa mga kondisyong panlipunan na nagbibigay-daan sa mga tao at pangkat na matupad ang kanilang mga layunin at makamit ang kagalingan?
Katarungan
Kooperasyon
Kabutihang Panlahat
Kapayapaan
Ano ang ginagawa ng lipunan upang tinitiyak ang pag-unlad ng tao?
Pagsasama
Pagsasakripisyo
Suporta
Pagsisikap
Ano ang pangunahing layunin ng mga pilosopo sa pagtatalakay sa kontrata ng lipunan?
Pagtugon sa mga Pansariling Interes
Pagkakaisa ng Lipunan
Pagbuo ng Lipunan
Pag-unlad ng Tao
Ano ang isa sa mga katangian ng lipunan ayon sa mga pilosopo?
Kapayapaan
Katarungan
Kooperasyon
Kagalingan
Ano ang pangunahing layunin ng lipunan ayon sa mga pilosopo?
Katarungan
Kapayapaan
Kabutihang Panlahat
Kooperasyon
Ito ay isang uri ng pagdurusa na tumutukoy sa kahirapan, kagutuman, kapaguran, at sakit.
Emosyonal na pagdurusa
Mental na pagdurusa
Pisikal na pagdurusa
Pagdurusa
Ito ay isang uri ng pagdurusa na kasama ang depresyon, pagkabalisa, takot, kalungkutan, at pighati.
Emosyonal na pagdurusa
Mental na pagdurusa
Pisikal na pagdurusa
Pagdurusa
Ito ang katangian ng kalayaan na may kakayahang pumili at kumilos para sa sarili.
Pansamantala
Pagpapasiya sa sarili
Telos
Terminus
Ito ay isang uri ng kabutihan na itinuturing na mabuti hangga’t nagsisilbing paraan ito sa isang wakas.
Kalugod-lugod na kabutihan (pleasurable good)
Kapaki-pakinabang na kabutihan (useful good)
Marangal na kabutihan (noble good)
Kabutihang panlahat (common good)
Ito ay tumutukoy sa kung paano ang ating buhay ay pansamantala lamang.
Hangganan
Kamatayan
Katapusan
Pansamantala
Ito ay isang uri ng kabutihan na itinuturing na mabuti hangga’t nagbibigay ito ng ilang uri ng kasiyahan.
Kabutihang panlahat (common good)
Marangal na kabutihan (noble good)
Kapaki-pakinabang na kabutihan (useful good)
Kalugod-lugod na kabutihan (pleasurable good)
Tumutukoy ito sa paghihiwalay ng kaluluwa at katawan.
Kaligayahan
Kamatayan
Kalungkutan
Pagkabalisa
Ito ay nagaganap kapag matiyaga nating tiniis ang hindi kanais-nais, kahirapan, at sakit.
Pagdurusa
Pisikal na pagdurusa
Mental na pagdurusa
Emosyonal na pagdurusa
Ayon sa sinaunang pilosopiya ng Griyego, ito ay dapat matamo sa pamamagitan ng makabuluhan at malinis na pamumuhay.
Kabutihan
Kaligayahan
Kalinisan
Kasaganahan
Ito ay isang uri ng kabutihan na para sa sarili nitong kapakanan.
Kabutihang panlahat (common good)
Kalugod-lugod na kabutihan (pleasurable good)
Kapaki-pakinabang na kabutihan (useful good)
Marangal na kabutihan (noble good)
