Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

A.P. 7 REVIEWER-4th Periodical Test

Total questions: 50

Worksheet time: 17mins

Name
Class
Date
1.
1. Bakit sinakop ng Espanya ang Pilipinas ?
a)
A. Upang matuto sila ng wikang Kastila
b)
B. Dahil sa mayaman sa ginto ang Pilipinas
c)
C. Dahil mataas ang pagpapahalaga ng Pilipino sa kanilang sarili
d)
D. Upang maging mas malakas ang kanilang hukbong sandatahan
2.
2. Paano napasunod ng mga Dutch ang mga Indones sa panahon ng kanilang pananakop sa Indonesia?
a)
A. Ipinatupad ang Open Door Policy
b)
B. Ipinatupad ang exterritoriality
c)
C. Ipinatupad ang Divide and Rule Policy
d)
D. Ipinatupad nila ang White Man’s Burden
3.
3. Bakit ipinatupad ng mga Kanluranin ang patakarang “Divide and Rule Policy” sa Indonesia?
a)
A. Upang mapasunod ang mga Indones
b)
B. Upang maging mabuti silang kaibigan
c)
C. Upang matuto ang Indones ng matematika
d)
D. Upang makamit ng Indones ang kaunlaran.
4.
4. Alin ang tumutukoy sa maliit at malayang bansa sa pagitan ng dalawang makapangyarihang bansa.?
a)
A. Buffer State
b)
B. Culture System
c)
C. Mandate System
d)
D. Protectorate
5.
5. Bakit dumanas ng hirap ang mga Asyano sa pagdating ng mga Kanluranin sa Silangan at Timog-Silangan Asya?
a)
A. Nag-alsa ang mga Asyano laban sa Kanluranin
b)
B. Nagtayo ang mga Kanluranin ng paaralan, hospital, simbahan.
c)
C. Ipinaayos ng Kanluranin ang mga tulay,kalsada,at ipinatupad ang kristiyanismo.
d)
D. Pinagsamantalahan ng Kanluranin ang mga likas na yaman ng Silangan at Timog Silangan Asya.
6.
6. Alin ang bansang pinaghati-hatian o ginawang sphere of influence ng mga Kanluranin?
a)
A. China
b)
B. Japan
c)
C. Thailand
d)
D. United States
7.
7. Alin sa sumusunod ang teritoryong inangkin ng England bunga ng pagkatalo ng China sa Unang Digmaang Opyo?
a)
A. Burma
b)
B. Hongkong
c)
C. Indonesia
d)
D. Malaysia
8.
8. Alin ang HINDI epekto ng pagpapatupad ng Sphere of Influence sa China ?
a)
A. Nanatiling nakasara ang daungan ng China para sa Kanluranin.
b)
B. Gumuho ang dating matatag na pamamahala ng kanilang emperador.
c)
C. Napanatili ng China ang Kalayaan ngunit nanatiling kontrolado ng mananakop.
d)
D. Nawala sa mga Chino ang kapangyarihang magtakda ng kanyang patakaran para sa dayuhan
9.
9. Alin ang tumutukoy sa pagkontrol ng isang estado sa aspetong politikal at ekonomiya ng bansang kanilang inangkin.?
a)
A. Culture System
b)
B. Encomienda
c)
C. Open Door Policy
d)
D. Sphere of Influence
10.
10. Ano ang napatunayan ni Emperador Matsuhito sa panahon ng pananakop ng mga Kanluranin sa Japan?
a)
A. Ang mabisang paraan ng pananakop ay ang pagyakap sa Kristiyanismo.
b)
B. Dapat ipatupad ang Culture System upang matugunan ang pangangailangan ng bansa.
c)
C. Ang mabisang paraan ng pakikitungo sa mga Kanluranin ay ang pagyakap sa modernisasyon
d)
D. Dapat magpalakas ng pwersa ang bawat bansa upang maging makapangyarihan sa buong mundo.
11.
11. Anong bansa ang HINDI nagkaroon ng sphere of influence sa China?
a)
A. England
b)
B. France
c)
C. Portugal
d)
D. United States of America
12.
12. Bakit iminungkahi ng United States ang patakarang “Open Door Policy’ sa Tsina ?
a)
A. Upang mapigil ang paglakas ng Russia
b)
B. Upang mapigil ang pagkahati-hati ng China
c)
C. Upang makinabang din ang United States sa China
d)
D. Upang makaahon ang Tsina sa kuko ng mga imperyalista
13.
13. Paano maituturing na ang isang bansa ay nasa ilalim ng patakarang sphere of influence?
a)
A. Nawalan ng Karapatan ang mga mamamayan
b)
B. Ang bansang nasakop ay pinatatakbo ng mga mananakop
c)
C. Naimpluwensyahan ito ng mga kultura ng mga bansang kanluranin
d)
D. Tanging dayuhang bansa lamang ang nakikinabang sa likas na yaman nito.
14.
14. Alin ang tawag sa kilusan ng binuo ng mga ilustrado na humingi ng reporma sa pamahalaang Kastila ?
a)
A. Insurales
b)
B. Katipunan
c)
C. Kilusang Propaganda
d)
D. Peninsulares
15.
15. Sino ang tinaguriang ‘‘Ama ng Republikang Tsina’?
a)
A. Chiang Kai Shek
b)
B. Mao Zedong
c)
C. Sun Yat Sen
d)
D. Van den Bosch
16.
16. Ano ang tawag sa mga gurong Amerikano sa Pilipinas ?
a)
A. Ilustrado
b)
B. Indio
c)
C. Meztiso
d)
D. Thomasites
17.
17. Bakit agad nagbukas ng daungan ang Japan at hindi na nakipaglaban pa sa Estados Unidos ?
a)
A. Maawain sila sa mga dayuhan.
b)
B. Ayaw nilang mawalan ng kaibigang bansa.
c)
C. Hindi nila kayang lumaban dahil mahina ang kanilang armas.
d)
D. Ayaw nilang masira ang kanilang bansa at may mamatay na tao.
18.
18. Bakit mahalaga ang nasyonalismo para sa mga Asyano?
a)
A. Ito ay paraan upang mapaunlad ang bayan.
b)
B. Ito ay paraan upang maipagmalaki ang iyong bayan.
c)
C. Ito ay paraan upang maipakita ang pagiging makabayan.
d)
D. Ito ay paraan upang mapigilan ang panghihimasok ng mga dayuhan
19.
19. Alin ang pangyayari na Hindi naging daan sa pag-usbong ng Nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangan Asya?
a)
A. Pinaghati-hatian ng Kanluranin ang China.
b)
B. Ipinatupad ng Kastila ang Polo y Sevicios sa Pilipinas
c)
C. Ipinatupad ng Dutch ang Divide and Rule Policy sa Indonesia.
d)
D. Nagdadala sa Asya ang mga dayuhan ng mga kalakal at kabuhayan .
20.
20. Paano maipapakita ang pagkakaisa bilang pinakamahalagang manipestasyon ng nasyonalismo?
a)
A. Maging makatwiran at makatarungang mamamayan.
b)
B. Maging handang magtanggol at mamatay para sa bayan.
c)
C. Magtulungan at magbuklod ang mamamayan sa iisang kultura,saloobin at hangarin.
d)
D. Mahalin at tangkilikin ng mamamayan ang mga produkto,ideya ,at kultura ng sariling bayan.
21.
21. Alin sa sumusunod na kasunduan ang naging dahilan ng tuluyang pagkontrol ng Great Britain sa Teritoryo ng Burma?
a)
A. Kasunduang Kanagawa
b)
B. Kasunduang Nanking
c)
C. Kasunduang Tientsin
d)
D. Kasunduang Yandabo
22.
22. Ano ang patakaran ang ipinatupad ng mga Great Britain na magkakaroon ng British natitira sa palasyo ng hari ng Burma?
a)
A. Culture system
b)
B. Divide and Rule Policy
c)
C. Enlightened Rule
d)
D. Resident System
23.
23. Kailan nakamit ng Pilipinas ang paglaya mula sa pananakop ng mga Kastila?
a)
A. June 12, 1898
b)
B. June 12, 1998
c)
C. July 4, 1945
d)
D. July 4, 1946
24.
24. Alin sa sumusunod na pamamaraan ang ginamit ng mga taga Silangan at Timog Silangan sa pagtatamo ng Kalayaan mula sa kolonyalismo ng mga Kanluranin?
a)
A. Yumakap sa modernisasyon
b)
B. Lumahok sa Partido politikal
c)
C. Niyakap nila ang iba’t-ibang ideolohiya .
d)
D. Nagpatuloy sa pakikipaglaban sa mga kanluranin.
25.
25. Sa paanong paraan nakakaapekto ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa paglaya ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya ?
a)
A. Marami ang napinsala at namatay
b)
B. Nagpatuloyang kaguluhan nagkaroon ng civil war
c)
C. Lumakas ang nasyonalismo at napabilis ang paglaya
d)
D. Umigting ang tunggalian ng ideohiyang demokratiko at komunismo
26.
26. Ano ang pinakamahalagang naganap sa daigdig pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
a)
A. Nakalaya ang mga bansa
b)
B. Nagkaroon ng kaunlaran sa mga bansa
c)
C. Maraming namatay at nasirang ari-arian
d)
D. Nanatiling sakop ng Kanluranin ang mga bansa
27.
27. Anong kasunduan ang pormal na nagbigay Karapatan sa Amerika na sakupin ang Pilipinas?
a)
A. Kasunduang Kanagawa
b)
B. Kasunduan sa Paris
c)
C. Kasunduang Tordesillas
d)
D. Kasunduang Zaragosa
28.
28. Ano ang naging resulta ng digmaang sibil sa pagitan nina Chiang Kai Shek at Mao Zedong ng Tsina?
a)
A. Pagkakaroon ng dalawang Tsina
b)
B. Pagiging economic tiger ng Taiwan
c)
C. Pagkakahati ng Tsina sa sphere of influence
d)
D. Pagsilang ng ideolohiyang komunismo sa mundo
29.
29. Ano ang nagagawa ng iba’t-ibang idelohiya sa mga malawakang kilusang nasyonalista?
a)
A. Nakakapili sila ng maasahang lider ng Samahan.
b)
B. Nakakamit ng mga pangkat nasyonalista ang Kalayaan.
c)
C. Nagpapatuloy ang pakikipaglaban ng mga kilusang nasyonalista.
d)
D. Nakapagdudulot ng pagkakahati ng bansa at naging hudyat ng tunggalian ng mga pinuno.
30.
30. Bakit niyakap ng China ang ideolohiyang komunismo?
a)
A. Upang mapigilan ang paglaganap ang kolonyalismo.
b)
B. Upang ang estado ang humawak sa kayamanan ng bansa.
c)
C. Upang magkaroon ng ganap na Kalayaan ang mga Chino.
d)
D. Upang magkaroon ng pantay na Karapatan ang mga tao sa lipunan.
31.
31. Sino ang pumalit bilang bilang pinuno ng Partido Koumintang at nagpatuloy sa pakikipaglaban sa mga Warlords?
a)
A. Chiang Kai Shek
b)
B. Ho Chi Min
c)
C. Hung Hsiu Chuan
d)
D. Mao Zedong
32.
32. Sino ang namuno sa rebolusyon ng mga Indones laban sa mga Dutch upang makamit ang Kalayaan na nakamit noong Agosto 17,1945?
a)
A. Achmed Sukarno
b)
B. Kim II Sung
c)
C. Ho Chi Min
d)
D. Syngman Rhee
33.
33. Anong ideolohiya ang umiiral sa Pilipinas kung ang umiiral sa China ay Komunismo?
a)
A. Aristokrasya
b)
B. Demokrasya
c)
C. Monarkiya
d)
D. Parlamentarya
34.
34. Anong bansa ang nahati sa 38th parallel at hanggang sa kasalukuyan ay hati dahil sa magkasalungat na ideolohiya ?
a)
A. Burma
b)
B. China
c)
C. Japan
d)
D. Korea
35.
35. Paano mo maipapahayag ang iyong pagpapahalaga sa bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay wakas sa imperyalismo?
a)
A. Hindi ako pupunta sa mga imperyalistang bansa.
b)
B. Bubuo ako ng Samahan na magtatanggol sa bayan.
c)
C. Magpapakita ako ng larawan ng mga tagapagtanggol ng bayan
d)
D. Lilikha ako ng isang awiting nagpapahalaga sa bansa at kabayanihan ng mga lider
36.
36. Ano ang tawag sa rebolusyonaryong Samahang itinatag ni Andres Bonifacio?
a)
A. Katipunan
b)
B. La Liga Filipina
c)
C. Propaganda
d)
D. Sekularisasyon
37.
37. Ano ang digmaan na sinalihan ng United States na lubhang naging magastos dahil sa haba ng digmaan at naging madugo ito para sa bansa?
a)
A. Cold War
b)
B. First World War
c)
C. Second Worl War
d)
D. Vietnam War
38.
38. Anong samahang nasyonalista na binuo ng mga Burmese upang makamit ang Kalayaan mula sa mga Hapon?
a)
A. Anti-Fascist People’s Freedom League
b)
B. Budi-Otomo
c)
C. Kilusang Suffragist
d)
D. Asosacion Filipina
39.
39. Alin sa sumusunod na pahayag ang epekto ng samahang pangkakabaihan at ng kalagayang panlipunan sa buhay ng kababaihan sa larangan ng politika?
a)
A. May pantay na karapatan ang mga babae at lalaki.
b)
B. Malawak ang Karanasan ng mga babae kaysa sa mga lalaki.
c)
C. Nakakalahok na ang babae sa politika at maari ng maiboto sa halalan.
d)
D. May boses na ang kababaihan sa larangan ng pagdedesisyon sa suliraning pampamilya
40.
40. Ano ang kahalagahan ng pagkakatatag ng samahang pangkakabaihan sa Asya?
a)
A. Natuto silang lumaban sa kalalakihan
b)
B. Naipakita nila ang kanilang kapangyarihan
c)
C. Nagagawa na ng kababaihang lampasan ang kakayahan ng mga kalalakihan
d)
D. Nabigyan sila ng pagkakataong ipaglaban ang kanilang Karapatan at ipagtanggol ang sarili.
41.
41. Alin ang HINDI kabilang sa mga epekto ng samahang pangkakabaihan at ng kalagayang panlipunan sa buhay ng kababaihan tungo sa pagkakapantay pantay?
a)
A. Pantay ang Karapatan ng babae at lalaki
b)
B. Mga magulang ang pumipili ng kanilang mapapangasawa.
c)
C. Kung ano ang kayang gawin ng mga lalaki ay kaya ring gawin ng babae.
d)
D. Nabigyan ng pagkakataon ang mga kababaihan na makapag-aral.sa kolehiyo.
42.
42. Ano ang katangiang taglay ng mga kababaihan at iba pang Pilipinang tumanyag sa loob at labas ng bansa tulad nina : Gloria Macapagal Arroyo, Hydelyn Diaz,at Mirriam Santiago?
a)
A. Mas malakas sila at makapangyarihan
b)
B. May pagpapahalaga sa tao at Lipunan
c)
C. May taglay silang talino ,kakayahan at Karapatan
d)
D. Mas higit ang kanilang kakayahan kaysa sa mga lalaki
43.
43. Ano ang kalagayan ng mga kababaihan sa Silangan at Timog Silangan Asya sa kasalukuyang Panahon?
a)
A. Maari silang ipagbili o ipamigay kapalit ng mga produkto para sa kabutihan ng pamilya.
b)
B. Nabibigyan ng karapatang makapag-aral at makalahok sa pagdedesisyon para sa pamilya.
c)
C. Siya ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay at hindi sya maaring makipag-usap sa mga tao.
d)
D. Pinipili ng magulang ang kanyang mapapangasawa at hindi siya maaring tumingin sa ibang lalaki.
44.
44. Bakit itinuring na mahalaga ang relihiyon sa aspekto ng pamumuhay sa mga Asyano?
a)
A. Dahil nabigyang- solusyon ang mga sigalot
b)
B. Dahil napataas ang antas ng edukasyon ng mga mamamayan
c)
C. Dahil napaunlad nito ang mga bansang may mahinang ekonomiya
d)
D. Dahil napatatag at napagbuklod ng relihiyon ang pamilyang Asyano.
45.
45. Saan relihiyon at pilosopiya nagmula ang kasabihang “Wag mong gawin sa iyong kapwa ang ayaw mong gawin sa iyo ?
a)
A. Buddhismo
b)
B. Confucianismo
c)
C. Shintoismo
d)
D. Taoismo
46.
46. Anong relihiyon ang naniniwala na maaring mag- asawa ang lalaki ng higit sa isa hanggat kaya niyang buhayin ang kanyang mga pamilya?
a)
A. Buddhismo
b)
B. Hinduismo
c)
C. Islam
d)
D. Kristiyanismo
47.
47. Ano ang tumutukoy sa di-tuwirang pananakop sa isang malayang bansa na may mahinang ekonomiya?
a)
A. Imperyalismo
b)
B. Kolonyalismo
c)
C. Nasyonalismo
d)
D . Neokolonyalismo
48.
48. Alin ang nagpapatunay na umiiral ang Neokolonyalismo sa Pilipinas?
a)
A. Pagpapadala ng US ng relief goods sa panahon ng kalamidad
b)
B. Lahat ay nagpapatunay ng pag-iral ng Neokolonyalismo sa Pilipinas
c)
C. Pagpapautang ng World Bank at International Monetary Fund ng puhunan.
d)
D. Paghingi ng tulong sa US upang bantayan ang karagatang na nais angkinin ng China.
49.
49. Alin sa sumusunod ang HINDI tugon sa Neokolonyalismo ng mga bansang sa Silangang Asya at Timog-Silangang Asya?
a)
A. Napilitang tumanggap ng mga tulong pinsansyal
b)
B. Muling nagpakita ng kanilang pagiging Makabayan
c)
C. Nagsikap tumayo sa kanilang sariling paa at hindi na umasa pa.
d)
D. Nagpautang ng salapi sa First World country ang mga bansa sa Third World.
50.
50. Bakit tanyag at napabilang sa Unesco World Heritage ang Banaue Rice Terraces?
a)
A. Dahil sa kagandahan nito
b)
B. Dahil sa nagawa ito sa matagal ng panahon
c)
C. Dahil napangalagaan nito ang kultura ng mga Igorot
d)
D. Dahil sa pinagsamang pisikal, sosyo-kultural, ekonomik,pangrelihiyon at pulitikal na kapaligiran na nagpapakita ng buhay na tanawin.