wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Values Education - Review Examination

Total questions: 50

Worksheet time: 50mins

Name
Class
Date
1.

Paano mo mapapahalagahan ang pangangalaga sa kapaligiran bilang isang mamamayang Pilipino?

a)

Sa pamamagitan ng pagtatapon ng basura kahit saan.

b)

Sa pamamagitan ng pagtatapon ng basura kahit saan.

c)

Sa pamamagitan ng pagtatapon ng basura kahit saan.

d)

Sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno at pagre-recycle.

2.

Paano mo masusuri ang kahalagahan ng pagsunod sa mga batas ng lipunan tulad ng maagap na pagbabayad ng buwis?

a)

Sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagbabayad ng buwis.

b)

Sa pamamagitan ng pagtingin sa mga proyekto ng gobyerno na natapos dahil

       sa buwis.

c)

Sa pamamagitan ng pagprotesta laban sa buwis.

d)

Sa pamamagitan ng paglabag sa mga batas ng buwis.

3.

Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mabuting saloobin sa paggawa bilang manggagawang pampubliko o pampribado?

a)

Upang HINDI makaiwas sa mga reklamo ng kliyente.

b)

Lahat ng nabanggit.

c)

Upang mapanatili ang magandang relasyon sa mga katrabaho.

d)

Upang madagdagan ang mas mataas na sahod.

4.

Ano ang maaaring maging epekto ng hindi maayos na paggamit ng mga pampublikong ari-arian?Pagkakaroon ng mas maayos na komunidad.

a)

Pagkakaroon ng mga sirang pasilidad na hindi na magagamit ng iba.

b)

Pagkakaroon ng mas maraming pondo para sa gobyerno.

c)

Pagtaas ng bilang ng mga turista.

d)

Pagkakaroon ng mas maayos na komunidad.

5.

Sa anong paraan mo magagamit ang iyong karapatan nang hindi nakakasakit sa iba?

a)

Pagsali sa mga rally na may karahasan.

b)

Pagsira ng mga pampublikong ari-arian.

c)

Pagpilit sa iba na sumunod sa iyong paniniwala.

d)

Pagpapahayag ng opinyon sa social media nang may respeto.

6.

Paano mo maipapakita ang iyong tungkulin sa pagtulong sa mga nangangailangan sa iyong komunidad?

a)

Magbigay ng donasyon sa mga charity events.

b)

Mag-volunteer sa mga feeding programs.

c)

Lahat ng nabanggit.

d)

Mag-organisa ng community clean-up drive.

7.

Paano mo masusuri ang kahandaan ng iyong komunidad sa pagharap sa mga kalamidad?

a)

Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga plano ng lokal na pamahalaan

b)

Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga kapitbahay

c)

Lahat ng nabanggit

d)

Sa pamamagitan ng pagdalo sa mga seminar at pagsasanay

8.

Sa iyong palagay, alin sa mga kalamidad na nabanggit ang may pinakamalaking epekto sa Pilipinas at bakit?

a)

Lindol

b)

Bagyo

c)

Baha

d)

Pagsabog ng bulkan

9.

Bakit mahalaga ang pag-unawa sa iba't ibang uri ng kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at baha?

a)

Upang malaman kung paano maghanda at tumugon sa bawat uri ng kalamidad

b)

Upang maiwasan ang lahat ng kalamidad

c)

Upang malaman kung kailan darating ang mga kalamidad

d)

Upang makapagbigay ng tulong sa ibang bansa

10.

Ano ang pagkakaiba ng storm surge at storm tide at paano ito nakakaapekto sa coastal areas?

a)

Ang storm surge ay abnormal na pagtaas ng tubig-dagat, habang ang storm tide

       ay kombinasyon ng storm surge at astronomical tide.

b)

Ang storm tide ay hindi nagdudulot ng pagbaha.

c)

Ang storm surge ay dulot ng lindol, habang ang storm tide ay dulot ng bagyo.

d)

Ang storm surge ay mas malakas kaysa sa storm tide.

11.

Kung ikaw ay nasa isang coastal area at may paparating na storm surge, ano ang iyong gagawin upang masiguro ang kaligtasan ng iyong pamilya?

a)

Manatili sa bahay at maghintay ng tulong

b)

Magtago sa basement

c)

Maglakbay papunta sa dagat

d)

Lumipat sa mas mataas na lugar

12.

Paano mo magagamit ang impormasyon tungkol sa mga Public Storm Warning Signal upang maghanda para sa isang paparating na bagyo?

a)

Lahat ng nabanggit

b)

Mag-imbak ng pagkain at tubig

c)

Sundin ang mga alituntunin ng lokal na pamahalaan

d)

Maghanda ng emergency kit

13.

Sa iyong palagay, alin sa mga nabanggit na dahilan ang pinakamahalaga kung bakit kailangan mag-ipon?

a)

Nagpapalaya sa pagkakaroon ng financial independence.

b)

Nagtuturo ng disiplina sa paggastos at pangangalaga sa pinaghirapang pera.

c)

Nagbibigay ng pananagutan at seguridad sa hinaharap.

d)

Nagpapalakas ng kakayahan na harapin ang mga hindi inaasahang

       pangyayari.

14.

Bakit mahalaga ang pag-iipon ng pera kahit maliit lamang ang kita?

a)

Lahat ng nabanggit.

b)

Dahil ito ay nagbibigay ng pananagutan at seguridad sa hinaharap.

c)

Dahil ito ay nagdudulot ng kaginhawaan sa pamumuhay.

d)

Dahil ito ay nagpapakita ng disiplina at tamang pagbabadyet.

15.

Paano nakakatulong ang pagkakaroon ng emergency funds sa panahon ng mataas na inflation?

a)

Pinapababa nito ang presyo ng mga bilihin.

b)

Pinapataas nito ang kita ng isang tao.

c)

Nagpapababa ito ng pangangailangan sa pag-iimpok.

d)

Nagbibigay ito ng proteksyon laban sa pagkakaroon ng utang.

16.

Ano ang maaaring maging epekto ng HINDI pagsunod sa 24-Hour Rule sa iyong pinansyal na kalagayan?

a)

Magiging mas madali ang pamamahala ng pera.

b)

Mas magiging disiplinado ka sa paggastos.

c)

Maaaring magresulta ito sa impulsive buying at pagkakaroon ng utang.

d)

Magkakaroon ka ng mas maraming ipon.

17.

Kung ikaw ay isang estudyante na may baon na 50 pesos, kada araw. Paano mo ibabadyet ang iyong pera ayon sa 70-20-10 Rule?

a)

25 piso sa pangunahing pangangailangan, 20 piso sa ipon, 5 piso sa tithing.

b)

35 piso sa pangunahing pangangailangan, 10 piso sa ipon, 5 piso sa tithing.

c)

40 piso sa pangunahing pangangailangan, 5 piso sa ipon, 5 piso sa tithing.

d)

30 piso sa pangunahing pangangailangan, 15 piso sa ipon, 5 piso sa tithing.

18.

Alin sa mga pahayag ang HINDI nagpapakita ng pananalig sa Diyos na may mabuting maidudulot sa atin?

a)

Pagkakaroon ng tiwala na malalagpasan ang lahat ng pagsubok na dumadating

       sa buhay.

b)

Pagkakaroon ng pag-asa at lakas ng loob.

c)

Pagkakaroon ng takot at alinlangan na hindi makakamit ang mithiin sa buhay.           

d)

Pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay.

19.

Paano mo magagamit ang 70-20-10 Rule sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay?

a)

Gamitin ang 70% ng kita sa mga bayarin, 20% sa luho, at 10% sa ipon.

b)

Ilaan ang 70% ng kita sa ipon, 20% sa pangunahing pangangailangan, at 10%

       sa tithing.

c)

Ilaan ang 70% ng kita sa pangunahing pangangailangan, 20% sa ipon, at 10%

       sa tithing o pagtulong.

d)

Gamitin ang 70% ng kita sa luho, 20% sa ipon, at 10% sa mga bayarin.

20.

Nasunog ang bahay ninyo, kasabay nang pagkawala ng trabaho ng iyong Ama. Ano ang dapat na maging reaksyon mo?

a)

“Lord, Kayo na po ang bahala sa amin”

b)

“Lord, bakit Ninyo kami pinabayaan?”

c)

“Lord, bakit Ninyo kami pinabayaan?”

d)

“Diyos ko, bakit nangyari sa amin ito? Ano ba ang kasalan namin?”

21.

Ano ang isang halimbawa ng pagsasabuhay ng pananampalataya sa Diyos sa panahong nakakaranas ng kahirapan?

a)

Patuloy na magrereklamo tungkol sa sitwasyon.

b)

Pagbabalewala sa problema dahil lilipas din ito.

c)

Pagpapanatili ng positibong pananaw sa kabila ng hamon.

d)

Pagbabahagi ng suliranin sa mga kakilala.

22.

Ano ang ibig sabihin ng “Pananalig sa Diyos sa panahon ng mahihirap na situwasyon.”

a)

Magnilay at magpasalamat sa Diyos.

b)

Asahan na lulutasin ng Diyos ang lahat ng iyong mga problema.

c)

Magdasal at hintayin ang gagawin ng Diyos.

d)

Magtiwala sa lakas at patnubay ng Diyos kahit sa kahirapan.

23.

Ang isang mag-aaral na nahihirapan sa mga gawain sa paaralan ay maaaring manalangin sa Diyos para:

a)

Wakasan ang mga paghihirap.

b)

Sa patnubay, pokus, at kakayahang maunawaan ang materyal.

c)

Sa mahiwagang paraan ng pagtapos sa mga gawain.

d)

Mapadali ang lahat ng gawain.

24.

Kapag nahaharap sa isang hamon, ang isang taong may matibay na pananampalataya sa Diyos ay gagawin ito:

a)

Madaling sumuko at pakiramdam na wala siyang magagawa

b)

Magpapatulong sa ibang tao

c)

Hihiling ng pag-asa at lakas ng loob.

d)

Sisihin ang kanilang sarili sa situwasyon.

25.

Namatay ang mga magulang ng iyong kaibigan dahil sa aksidente at naiwan na lang siyang mag-isa. Ano ang maibibigay mong payo para sa kanya?

a)

Sabihin na huwag nang magtiwala sa Diyos dahil sa dagok na dumating sa

       buhay niya.

b)

Sabihin na manalig at magtiwala sa Diyos dahil may dahilan ang Diyos kung

       bakit ito ang nangyari.

c)

Sulsulan ang kaibigan na sisihin ang taong naging dahilan ng

       pagkakaaksidente ng kanyang mga magulang.

d)

Namatay ang mga magulang ng iyong kaibigan dahil sa aksidente at naiwan na lang siyang mag-isa. Ano ang maibibigay mong payo para sa kanya?

26.

Ito ay isa sa mga uri ng bertud na nabubuo sa pagsunod ng sampug-utos ng Diyos?

a)

Matapat

b)

Maka-bansa

c)

Maka-kalikasan

d)

Maka-Diyos

27.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI nagpapakita nang pananampalataya sa Diyos?

a)

Nag-ensayo ng sayaw si Menchie para makapasa sa audition na sasalihan niya

       sa programa sa telebisyon kung kaya’t naniniwala siya na tutulungan siya ng

       Diyos.

b)

Nag-aral nang mabuti si Carlos bilang paghahanda sa nalalapit na board exam

       kung kaya’t umaasa siyang papasa sa tulong at gabay ng Diyos.

c)

Araw-araw na nagtitirik ng kandila si Laura sa simbahan upang tumama siya

       sa lotto nang sa gayon matupad ang kanyang pangarap na yumaman.

d)

Bago kumain nag- sa sign of the cross si Fatima bilang pasasalamat niya sa

       pagkain na biyaya na binibigay sa kanya ng Diyos.

28.

Maganda ang buhay mo noong hindi pa pumanaw ang iyong mga magulang. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Magrerebelde at sasama sa mga barkada

b)

Aasa sa mga kamag-anak na kukupkop.

c)

Magrerebelde at sasama sa mga barkada

d)

Magsusumikap na makapagtapos ng pag-aaral at mananalangin sa Diyos na

       gabayan.

29.

Alin sa mga pahayag ang HINDI nagpapakita ng pananalig sa Diyos na may mabuting maidudulot sa atin?

a)

Pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay.

b)

Pagkakaroon ng tiwala na malalagpasan ang lahat ng pagsubok na   

      dumadating buhay.

c)

Pagkakaroon ng pag-asa at lakas ng loob.

d)

Pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay.

30.

Mahalaga ang pananalig sa Diyos upang makamit natin ang mga mithiin sa buhay.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?

a)

Maghintay na tugunan ng Diyos ang panalangin.

b)

Umasa sa iba kasabay ng panalangin na matupad ang mithiin.

c)

Dahil sa pray over ng kapitbahay makakamit ang mithiin.

d)

Gawin ang makakaya upang matupad ang mithiin at hwag magsawang

        manalangin at manalig sa Diyos.

31.

Anong uri ng birtud ang nabubuo sa pagsunod at paggalang sa ating mga batas?

a)

Maka-bansa

b)

Matapat

c)

Maka-kalikasan

d)

Maka-Diyos

32.

Ang mga magulang ni Clara ay sabay na nawalan ng trabaho dulot ng Pandemya. Gayunpaman ang kanyang mga magulang ay hindi nawalan ng pag-asa, ano ang magandang katangian mayroon ang mga magulang ni Clara?

a)

Pagkakaroon ng pag-asa na ang lahat ay lilipas din.

b)

Pagkakaroon ng pag-asa na ang lahat ay lilipas din.

c)

Pagkakaroon ng pag-asa at pagtitiwala sa Diyos

d)

Pagkakaroon ng tiwala sa kanilang abilidad.

33.

Ang Lupang Hinirang ay ang pambansang awit ng Pilipinas at ang pag-awit nito ay binibigyang respeto at halaga ng bawat Pilipino. Anong uri ng birtud ito?

a)

Maka-bansa

b)

Matapat

c)

Makakalikasan

d)

Maka-Diyos

34.

Ang pagbibigay halaga sa mga puno, halaman, at pagtatanim ng mga ito ay isang uri ng birtud na tinatawag na?

a)

Maka-bansa

b)

Maka-Diyos

c)

Makatao

d)

Maka-kalikasan

35.

Ito ay isa sa mga uri ng birtud kung saan nabubuo sa pagsasabi ng tapat.

a)

Maka-bansa

b)

Maka-tao

c)

Maka-kapuwa

d)

Matapat

36.

Piliin sa mga sumusunod ang pangungusap na nagpapakita ng paggamit ng

       isip o kaisipan.

a)

Napagdesisyonan kong maglakad sa parke dahil gusto kong mag-ehersisyo.

b)

Pinagisipan kong mabuti ang pagbili ng bagong damit na kakailangin ko sa

       aking pag-aaral

c)

Nakakaranas ng pagkalungkot ang aking kaibigan kung kaya ito’y aking   

           sinamahan at kinausap

d)

Naglaan ako ng oras upang suriin ang iba't ibang mga opsyon bago gumawa

        ng desisyon.

37.

Ang lahat ng pangungusap ay tumutukoy sa Kilos-Loob MALIBAN sa:

a)

Sumama ako sa isang grupo dahil gusto ko lamang makasama ang mga    

       kaibigan ko.

b)

Sinuri kong mabuti ang kursong nais ko sa kolehiyo dahil ito ang aking

       pangarap.

c)

Nagbigay ako ng pera sa charity dahil sinabi ng aking guro na maganda ito.

d)

Nagpasya akong tumulong sa aking kaibigan sa kanyang mga gawain sa

        kabila ng aking pagod.

38.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagbibigay sa tao ng halaga at  

       karangalan?

a)

Kilos-loob

b)

Dignidad

c)

Talino 

d)

Karapatan

39.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng ibang tao?

a)

Pagpapakita ng malasakit at pagkakaintindi

b)

Pagbibigay ng pantay na oportunidad sa lahat

c)

Pagbibigay ng papuri at pagpapahalaga sa kanilang mga nagawa

d)

Pagbibigay respeto na base sa kanilang antas sa buhay

40.

Ano ang mahalagang dokumento ng United Nations (UN) ang nagbibigay ng kahalagahan sa karapatang pantao at dignidad ng bawat tao?

a)

Universal Declaration of Human Dignity

b)

Universal Declaration of Human Laws

c)

Universal Declaration of Human Justice

d)

Universal Declaration of Human Rights

41.

Piliin sa mga sumusunod ang pangungusap na nagpapakita ng pagkilala sa dignidad ng pamilya.

a)

Ang pagbibigay galang sa bawat miyembro ng ating pamilya.

b)

Lahat ng nabanggit.

c)

Pagtanggap sa bawat miyembro ng pamilya, upang magkaroon ng isang  

        masigla at matatag na ugnayan.

d)

Pagpapakita ng pagmamahal, pagsuporta, at pag-unawa sa mga

       pangangailangan at kagustuhan ng pamilya.

42.

Ito ay ang katangian o kalagayan ng pagiging mabuti, kahusayang moral, o

     kagalingan.

a)

Katarungan

b)

Kagalingan

c)

Kabutihan

d)

Katalinuhan

43.

Alin sa sumusunod ang tamang kahulugan ng dignidad?

a)

Ito ay ang pagbibigay respeto sa karapatan at pagbibigay galang sa bawat tao

b)

Ang bawat tao sa mundo ay nararapat pahalagahan at ito ay bumabase sa

       antas ng kanilang buhay.

c)

Ito ay ang pagbibigay halaga sa bawat indibidwal na naglalahad na ang

       bawat tao ay nararapat na respetuhin anu man ang estado sa buhay

d)

Ang dignidad ay tumutukoy sa pagiging karapat - dapat ng tao sa  

       pagpapahalaga at paggalang mula sa kanyang kapwa.

44.

Ano ang kaibahang nagpapahigit sa tao sa ibang likha ng Diyos?

a)

Ang tao ay may damdamin.

b)

Ang tao ay may isip at kilos-loob.

c)

Ang tao ay mahal ng Diyos.

d)

Ang tao ay nilikha ng Diyos.

45.

Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapakita ng pagkilala sa dignidad ng tao MALIBAN sa:

a)

Pagbibigay ng pagkakataon sa lahat na magsalita

b)

Pagtanggap ng opinyon ng iba

c)

Pagpapakita ng malasakit at pagkakaintindi

d)

Paggamit ng pang-aalipusta o panlalait

46.

Ayon sa kaniya ang Kilos-Loob ay ang makatwirang pagkagusto.

a)

Mother Teresa

b)

Max Scheler

c)

Jacqueline Ann de Guia

d)

Sto. Tomas de Aquino          

47.

Ito ay ating ginagamit para magkaroon ng kasiguraduhan na tama at angkop

ang mga gagawin na desisyon at aksyon sa pamamagitan ng masusing pagsusuri at pagpapasya upang hindi ito pagsisihan sa huli.

a)

Pananampalataya

b)

Paglalaan ng oras upang pag-aralan ng mabuti

c)

Isip at kilos-loob

d)

Pagkonsulta sa mas nakakaalam

48.

Ito ang nag-uudyok sa bawat tao na kumilos at gumawa. Ginagamit rin ito bilang kaniyang kapangyarihang pumili at gumawa ng tama.

a)

Kaisipan

b)

Pananampalataya

c)

Kilos-loob

d)

Motibasyon

49.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kapwa?

a)

Pakikinig sa opinyon ng iba nang may malasakit at may pag-unawa

b)

Lahat ng nabanggit

c)

Pagpapahayag ng pasasalamat at pagpapahalaga

d)

Pagbibigay ng pantay na pagkakataon sa lahat ng tao anu man ang estado sa

      buhay

50.

Piliin sa mga sumusunod ang TAMA na pangungusap.

a)

Nagmula ang ating mga ideya patungkol sa katotohanan at kabutihan sa

       gabay ng ating mga magulang.

b)

Ang kaalaman natin sa katotohanan at kabutihan ay itinuturo ng ating mga

          guro sa paaralan

c)

Sa Diyos nagmula ang katotohanan at kabutihan.

d)

Ang batas ang pangunahing pinagmulan ng katotohanan at kabutihan.