Font size
WorksheetsUnang Pagsusulit sa Ekonomiks 9
Total questions: 55
Worksheet time: 35mins
Piliin ang pinaka-angkop na kahulugan ng salitang Ekonomiks sa mga sumusunod na pahayag?
Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap.
Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya sa kanyang pagdedesisyon.
Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning Pangkabuhayan
Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kanyang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa ekonomiks bilang isang Agham Panlipunan?
Ang ekonomiks ay nakatuon lamang sa pananalapi
Ang ekonomiks ay nagbibigay-pansin sa gawi ng tao
Ang ekonomiks ay tumatalakay sa pagtitipon at paghahanap
Mas lubos na binibigyan ng pansin ng ekonomiks ang produksyon at pagkonsumo
Ang salitang ekonomiks ay galing sa salitang oikos at nomos, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay ______________.
Pamamahala ng Negosyo
Pakikipagkalakalan
Pamamahala ng tahanan
Pagtitipid
Ang kakapusan ay ang pangunahing suliranin ng Ekonomiks. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nagpapahiwatig ng kakapusan sa pamilihan?
Dumadami ang mga mangangalakal sa black market.
Madalas ang sale ng mga tindahan.
Laganap ang panic-buying at hoarding.
Bumababa ang presyo ng mga bilihin.
Tumutukoy ito sa limitasyon o hangganan sa mga produktong pang-ekonomiya na nagiging dahilan upang humanap ng ibat- ibang paraan upang ang paggamit ng yaman ng bansa ay tinatawag na .
Kakulangan
Kakapusan
Pangangailangan
Kagustuhan
Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng Ekonomiks?
Makakatulong ito sa pag-unawa sa mga desisyon ng iyong pamilya.
Natututo ka sa pagbabadyet ng iyong panahon at oras
Upang maunawaan ang mga napapanahong isyu na may kaugnayan sa mahahalagang usaping pang-ekonomiya
Makakatulong ito upang mahubog ang iyong sarili sa pang- araw araw na pamumuhay.
Ito ay isang makaagham na pag-aaral ng paggamit ng limitadong pinagkukunang yaman upang matugunan ang walang katapusang panganagilangan ng tao.
Ekonomiks
Sosyolohiya
Kasaysayan
Antropolohiya
Ito ay tumutukoy sa mga bagay na mahalaga sa ikabubuhay ng tao tulad ng pagkain, damit, tirahan at gamot.
Kakulangan
Kagustuhan
Kakapusan
Kailangan
Mahalagang konsepto sa ekonomiks na tumutukoy sa pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
Trade-off
Opportunity Cost
Marginal Thinking
Incentives
Alin ang may wastong pagkakaayos ng hirarkiya ng pangangailangan ayon sa teorya ni A.H. Maslow?
Security, Social, Self-esteem, Actualization, Physiological
Physiological, Security, Social, Self-esteem, Actualization
Self-esteem, Security, Physiological, Social, Actualization
Social, Security, Physiological, Actualization Self-esteem
Ano ang dahilan bakit may trade-off at opportunity cost?
Walang katapusan ang pangangailangan ng tao.
Limitado ang kaalaman ng tao sa pagpapasya.
Sagana ang buhay ng tao.
Upang makalikha ng mas maraming kalakal
Mahihirapang mabuhay ang mga tao kung wala silang pagkain, damit at tirahan. Ano ang tawag sa mga bagay na ito?
Mahihirapang mabuhay ang mga tao kung wala silang pagkain, damit at tirahan. Ano ang tawag sa mga bagay na ito?
Luho
Pangangailangan
Kagustuhan
Kagamitan
Ano ang sinasabi ng teoryang hirarkiya ng pangangailangan?
Habang nakakamit ng tao ang kaniyang mga batayang pangangailangan ay nadadagdagan o nababawasan ang antas ng pangangailangang dapat niyang makamit.
Habang nakakamit ng tao ang kaniyang mga batayang pangangailangan ay walang pagbabago sa antas ng pangangailangang dapat niyang makamit.
Habang nakakamit ng tao ang kaniyang mga batayang pangangailangan ay bumababa ang antas ng pangangailangan dapat niyang makamit.
Habang nakakamit ng tao ang kaniyang mga batayang pangangailangan ay tumataas ang antas ng pangangailangang dapat niyang makamit.
Si Rita ay nagtatrabaho sa bangko. Kumikita siya ng 30,000 piso kada buwan. Dahil dito, nabibili niya ang lahat ng kaniyang mga pangangailangan at nakatutulong din siya sa kaniyang pamilya. Anong salik ang nakakaimpluwensiya rito?
Panlasa
Kita
Edad
Trabaho
Ito ay tumutukoy sa mekanismo ng pamamahagi o distribusyon ng mga likas na yaman, yamang tao, at yamang pisikal sa iba't-ibang paggagamitan upang masagot ang mga suliraning pang-ekonomiya.
Konserbasyon
Produksyon
Alokasyon
Implasyon
Ano ang kaugnayan ng alokasyon sa suliranin ng kakapusan?
Ang kakapusan ang pinag-uugatan ng mga suliranin sa alokasyon sa bansa.
Ang kakapusan ang nagbibigay solusyon sa suliranin ng alokasyon sa bansa.
Ang alokasyon ang nagbibigay solusyon sa suliranin ng kakapusan sa bansa.
Ang alokasyon ang pinag-uugatan ng mga suliranin sa kakapusan sa bansa.
Kung ikaw ay isang matalinong mag-aaral, paano ka dapat gumawa ng desisyon?
Isinasaalang-alang ang relihiyon, paniniwala at tradisyon.
Isinasaalang-alang ang hilig at kagustuhan.
Isinasaalang-alang ang magiging bunga ng desisyon.
Isinasaalang-alang ang itsura at porma.
Sa command economy, ano ang may komprehensibong kontrol at regulasyon ng ekonomiya ng bansa?
Prodyuser
Konsyumer
Pamahalaan
Pamilihan
Paano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa sistemang tradisyunal na ekonomiya?
Wala, sapagkat iyong katungkulan ay nagmumula sa utos ng pamahalaan batay sa plano nito.
Malaya kang makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes.
Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakinabang ng mga pinagkukunang yaman.
Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol sa ibang gawain.
Uri ng sistemang pang-ekonomiya na nakabatay lamang sa tradisyunal, kultura at paniniwala ng lipunan. Umiikot lamang sa pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng damit, pagkain at tirahan.
Mixed economy
Command Economy
Market Economy
Traditional Economy
Sa Market Economy, ito ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.
Likas-yaman
Pamahalaan
Presyo
Prodyuser
Ang sistemang pang-ekonomikong ito ay sumasagot sa unang katanungang pang-ekonomiko batay sa puwersa ng pamilihan.
Mixed economy
Command Economy
Market Economy
Traditional Economy
Ang sistemang pang-ekonomikong ito ay sumasagot sa unang katanungang pang-ekonomiko batay sa puwersa ng pamilihan.
Mixed economy
Command Economy
Market Economy
Traditional Economy
Alin sa mga sumusunod ang mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya?
Mas mapalawig ang kitang pang-ekonomiya ng ating bansa
Makamit ang pinakamataas na kasiyahan at kapakinabangan mula rito
Makaagapay ang Lipunan sa mga suliranin at kung paano episyenteng magagamit ang pinagkukunang-yaman ng bansa
Matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan
Ang sistemang pang-ekonomiko ay sumasagot sa apat na pangunahing pang-ekonomikong katanungan. Alin sa sumusunod ang sumasagot sa katanungang: "Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?"
puwersa ng pamilihan
utos ng Pamahalaan
tradisyon, kultura at paniniwala
sa puwersa ng pamahalaan
Piliin sa mga sumusunod ang tamang paraan ng pagpapasiya ng market economy:
Ito ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala
Ang pamahalaan ang may ganap na kapangyarihan upang makamit ang mga layuning pang-ekonomiya
Hinahayaan ang pamilihan na manghimasok ang pamahalaan sa pagdedesisyon
Ito ay alinsunod sa pansariling interes ng nagtitinda at mamimili
Sa paikot na daloy ng ekonomiya sa aspeto ng produksyon, dito pinagsasama-sama ang apat na salik sa produksyon (lupa, capital, lakas-paggawa, entreprenyur) ng hilaw na kalakal hanggang sa tapos na produkto.
Output
Input
Process
B at C
Kung ikaw ay isang entreprenyur na nangangasiwa ng isang produktong nabibilang sa pangunahing pangangailangan, ano ang dapat mong laging iisipin at bibigyan ng pagpapahalaga?
Kumita lamang at patuloy na palaguin ang Negosyo
Ipagwalang bahala ang karapatan ng mga mamimili o konsyumer
Babaan ang kalidad ng produkto upang kumita ng malaki at makaiwas sa gastos
Makatugon ng maayos sa pangangailangan at kagustuhan ng mamimili kaysa kumita lamang
Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga manggagawa sa pangaraw-araw natin pamumuhay?
sapagkat sila ang pupuno sa apat na salik ng produksyon
sapagkat ginagamit nila ang lakas ng katawan at isip sa paglikha ng produkto at serbisyo
sapagkat kailangan sila sa transpormasyon ng hilaw na produkto at paggamit ng makinarya
sapagkat ang kanilang nalikhang produkto at serbisyo ang tumutustos sa ating pangangailangan
Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng kahalagahan ng produksyon sa pang araw-araw na pamumuhay?
Ang produksyon ang pinagmumulan ng mga produktong kailangang ikonsumo sa araw-araw na pamumuhay
Ang produksyon ang lumilikha ng ibat-ibang anyo ng trabaho para sa manggagawang Pilipino
Ang pagkonsumo ang nagbibigay daan sa produksyon ng produkto at serbisyo kaya mas mahalaga ito kaysa pagkonsumo
Ang mga kinita mula sa bawat salik ng produksyon ay nagagamit ng sambahayan sa pagbili ng produkto at serbisyo.
Ang isang pagawaan ng damit ay kailangan ng makina, sinulid, tela, pang-imprenta sa tatak gayundin ang zipper, bitones. Sa anong salik ng produksyon sila napapabilang?
lupa
kapital
entreprenur
lakas paggawa
Ang Pilipinas ay maraming negosyante ang namumuhunan tulad nina Lucio Tan, Gokongwei Cojuangco at iba pa. Sa anong salik ng produksyon napapabilang ang mga negos
Sa anong salik ng produksyon napapabilang ang mga negosyante?
lupa
kapital
entreprenyur
lakas paggawa
Ito ang itinuturing na pinakamahalagang salik ng produksyon na tumutukoy sa lahat ng bagay na may pakinabang sa tao na mula sa kalikasan at silbing sangkap sa produksyon. Dito nakasalalay ang kabuuang ekonomiya ng bansa kung kaya't dito nakatuon ang mga programa ng bansa upang ito ay mapangalagaan.
lupa
kapital
entreprenyur
lakas paggawa
Tumutukoy ito sa isang proseso ng pagpapalit-anyo ng mga input (hilaw na produkto) upang makalikha ng mga output (tapos na produkto) mula sa pagsama-sama ng salik ng produksyon.
produksyon
pagkonsumo
alokasyon
distribusyon
Nakabatay dito ang halaga ng produksyon na nagdidikta sa presyo ng kalakal o serbisyo.
tubo
kita
renta
gastos
Kung ikaw si Lucio Tan na nagmamay-ari ng ilang kumpanya sa bansa, paano mo pahahalagahan ang iyong mga manggagawa?
titiyakin ko ang pagkakaroon ng kompetetibong pasahod at sapat na benepisyo maging white o blue collar job worker
susulitin ko hanggang huling minuto ang pagpapamalas ng kanilang talino at lakas sa transpormasyon ng mga hilaw na produkto at serbisyo.
maglalaan ako ng plake at magbibigay ng taunang parangal sa lahat ng masisipag na manggagawa
lahat ng nabanggit
Alin sa mga sumusunod ang nakapagpapataas sa antas at dami ng produksyon?
Pagdami ng mamimili
Paggamit ng angkop na teknolohiya
Pagtaas sa demand ng produkto
Pagmahal ng mga salik ng produksyon
Sa ekonomiks, ano ang tawag sa paggamit ng kalakal o serbisyo upang matugunan ang pangangailangan?
Distribusyon
Produksyon
Pagkonsumo
Alokasyon
Bakit mahalagang malaman at maunawaan ang pagkonsumo, mga uri nito, at mga salik na nakakaimpluwensiya sa pagkonsumo?
Dahil nakatutulong ito sa pagtukoy ng mga negosyong maaari pang simulan ng mga negosyante para matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao
Dahil nakatutulong ito sa pagtukoy sa uri, dami, at kalidad ng mga produkto o serbisyong gagawin at ipagbibili sa pamilihan
Dahil nakatutulong ito sa pagpaparami ng trabahong mapapasukan ng mga tao sa iba;t ibang bahagi ng bansa
Dahil nakatutulong ito sa pagpaparami ng produkto o serbisyong maipagbibili sa mga pamilihan
Bakit nagkakaiba ang paraan at dahilan ng pagkonsumo?
Maraming kalagayan ang isinasaalang-alang.
Magkakaiba ang katangian ng mga nakakaapekto dito.
Magkakaiba ang pangangailangan ng tao.
Hindi tiyak ang mga pangyayari sa Lipunan
Sa anong salik ng pagkonsumo nakakaapekto ang mga kalamidad?
Demonstration effect
kita
Mga Inaasahan
Pagkakautang
Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad na ang tao ay hindi naapektuhan ng demonstration effect?
Hindi sumusunod sa uso
Binibili ang mga napapanahong gamit
Nahuhumaling sa suot ng mga artista
Suportado ang mga ini-endorso ng paboritong artista
Kapag pinag-uusapan ang pagkonsumo, bakit mas mainam na kaunti lang ang utang?
Walang naniningil kapag nakatanggap ng sahod
Lumalaki ang ipon sa bangko
Walang utang na kailangang bayaran
Tumataas ang kakayahang kumokonsumo
Paan
as mainam na kaunti lang ang utang?
Walang naniningil kapag nakatanggap ng sahod
Lumalaki ang ipon sa bangko
Walang utang na kailangang bayaran
Tumataas ang kakayahang kumokonsumo
Paano nakakaapekto ang kalamidad sa pagtaas ng konsumo?
Nagkakaroon ng kakulangan sa supply ng produkto.
Hindi na nakakabili ang mga tao sa pamilihan.
Nagsasara ang mga malalaking tindahan.
Inuuna ng mga tao ang kanilang tirahan.
Anong salik ang nakakaapekto sa pagkonsumo na kinabibilangan ng mga anunsiyo sa radio, telebisyon, pahayagan at maging sa internet at iba pang social media?
Demonstration effect
Kita
mga inaasahan
pagkakautang
Kailan mo masasabing matalino ang isang mamimili?
Gumagamit ng credit card
Sumusunod sa badyet
Bumibili ng segunda mano
Bumibili ng mura
Alin sa mga sumusunod ang nagpapalabas ng karapatan ng mga mamimili upang maging gabay sa kanilang transaksiyon sa pamilihan?
Department of Labor and Employment
Department of Trade and Industry
Energy Regulatory Commission
Securities and Exchange Commission
Bumili si Maria ng lipstick sa mall ngunit nang ito ay kanyang ginamit naging sanhi ito ng pamamaga ng kanyang labi. Anong Karapatan ang dapat ipaglaban dito?
Karapatang Dinggim
Karapatan sa Kaligtasan
Karapatang Pumili
Karapatan sa mga Pangunahing Pangangailangan
Ito ay nagtataglay ng Karapatan sa katalinuhan at kaalaman na kinakailangan upang makagawa ng hakbanging makatutulong sa mga desisyong pangmamimili.
Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili
Karapatang Bayaran at Tumbasan sa ano mang Kapinsalaan
Karapatan sa Palatastasan
Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran
Aling batas ang nangangalaga sa kapakanan ng mamimili?
Republic Act 10368
Republic Act 7394
Republic Act 7160
Republic Act 9003
Ang mga sumusunod ay tungkulin ng mamimili MALIBAN sa isa.
Maipapahayag ang sarili at kumilos upang makatiyak sa makatarungang pakikitungo
Mabatid ang kahihinatnan ng ating kapaligiran bunga ng hindi wastong pagkonsumo
Magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang ating kapakanan
Makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isaalang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan
