wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q1 SCIENCE 3 2024-2025

Total questions: 40

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Paano mo ilalarawan ang pagbabagong magaganap sa gulaman kapag ito ay nakasalang sa apoy at kapag ito ay lumamig?

a)

Ang gulaman ay liquid kapag mainit at nabubuo habang lumalamig.

b)

Ang gulaman ay mananatiling liquid at maglalaho.

c)

Ang gulaman ay mananatiling solid at maglalaho.

d)

Walang mangyayaring pagbabago sa gulaman.

2.

May aralin kayo sa Science tungkol sa kung paano dumadaloy ang liquid. Paano mo mapapatunayan na ang mga liquids ay dumadaloy?

a)

Kumuha ng mga liquids tapos tingnan lamang.

b)

Pagsama-samahin ang mga liquids para malaman kung dumaloy.

c)

Kumuha ng mga liquids at itapon ng sabay-sabay para makita ang resulta.

d)

Kukuha ako ng mga liquids tulad ng shampoo, juice, suka, at toyo at ilalagay ko ito sa kutsara. pagkatapos pagkukumparahin ang mga ito sa ayon sa bilis ng daloy.

3.

Ang LPG ay halimbawa ng ___________.

a)

solid

b)

liquid

c)

gas

d)

wala sa nabanggit

4.

Ano-ano ang mga katangian ng liquids ang naamoy mo?

a)

matamis

b)

maalat

c)

mapait

d)

mabaho at mabango

5.

Ang sorbetes (ice cream) ay________

a)

mainit

b)

malamig

c)

maligamgam

d)

nagyeyelo

6.

Ang kumukulong sopas ay ___________.

a)

mainit

b)

malamig

c)

maligamgam

d)

nagyeyelo

7.

Ano ang nangyari sa kandilang natutunaw kapag ito ay lumamig?

a)

lumambot

b)

naglaho

c)

tumigas

d)

nag-iba ang kulay

8.

Ano ang dapat gawin kapag natapos magluto at gamitin ang gasul?

a)

Iwanan na lang ito.

b)

Huwag ng pansinin ang gasul

c)

Isarado ng dahan-dahan at maigi.

d)

Hayaan na bukas.

9.

Alin bagay ang nakakapagbigay ng malamig na hangin kapag isinasak sa kuryente?

a)

pamaypay

b)

bintana

c)

electric fan

d)

TV

10.

Ang margarine o butter sa kawali ay inilagay sa kalan ng ilang minuto. Ano kaya ang mangyayari sa margarine o butter? Bakit?

a)

Titigas ito dahil pinainitan

b)

Maglalaho ito dahil pinainitan.

c)

Matutunaw ito dahil nainitan.

d)

Masusunog ito dahil inilagay sa kalan.

11.

Binilhan ka ng nanay mo ng lapis, notebook, pantasa, at pambura. Nais mong malaman ang katangian ng solid ayon sa laki o sukat. Paano mo malalaman ang laki o sukat ng mga ito?

a)

Gagamit ako ng ruler.

b)

Gagamit ako ng thermometer.

c)

Susukatin ko na lamang ng kamay.

d)

Titingnan ko sa libro ng Science ang sagot.

12.

Ano ang dapat gawin sa mga kemikal na ginagamit natin sa bahay?

a)

Ilagay kung saan mo gusto.

b)

Pabayaan na pakalat-kalat sa bahay.

c)

Hayaan na maabot ito ng bata at mapaglaruan.

d)

Lagyan ng pangalan ang iba ibang kemikal at ilagay ang mga ito sa lugar na hindi maabot ng mga bata.

13.

Ito ang tawag sa prosesong nangyayari kapag ang alcohol at acetone ay naging gas dahil sa epekto ng temperatura?

a)

Evaporation

b)

Fusion

c)

Freezing

d)

Sublimation

14.

Ano ang nangyari sa buko juice kapag inilagay sa isang plastik sa loob ng freezer?

a)

Walang pagbabagong naganap sa buko juice

b)

Ganoon pa rin ang anyo ng buko juice.

c)

Nag-iba ng kulay ang buko juice.

d)

Tumigas ang buko juice.

15.

Tumulong ka sa iyong nanay na maglaba. Ano ang gagawin mo para matuyo agad ang nilabhan ninyong damit?

a)

Isampay ito sa loob ng bahay.

b)

Hayaang nakababad sa batya.

c)

Isampay ito sa ilalim ng sikat ng araw.

d)

Itago agad sa cabinet.

16.

Ikaw ay nagpakulo ng tubig, ano ang nangyari sa dami ng tubig matapos ang ilang minuto ng pagpapakulo?

a)

Ang tubig ay naglaho.

b)

Ang tubig ay hindi nagbago.

c)

Ang tubig ay dumami.

d)

Ang tubig ay nabawasan dahil naging vapor.

17.

Ang materyal na gas ay maraming naitutulong sa atin.

a)

tama

b)

mali

c)

hindi

d)

wala sa nabanggit

18.

Ikaw ay bumili ng ice candy. Iniwan mo ito sa mesa at pumasok sa banyo para maligo. Ano sa palagay mo ang mangyayari sa ice candy?

a)

Naglaho ang ice candy.

b)

Buo pa rin ang ice candy.

c)

Natunaw ang ice candy.

d)

Naging ice cube ang ice candy.

19.

Ang gas ay walang sariling hugis. Ito ay sumusunod lamang sa kaniyang sisidlan.

a)

mali

b)

hindi

c)

tama

d)

wala

20.

Alin sa mga bagay ang maaaring ilagay s freezer upang magkaroon ng yelo na magagamit sa inumin?

a)

tubig

b)

softdrinks

c)

juice

d)

alcohol

21.

Si nanay ay naghanda ng suka, toyo, at mantika para sa pagluluto. Anong uri ng matter napapangkat ang mga inihanda ni nanay?

a)

solid

b)

liquid

c)

gas

d)

mass

22.

Alin sa mga sumusunod na liquid ang mabango?

a)

alcohol, cologne, downy

b)

mantika, pintura, zonrox

c)

rugby, glue,paste

d)

patis, toyo,suka

23.

Alin sa mga sumusunod na liquid ang makikita sa tahanan o paaralan?

a)

tubig

b)

lapis

c)

tinapay

d)

aklat

24.

Anong liquid ang makikita sa kantina ng ating paaralan?

a)

lotion

b)

alcohol

c)

pintura

d)

juice

25.

Alin sa mga sumusunod na liquid ang mabagal ang pagdaloy?

a)

alcohol

b)

toyo

c)

ketchup

d)

suka

26.

Alin sa mga sumusunod na liquid ang masustansya at dapat inumin ng isang bata?

a)

kape

b)

timplang gatas

c)

softdrinks

d)

toyo

27.

Alin sa mga sumusunod na liquid ang matamis ang lasa?

a)

katas ng sampalok, patis at suka

b)

katas ng kalamansi, ketchup at toyo

c)

honey, tunaw na ice candy at juice

d)

tubig, patis at suka

28.

Dapat lagyan ng pangalan ang mga likido na nasa tahanan.

a)

hindi

b)

tama

c)

walang sagot

d)

mali

29.

Ang tubig kapag inilagay sa freezer ay_____.

a)

nawala

b)

tumigas

c)

dumadami

d)

natunaw

30.

Ang krayola kapag naiinitan ay______.

a)

natutunaw

b)

nagbubuo

c)

tumitigas

d)

nawawala

31.

Alin sa mga sumusunod ang maaring sumabog?

a)

rugby

b)

gasul

c)

lotion

d)

posporo

32.

Alin sa mga sumusunod na liquid ang maaaring makasunog ng iyong balat kung hindi gagamitin ng tama?

a)

muriatic acid

b)

glue

c)

lotion

d)

pabango

33.

Alin sa mga sumusunod ang maaring magbago dahil sa lamig?

a)

tubig

b)

upuan

c)

kaldero

d)

kama

34.

Ang oxygen ay kailangan natin upang ______.

a)

lumusog

b)

gumanda

c)

mabuhay

d)

wala sa mga nabanggit

35.

Matapos mailagay ang tubig sa hulmahan at ilagay sa freezer, ano ang maaaring mangyari dito?

a)

lalabnaw

b)

mabubuo

c)

lalapot

d)

malulusaw

36.

Ito ang tawag sa prosesong nangyayari kapag ang isang solid na materyal ay naging liquid dahil sa epekto ng temperatura?

a)

gas

b)

matter

c)

melting

d)

tubig

37.

Paano mo ilalarawan ang pagbabagong magaganap sa kandila kapag ito ay nainitan at muling lumamig?

a)

Kapag nainitan, ang kandila ay matutunaw at titigas muli kapag lumamig.

b)

Kapag nainitan at lumamig ay mananatiling malambot.

c)

Ang kandila ay mananatiling solid, buo at matigas.

d)

Hindi maaapektuhan ng init ang kandila.

38.

Alin sa mga pangkat ng solid na bagay o materyal ang nagiging liquid kapag nainitan?

a)

Tsokolate, mantikilya, alcohol, tubig at sabon

b)

Tsokolate, mantikilya, kandila, ginto at alcohol

c)

Tsokolate, mantikilya, kandila, crayons at ginto

d)

Tsokolate, mantikilya, sabon, tubig

39.

Nakagawa si Lorie at Mar ng sapat na bilang ng yelo at ice candy ngunit hindi lahat ng ginawa nila ay kasya sa Styrofoam box. Ano ang mangyayri sa mga yelo at ice candy na nasa labas ng styrofoam box habang sila ay nagtitinda?

a)

Magiging gas at maglalaho ang yelo at ice candy.

b)

Magiging malamig ang yelo at ice candy.

c)

Matutunaw ang yelo at ice candy.

d)

Walang mangyayari sa mga ito.

40.

Ito ay kahit anong mga bagay na umuokupa ng espasyo at may timbang

a)

matter

b)

solid

c)

liquid

d)

gas