wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Unang Markahang Pagsusulit sa Edukasyon

Total questions: 50

Worksheet time: 2hrs 40mins

Name
Class
Date
1.

Ang paghahanda sa mga bata sa buhay at paggabay sa kanila upang makamit ang tunay na tunguhin ng tao ay tungkulin ng:

a)

pamahalan

b)

simbahan

c)

paaralan

d)

pamilya

2.

Ang institusyong ito ang nagtuturo sa tao ng katotohanan at aral ng Diyos.

a)

paaralan

b)

pamayanan

c)

simbahan

d)

pagamutan

3.

Kadalasang sanhi ng di pagkakaunawaqan sa pamilya ang

a)

kawalan ng pera

b)

kapabayaan ng ina

c)

kapabayaan ng ama

d)

kawalan ng komunikasyon

4.

Ang itinuturing na pangalawang tahanan.

a)

simbahan

b)

tahanan

c)

barangay

d)

paaralan

5.

Blood is thicker than water. Ang kasabihang ito ay nangangahulugan na

a)

Mas malapot ang dugo sa tubig

b)

Kapag puso ang pumili, mas higit ang kasintahan

c)

Mas matimbang ang kamag-anak kaysa sa ibang tao

d)

Kampihan ang kaibigan kaysa kapamilya

6.

Ang pagpasok sa kwarto ng magulang o kapatid nang hindi kumakatok ay pagpapakita ng:

a)

Pagmamahal

b)

kawalan ng paggalang

c)

disiplina

d)

malasakit

7.

Kapag pinapayuhan ako ng aking magulang, ako ay __________________.

a)

nakikinig at tumatalima

b)

hindi kumikibo

c)

nagbibingi-bingihan

d)

nagagalit

8.

Sa ating kultura, pinapahalagahan ang pagsagot ng “po” at “opo” bilang tanda ng:

a)

pagsangguni

b)

tagumpay

c)

pagguho

d)

paggalang

9.

Ang sinasabing nagbibigay ng ligaya sa mga magulang ay ang _______.

a)

anak

b)

pera

c)

kotse

d)

bahay

10.

Ang pamilyang binuklod ng isang pananampalataya ay:

a)

buo at matatag

b)

palaging alam ang tama at mali

c)

hindi magkakaroon ng alitan kailanman

d)

magkakapareho ang paraan ng pagsamba

11.

Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin nito?

a)

Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon.

b)

Hindi maisusulong at mapoprotektahan ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya kung hindi nito alam kung anu-ano ang karapatan at tungkulin nito.

c)

Bahagi ang mga ito ng papel na pampolitikal ng pamilya

d)

Maraming pamilya na karapatan lamang ang ipinaglalaban ngunit hindi ginagampanan ang tungkulin.

12.

Madalas nakakagalit ang magkapatid na Wally at Jose. Hindi nila pinakikinggan ang sinasabi ng bawat isa. Kapwa ayaw magpatalo sa argumento ang dalawa. Ang sitwasyon ay HINDI nagpapakita ng:

a)

diyalogo

b)

monologo

c)

mabuting komunikasyon

d)

epektibong pakikipag-usap

13.

Ang sumusunod ay makakatulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya, maliban sa:

a)

pagtitiwala

b)

pagtataglay ng karunungan

c)

pagkakaroon ng ganap na kalayaan

d)

pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga

14.

Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng banta sa pananampalataya?

a)

Social Media ang naging dahilan kung bakit hindi nakapagtapos si Marco sa kolehiyo.

b)

Ang kahirapan ang nagtulak sa magkapatid na Maria at Martha na maghanapbuhay.

c)

Naging mabigat ang kalooban ni Arturo sa kapatid dahil sa pagsisinungaling nito.

d)

Ang pagkakaiba ng paniniwala ang nagtulak kay Jose na magduda sa kaniyang pananampalataya.

15.

Ano ang maaaring maidudulot sa pamilyang may pagkakaiba ng paniniwala?

a)

pagkalito at pagkagulo

b)

pagkapoot at pagkamuhi

c)

kalungkutan at kasiyahan

d)

pagmamahalan at pagtutulungan

16.

Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng matagumpay na pagharap sa mga banta sa pagbibigay ng edukasyon?

a)

Nalagpasan ni Martin ang lahat ng problema sa loob at labas ng tahanan.

b)

Makailang beses na inisip ni Keil ang sasabihin bago ito magbitiw ng salita.

c)

Kahit na napakahirap ng kalagayan ni Nel nakapagtapos pa rin ito ng may medalya.

d)

Sa labis na pangungulila ni Gaze nakagawa siya ng desisyong nagpabago sa takbo ng kaniyang buhay.

17.

Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng matagumpay na pagharap sa mga banta sa paggabay sa pagpapasiya?

a)

Si William ang gumagawa ng desisyon para sa kaniyang mga anak.

b)

Nakagawa ng pasiya si Alisah na pinagsisihan niya sa bandang huli.

c)

Hindi nababahala si Marga sa kaniyang kinabukasan dahil handang ibigay ng ina ang lahat ng kaniyang gusto.

d)

Binigyan ng pagkakataon ni Aling Susan ang anak na unawain ang sitwasyong kinalalagyan dahil sa ginawang pagpapasiya.

18.

Samahan sa bawat paaralan na kinabibilangan ng mga guro at mga magulang na naglalayon ng sama-samang pagtutulungan at paggawa para sa kapakanan ng mag-aaral at pamilyang kanilang kinabibilangan.

a)

DSWD

b)

LGU

c)

NGO

d)

PTA

19.

Ang mga sumusunod ay katangian ng kasal maliban sa isa.

a)

iisa

b)

permanente

c)

kusang loob

d)

engrande

20.

Ang mga sumusunod ay mga bagay na nagbibigkis sa ugnayan ng pamilya, maliban sa:

a)

ugnayan sa kaibigan

b)

ugnayan ng mag-asawa

c)

ugnayan ng magulang at anak

d)

ugnayan ng magkakapatid

21.

Ang mga sumusunod ay dapat maramdaman o matutunan ng isang tao sa loob ng pamilya maliban sa isa.

a)

pagbibgay

b)

pagtanggap

c)

paggalang

d)

pagiging makaako

22.

Paano malalampasan ang banta sa pagbibigay ng edukasyon sa anak?

a)

tumigil sa pag-aaral

b)

pagpapahalaga sa diwa ng edukasyon

c)

pagbabad sa paglalaro ng mobile games

d)

ugaliing makinig sa desisyon ng magulang

23.

Ang itinutuirng na Haligi ng tahanan ay ang ______.

a)

ina

b)

ama

c)

ate

d)

kuya

24.

Ang mga sumusunod ay institusyon sa pamayanan, maliban sa:

a)

kapitbahay

b)

pamilya

c)

paaralan

d)

simbahan

25.

Ang sinasabing ilaw ng tahanan ay ang _____.

a)

Ina

b)

ama

c)

ate

d)

kuya

26.

Sentro ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya na lumilinang sa iba’t ibang aspeto ng paglaki ng isang bata.

a)

simbahan

b)

paaralan

c)

pamahalaan

d)

pamilya

27.

Ang mga sumusunod na paraan ay nagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya, maliban sa:

a)

pagiging mahinahon

b)

pagsasawalang kibo

c)

matapat na pagpuna

d)

pagpuri

28.

Charity begins at home. Ito ay nangangahulugan na

a)

Si Charity ay nabuo sa kanilang tahanan.

b)

Sa pamilya nanggaling ang unawaan.

c)

Sa tahanan nagsisimula ang pagtulong.

d)

Kung ano ang ipinapakita sa bahay, yun din ang ipinapakita sa ibang tao.

29.

Ang bawat karapatan ng tao ay may katumbas na

a)

Kalayaan

b)

kahalagahan

c)

kabayaran

d)

pananagutan

30.

Ang anak ay regalong buhat sa langit. Nangangahulugan ito na

a)

Palakihin ang anak sa ginhawa

b)

Huwag pagalitan ang mga anak

c)

Ingatan ang buhay at kinabukasan ng anak

d)

Parating lagyan ng ribbon ang anak

31.

Ito ay anumang senyas o simbulo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kaniyang iniisip at pinahahalagahan, kabilang ditto ang wika, kilos, tono ng boses, katayuan, uri ng pamumuhay, at mga gawa o maging ang katahimikan.

a)

diyalogo

b)

komunikasyon

c)

mensahe

d)

monologo

32.

Ito ang pinakamabisang paraan ng komunikasyon dahil pinag-iisa nito ang puso at isip ng dalawang tao.

a)

Paggalang

b)

Pagtutulungan

c)

Pagmamahal

d)

Pagbibigayan

33.

Ang mag-asawang Lorna at Lino ay matagal nang gustong magkaroon ng anak. Pumunta sila sa lugar ng Obando, Bulacan upang manalangin, sumayaw sa harap ng simbahan sa paniniwalang diringgin ang kanilang panalangin. Ano ang gustong iparating ng karanasan ni Lorna at Lino?

a)

milagrong maituturing

b)

may matatag na paniniwala

c)

pagnanais nilang magkaroon ng anak

d)

pagbibigay halaga sa pananampalataya

34.

Ang pagiging mapanagutan ng mga magulang ay nangangahulugan ng:

a)

Pagbibigay ng mga material na pangangailangan ng mga anak.

b)

Pagpapaaral sa pribadong paaralan.

c)

Pagganap sa kanilang mga tungkulin.

d)

Pagbibigay sa mga anak kung ano ang kanilang nais.

35.

Sino sa sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng kanilang tungkulin sa kanilang mga anak?

a)

Si Leonardo at Rose na nagpapaplano at nagpapasiya para sa katiyakan ng magandang buhay para sa kanilang mga anak.

b)

Sina Edith at Jojo na pinag-aarak ang kanilang mga anak sa mamahaling unibersidad upang matiyak ang magandang buhay para sa kanilang hinaharap.

c)

Si Mario at Andrea na namumuhay nang simple kasama ang mga anak, katuwang ng mga ito sa kanilang mga gawain, pangangailangan, at gumagabay sa kanila sa mundong kanilang ginagalawan lalo na sa hinaharap.

d)

Sina Anita at Melduard na parehong nagsasakripisyo na magtrabaho sa ibang bansa upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak, tinitiis ang hirap ng kalooban dahil malayo sila sa kanilang pamilya.

36.

Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang magulang?

a)

Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karaptan ng mga bata sa edukasyon ang pagkakaroon ng karaptan ng magulang na sila ay turuan.

b)

Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang kanilang makukuha sa paaralan.

c)

Dahil sila ang magsasanay sag a bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman.

d)

Dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawiang t

37.

Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay nang simple?

a)

Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagkumbaba

b)

Upang masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya

c)

Upang hindi sila lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang kanilang pinaghiram

d)

Upang maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano ang mayroon siya.

38.

Ang pagkakaroon ng kakayahan ng anak sa mabuting pagpapasiya ay bunga ng:

a)

kagalingan ng bata

b)

karunungan at pagpapahalagang naitanim ng mga magulang

c)

husay sa pakikipagtalastasan

d)

pagiging sunud-sunuran ng bata sa magulang

39.

Biblia ang tawag ng mga Kristiyano sa Banal na Aklat, Qu’ran naman ito sa mga:

a)

Amerikano

b)

Muslim

c)

Negro

d)

Palawenyo

40.

Bakit kailangan ng pamilya ang makipag-ugnayan sa ibang pamilya at sa iba pang sektor ng lipunan?

a)

upang magparami

b)

upang hihingi ng tulong

c)

upang mapadali ang buhay

d)

upang makabuo ng maayos at matatag na lipunan

41.

Ang bunga ng maling pagpili ay:

a)

pagkasuklam

b)

pagkainis

c)

pagsisisi

d)

pag-aalala

42.

Mas magiging malalim ang mensaheng maibibigay ng aral ng pananampalataya kung:

a)

mararanasan sa pang-araw-araw na buhay

b)

maibahagi sa iba

c)

mapapakinggan araw-araw

d)

ipaparanas sa mga kapitbahay

43.

Ang hindi pagkibo ni Ana sa kaibigang si Tess ay sa kadahilanang di niya nagustuhan ang sinabi nito tungkol sa kaniyang ginawang project sa klase.

a)

Pagkainis o ilag sa kausap

b)

Mali o magkaibang pananaw

c)

Takot na ang sasabihin o ipapahayag ay daramdamin o didibdibin

d)

Pagiging umid o walang kibo

44.

Ayaw ni Mark na masaktan ang kaibigang si Jennelyn kaya mas pinili na lamang niya na huwag sabihin ang narinig na pag-uusap ng ilan sa kanilang mga kamag-aral tungkol sa kaniyang pag-uugali.

a)

Pagkainis o ilag sa kausap

b)

Mali o magkaibang pananaw

c)

Takot na ang sasabihin o ipapahayag ay daramdamin o didibdibin

d)

Pagiging umid o walang kibo

45.

Madalas na magkaroon ng alitan ang magkapatid na Alden at Maine, hindi nila pinakikinggan ang saloobin ng bawat isa dahil sa magkasalungat nilang paniniwala.

a)

Pagkainis o ilag sa kausap

b)

Mali o magkaibang pananaw

c)

Takot na ang sasabihin o ipapahayag ay daramdamin o didibdibin

d)

Pagiging umid o walang kibo

46.

Paano maipakikita ng pamilya ang pagiging bukas-palad? Sa pamamagitan ng:

a)

pagtulong na may kapalit

b)

pagtulong upang papurihan

c)

pagtupad sa mga tungkulin at gawaing panlipunan

d)

pagpapatuloy sa kanilang mga tahanan para sa mga naaapektuhan ng pagbaha at mga sakuna

47.

Bakit mahalaga ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan?

a)

upang matanggap sa lipunang kinabibilangan

b)

dahil ito ay maipagmamalaking katangian bilang Pilipino

c)

upang kilalanin, papurihan at maging maimpluwensiyang tao sa lipunan

d)

Pakikipagkaisa sa lahat ng dahil ito ay paraan upang maisabuhay ang mga pagpapahalaga at birtud na itinuturo at natututuhan sa loob ng tahanan

48.

Ang ibinubunga ng labis na makapamilya ay:

a)

Pagkakawatak-watak at pagkakaniya-kaniya

b)

Nagiging sanhi ng political dynasty

c)

Paggamit ng posisyon at kapangyarihan para sa kapakanan ng pamilya

d)

Lahat ng nabanggit

49.

Ang isa sa dahilan kung bakit likas na institusyon ang pamilya

a)

Pinakamaliit ngunit mahalagang bahagi ng lipunan.

b)

Mas misyon ito sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasiya, at paghubog ng pananampalataya.

c)

Binubuo ito ng mga magulang at mga anak.

d)

Tumutulong ito sa pagpapaunlad ng lipunan.

50.

Sa pagbabago ng panahon, ano ang mananatiling pakahulugan ng pamilya?

a)

Ang pamilya ay likas na institusyon.

b)

Ang pamilya ang nagtuturo ng pakikipagkapwa.

c)

Ang pamilya ay paaralan ng pagmamahal

d)

Ang pamilya ay nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae.