wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino-Q2-M1-M2

Total questions: 40

Worksheet time: 37mins

Name
Class
Date
1.

Maraming basura sa paligid ng bahay nina Rosa. Ano ang angkop na wakas?

a)

Natuwa ang kanyang nanay.

b)

Mababa ang markang nakuha.

c)

Winalisan nya ito.

2.

Sa umaga tumutulong muna sa gawaing bahay si Buknoy bago pumasok sa paaralan. Ano ang angkop na wakas?

a)

Natuwa ang kanyang nanay.

b)

Nagalit ang kapit-bahay.

c)

Nahulog ang mga bunga.

3.

May sakit si Angela. Dinala siya sa doktor. Ano ang angkop na wakas?

a)

Natuwa ang kanyang nanay.

b)

Ginamot siya sa ospital.

c)

Naglakad siya papunta sa paaralan.

4.

May pagsusulit sina Ben. Napuyat siya dahil sa paglalaro ng computer games. Ano ang angkop na wakas?

a)

Mababa ang markang nakuha.

b)

Nagwalis siya ng silid-aralan.

c)

Ginamot siya sa ospital.

5.

Nasira ang school service nina Isko. Ano ang angkop na wakas?

a)

Pumunta siya sa palengke.

b)

Winalisan niya ang bahay.

c)

Naglakad sila papunta sa paaralan.

6.

Tumutukoy sa mga gumaganap sa kwento gaya ng tao at hayop.

a)

tauhan

b)

tagpuan

c)

banghay

7.

Tumutukoy sa mahahalagang pangyayari sa kuwento ayon sa tamang pagkakasunod - sunod.

a)

tauhan

b)

tagpuan

c)

banghay

8.

Tumutukoy sa lugar at panahon ng kuwento.

a)

tauhan

b)

tagpuan

c)

banghay

9.

Piliin ang mga tauhan sa akdang binasa natin na may pamagat na "Pahiram Naman".

a)

Binibining Dizon

b)

mga mag-aaral

c)

Rommel

d)

Ginang Rios

e)

Lolo Goring

10.

Nag-aaral ang klase tungkol sa mga dahilan ng malalakas na bagyo.

a)

Pangyayari sa kwento

b)

Hindi ito pangyayari sa kwento

11.

Nagdulot ng malaking pinsala ang super typhoon Yolanda sa maraming lugar sa Visayas.

a)

Pangyayari sa kwento

b)

Hindi ito pangyayari sa kwento

12.

Natutunaw ang malalaking tipak ng yelo na nagiging sanhi ng El Nino at La Nina.

a)

Pangyayari sa kwento

b)

Hindi ito pangyayari sa kwento

13.

May liham na sinusulat ang nanay ni Rommel nang dumating siya mula sa paaralan.

a)

Pangyayari sa kwento

b)

Hindi ito pangyayari sa kwento

14.

Hindi pumayag noong una si Rommel na lumipat ng kwarto ng kaniyang mga magulang.

a)

Pangyayari sa kwento

b)

Hindi ito pangyayari sa kwento

15.

Pinalo ng kanyang ina si Rommel.

a)

Pangyayari sa kwento

b)

Hindi ito pangyayari sa kwento

16.

Humingi ng tawad si Rommel sa kanyang ina dahil sa kanyang ipinakitang asal.

a)

Pangyayari sa kwento

b)

Hindi ito pangyayari sa kwento

17.

Piliin ang angkop na salitáng patanong upang mabuo ang bawat pangungusap.


1. _______ ang paborito mong prutas?

a)

Sino

b)

Ano

c)

Paano

18.

Piliin ang angkop na salitáng patanong upang mabuo ang bawat pangungusap.


2. _______ gaganapin ang iyong kaarawan?

a)

Sino

b)

Ano

c)

Kailan

19.

Piliin ang angkop na magagalang na pananalita sa sumusunod na sitwasyon.


3. Kagigising mo pa lámang nang pumasok sa iyong kuwarto ang iyong nanay. Paano mo siya babatiin?

a)

A. Ano po ang pagkain?

b)

B. Magandang umaga po!

20.

Piliin ang angkop na magagalang na pananalita sa sumusunod na sitwasyon.


4. Naputol mo ang lapis na iyong hiniram. Ano ang sasabihin mo sa iyong hiniraman?

a)

A. Pasensiya na! Hindi ko sinasadya.

b)

B. Bakit mabilis maputol ang lapis mo?

21.

Bigyan ng wakas ang sumusunod na kuwento.


5. Dumalo sa kaarawan ng kaniyang kaibigan si Joy. May dalá siyang regalo. Binuksan ng kaniyang kaibigan ang dalang regalo ni Joy. Natuwa siya dahil ito ay isang manika. Ang manika ay inilagayn niya sa __________.

a)

A. baul

b)

B. kusina

c)

C. bubong

d)

D. lagayan ng laruan

22.

Bigyan ng wakas ang sumusunod na kuwento. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.


6. Maagang pumapasok sa paaralan si Khen. Pagdating niya sa paaralan ay naglilinis agad siya. Nakita ito ng kaniyang guro. Pinagsabihan si Khen ng guro ng ______________.

a)

A. ang bait mo

b)

B. tamad ka

c)

C. ang sipag mo

d)

D. mag-aral ka pa

23.

Basahin at unawain ang sitwasyon.


Galing sa tindahan si Terry. May nakasalubong siyang marungis na batà kasa-kasama ang kaniyang maliit na kapatid. Ilang araw na siláng hindi kumakain.


7. Ano ang nangyari sa magkapatid?

a)

Galing sa tindahan si Terry.

b)

May nakasalubong siyang marungis na batà

c)

Ilang araw na siláng hindi kumakain

24.

Piliin ang MK kung ang mga magkasamang salita ay magkasingkahulugan at MS kung magkasalungat.


8. makinis, magaspang

a)

MK

b)

MS

25.

Piliin ang MK kung ang mga magkasamang salita ay magkasingkahulugan at MS kung magkasalungat.


9. matalino, magaling

a)

MK

b)

MS

26.

Piliin ang maikling salita na nabuo mula sa mahahabang salita.


10. basurahan

a)

bara

b)

basura

c)

baraha

27.

Piliin ang maikling salita na nabuo mula sa mahahabang salita.


11. pagsubok

a)

sukob

b)

subo

c)

subok

28.

Piliin ang salitang tumutukoy sa mga kahulugan sa bawat bilang.


12. Ito ang tawag sa mga pagkain na isinasama sa kanin.

a)

paaralan

b)

bayan

c)

ulam

29.

Piliin ang salitang tumutukoy sa mga kahulugan sa bawat bilang.


13. Ito ay bahagi ng prutas na itinatanim.

a)

pamilya

b)

buto

c)

mura

30.

Piliin ang salitáng katugma ng salita


14. malayo

a)

tulungan

b)

kuhanan

c)

kabayo

31.

Piliin ang salitáng katugma ng salita


15. alay

a)

labanos

b)

gulay

c)

hitsura

32.

16. Ang __________ ay lipon ng mga pangungusap na paunlad na bumuo at nagpahayag ng isang kaisipan.

a)

pangungusap

b)

talata

c)

salita

33.

17. Ang ____________ ay isang anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maikling salaysay tungkol sa mahalagang pangyayari ng isang tauhan o ilang tauhan.

a)

salita

b)

pangungusap

c)

maikling kuwento

34.

Punan ng angkop na paglalarawan ang bawat pangungusap.


18. Si Hinlalaki ay mataba ngunit ____________.

a)

matangkad

b)

pandak

35.

Piliin ang salitáng bubuo sa pangungusap sa ibaba.


19. Ang anak na nagsasabi ng “po” at “opo” ay ______________.

a)

masipag

b)

magalang

c)

matulungin

36.

20. ______________ ang tawag sa mga salitáng naglalarawan.

a)

pangngalan

b)

pang-uri

c)

pangyayari

37.

Hanapin ang mali sa pangungusap na ito:


maraming bang tao sa palengke kahapon?

a)

?

b)

marami

c)

palengke

d)

Walang mali

38.

Hanapin at piliin ang mali sa pangungusap na ito:


Si lina ay magaling sumayaw.

a)

magaling

b)

lina

c)

sumayaw

d)

Walang Mali

39.

Piliin ang angkop na bantas para sa pangungusap.


Sino sa inyo ang gustong sumama sa SM.

a)

.

b)

,

c)

?

d)

!

40.

Tukuyin ang salitang nagpamali sa pangungusap.

Sina Nanik at Nhiel ay laging magkasama.

a)

Sina

b)

Nanik

c)

Nhiel

d)

Walang mali