WorksheetsMES Pagsusulit sa Filipino 2nd Quarter IV
Total questions: 40
Worksheet time: 50mins
Isang araw, habang naglalakad si Ken sa park, nakita niyang may isang matandang babae na nahulog. Agad siyang lumapit at tinulungan ang matanda. "Salamat, iho," sabi ng matanda, "kung hindi dahil sa iyo, baka matagal pa akong maghintay para matulungan." Nagpatuloy ang kanilang usapan. Sinabi ng matanda kay Ken, "Alam mo, anak, maraming kabataan ngayon ang parang hindi na marunong magtulungan. Ngunit ikaw, pinakita mo sa akin na may malasakit ka pa sa mga tao."
Ngumiti si Ken at sumagot, "Wala po 'yon, lola. Ang mabuting gawa po ay hindi kailangang maging malaki. Basta't natulungan ko po kayo, ayos na po ako."
Ano ang nangyari sa simula ng teksto?
Nagpasalamat ang matanda kay Ken.
Nag-usap sina Ken at ang matandang babae.
May nakita si Ken na matandang babaeng nahulog.
Sinuklian ng ngiti ni Ken ang pasasalamat ng matandang babae.
Isang araw, habang naglalakad si Ken sa park, nakita niyang may isang matandang babae na nahulog. Agad siyang lumapit at tinulungan ang matanda. "Salamat, iho," sabi ng matanda, "kung hindi dahil sa iyo, baka matagal pa akong maghintay para matulungan." Nagpatuloy ang kanilang usapan. Sinabi ng matanda kay Ken, "Alam mo, anak, maraming kabataan ngayon ang parang hindi na marunong magtulungan. Ngunit ikaw, pinakita mo sa akin na may malasakit ka pa sa mga tao."
Ngumiti si Ken at sumagot, "Wala po 'yon, lola. Ang mabuting gawa po ay hindi kailangang maging malaki. Basta't natulungan ko po kayo, ayos na po ako."
Ano ang ibig sabihin ni Ken nang sinabi niyang, "Ang mabuting gawa po ay hindi kailangang maging malaki"?
Ang bawat mabuting gawa, maliit man o malaki, ay mahalaga.
Ang mga mabubuting tao ay laging matulungin.
Dapat malaki ang mga tulong na ibinibigay sa ibang tao.
Hindi na kailangan magtulungan.
Isang araw, habang naglalakad si Ken sa park, nakita niyang may isang matandang babae na nahulog. Agad siyang lumapit at tinulungan ang matanda. "Salamat, iho," sabi ng matanda, "kung hindi dahil sa iyo, baka matagal pa akong maghintay para matulungan." Nagpatuloy ang kanilang usapan. Sinabi ng matanda kay Ken, "Alam mo, anak, maraming kabataan ngayon ang parang hindi na marunong magtulungan. Ngunit ikaw, pinakita mo sa akin na may malasakit ka pa sa mga tao."
Ngumiti si Ken at sumagot, "Wala po 'yon, lola. Ang mabuting gawa po ay hindi kailangang maging malaki. Basta't natulungan ko po kayo, ayos na po ako."
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tayutay na asonansya?
Nahulog ang babae.
Lumapit si Ken sa matanda.
Ngumiti si Ken at sumagot.
Nagpasalamat ang matanda sa bata.
Kung ikaw ay makakita ng matandang nangangailangan ng tulong, ano ang gagawin mo?
Iwasan ang parteng kinaroroonan ng matanda.
Lagpasan ang matanda at ipagpatuloy ang paglalakad.
Lapitan ang matanda at tulungan ito sa abot ng makakaya.
Tumingin ng ibang taong tutulong sa matanda.
Ano ang isinasaad ng talaarawang binasa?
mga ginawa niya sa araw na iyon
mga naramdaman niya sa araw na iyon
mga taong nakasama niya sa araw na iyon
mga lugar na pinuntahan niya sa araw na iyon
Ito ay isang tekstong impormatibo na nagsasaad ng kasaysayan o tala ng buhay ng isang tao mula kapanganakan hanggang sa kasalukuyan/ kamatayan.
Balita
Debate
Talaarawan
Talambuhay
Sa tekstong binasa ukol kay Ken, alin sa mga sumusunod ang gustong iparating nito?
magbigay-aral
magpaliwanag
magbigay-aliw
magpakita ng kultura
Ano ang denotasyong kahulugan ng salitang matanda?
Ang aking lolo ay may sakit.
May edad na ang aking nanay.
Siya ay maraming karanasan sa buhay.
Ang lola niya ay wala ng sigla o enerhiya.
"Ang matandang babae ay hindi na makalakad nang mabilis." Ano ang kasalungat ng salitang may salungguhit?
Ang bata ay masiglang naglalaro.
Ang kanyang bag ay luma na pero matibay pa rin.
Mapapansin na ang kanyang mga magulang ay may edad na.
Ang aking kapatid ay payat at matangkad.
Piliin ang pahayag na may tamang diksiyon upang magsalaysay ng isang pangyayari sa nakaraan.
"Ang pagtutulungan ay may malaking epekto sa ating kalikasan."
"Kami ay nagtanim ng mga punong namumunga sa likod-bahay."
"Ang pagiging masipag ay nagbubunga ng tagumpay sa hinaharap."
"Kami ay magkakaroon ng palatuntunan at kasiyahan sa darating na pasko at bagong taon."
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng masayang tono sa isang pahayag?
"Mahirap, ngunit hindi tayo susuko."
"Wala nang magagawa, tapos na ang lahat."
"Hindi ko alam kung anong mangyayari sa atin sa mga susunod na linggo."
"Sama-sama tayong magsaya at magdiwang sa tagumpay ng ating proyekto!"
Buuin ang hugnayang pangungusap sa pagpili ng angkop na sugnay. Kung mag-aaral kang mabuti, ______.
binigyan ng gantimpala
nakatanggap siya ng mga papuri
nakamit niya ang kanyang pangarap
tiyak na makakamtan mo ang tagumpay
Nag-aral siya nang mabuti, ________ hindi pa rin siya pinalad sa pagsusulit.
dahil
kaya
pero
sapagkat
Ang guro ay nagtuturo, ___________ ang mga mag-aaral ay nakikinig.
habang
kasi
ngunit
upang
Nanonood ng kanilang paboritong teleserye ang aking mga magulang ___________. Alin ang angkop na pangngalang inuulit na bubuo sa pangungusap?
agad-agad
gabi-gabi
minu-minuto
taon-taon
Dahil sa nakaraang mga bagyo, maraming mga silid-aralan ang nagsilbing evacuation area para sa mga biktima ng kalamidad. Alin ang nagamit na tambalang pangngalan sa pangungusap?
bagyo
biktima
kalamidad
silid-aralan
Piliin ang tamang panghalip pamatlig na bubuo sa pangungusap: "______ ang hindi ko alam kung anong mangyayari."
Dito
Doon
Iyan
Riyan
Ang mga tao ay hindi nanghihingi ng kapalit dahil _____________ ang kanilang pagtulong sa mga biktima ng kalamidad. Piliin ang angkop na tambalang pang-uring bubuo sa pangungusap.
dilang-anghel
likas-yaman
patay-gutom
taos-puso
May tatlong, sariwang, pulang rosas ang nakalagay sa makulay na plorera. Alin sa mga sumusunod na pang-uri ang pang-uring pamilang?
makulay
pula
sariwa
tatlo
Anong ginamit na pang-abay na pamaraan sa pangungusap na: "Magaling kumanta si Ruben ng kundiman."
kundiman
kumanta
magaling
Ruben
Piliin ang aspektong perpektibo ng pandiwa na nagamit sa pangungusap. Sinabi ng aking lolo na gagawa nang mabuti at palaging magsabi ng totoo kahit hindi ginagawa ng iba.
gagawa
ginagawa
magsabi
sinabi
Naobserbahan ko sa aming lugar na ang mga magsasaka ay hinihintay ang tag-ulan bago sila magsimulang mag-araro sa palayan.
hinihintay
mag-araro
magsimula
naobserbahan
Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng anekdota?
Isang tulang pambata na may mensaheng moral.
Isang kuwento tungkol sa isang maliit na bayan at ang kanilang tradisyon.
Isang talatang naglalahad ng pahayag tungkol sa kasaysayan ng isang bayan.
Isang kuwento tungkol sa isang karanasan ng isang tao na may kinalaman sa isang makulay na karanasan sa kanyang kabataan.
Ano ang pangunahing layunin ng isang tekstong naglalahad (recount)?
Magbigay ng isang tula na nagpapahayag ng mga damdamin.
Magbigay ng mga hakbang at proseso ng paggawa ng isang bagay.
Maglahad ng isang kuwento tungkol sa nakaraan na may mga detalye.
Maglathala ng mga ideya at opinyon hinggil sa isang paksa.
Ano ang layunin ng binasang tekstong impormatibo? Ang Lungsod ng Baguio ay matatagpuan sa lalawigan ng Benguet ngunit ito ay may sariling kongresista dahil ito ay isang chartered city kung saan may kakayahan itong magpatupad ng mga polisiya at makapagbigay ng mga serbisyong pang-lokal na hindi nakasalalay sa mga ordinansa ng probinsya.
magbigay-aral
magpaliwanag
magbigay-aliw
manghikayat
Paano mo ipapakita ang pag-uugnay ng mga ideya batay sa konteksto sa isang tekstong impormatibo tungkol sa kalusugan?
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga sanhi at epekto ng isang sakit at kung paano ito maiiwasan.
Sa pamamagitan ng paggamit ng masining na wika upang gawing kaakit-akit ang teksto.
Sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga kuwento ng mga tao na nagkaroon ng mga karamdaman.
Sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga saloobin ng isang tao ukol sa kalusugan.
Kapag ikaw ay bubuo ng isang liham Pangkaibigang Pagbati, alin sa mga sumusunod ang angkop na nilalaman nito?
tungkol sa paghingi ng paumanhin at pagpapakumbaba sa ginawang pagkakamali
tungkol sa pangungumusta at pagbabahagi ng mga kaganapan sa buhay na nais ibahagi
tungkol sa eksaktong araw, oras, at lokasyon ng kaganapan ng imbitasyong ipinapaabot
tungkol sa isang transaksyon, reklamo, pasasalamat at iba pang paksa na may kinalaman sa negosyo
Sa pagbuo ng liham pangkaibigan, anong tamang tono ang dapat gamitin?
mabilis at direkta
pormal at seryoso
maligaya at magaan
malungkot at nagmamakaawa
Alin sa mga sumusunod ang tamang paggamit ng talaan ng nilalaman?
Pagtukoy ng mga detalye ng may-akda at publisher.
Paghanap ng mga pangalan ng tauhan sa isang kwento.
Pagbasa ng buong aklat mula simula hanggang katapusan.
Paghanap ng partikular na kabanata o paksa sa loob ng aklat.
Alin sa mga sumusunod ang matatagpuan sa katawan ng aklat?
Ang buod o pangkalahatang ideya ng buong aklat.
Ang mga pangalan ng may-akda at publisher ng aklat.
Ang pagkakasunod-sunod ng mga kabanata at mga pahina.
Ang detalyadong nilalaman ng bawat kabanata, kasama ang mga pangunahing ideya at impormasyon.
Ano ang ibig sabihin ng paggamit ng pababa na direksyon sa isang teksto o imahe?
pagbagsak o pagkatalo
pagkakaroon ng kasayahan at aliw
pag-unlad at tagumpay
pag-unawa at kaalaman
Sa dalawang tekstong biswal na makikita sa iyong kaliwa, alin ang mas madaling maintindihan?
una
ikalawa
pareho
wala
Paggamit ng pormal at magalang na wika na nagpapakita ng respeto sa mga awtoridad tulad ng paghingi ng permiso o pagpapaalam sa mga magulang.
TAMA
MALI
Paggamit ng slang o makabagong wika kapag nakikipag-usap sa mga magulang.
TAMA
MALI
Paggamit ng hindi magalang na pananalita kapag inuutusan ang mga nakababatang kapatid.
TAMA
MALI
Pagtaas ng kamay upang magsalita sa isang grupo o klase bilang isang halimbawa ng tamang di-berbal na hudyat upang magpakita ng interes at pagsunod sa patakaran.
TAMA
MALI
Pagkakaroon ng seryosong ekspresyon ng mukha, tulad ng pagkunot ng noo, ay isang malinaw na tanda ng kasiyahan sa isang usapan.
TAMA
MALI
Paggamit ng mga salitang may paggalang tulad ng 'po' at 'opo' na angkop sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda, lalo na sa mga okasyong tulad ng kasalan at binyagan.
TAMA
MALI
Pagpapakita ng katapatan at kagalakan sa pamilya kagaya ng okasyong kapanganakan o binyagan.
TAMA
MALI
Paggamit ng pormal at magalang na wika sa pakikipag-usap sa mga magulang at mga nakatatanda upang magpakita ng respeto tulad ng pagdalo sa isang kasalan.
TAMA
MALI
