wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

2nd QUARTER SUMMATIVE KOMUNIKASYON 11

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Isang proseso ng paghahatid ng mensahe o pagpapalitan ng ideya, impormasyon, karanasan at mga saloobin

a)

KULTURA

b)

KOMUNIKASYON

c)

WIKA

d)

DAYALEKTO

2.

Ang namamagitan upang maunawaan ang sarili, karanasan, kapuwa tao, paligid, mundo, obhektibong realidad, politika, ekonomiya at kultura

a)

KULTURA

b)

WIKA

c)

LOMUNIKASYON

d)

DAYALEKTO

3.

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino

a)

TAMA

b)

MALI

c)

MAARI

d)

WALANG ALAM

4.

Ayon sa kanya, ang wika ay sistema ng mga tunog, arbitraryo na ginagamit sa komunikasyong pantao

a)

Bouman                      

b)

Hutch                          

c)

                Salazar                          

d)

Jose Rizal

5.

Ano ang pambansang wika ng Pilipinas

a)

FILIPINO

b)

PILIPINO

c)

TAGALOG

d)

INGLES

6.

Ayon sa kanya, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,    damdamin, at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kusang loob na kaparaanan na lumikha ng tunog

a)

HUTCH

b)

SAPIRO

c)

HEMPHIL

d)

GLEASON

7.

Ito ang isa sa mga pinakasikat na uri ng blog. Ang mga blog na may ganitong tema ay naglalaman ng mga damit o kung ano man ang bago sa mundo ng pananamit

a)

Sitwasyong Pangwika sa Text

b)

  Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon

c)

  Sitwasyong Pangwika sa Social Media at Internet

d)

  Sitwasyong Pangwika sa Iba Pang Anyo ng Kulturang Popular

8.

Gumagamit ng pagkamalikhain at husay sa paglalahad ng pahayag ang dalawang kalahok na nagtatagisan ayon sa nakalaan na segundo o minuto.

a)

Sitwasyong Pangwika sa Text

b)

Sitwasyong Pangwika sa Mass Media

c)

Sitwasyong Pangwika sa Social Media at Internet

d)

Sitwasyong Pangwika sa Iba Pang Anyo ng Kulturang Popular

9.

1.       Ang Facebook ay kalimitang ginagamit ng mga mag-aaral sa pakikipag-ugnayan sa kanilang mga kapwa kamag-aaral upang mas mapadali nilang mapag-usapan ang mga pangangailangan ng kurso.

a)

Sitwasyong Pangwika sa Text

b)

Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon

c)

Sitwasyong Pangwika sa Social Media at Internet

d)

Sitwasyong Pangwika sa Iba Pang Anyo ng Kulturang Popular

10.

Ang mga Pilipino ay namangha kay Pangulong Duterte sa kanyang naging talumpati sa SONA dahil inilahad niya ito gamit ang wikang FIlipino

a)

Sitwasyong Pangwika sa Pelikula

b)

Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan  

c)

Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon

d)

Sitwasyong Pangwika sa Pamahalaan

11.

Abilidad ng isang tao na mabuo o makaunawa ng maayos  at makabuluhang pangungusap

a)

Kakayang Lingguistiko

b)

Kakayahang Sosyal

c)

Kakayahang Komunikatibo

d)

Kakayahang Sosyolinggistik

12.

Anong tawag sa bahagi ng modelong SPEAKING na ayon kay Dell Hymes ay tumutukoy sa         tono ng pakikipag-usap

a)

Key

b)

Norms

c)

Setting

d)

Act Sequence

13.

Anong tawag sa anyong ito ng di-berbal na komunikasyon na tumutukoy sa pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan

a)

Pictics

b)

Haptics

c)

Kinesics

d)

Proximecs

14.

Anong tawag sa bahagi ng modelong SPEAKING na ayon kay Dell Hymes ay tumutukoy sa tsanel o midyum na ginamit pasalita o pasulat.

a)

Ends

b)

Norms

c)

Act of Sequence

d)

Instrumentalities

15.

Anong tawag sa anyong ito ng di-berbal na komunikasyon na tumutukoy sa kung paanong  ang oras ay nakaaapekto sa komunikasyon

a)

Haptics

b)

Proxemics

c)

Oculesics

d)

Chronemics

16.

Anong tawag sa bahagi ng modelong SPEAKING na ayon kay Dell Hymes ay tumutukoy sa paksa ng usapan

a)

Keys

b)

Ends

c)

Norms

d)

Act of Sequence

17.

Ito ay pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, isang katawagang binuo ni Edward  Hall. Ito ay tumutukoy sa layo ng kausap sa kinakausap. Anong anyo ng di-berbal na  komunikasyon ang tinutukoy ng pahayag

a)

Vocalics

b)

Proxemics

c)

Oculesics

d)

Chronemics

18.

Ito ay paraan ng paghahanap ng teorya, pagsubok o paglutas sa mga teorya na gamit sa komprehensibong pag-aaral (Jocson 2016)

a)

Pagbabalita

b)

Pakikipanayam

c)

Pananaliksik

d)

Lahat ay Tama

19.

Binibigyang linaw sa bahaging ito ang mga terminolohiyang makailang ginamit sa pananaliksik

a)

Paglalahad ng Suliranin

b)

Haypotesis

c)

Katuturan ng mga Katawagan

d)

Saklaw at Delimitasyon

20.

Sa bahaging ito makikita ang pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik

a)

Panimula

b)

Layunin

c)

Saklaw at LImitasyon

d)

Kahalagahan

21.

Ito ang pamamaraan ng presentasyon ng mga datos na madalas katatagpuan ng iba’t ibang pamamaraan, tulad ng paggamit ng talahanayan, grap, at iba pa

a)

Tabular na Presentasyon

b)

Tekstuwal na Paliwanag

c)

Sarbey

d)

Interbyu

22.

Inilahad ang signipikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral

a)

Kahalagahan ng

Pag - aaral

b)

Panimula o Introduksiyon

c)

Paglalahad ng Suliranin

d)

Balangkas Konseptuwal ng

Pag - aaral

23.

Ito ay isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik. 

a)

Pamamaraan ng Pananaliksik

b)

Panimula o Introduksiyon

c)

Paglalahad ng Suliranin

d)

Balangkas Konseptuwal ng

Pag-aaral

24.

Ito ay isa sa anim na pamantayan sa pagtataya ng kakayahang pangkomunikatibo na may kakayahang mabago ang pag-uugali at layunin upang maisakaturapan ang pakikipagugnayan. Ano ang tawag pamantayang ito

a)

Emphaty

b)

Adapatability

c)

Effectiveness

d)

Appropriateness

25.

Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang taong pamahalaan ang pag-uusap. Nakokontrol nito  ang daloy ng usapan at kung paanong ang mga paksa ay nagpapatuloy at naiiba. Ano ang tawag sa pamantayang ito

a)

Emphaty

b)

Adaptability

c)

Appropriateness

d)

Conversational Management

26.

Ito ay tumutukoy sa isa sa dalawang mahalagang pamantayan upang mataya ang  kakayahang komunikatibo – ang pagtiyak kung epektibo ang pakikipag-usap. Ang taong may kakayahang komunikatibo ay may kakayahang mag-isip kung ang kanyang pakikipag-usap ay epektibo at nauunawan. Ano ang tawag sa pamantayang ito

a)

Emphaty

b)

Effectivenes

c)

Appropriateness

d)

Conversational Managemnet

27.

Basahing mabuti at iwasto ang mga bagay na kailangang iwasto sa burador; baybay, bantas,  wastong gamit, pamaraan ng pagsulat, at angkop na talababa o footnote. Ano ang tawag sa hakbang na ito ng pananaliksik

a)

Rough Draft

b)

Note Taking

c)

Final Outline

d)

Pagwawasto at Pagriserba ng BUrador

28.

Pagsusuri nang mabuti sa inihandang tentatibong balangkas upang matiyak kung may mga bagay bang kailangang baguhin o ayusin. Ano ang tawag sa hakbang na ito ng pananaliksik

a)

Pagpili ng Paksa

b)

Pagbuo ng Burador

c)

Pagbuo ng Talatanungan

d)

Pangangalap ng Kaugnay na Literatura 

29.

Kapag napagpasiyahan na ang paksa at mayroon nang plano kung paano mo bubuuin at  palalawakin ang sulating pananaliksik, kailangang ilahad na ang paunang __________.  Ano ang tinutukoy sa patlang ukol sa hakbang ng pananaliksik

a)

Burador

b)

Layunin

c)

Outline

d)

Balangkas

30.

Pagkatapos pagdaanan at isagawa nang mabuti ang naunang walong hakbang ngayon ay nakatitiyak na ng isang mainam na pananaliksik. I-type na ito gamit ang pormat na ibinigay ng guro. Ano ang tawag sa hakbang na ito ng pananaliksik

a)

Pagwawasto

b)

Paghahanda ng Tala

c)

Pagsulat ng BUrador

d)

Pagsulat ng pinal na Sulating Pangwakas

31.

  Hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik na nagbibigay ng direksiyon sa pagsasaayos ng iyong mga ideya at pagtukoy kung ano-anong materyal pa ang kailangang hanapin.

a)

Paglalahad ng Layunin

b)

Pagpipili ng Mabuting Paksa

c)

Pangangalap ng Tala o Note Taking

d)

Paghahanda ng Tentatibong Balangkas

32.

  Ang pagpapasya sa kritikal na isyu o gap ng pananaliksik ang pangunahing isaisip ng mananaliksik sa pormulasyon ng pipiliing paksa. Anong hakbang ng panaliksik ang tinutukoy rito?

a)

Pagsusulat ng pamagat pampananaliksik

b)

Pagbubuo ng Tesis ng Pahayag

c)

Pagpipili at Palilimita ng Paksa

d)

Pagtitiyak sa mga Layunin ng Pag-aaral

33.

Pagtatala ng pinakalohikal o pinakamaktawirang mga palagay ukol sa isyu nang sa huli ay mapatunayan, mapatibay, masusugan o mapasubalian. Anong hakbang ba ito ng pagsulat ng makabuluhang pananaliksik

a)

Paglalatag ng Haypotesis ng

PAg-aaral

b)

Pagububuo ng Teoretikal at Konseptuwal na Balangkas

c)

Pagtitiyak kung ano nga ba ang kahalagahan ng isasagawang pag-aaral

d)

Pagbubuo ng tesis na pahayag 

34.

Ito ay isang pangungusap na kinapalooban ng tiyak na paninindigan o pananaw ng isang mananaliksik. 

a)

Pananaliksik

b)

Tesis

c)

Tesis na Pahayag

d)

Panukalang Tesis

35.

Anong hakbang sa pagbuo ng pananaliksik kung saan nakaguguhit ka ng isang balangkas upang magkakaroon nang mas malinaw na paglalahad ang isang suliranin ng isang pananaliksik kung ano-ano at papaano nagkakaugnay-ugnay ang bawat baryabol sa isa’t isa

a)

Pagguhit ng mga Balangkas

b)

Paggawa ng mga Tabular na Presentasyon

c)

Pagbuo ng Teoretikal at Konseptuwal na Balangkas

d)

Pagbuo ng mga Konsepto at Presentasyon

36.

Gumagamit ng pagkamalikhain at husay sa paglalahad ng pahayag ang dalawang kalahok na nagtatagisan ayon sa nakalaan na segundo o minuto

a)

Sitwasyong Pangwika sa Text

b)

Sitwasyong Pangwika sa MAss Media

c)

Sitwasyong Pangwika sa Social Media at Internet

d)

Sitwasyong Pangwika sa Iba Pang Anyo ng Kulturang Popular

37.

Aktwal na panonood ng mga tauhang uumaarte, may diyalogo, maaaring monologo; may iskoring o musika; may tunggalian; tagpuan at wakas. Ginagamit ang wika ayon sa daloy at iskrip ng kuwento

a)

A.  Sitwasyong Pangwika sa Text

b)

A.  Sitwasyong Pangwika sa Pangtanghalan

c)

Sitwasyong Pangwika sa Social Media at Internet

d)

Sitwasyong Pangwika sa Iba Pang Anyo ng Kulturang Popular

38.

Tinutukoy mo sa bahaging ito ng pananaliksik kung saan magsisimula at kung ano-ano ang sakop ng iyong pag-aaral

a)

Kahalagahan ng pag-aaral

b)

Layunin ng pag-aaral

c)

  Saklaw at limitasyon ng

pag-aaral

d)

Katuturan ng mga salita 

39.

Ang mga sumusunod ay kalipunan ng mga sistematikong pamamaraan ng pagtuklas at proseso ng imbestegasyon na gagamitin sa pangangalap ng datos sa isasagawang pananaliksik maliban sa:

a)

  Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

b)

Lokal at Populasyon ng Pananaliksik

c)

Pagbabasa ng mga kaugnay na Pag-aaral

d)

Kasangkapan sa Paglikom ng datos

40.

Nakasaad dito ang mga batayang impormasyon tungkol sa kalahok ng pananaliksik

a)

Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

b)

Lokal at Populasyon ng Pananaliksik

c)

Paraan sa Paglikom ng Datos

d)

Kasangkapan sa Paglikom ng datos   

41.

Ito ay ang hakbang-hakbang na plano at proseso sa pagkuha ng datos

a)

Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

b)

Lokal at Populasyon ng Pananaliksik

c)

Paraan sa Paglikom ng Datos

d)

Kasangkapan sa Paglikom ng datos

42.

Sinasagot nito ang tanong na: Ano-ano ang mga makatwirang pagpapalagay ng  mananaliksik ukol sa kanyang paksa

a)

Panimula 

b)

Layunin ng Pag-aaral

c)

Haypotesis

d)

Saklaw

43.

Sinasagot nito ang tanong na: Ano ang saysay ng pananaliksik na ito sa atin sa kasalukuyan at hinaharap

a)

Kahalagahan ng Pag-aaral

b)

Katuturan ng mga Katawagang Ginamit        

c)

Saklaw at limitasyon

d)

Lahat ay tama

44.

Kung nagtatala pa lamang ang mananaliksik ng mga datos buhat sa kaniyang mga panayam, pagbasa ng mga aklat, at pag-survey, siya ay nasa hakbang na 

a)

Pagsulat ng unang burador 

b)

Presentasyon ng datos 

c)

Pagbasa ng kaugnay na literatura

d)

Pangangalap ng datos 

45.

Ang____________ay naglalaman ng pagsusuri ng impormasyon na maaaring sa paraang patalata, patabular, o pagrapikal. 

a)

Pagsulat ng konseptuwal o teoretikal na balangkas 

b)

Pag-i-edit at pagrerebisa ng pananaliksik 

c)

Pangangalap ng datos

d)

Presentasyon ng datos 

46.

Ang _____________ ay pag-aayos sa unang pagkakataon ng mga kompletong tala sa tamang pormat at pagkakasunod-sunod

a)

Pagsulat ng unang burador 

b)

Pag-i-edit at pagrerebisa ng pananaliksik 

c)

Pagtakda ng layunin, gamit, at metodo ng pananaliksik 

d)

Malawakang pagbabasa ng mga kaugnay na literatura 

47.

Tukuyin kung aling hakbang ng pananaliksik ang ipinapakita ng sitwasyon. Nagbasa ang mananaliksik ng mga tesis tungkol sa climate change dahil ito ang napili niyang paksa ng pananaliksik. 

a)

Malawakang pagbabasa ng kaugnay na literatura 

b)

  Presentasyon ng datos 

c)

Pag-i-edit at pagrerebisa ng papel 

d)

Pagpili ng paksa 

48.

Unawain ang dayalogo sa ibaba. Ano ang kahulugan ng salitang loading batay sa konteksto ng pag-uusap? Reinz: Naintindihan mo ba ang ipinaliwanag ko? Jaz: Hindi, pakiulit nga para maunawaan ko. Reinz: Loading ka na naman!

a)

  Mabagal makaunawa 

b)

Naghihintay na bumilis ang Internet 

c)

  Hindi makaunawa 

d)

Mabagal ang Internet 

49.

“Noong una akong kumatok sa inyong mga puso, ang sabi ko: Gusto kong ipagpatuloy ang mga simulain ni FPJ.” Ano ang layuning masasalamin sa pahayag?

a)

Nanghihikayat                              

b)

Nang-aaliw 

c)

Nanunumbat   

d)

Nagpapabatid

50.

“Malabo na talaga ang mata ko. Pwede ba akong makahingi sa iyo kahit konting pagtingin?” Ano ang    layuning masasalamin sa pahayag

a)

Nagpapatawa

b)

Nanghihikayat

c)

Nanunumbat 

d)

Nagpapabatid