NEW
Font size
WorksheetsPagsusulit sa Araling Panlipunan 10
Total questions: 40
Worksheet time: 40mins
Ito ay tumutukoy sa pangmalawakang integrasyon o pagsasanib ng iba't ibang prosesong pandaigdig.
Globalisasyon
Migrasyon
Urbanisasyon
Transisyon
Anong pangyayari ang lubos na nagpapabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
Ekonomiya
Globalisasyon
Migrasyon
Paggawa
Maaring suriin ang globalisasyon sa iba't ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
Ekonomika
Sosyo-kultural
Teknolohikal
Sikolohikal
Ang mga bansang miyembro ng ASEAN ay nabigyan ng pagkakataong mapabilis ang pag-angat ng kanilang ekonomiya. Pinapaigting ang koordinasyon ng bawat bansang kaanib upang higit na maayos ang _________.
edukasyon, pamumuhunan at isports
pamumuhunan, pagpapayaman at pagtutulungang political
pamumuhunan, kalakalan at pagtutulungang politikal
pamumuhunan, pagkakaibigan at pananampalataya
Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na "binago ng globalisasyon ang lugar ng trabaho ng mga manggagawang Pilipino?
Pag-angat ang kalidad ng manggagawang Pilipino.
Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.
Pagdagsa ng mga dayuhang namumuhunan sa buong bansa.
Paggamit ng mga Automated Teller Machine (ATM)
Ang kompanyang ABC ay kukuha ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad upang ito ang gagawa ng mga serbisyong kailangan upang maisakatuparan ang inaasahang kalabasan ng negosyo. Ano ang tawag dito?
outsourcing
subsidy
fair trade
pagtulong sa bottom billion
Ang sumusunod ay manipestasyon ng globalisasyon sa anyong teknolohikal at sosyo-kultural maliban sa isa. Alin dito?
paggamit ng mobile phones
E-commerce
pagsunod sa KPop culture
pagpapatayo ng JICA building
Isang paraan ng mga kapitalista upang palakihin ang kanilang kita ay sa pamamagitan ng mura at flexible labor. Paano nila isinasagawa ang paraang ito?
mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa.
mataas na pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa.
mababang pagpapasahod pero may ekstensiyon ang paggawa.
mataas na pagpapasahod pero may ekstensiyon ang paggawa.
Ano ang pinaka-angkop na paglalahad sa integrasyon ng mga bansa dahil sa globalisasyon?
Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa.
Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng pinsala.
Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa.
Isa sa perspektibo o pananaw sa globalisasyon ay ang paniniwalang ito ay taal o nakaugat na sa bawat isa. Ano ang totoo sa pananaw na ito?
Ang pananaig ng kapitalismo bilang isang sistemang pang-ekonomiya.
May tiyak na pinagmulan ang globalisasyon at ito ay makikita sa pag-unlad ng tao.
Ang paghahangad ng tao sa maayos na pamumuhay na nagtulak sa kanyang makipagkalakalan.
Maraming "globalisasyon" na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at ang kasal
Ang lahat ay tumutukoy sa epekto ng globalisasyon sa paggawa maliban sa isa. Ano ito?
Demand ng bansa para sa iba't ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard
Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaig-digang pamilihan.
Ang palagiang pangingibang bansa ng mga artista para magbakasyon o umiwas sa mga intriga.
Binago ng globalisasyon ang pook pagawaan at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba't ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa.
Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na "binago ng globalisasyon ang bahay-pagawaan ng mga manggagawang Pilipino"?
Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas
Pag-angat ng kalidad ng mga manggagawang Pilipino
Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa
Paghuhulog, pagbabayad at paglalabas ng pera gamit ang mga Automated Teller Machine (ATM)
Ano ang humikayat sa mga namumuhunan na pumasok sa bansa na nagdulot naman ng iba't ibang isyu sa paggawa?
Marami silang kamag-anak dito sa Pilipinas.
Nais ng Pangulo na magkaroon ng negosyo ang lahat ng Pilipino.
Masyadong maluwag ang gobyerno natin sa mga dayuhang namumuhunan sa bansa.
Mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan ng mga dayuhang namumuhunan na mas nagpatingkad ng kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa
Anong sektor ng paggawa ang may pinakamalaking bahagdan ng mga manggagawa?
Agrikultura
Impormal na sektor
Industriya
Paglilingkod
Alin sa sumusunod ang suliraning kinakaharap ng mga lokal na magsasaka?
Kawalan ng asawa
Kawalan ng sapat na tulog
Kawalan ng kahalili sa pagtatanim at pag-aani ng mga pananim
Kakulangan ng patubig o suporta ng pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda
Ito ay tumutukoy sa pagpapalaki ng kita at tubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa?
Subcontracting Scheme
Kontraktuwalisasyon
Mura at Flexible Labor
Underemployment
Ang pagpasok ng Pilipinas sa mga usapin at kasunduan sa mga pandaigdigang institusyong pinansyal tulad ng IMF-WB at WTO ay lalong nagpahina sa kita ng mga lokal na magsasaka. Alin sa sumusunod na pahayag ang sumusuporta dito?
Ang mga produktong agrikultural ay malayang naiaangkat sa ibang bansa.
Ang mga dayuhang produktong agrikultural ay malayang naibebenta sa mga lokal na pamilihan sa mababang halaga.
Ang mga lokal na de-kalidad na produkto tulad ng mangga at saging ay itinatanim at nakalaan lamang para sa ibang bansa.
Ang mga lupaing mainam na taniman ay sumasailalim sa land conversion at pinatatayuan ng iba't ibang dayuhang industriya.
Alin sa sumusunod ang hindi mabuting epekto ng kontraktuwalisasyon?
Nakabubuo ng mga unyon sapagkat may trabaho.
Hindi nakatatanggap ng karampatang sahod at mga benepisyo ang mga manggagawa.
Maiiwasan ang pagbabayad ng separation pay ng mga kapitalista sa mga manggagawa.
Hindi kinikilala ng contracting company ang relasyong "employee-employer" sa mga manggagawang nasa empleyo ng isang ahensiya.
Ano ang tawag sa pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon?
Subcontracting Scheme
Kontraktuwalisasyon
Mura at Flexible Labor
Underemployment
g tawag sa pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon?
Subcontracting Scheme
Kontraktuwalisasyon
Mura at Flexible Labor
Underemployment
Ano ang kahulugan ng Migrasyon?
Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao , bagay, impormasyon at produkto sa iba't ibang direksyon na nananarasan sa iba't ibang bahagi ng daigdig
Paglipat ng tao mula sa isang pook patungo sa ibang pook upang doon manirahan nang panandalian o pangmatagalan.
Tumutukoy sa dami o bilang ng mga dayuhan sa isang bansa.
Wala sa mga nabanggit
Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Tukuyin kung anong pangkalahatang obserbasyon sa migrasyon ang inilalarawan
Peminisasyon ng globalisasyon
Maraming mag-aaral na mga Vietnamese at Koreans ang nagpupunta sa Pilipinas.
Sa paglago ng BPO sa bansa, kaalinsabay nito ang pagdating ng mga Indians bilang managers ng mga industriyang nabanggit.
Globalisasyon ng Migrasyon
Mabilisang paglaki ng globalisasyon
Ilan sa mga dahilan ng permanenteng migrasyon ay ang paghahanap ng mga sumusunod maliban sa isa. Ano ito?
Hanapuhay
Turismo
Edukasyon
Tirahan
Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng mga imigrante na lumabas ng kanilang bansa. Ano ang mahihinuha rito?
Kakaunti ang oportunidad na makakuha ng mga mamamayan sa Asya.
Kahirapan ang mas namamayani sa Asya at hindi kaginhawahan ng pamumuhay.
Mas malaki ang oportunidad sa labas ng Asya
Mas kinakakitaan ng malaking oportunidad ng mga Asyano ang ibang lugar bunga ng iba't ibang hanapbuhay na mapapasukan na angkop sa kanilang natapos
Ano ang tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon?
Permanent Migrants
Irregular Migrants
Temporary Migrants
Wala sa mga nabanggit
Ayon sa datos noong 2014, Anong bansa na kung saan nangunguna sa talaan na naging distinasyon nang karamihan sa mga Pilipinong migrante?
Canada
Japan
United Kingdom
USA
Ito ay isa sa uri ng migrasyon na kong saan ang mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa ay walang dalang dokumento;
Labor Migrants
Irregular Migrants
Temporary Migrants
Permanent Migrants
Ayon sa datos ng imigrante noong 2013, Nagmula sa anong kontinente ang may pinakamaraming bilang na lumalabas sa kanilang bansa?
Africa
Australia
Asya
Europa
Ang tawag sa mga overseas Filipinos na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang magtrabaho kundi ang permanenting paninirahan sa piniling bansa;
Permanent Migrants
Irregular Migrants
Temporary Migrants
Wala sa mga nabanggit
Isang sitwasyon na kung saan sapilitang pagtatrabaho ng manggagawa (International Labour Organization).
Forced Labor
Human Trafficking
Slavery
Wala sa mga nabanggit
Ito ay pagrerecruit, pagdadala, paglilipat, pagtatago o pagtanggap ng mga tao sa pamamagitan ng maling pamamaraan katulad ng dahas, pag-kidnap, panloloko, o pamumuwersa)
Forced Labor
Human Trafficking
Slavery
Wala sa mga nabanggit
Sino ang pangunahing naaapektuhan ng mga banta ng migrasyon sa pamilyang Pilipino?
ang pamilya
mga anak
ang asawang naiiwan sa pamilya
ang asawang nagtatrabaho sa ibang bansa
Ano ang kasunduang naging dahilan kung bakit ang mga nagsitapos ng mga engineering degree sa Pilipinas ay hindi nagiging engineer sa mga bansang lumagda nito?
Bologna Accord
K-to-12 Curriculum
Monroe Doctrine
Washington Accord
Ano ang ipinatupad na reporma ng pamahalaan ng Pilipinas noong 2010 upang maiakma ang kurikulum ng basic education ng bansa sa pamantayang global?
Bologna Accord
K-to-12 Curriculum
Monroe Doctrine
Washington Accord
Ang mga sumusunod ay kalimitang ugat ng pandarayuhan ng mga Pilipino, maliban sa isa:
maghanapbuhay na may mataas na sahod
paghihikayat ng mga kamag-anak na nakatira na sa ibang bansa
makapamasyal at makapaglibang sa mga makasaysayang pook
matuto o mapag-aralan ng makabagong kasanayan at kakayahan
Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng mga dahilan ng migrasyon?
digmaang sibil
pagkawasak ng pamilya
kawalan ng trabaho sa pamayanan
mas magandang oportunidad sa ibang bansa
Marami sa mga pamilya ng OFW ay nakakaranas ng pangungulila sa kanilang kaanak na humahantong sa pagkawasak nito. Alin sa sumusunod ang mabisang paraan upang sila ay matulungan?
makisimpatya sa kanila
bigyan sila ng sulat ang isa't isa
bigyan sila ng load na pantawag
magtayo ng isang samahan ng mga pamilya ng OFW upang gumabay sa kanila
Alin sa mga sumusunod ay ang positibong epekto ang naidudulot ng migrasyon sa pamilya?
pagkakaroon at pagtangkilik ng imported na kagamitan
makapaglibang at makapamasyal sa mga magagandang lugar
pag-usbong ng makabago at mas mabilis na paraan ng komunikasyon
matutugonan ang mga pangangailangang pangkabuhayan para maitaguyod ang mas maginhawang pamumuhay ng pamilya
Ang pamilya ni Jun-jun ay nabubuhay sa pagsasaka, dahil sa mababang kita tuwing anihan, kaya napagpasyahan niyang mangibang bansa at iniwan na lang ang sakahan sa kanyang mga kapatid. Hindi naman siya nangulila, sapagkat may komunikasyon naman siya sa mga ito. Alin sa mga sumusunod ang naging epekto ng migrasyon sa buhay ni Jun-jun?
ang pagbabago ng tradisyonal na pamilya sa transnasyunal na pamilya
ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng magkakapatid
ang posibilidad na maging dayuhan sa sariling bayan
ang pagtangkilik sa gawang dayuhan
Ang mga kabataan ngayon ay mahilig sa mga banyagang musika na mula sa Amerika, Espanya at Korea. Sa kadahilang mangilan-ilan na lamang ang tumatangkilik sa musikang Pinoy. Anong paraan ang mabisang pang-iwas sa epektong ito sa pagbabago sa mga pagpapahalaga at pamamaraan sa pamumuhay ng kabataang Pinoy?
ang pagtangkilik sa sariling gawang Pilipino
ang hindi pagtanggap sa mga pagbabagong dulot ng globalisasyon
huwag papansinin ang mga makabagong teknolohiya at pamamaraan sa buhay
ang malalim na pagkakahubog ng mga magulang sa mga anak ukol sa mga pagpapahalaga at kultura bilang isang tunay na Pilipino
