WorksheetsIkatlong Markahang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Name
Class
Date
1.
Ang katarungan ay pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya. Alin
sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nito?
a)
Kumakain ng sabay-sabay ang mga miyembro ng pamilya.
b)
Pinapayuhan ang kapatid na gawin ang kanyang gawaing bahay.
c)
Nagkakaroon ng “Feeding Program” ang paaralan para sa mga magaaral na kulang ng timbang.
d)
Bumibili ang lahat sa paninda ng tindera sa palengke upang
2.
Alin sa sumusunod ang angkop na kilos ng isang makatarungang tao?
a)
Pinag-usapan ng mga manggagawa ang kasalukuyangnangyayari sa sistemang legal ng bansa.
b)
Inaalam ng mga mag-aaral ang kanilang tungkulin at karapatan sa lipunan.
c)
Binibisita ng guro ang mag-aaral na ayaw nang pumasok upang kausapin siya at ang kanyang mga magulang na bumalik ito sa pagaaral.
d)
Nagkikita-kita ang kabataang lalaki sa auditorium ng kanilang barangay tuwing Sabado ng hapon upang maglaro ng basketbol.
3.
Ang sumusunod ay nagpapakita ng pag-unawa sa karapatan ng kapwa maliban sa _________.
a)
Pag-unawa sa kamag-aral na palaging natutulog sa klase.
b)
Paggabay ng magulang sa anak habang ito ay lumalaki.
c)
Pagninilay sa mga nagawa sa buong araw bago matulog sa gabi.
d)
Pagsisikap na gumawa ng mga mabubuting bagay para sa kapwa.
4.
Ano ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?
a)
Pakikisalamuha sa kapwa
b)
Paglilingkod sa karapatan ng naaapi
c)
Pakikipagtulongan sa mga mayayaman at mga mahihirap
d)
Pakikipag-ugnayan sa kapwa at kalipunan
5.
Ano ang tamang pagtugon upang makamit ang Katarungan Panlipunan?
a)
Ikulong ang lumabag sa batas.
b)
Patawarin ang humingi ng tawad
c)
Sumunod sa tamang proseso
d)
Bigyan ng limos ang namamalimos
6.
Bakit mahalagang maunawaan ang mga pagpapahalaga na kaugnay ng
katarungang panlipunan? Base sa mga pagpipilian, aling pahayag ang maaaring angkop na sagot?
I. Malalaman mo kung bakit kaugnay ang mga ito sa katarungang panlipunan.
II. Makikita mo kung alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang kailangan mo para sa iyong sarili.
III. Matataya ang mabisang paraan ng iyong pagsisikap na magpakatao at sa pagtugon sa hamon ng pagiging makatarungan sa kapwa
IV. Mapa-unlad ang kaalaman tungo sa pagtupad ng katarungang panlipunan.
a)
I&II
b)
II&III
c)
IV&II
d)
III&IV
7.
Alin sa mga sumusunod ang hindi makatarungang aksyon?
a)
Ang pagbibigay ng bagsak na grado sa isang mag-aaral na hindi nakakatupad sa mga kakailanganin sa klase.
b)
Ang pagbibigay ng limos sa namamalimos sa kalye.
c)
Ang pagpatay sa mga nahuling kargador ng droga sa Tsina
d)
A. Pagtikom ng bibig sa nakitang pagpabor ng isang opisyal ng barangay sa kaniyang mga kakilala sa pamimigay nito ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.
8.
Alin ang isang patunay na may tungkulin ang bawat isa na tumulong sa mga nangangailangan?
a)
Anuman ang mangyari sa iba ay may epekto sa ating lahat na kabilang sa lipunan.
b)
Ang pagtulong sa mga nangangailangan ay nasasaad sa batas na umiiral sa lipunan.
c)
Bilang isang mapanagutang indibiduwal, ang pagtulong sa kapwa ay tungkulin na hindi natin maitatanggi.
d)
Sa anumang pagkakataon nararapat na tayo ay tumulong sa mga nangangailangan.
9.
Anong bahagi o sangay ng lipunan ang may pananagutan sa pagpapanatil ng kaayusan at kapayapaan sa pamayanan?
a)
Simbahan
b)
Pamahalaan
c)
Pamilya
d)
Paaralan
10.
Ngayong panahon ng pandemya, maraming naging biktima ng sakit ng COVID-19 dulot sa hindi pagsunod sa health protocols. Gayunpaman naging matatag ang samahan ng bawat isa sa pamilya at pamayanan. Naipadama ang pagmamalasakit at paggalang sa bawat isa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas na ipanatutupad ng DOH at AITF. Aling mga pagpapahalaga ang naipamalas ng mga mamamayan sa sa lipunan sa nasabing sitwasyon?
a)
Pagkakaisa, Katotohanan at Pagmamahal
b)
Pagmamahal, Sipag at Kapayapaan
c)
Paggalang sa Dignidad, Tiyaga at Bukod-Tangi
d)
Pagkakaisa, Disiplina at Kapayapaan
11.
Kung magpapatuloy ang pagsasawalang-kibo ng marami sa mga nakikitang katiwalian sa ating pamahalaan, ano ang maaring mangyari sa atin?
a)
Patuloy na dadami ang mga gumagawa ng katiwalian sa pamahalaan.
b)
Hindi maipagkaloob sa mamamayan ang serbisyo at proyekto
c)
Aalis sa bansa ang mga dayuhang mamumuhunan
d)
Aangat ang kabuhayan sa bansa
12.
Tungkulin ng bawat isa na tumulong sa mga nangangailangan.Ito ay________.
a)
ideya lamang at hindi maaari
b)
tama dahil ikaw ay tao
c)
nauukol dahil iginagalang mo ang karapatan ng bawat isa
d)
hindi tunay dahil nasa konteksto lamang
13.
Alin sa mga sumusunod ang kadalasang pinag-uugatan ng katiwalian ng ilang opisyal ng pamahalaan?
a)
Kawalan ng malasakit sa mga mamamayan
b)
Pagsasawalang kibo ng mga mamamayan sa anomalyang nakita
c)
Mababang sweldo at kahirapan
d)
Taglay na pagiging makasarili at ayaw magsakripisyo
14.
Ang pangunahing prinsipyo ng katarungan ay:
a)
Pakikipagtulungan sa mga mayayaman
b)
Paglilingkod sa Karapatan ng naaapi
c)
Pakikipag-ugnayan sa kapwa at sa kalipunan
d)
Pakikisalamuha sa kapwa
15.
Ang may pananagutan sa mga pagtugon ng pangangailangan sa kapwa ay:
a)
Sangkatauhan
b)
Kapulisan
c)
Pamahalaan
d)
Simbahan
16.
Ang tamang pagtugon sa pagkamit ng Katarungan ay:
a)
Ikulong ang lumabag sa batas
b)
Patawarin ang humingi ng tawad
c)
Sumunod sa tamang proseso ng batas
d)
Bigyan ng limos ang namamalimos
17.
Ang pagbibigay ng nararapat sa kapwa ay pagpapakita ng Katarungan. Alin
ang patunay dito?
a)
May “feeding of love” ang Boy Scouts sa paaralan para sa mga mag-aaral na kulang ng timbang.
b)
May bumili sa lahat ng paninda ng tindera sa palengke upang makauwi ito nang maaga.
c)
Pinayuhan ang kaklase na gawin ang kanyang proyekto ng maayos
d)
Kumakain ng sabay-sabay ang isang pamilya
18.
Alin sa mga pagpapahalaga ang susi upang matugunan ang pangangailangan ng kapwa/lipunan?
a)
Pagmamahal, Sipag at Kapayapaan
b)
Pagkakaisa, Katotohanan at Kapayapaan
c)
Paggalang sa Dignidad, Tiyaga at Bukod-Tangi
d)
Pagkakaisa, Disiplina at Kapayapaan
19.
Alin ang patunay na hindi pagtugon sa pagiging makatarungan?
a)
Ang pagbibigay ng limos sa pulubi sa kalye
b)
Ang pagpatay sa mga nahuling kargador ng droga sa Malaysia
c)
Ang pagbibigay ng bagsak na grado sa hindi nakakatupad sa mga kakailanganin sa klase
d)
Ang pag-unawa sa kaibigan ng lumisan sa klase dahil may sakit
20.
Alin ang hindi patunay na tayo ay may tungkulin na ibigay ang nararapat sa ating kapwa o pamayanan?
a)
Ibibigay ko ang aking sarili upang mapabuti ang katarungang panlahat.
b)
Taglay ko ang kamalayang dapat kong isaalang-alang lalo na ang may kaugnayan sa likas na batas moral
c)
Kinikilala ko at iginagalang ang mga karapatan ng ibang tao
d)
Tinutupad ko ang aking mga pangako sa buhay.
21.
Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga kaugnay na pagpapahalaga sa katarungang panlipunan?
a)
pagkakaisa
b)
pagmamahal
c)
kapayapaan
d)
pagpapakumbaba
22.
Alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan?
a)
Natututong tumayo sa sarili at hindi na umaasa ng tulong mula sa pamilya.
b)
Nagiging bukas ang loob na tumanggap sa pagkakamali at hindi naninisi ng iba.
c)
Nagkakaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga kapatid.
d)
Nagagabayan ng mga mahal sa buhay na lumaking may paggalang sa karapatan ng iba.
23.
Pinagtatawanan at pinagkatuwaan ng barkada ni Marvin ang isang lalaki na may kakulangan sa pag-iisip na nasa lansangan. Ang gawaing ito ay___________.
a)
Mali, sapagakat hindi nila iginalang ang karapatan nito bilang tao.
b)
Tama, sapagkat wala naman itong maayos na pag-iisip.
c)
Mali, dahil ipinagbabawal ito ng batas.
d)
Tama, dahil wala naman pakiaalam ang pamahalaan sa mga may kakulangan sa pag-iisip.
24.
Bakit mahalaga sa katarungan na ibinabatay sa moral na batas ang legal na batas?
a)
Ang moral na batas ay napapaloob sa sampung utos ng Diyos.
b)
Ang moral at legal na batas ay parehong nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng tao.
c)
Ang pagpapakatao ay napapatingkad kung ang legal na batas ay alinsunod sa moral na batas.
d)
Hindi maaaring paghiwalayin ang moral at legal na batas upang magkaroon ng katarungan sa lipunan.
25.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng makatarungang ugnayan ni Anna Lisa sa kanyang kapwa?
a)
Ang pagtulong niya sa kaibigan na nadapa.
b)
Ang paggalang niya sa mga kasama sa simbahan.
c)
Ang maayos niyang pakikisama sa mga guro sa paaralan.
d)
Ang pagsunod niya sa utos ng magulang at nakakatanda.
26.
“ Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas”. Ano ang kahulugan ng pahayag na ito.
a)
Nakatakda na ang mga batas na kailangan sundin ng mga tao habang siya ay nabubuhay.
b)
Ang mga itinakda na batas ay para sa ikabubuti ng tao kaya dapat niyang sundin lahat ng mga ito.
c)
Malalaman ng tao ang mangyayari sa kanyang buhay kung susuwayin niya ang mga itinakda na batas.
d)
Itinatakda ang batas upang gabayan ang tao sa kanyang pamumuhay at hindi upang diktahan nito ang kaniyang buhay.
27.
Alin ang makabuluhang paraan ng pagsasabuhay ng katarungang panlipunan?
a)
Sundin ang batas trapiko at ang mga alituntunin ng paaralan.
b)
Maging mabuting mag-aaral at mamamayan ng bansa.
c)
Igalang ang karapatan ng kapuwa.
d)
Pag-aralan at sundin ang mga alituntunin ng tahanan, paaralan, lipunan at simbahan.
28.
Anong uri ng batas ang maituturing na panloob na aspekto ng katarungan?
a)
batas sibil
b)
moral na batas
c)
legal na batas
d)
lahat ng nabanggit
29.
Bakit isinasaalang-alang ng katarungang panlipunan ang paggalang sa dignidad ng tao?
a)
Binubuo ng tao ang lipunan.
b)
Magkakasama na umiiral sa lipunan ang mga tao.
c)
Mahalaga ang pakikipagkapwa sa lipunang kinabibilangan.
d)
May halaga ang tao ayon sa kanyang kalikasang taglay bilang tao.
30.
Ang pangungurakot ng isang politiko ay sumasalamin ng kawalan ng katarungan sa lipunan. Ang pangungusap ay ________.
a)
Mali, dahil minsan talagang nagkakamali ang tao
b)
Mali, dahil natural lang na masilaw ang tao sa pera at kapangyarihan
c)
Tama, dahil ito ay hindi nagdudulot ng kabutihan para sa lahat
d)
Tama, sapagkat ito ay hindi pinahihintulutan ng batas ng tao
31.
Bakit kailangan ng isang nilalang na maging makatarungan sa kanyang kapwa?
a)
ito ang pinag-uutos ng batas
b)
ito ang pinag-uutos ng magulang
c)
dahil tungkulin niya ang maging isang makatarungan
d)
dahil siya ay tao at namumuhay sa lipunan ng mga tao
32.
Alin sa sumusunod ang katangian ng isang taong makatarungan?
a)
Ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang sa batas .
b)
Ginagalang mo ang karapatan ng iyong kapwa tao.
c)
Isinasaalang-alang mo ang pagiging patas sa lahat ng tao.
d)
lahat ng nabanggit
33.
Alin sa sumusunod ang sumasalamin sa hindi makatarungang ugnayan ng tao sa kanyang kapwa?
a)
Pagpapasara sa isang negosyo na walang permit.
b)
Pagbibigay ng parusa sa taong nagkamali sa batas.
c)
Pakikialam sa buhay at pamumuhay ng kapitbahay .
d)
Pagsumbong sa otoridad sa kapitbahay na gumagamit ng droga.
34.
Ang pandaraya sa negosyo ay nagdudulot ng kawalan ng katarungan.
a)
Tama, dahil hindi ito nagdudulot ng kabutihan para sa lahat.
b)
Mali, natural lamang ang ganitong gawain sa negosyo.
c)
Mali, dahil hindi lahat ng tao ay may kaalaman sa pandaraya.
d)
Tama, basta sumusunod lamang sa umiiral na batas.
35.
Ano ang pangkalahatang batayan ng isang makatarungang lipunan?
a)
Ang lahat ng mamamayan ay sumusunod sa batas sibil.
b)
Ang lahat ng mamamayan ay may oportunidad na makapaghanapbuhay.
c)
Ang lahat ng mamamayan protektado sa lahat ng uri ng krimen at pang- aabuso.
d)
Ang lahat ng mamamayan ay kumikilos at nakikinabang sa kabutihang panlahat.
36.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng makatarungang ugnayan ni Camille sa kalipunang kanyang kinabibilangan?
a)
Ang paggalang sa opinyon ng kaibigan tungkol sa relihiyon at paniniwala.
b)
Ang pagtulong sa matanda upang makatawid sa lansangan.
c)
Ang paggalang sa lahat ng guro sa kanyang paaralang pinapasukan.
d)
lahat ng nabanggit.
37.
Sa aling uri ng batas napapaloob ang pagpapanatili ng maayos na ugnayan ng tao sa kanyang kapuwa at sa lipunan?
a)
batas sibil
b)
moral na batas
c)
batas sibil at moral na batas
d)
batas ng Diyos
38.
Hindi makatarungan ang isang batas sibil kung hindi nasusunod ang batas moral. Ang pahayag ay _________.
a)
Tama, sapagkat ang batas sibil ay nakabatay sa batas moral.
b)
Mali, walang kaugnayan ang batas sibil sa batas moral.
c)
Tama, dahil parehas lamang ang kahulugan ng mga batas.
d)
Mali, hindi tama na iugnay ang dalawang magkaibang uri ng batas.
39.
Alin sa mga sumusunod ang hindi sumasalamin sa tungkulin ng magulang upang mahubog ang pagkamakatarungan ng anak?
a)
Gabayan ang anak upang maiwasan ang di-makatarungang gawain.
b)
Ipaliwanag sa anak ang kahalagahan ng paggalang sa kapwa.
c)
Turuan ang anak upang isaayos ang mga pagkakamaling nagawa sa kapwa.
d)
Turuan ang anak na ipagtanggol ang sarili sa mga mang-aapi na kaklase at ipaglaban ang kanyang karapatan.
40.
Ang pagkakaisa ay maaring magbunga ng kapayapaan. Ang pahayag ba ay tama o mali?
a)
Tama, kung ang lahat ay kikilos tungo sa kabutihang panlahat.
b)
Mali, imposible na magkaisa ang mga tao dahil sa pagkakaiba-iba ng paniniwala at prinsipyo.
c)
Tama, kung matutulungan ang mahihirap na umangat sa buhay.
d)
Mali, dahil mahirap na isantabi ang personal na adhikain sa buhay.
41.
Ayon sa karaniwang kahulugan, ito ay pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya.
a)
Karapatan
b)
Pagmamahal
c)
Katarungan
d)
Pagkatao
42.
Sino ang nagwika na ang katarungan ay isang pagbibigay at hindi isang pagtanggap?
a)
Dr. Manuel Dy Jr.
b)
Sto.Thomas de Aquino
c)
Andre Sponville
d)
Pope Juan Pablo II
43.
Siya naman ang nagsabi na ang katarungan ay isang gawi na gumagamit lagi ng kilos-loob sa pagbibigay ng nararapat sa isang indibidwal.
a)
Pope Juan Pablo
b)
Dr. Manuel Dy Jr.
c)
Andre Spomville
d)
Sto.Thomas de Aquino
44.
Ano ang isang makatarungang tao? Ayon kay Andre Comte-Sponville (2003), ito ay:
a)
Kung ginagamit mo ang iyong lakas sa paglabag ng mga batas
b)
Paggamit ng iyong kakayahan sa panloloko ng tao
c)
Kung ginagamit mo ang iyong lakas at kakayahan sa paggalang sa batas
d)
Nakikitaan ng kompetisyon at paghadlang sa isang tao
45.
Ilang aspektong mula sa pamilya ang dapat mayroon ka upang masabi na ikaw ay makatarungang tao?
a)
apat
b)
tatlo
c)
dalwa
d)
lima
46.
Ano ang epekto sa buhay ng tao ng sitwasyong ito: “Paggamit ng opisyal ng pamahalaan sa kaban ng bayan.”
a)
Patuloy na magtitiwala ang tao sa tiwaling opisyal.
b)
Walang pakialam sa ginagawa ng kurakot na opisyal.
c)
Hinahayaan ang mga pagnanakaw na nagaganap sa bansa.
d)
Mawawalan ng tiwala sa opisyal na nagnanakaw sa kaban ng bayan.
47.
“Isang pamilya na biktima ng pagpatay ang nakararanas ng pang-aapi at pangmamaliit ng abogado mula sa suspect ng krimen.” Ano ang maaring paraan ng paglutas na naayon dito?
a)
Harapin ang takot, humanap ng taong makatutulong sa dinaranas na pang-aapi.
b)
Hayaan na lang ang pang-aapi at pangmamaliit na dinaranas.
c)
Magparinig sa taong nang-aapi sa biktima.
d)
Ipapatay ang taong nang-aapi at nang-mamaliit sa biktima
48.
Ang katarungang panlipunan ay makakamit sa tulong ng pagpapahalagang ito:
a)
paggalang sa kapuwa
b)
pagkilala sa Batas Moral
c)
nais niyang hadlangan ang isang tao
d)
nagsasabi ng katotohanan
49.
Kanino nagsisimula at sinasanay ang pagiging makatarungan sa kapuwa tao?
a)
kabarkada
b)
kasintahan
c)
paaralan
d)
pamilya
50.
Maliban sa kapayapaan at pagkakaisa, ano pa ang maaaring layunin ng isang lipunan para sa mga mamamayan?
a)
Kaayusan
b)
kalinisan
c)
kabutihan
d)
kalupitan
100 %
