WorksheetsIKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 8
Total questions: 53
Worksheet time: 27mins
Name
Class
Date
1.
PANGALAN (Apelyido, Pangalan, Gitnang Apelyido)
4 lines
2.
PANGKAT AT SEKSYON
4 lines
3.
1. Ano ang pangunahing dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig?
a)
A) Kompetisyon sa kalakalan sa pagitan ng Europe at Asya
b)
B) Pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand
c)
C) Pag-atake ng Germany sa France
d)
D) Pagtatag ng League of Nations
4.
2. Ang Triple Entente at Triple Alliance ay dalawang alyansang nabuo sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig. Aling pangkat ng mga bansa ang bumuo sa Triple Entente?
a)
A) France, Russia, United Kingdom
b)
B) Germany, Austria-Hungary, Ottoman Empire
c)
C) Italy, Japan, United States
d)
D) Spain, Portugal, Netherlands
5.
3. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing estratehiya ng labanan na ginamit sa Western Front?
a)
A) Blitzkrieg
b)
B) Guerilla Warfare
c)
C) Naval Warfare
d)
D) Trench Warfare
6.
4. Isang kasunduan ang nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig. Alin sa mga sumusunod ang tinawag sa kasunduang ito?
a)
A) Treaty of Tordesillas
b)
B) Treaty of Versailles
c)
C) Treaty of Ghent
d)
D) Treaty of Westphalia
7.
5. Bawat bansang kasapi sa mga alyansa ay may bahaging ginampanan sa Unang Digmaang Pandaigdig. Alin sa mga sumusunod ang papel ng Estados Unidos?
a)
A) Nanatiling neutral sa buong digmaan
b)
B) Sumali sa Allied Powers noong 1917
c)
C) Nanguna sa pagsisimula ng digmaan
d)
D) Nakipag-alyansa sa Germany at Austria-Hungary
8.
6. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng Treaty of Versailles sa Germany?
a)
A) Pinalawak ang teritoryo ng Germany
b)
B) Pinayagan ang Germany na muling mag-armas
c)
C) Pinatawan ng mabibigat na parusa ang Germany
d)
D) Binigyan ng Germany ang France ng suporta sa ekonomiya
9.
7. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng League of Nations na nabuo matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig?
a)
A) Pagpapalawak ng imperyo ng mga bansang Europeo
b)
B) Pagpapalakas ng ekonomiya ng Germany
c)
C) Pagpapanatili ng kapayapaan sa mundo
d)
D) Pagpapataw ng digmaan sa Russia
10.
8. Alin sa mga sumusunod ang naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa pandaigdigang ekonomiya?
a)
A) Pagtaas ng halaga ng mga produkto sa Germany lamang
b)
B) Pag-unlad ng ekonomiya ng lahat ng bansang lumahok
c)
C) Malawakang pagbagsak ng ekonomiya at depresyon
d)
D) Mas maraming oportunidad sa trabaho
11.
9. Alin sa mga sumusunod ang nagsasabi tungkol sa Schlieffen Plan ng Germany?
a)
A) Isang plano upang talunin ang France bago labanan ang Russia
b)
B) Isang estratehiya ng United States upang pumasok sa digmaan
c)
C) Isang plano ng Allied Powers upang sugpuin ang Germany
d)
D) Isang kasunduan upang maiwasan ang digmaan
12.
10. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan kung bakit naging malawakang digmaan ang Unang Digmaang Pandaigdig?
a)
A) Kawalan ng teknolohiyang pandigma
b)
B) Pagkakaroon ng pandaigdigang depresyon
c)
C) Hindi pakikialam ng mga bansang Europeo
d)
D) Pagsali ng maraming bansa dahil sa mga alyansa
13.
11. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan ng pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
a)
A) Pagtatayo ng Berlin Wall
b)
B) Pagtatag ng United Nations
c)
C) Paglusob ng Germany sa Poland
d)
D) Pag-atake ng Japan sa Pearl Harbor
14.
12. Kagaya ng Unang Digmaang Pandaigdig, may dalawang alyansa ring nabuo noong Ikalawang Digmaan. Alin sa mga sumusunod na alyansa ang tawag sa alyansa ng Germany, Italy, at Japan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
a)
A) Allied Powers
b)
B) Axis Powers
c)
C) Central Powers
d)
D) League of Nations
15.
13. Ang mga sumusunod ay naging papel ng United States bago ito opisyal na sumali sa digmaan noong 1941 MALIBAN sa isa, alin ito?
a)
A) Hindi ganap na nanatiling neutral
b)
B) Nagbigay ng tulong pang-ekonomiya sa Allied Powers
c)
C) Nagbigay ng armas at suporta sa Allied Powers
d)
D) Nakipagkasundo sa Germany upang maiwasan ang digmaan
16.
14. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa mabilisang istilo ng pag-atake ng Germany sa mga bansang kalaban?
a)
A) Trench Warfare
b)
B) Guerrilla Warfare
c)
C) Blitzkrieg
d)
D) Attrition Warfare
17.
15. Ang mga sumusunod ay naging epekto ng pag-atake ng Japan sa Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941 MALIBAN sa isa, alin ito?
a)
A) Napilitan ang United States na sumugod sa digmaan
b)
B) Sumali ang United States sa digmaan laban sa Japan at Germany
c)
C) Naging kaalyado ng Japan ang United Kingdom
d)
D) Nagdeklara ng digmaan ang Allied Powers
18.
16. Alin sa mga sumusunod ang layunin ng D-Day invasion noong Hunyo 6, 1944?
a)
A) Sakupin ang Germany mula sa timog
b)
B) Pagsuko ng Japan sa Allied Powers
c)
C) Palayain ang France mula sa kontrol ng Nazi Germany
d)
D) Pigilan ang Soviet Union sa pagpapalawak ng teritoryo
19.
17. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging epekto ng pagbagsak ng bomba atomika sa Hiroshima at Nagasaki noong 1945?
a)
A) Napilitang sumuko ang Japan
b)
B) Lalong humaba ang digmaan sa Asya
c)
C) Lalong lumakas ang depensa ng Japan
d)
D) Naging mas makapangyarihan ang Axis Powers
20.
18. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan ng pagkatalo ng Germany sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
a)
A) Hindi sumali ang Japan sa digmaan
b)
B) Hindi ito gumamit ng teknolohiyang pandigma
c)
C) Nagkaroon ng labanan sa loob ng kanilang bansa
d)
D) Sobrang lawak ng teritoryong sinakop kaya nahirapan sa depensa
21.
19. Alin sa mga sumusunod ang pandaigdigang organisasyong itinatag pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig upang mapanatili ang kapayapaan?
a)
A) League of Nations
b)
B) NATO
c)
C) United Nations
d)
D) Warsaw Pact
22.
20. Ang mga sumusunod ay naging epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa mundo MALIBAN sa isa, alin ito?
a)
A) Naging mas makapangyarihan ang Germany
b)
B) Napasailalim ang lahat ng bansa sa United Nations
c)
C) Nagkaroon ng iba’t ibang uri ng ideolohiya sa mundo
d)
D) Nagbukas ito ng daan sa Cold War sa pagitan ng United States at Soviet Union
23.
21. Kailan ang eksaktong petsa nang itinatag ang United Nations?
a)
A) ika-3 ng Setyembre, 1919
b)
B) ika-28 ng Hunyo, 1939
c)
C) ika- 24 ng Oktubre, 1945
d)
D) ika-8 ng Agosto, 1967
24.
22. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng United Nations?
a)
A) Pagsuporta sa diktadurya sa iba't ibang bansa
b)
B) Pagpapanatili ng pandaigdigang kapayapaan at seguridad
c)
C) Pagpapalawak ng teritoryo ng mga makapangyarihang bansa
d)
D) Pagpapabagsak ng ekonomiya ng mga bansang hindi kasapi
25.
23. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dokumentong bumubuo sa United Nations?
a)
A) Geneva Convention
b)
B) Magna Carta
c)
C) Treaty of Versailles
d)
D) United Nations Charter
26.
24. Sa kasalukuyan, 193 ang kasaping bansa sa United Nations. Alin sa mga sumusunod na bansa ang HINDI kabilang sa 193?
a)
A) Japan at Germany
b)
B) Taiwan at China
c)
C) United States at Russia
d)
D) Vatican City at Palestine
27.
25. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing responsibilidad ng United Nations Security Council?
a)
A) Pagpaplano ng pandaigdigang edukasyon
b)
B) Pangangasiwa ng pandaigdigang ekonomiya
c)
C) Pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa buong mundo
d)
D) Pagpapalawak ng impluwensiya ng mga bansang miyembro
28.
26. Alin sa mga sumusunod ang HINDI isang organo ng United Nations?
a)
A) European Union
b)
B) International Court of Justice
c)
C) UNESCO
d)
D) World Health Organization
29.
27. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng United Nations General Assembly?
a)
A) Pagdedesisyon sa mga pandaigdigang isyu at pagbuo ng mga resolusyon
b)
B) Pangangasiwa sa pananalapi ng mga bansang miyembro
c)
C) Pagpaplano ng estratehiyang militar ng United Nations
d)
D) Pagtatalaga ng mga bagong pinuno sa bawat bansa
30.
28. Alin sa mga sumusunod ang papel na ginagampanan ng International Court of Justice (ICJ) sa ilalim ng United Nations?
a)
A) Pagpapatupad ng mga batas sa bawat bansa
b)
B) Pag-aayos ng mga alitan sa pagitan ng mga bansa
c)
C) Pagpapalakas ng ekonomiya ng mga bansang miyembro
d)
D) Pagbibigay ng libreng edukasyon sa mga bansang mahihirap
31.
29. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng World Health Organization (WHO)?
a)
A) Pagpapababa ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan
b)
B) Pagtuturo ng sining at kultura sa mga bansang miyembro
c)
C) Pangangasiwa ng pandaigdigang kampanya sa kalusugan
d)
D) Pagpapalaganap ng demokrasya sa lahat ng bansa
32.
30. Aling pahayag ang TOTOO tungkol sa United Nations?
a)
A) Isa itong samahang eksklusibo para sa mga bansang Europeo
b)
B) Layunin nitong protektahan ang karapatang pantao, kapayapaan, at kaunlaran
c)
C) Nagtatag ito ng isang pandaigdigang gobyerno upang pamahalaan ang lahat ng bansa
d)
D) Tinatanggal nito ang karapatan ng bawat bansang miyembro na gumawa ng sariling batas
33.
31. Alin sa mga sumusunod ang pinakawastong kahulugan ng ideolohiya?
a)
A) Isang sistema ng paniniwala at ideya na gumagabay sa isang bansa o lipunan
b)
B) Isang teorya tungkol sa ekonomiya ng sinaunang sibilisasyon
c)
C) Isang uri ng pamahalaan na ginagamit lamang sa Europa
d)
D) Isang sistema ng pananakop sa ibang bansa
34.
32. Alin sa mga sumusunod ang HINDI isang pangunahing ideolohiya noong Cold War?
a)
A) Sosyalismo
b)
B) Kapitalismo
c)
C) Komunismo
d)
D) Absolutismo
35.
33. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing pinag-aagawan ng Estados Unidos at Soviet Union noong Cold War?
a)
A) Teritoryo sa Timog Amerika
b)
B) Kontrol sa likas na yaman ng Africa
c)
C) Pagtatatag ng bagong pandaigdigang wika
d)
D) Dominasyon ng mundo sa pamamagitan ng ideolohiya
36.
34. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng TOTOO tungkol sa “Cold War”?
a)
A) Isang serye ng negosasyon para sa pandaigdigang kapayapaan
b)
B) Isang digmaan na naganap sa mga bansang may malamig na klima
c)
C) Isang tunay na digmaan na naganap sa pagitan ng United States at Soviet Union
d)
D) Isang labanan na walang direktang sagupaan, ngunit may matinding tensyon at kompetisyon sa ideolohiya
37.
35. Alin sa mga sumusunod ang pinakawastong layunin ng Doktrinang Truman noong panahon ng Cold War?
a)
A) Suportahan ang mga bansang lumalaban sa komunismo
b)
B) Itaguyod ang pagpapalawak ng komunismo sa mundo
c)
C) Pagtibayin ang alyansa ng mga bansa sa Middle East
d)
D) Bigyan ng armas ang Soviet Union
38.
36. Aling pangyayari ang itinuturing na simbolikong pagtatapos ng Cold War?
a)
A) Pagtatayo ng Berlin Wall
b)
B) Pagkatatag ng United Nations
c)
C) Pagsisimula ng Digmaang Korea
d)
D) Pagbagsak ng Berlin Wall noong 1989
39.
37. Alin sa mga sumusunod ang pinakawastong kahulugan ng Neokolonyalismo?
a)
A) Hindi direktang pagkontrol ng isang bansa sa isa pang bansa sa pamamagitan ng ekonomiya, politika, o kultura
b)
B) Direktang pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahina o maliit na bansa
c)
C) Isang alyansa ng mga bansang Europeo upang mapanatili ang kapayapaan
d)
D) Isang sistema ng pamahalaan na ginagamit sa mga bansang mahihirap
40.
38. Aling bansa ang pangunahing pinagmulan ng neokolonyalismo matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
a)
A) Mga dating imperyalistang bansa
b)
B) Mga bansa sa Africa na nagsasarili
c)
C) Mga bansang Asyano tulad ng China at India
d)
D) Mga bansang mayroong sistemang monarkiya
41.
39. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng neokolonyalismo sa mga bansang naapektuhan nito?
a)
A) Nagkaroon sila ng ganap na kalayaan at kaunlaran
b)
B) Nawala ang kanilang kultura at lumipat sa ibang bansa
c)
C) Nananatili silang umaasa sa mga makapangyarihang bansa
d)
D) Lumaya sila mula sa anumang impluwensya ng mga dayuhan
42.
40. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng mga bansang gumagamit ng neokolonyalismo?
a)
A) Itaguyod ang edukasyon at kalayaan sa lahat ng bansa sa daigdig
b)
B) Patuloy na makinabang sa yaman ng mga mahihinang bansa
c)
C) Pigilan ang pandaigdigang pag-unlad ng mga bansa
d)
D) Palakasin ang mga bagong bansang malaya
43.
41. Ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing layunin ng United Nations (UN) MALIBAN sa isa, alin ito?
a)
A) Pagbabantay sa teritoryo ng mga bansa
b)
B) Pagtuturo ng iba’t ibang wika sa mga bansa
c)
C) Pagtatatag ng pandaigdigang pagtutulungan
d)
D) Pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa mundo
44.
42. Alin sa mga sumusunod ang papel na ginagampanan ng International Monetary Fund (IMF)?
a)
A) Pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga bansang may krisis sa ekonomiya
b)
B) Pagsasagawa ng mga humanitarian missions sa digmaan
c)
C) Pagtulong sa edukasyon ng mga mahihirap na bansa
d)
D) Pagpapalakas ng mga alyansang militar
45.
43. Alin sa mga sumusunod ang layunin ng World Trade Organization (WTO)?
a)
A) Pagpapatibay ng pandaigdigang kalakalan
b)
B) Pagpapababa ng halaga ng dolyar sa merkado
c)
C) Pagbibigay ng pautang sa maliliit na negosyo sa bawat bansa
d)
D) Pagtatakda ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa buong mundo
46.
44. Ang World Trade Organization (WTO) ay isang pandaigdigang organisasyon na namamahala at nagre-
regulate ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa. Sa kasalukuyan, nakakatulong ba ang World Trade
Organization (WTO) sa pagpapanatili ng patas na kalakalan sa pagitan ng mga bansa?
a)
B) Oo, ngunit may mga pagkakataon na ang mga patakaran ng WTO ay pumapabor sa mas mayayamang
b)
A) Oo, dahil tinutulungan ng WTO ang mga bansang may mas mahihinang ekonomiya sa pamamagitan ng
c)
patas na patakaran sa kalakalan.
d)
bansa, na nagiging hadlang sa pag-unlad ng mahihirap na bansa.
e)
C) Hindi, sapagkat walang tunay na epekto ang WTO sa kalakalan ng mga bansa.
47.
45. Sa panahon ng globalisasyon, masasabing mahalaga ang World Trade Organization (WTO) sa pagpapalakas ng ekonomiya ng mga bansa. Subalit, may ilang kritiko na nagsasabing mas pinapaboran nito ang mayayamang bansa kaysa sa mahihirap. Sang-ayon ka ba o hindi sa pahayag na ito?
a)
B) Sang-ayon, ngunit may ilang pagkakataon kung saan nakakatulong din ang WTO sa maliliit na bansa sa
b)
A) Sang-ayon, dahil ang mayayamang bansa ay may mas maraming resources upang makinabang sa mga
c)
kasunduan sa WTO.
d)
pamamagitan ng mga kasunduan sa kalakalan.
e)
C) Hindi sang-ayon, dahil ang WTO ay may mahigpit na regulasyon upang matiyak ang patas na kalakalan.
48.
46. Kung ikaw ay isang pinuno noong panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig, paano mo ito maiiwasan?
a)
A) Sa pamamagitan ng diplomasya at negosasyon upang maiwasan ang alitan.
b)
B) Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng hukbong sandatahan upang takutin ang ibang bansa.
c)
C) Sa pamamagitan ng pagsali sa isang alyansa at paglulunsad ng opensiba laban sa kalaban.
d)
D) Sa pamamagitan ng pagpapalawak ng teritoryo upang magkaroon ng mas maraming likas na yaman.
49.
47. Alin ang may mas malaking epekto sa daigdig: ang paggamit ng sandatang nukleyar o ang pagbuo ng United Nations pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
a)
A) Mas malaki ang epekto ng sandatang nukleyar dahil nagdulot ito ng takot at matinding pinsala.
b)
B) Mas mahalaga ang United Nations dahil ito ay nagbigay-daan sa pandaigdigang kapayapaan.
c)
C) Parehong may pantay na epekto sapagkat pareho silang nagdulot ng pagbabago sa mundo.
d)
D) Wala sa nabanggit
50.
48. Kung ikaw ay isang lider noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, paano mo bibigyang solusyon ang pagtaas ng tensyon sa pagitan ng Allied Powers at Axis Powers?
a)
A) Huwag makialam sa pandaigdigang sigalot at manatili lamang sa sariling bansa.
b)
B) Palakasin ang hukbo at lumahok sa digmaan upang makuha ang inaasam na tagumpay.
c)
C) Makipagnegosasyon sa mga bansang kasangkot upang maiwasan ang malawakang labanan.
d)
D) Palakasin ang produksiyon ng sandatang nukleyar upang magkaroon ng mas mataas na kakayahang militar.
51.
49. Epektibo ba ang United Nations sa pagpapanatili ng pandaigdigang kapayapaan?
a)
A) Oo, dahil ito ay naging pangunahing organisasyon sa pagpigil sa pandaigdigang labanan.
b)
B) Hindi, dahil wala itong kapangyarihang pigilan ang mga bansang gustong maglunsad ng digmaan.
c)
C) Oo, dahil ito ay nagbibigay ng tulong sa mga bansang nangangailangan ng seguridad at kaunlaran.
d)
D) Parehong A at C
52.
50. Bakit mahalaga ang mga pandaigdigang organisasyon tulad ng United Nations, World Bank, at International Monetary Fund?
a)
A) Dahil pinamamahalaan nila ang lahat ng gobyerno sa mundo.
b)
B) Dahil sila lamang ang may karapatang magpatakbo ng pandaigdigang ekonomiya.
c)
C) Dahil pinipilit nilang sumunod ang lahat ng bansa sa iisang sistema ng gobyerno.
d)
D) Dahil nagbibigay sila ng suporta sa mga bansa sa larangan ng ekonomiya, pulitika, at seguridad.
53.
Isang pagbati! Ang pagsusulit ay natapos mo na. Sana ikaw ay nakapasa! I-type ang YES kung oo, at NO naman kung hindi.
4 lines
100 %
