WorksheetsKPWKP / Pagbasa at Pagsusuri (PART 1)
Total questions: 50
Worksheet time: 50mins
Pinili ng mananaliksik na maging paksa ang pamumuhay ng mga katutubo. Anong pamaraan ng pangangalap ng datos ang kailangan niyang isagawa upang ganap itong maisakatuparan?
Pakikipanayam
Talatanungan
Pakikipanuluyan
Pagdalaw-dalaw
Maririnig sa usapan nina Henry at ng kaibigan niyang si Jim ang mga salitang charot, chaka, Trulalu, bigalou,eme at iba pa. Anong barayti ng wika ang tawag dito?
Cońo
Ekolek
Gaylinggo
Balbal
Habang nakasakay sa bus si Charlotte ay narinig niyang nag-uusap ang dalawang babae sa unahan. Narinig niya sa usapan ang mga salitang lesson plan, quiz, essay, at grading sheets. Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Dayalek
Etnolek
Pabalbal
Register ng Wika
Si Patrick at Jonel ay kapwa nagsasalita ng Tagalog. Subalit sa kanilang pag-uusap, mapapansin na may punto ang pamaraan ng pagsasalita ni Jonel na galing ng Cavite habang si Patrick naman na taga-Maynila ay wala. Anong barayti ng wika ang maiuugnay sa sitwasyong ito?
Dayalek
Etnolek
Idyolek
Sosyolek
Natutuhan ni Malou ang salitang "batok o pambabatok" nang minsang mapunta siya sa Kalinga upang magpalagay nito. Saan man siya mapunta ngayon, kapag narinig niya ang salitang batok o pambabatok, alam niya na ang salitang ito ay tumutukoy sa tradisyonal na paglalagay ng marka sa katawan ng mga taga-Kalinga. Anong barayti ng wika ang tawag dito?
Dayalek
Etnolek
Idyolek
Sosyolek
"Todo na 'to!" Ito ang pamosong linyang binibigkas ni Rufa Mae Quinto bilang artista. Kaya naman kahit hindi ka nakatingin sa telebisyon at naririnig lamang ang kanyang pagsasalita, ay matutukoy mo agad na siya si Rufa Mae dahil sa sarili niyang estilo ng pagbigkas. Ano ang tawag sa barayting ito ng wika?
Cońo
Etnolek
Idyolek
Sosyolek
Isang bagong lipat na kamag-aral ang nakita mong nag-iisa at wala pang kaibigan. Nilapitan mo siya at sinimulan ang usapan para mapalagay ang loob niya. Anong gamit ng wika ang ipinakikita nito?
Instrumental
Interaksyonal
Personal
Regulatori
Ang salitang dasurv, ferson, at yarn ay mga bagong usbong na salita. Anong katangian ng wika ang ipinahihiwatig nito?
Ang wika ay buhay.
Ang wika ay dinamiko.
Ang wika ay may antas.
Ang wika at kultura ay magkabuhol.
Si Albert at Xyril ay pawang nakatira sa probinsiya. Sila ay nagpasiyang manirahan sa Maynila upang makapag-aral. Sa kanilang paninirahan dito, napansin nilang lahat ay nagta-Tagalog at ito ang lingua franca. Ano ang kahulugan ng lingua franca?
Ito ang katutubong wika.
Ito ang pagkakaroon ng iisang wika sa lugar.
Ito ang unang wika ng mga tao.
Ito ang sinasalita at ginagamit ng nakararami.
Sa iyong pang-araw-araw na pakikipag-usap, hindi mo namamalayan na nakagagamit ka ng wikang Filipino at Ingles sa magkahiwalay na sitwasyon. Anong konseptong pangwika ang ipinahihiwatig nito?
Bilingguwalismo
Monolingguwalismo
Mutilingguwalismo
Multikulturalismo
Nagta-Tagalog si Malou na taga-Morong, at Vivian na taga-Rizal pero may punto silang kakaiba sa Tagalog ni Leny na taga-Metro Manila. Ang barayti ng wikang ito ay tinatawag na __________.
Dayalek
Etnolek
Idyolek
Sosyolek
Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa Binondo bago pa man dumating ang mga Espanyol. Dahil parehong walang alam sa wikain ng isa't isa, bumuo sila ng wikang walang sinusunod na estruktura at hindi pag-aari ng sinoman sa kanila. Anong konseptong pangwika ang tawag dito?
Creole
Etnolek
Pidgin
Sosyolek
Habang naglilinis ng kwarto si Myles, narinig niya sa telebisyon ang pahayag na " Ang buhay ay weather-weather lang." Agad niyang natukoy kung sino ang nagsasalita. Anong barayti ng wikang Filipino ang ginamit sa pahayag na ito?
dayalek
idyolek
sosyolek
Taglish
“I needed you to fight for us that night because I was so tired of fighting alone. Pero isang beses lang ako napagod, iniwan mo na ako. Yun ba yung pagmamahal mo Primo? How could you give up so easily? How did you not find a reason to stay?”
-Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, The Hows of Us (2018)
Batay sa binasang pahayag, ano ang iyong mahihinuna?
Ang mga artista ay mahilig magsalita ng Taglish.
Ang pagsasalita ng purong Tagalog sa mga pelikula ay ipinagbabawal na.
Wikang Ingles na ang pangunahing wika na ginagamit sa mga pelikulang Pilipino.
Gumagamit din ang mga pelikulang Pilipino ng barayti ng wika sa mga linya ng tauhan.
Anong konseptong pangwika ang nangibabaw sa pahayag na ito?
homogenous
barayti ng wika
bilingguwalismo
multilingguwalismo
Ano ang sitwasyon ng wikang Filipino pagdating sa mga pelikula?
May iba't ibang barayti ng wikang ginagamit sa pelikula.
Wikang Ingles na ang ginagamit ngayon sa mga pelikula.
Nagaganap ang code switching at code mixing pagdating sa mga pelikula.
May iba't ibang konseptong pangwika na ginagamit sa pagbuo ng pelikula.
Si Aldus ay isang Bisaya. Maliban sa wikang Bisaya, kailangan niya ring pag-aralan ang wikang Filipino at Ingles upang magamit niya ang mga ito nang tama sa pakikipagtalastasan. Anong kakayahan ang ipinakikita ni Aldus?
Diskorsal
Istratehikal
Komunikatibo
Lingguwistik
Ang kakayahang komunikatibo ay tumutukoy sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng isang interaksyong sosyal. Alin sa sumusunod ang HINDI halimbawa ng interaksyong sosyal?
mga testimonya sa korte
sulating ginagamit sa pamahalaan
pagsulat ng talaarawan o journal
talumpating pampolitika
Paano masasabi na ang isang Pilipinong mag-aaral ay nagtataglay ng kakayahang komunikatibo?
nagdudulot ng pagtatalo sa iba
nawawalan ng interes ang kausap
nagiging sanhi ng di pagkakaintindihan
naipararating nang maayos ang diwang nais sabihin sa kausap
Naatasang sumulat ng batas ang mga senador na mauunawaan ng lahat kaya't ginamit nila ang wikang Ingles at Filipino dahil ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, gagamitin ang wikang Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Anong konseptong pangwika ang mga wikang Ingles at Filipino?
Wikang Panturo
Wikang Opisyal
Wikang Pambasa
Lengua Franca
Napunta sa isla si Pedro na walang nakauunawa sa kanya at hindi niya rin nauunawaan ang mga sinasalita ng mga tao roon. Kaya naman ang mga tao at si Pedro ay gumawa ng panibagong wikang mauunawaan nila pareho na tinatawag na pidgin at nang ito ay ipinagamit sa buong nayon ay naging ____.
creole
pambansang wika
pidgin
billinguwalismo
Ngayong araw nakatalaga ang pangkat ni Ace upang kapanayamin ang doktor sa kanilang munisipyo para sa ginagawa nilang pananaliksik. Pagdating nila sa munisipyo, sinabi sa kanilang hindi sila mahaharap ng nasabing doktor dahil sa ito ay abala. Tatlong beses nang hindi natutuloy ang gagawin sana nilang pakikipanayam. Ano ang dapat na gawin ng kanilang pangkat?
Magtiyaga silang maghintay hanggang sa sila ay mabigyan ng oras.
Kapanayamin na lamang ang nars sa munisipyo sa halip na ang doktor.
Huminto na sa paksa ng pananaliksik at mag-isip na lamang ng ibang paksa.
Tiyakin nila na mapuntahan sa bahay ang doktor para sa ikagaganda ng pananaliksik.
Natapos nang gawin ng mga mag-aaral ang kanilang pananaliksik at nagbigay na rin ng huling komento at mungkahi ang kanilang gurong tagapayo sa ginawa nilang pag-aaral. Tukuyin kung ano ang susunod na hakbang na dapat gawin ng mga mag-aaral.
Colloquim
Pagdedepensa sa Pananaliksik
Pagrerebisa sa Pananaliksik
Tritment ng Datos
Upang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikipagkapwa at magamit ang wika nang wasto, ano ang kailangang gawin ng mga guro?
bigyan sila ng maraming pagsusulit
bigyan sila ng maraming takdang-aralin
bigyan sila ng maraming gawaing pampananaliksik
bigyan sila ng pagkakataong makilahok sa iba't ibang gawain
Ang BTS na isang Korean Group artists ay sikat sa kasalukuyan. Ano ang mas naaangkop na dahilan o pinagmulan ng ganitong kulturang popular?
ginagawa ng tao
pangmasa o komersyal na kultura
panghalili sa mahal at orihinalidad
pangangailangan na itinakda ng mga negosyante
Alin sa sumusunod ang katotohanan tungkol sa sitwasyong pangwika sa pahayagan?
Tabloid ang mas binibili ng masa.
Ang broadsheet ay nagtataglay nang malalaki at nagsusumigaw na headline.
Wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at wikang Tagalog naman sa tabloid.
Ang nilalaman ng isang tabloid ay senseysyonal at kadalasang malalalim ang mga salita.
Ano ang HINDI kabilang sa sitwasyong pangwika ukol sa pelikula?
Filipino ang lingua franca sa pelikulang Pilipino.
Ingles ang nauuso at kadalasang pamagat ng mga pelikulang Pilipino.
Impormal ang tono at hindi gaanong istrikto sa pamantayan ng propesyonalismo.
Layunin ng pelikula na makaakit nang mas maraming manonood upang malibang sa palabas.
Ang mga Pilipino ay namangha kay Pangulong Duterte sa kaniyang naging talumpati sa SONA dahil inilahad niya ito gamit ang wikang Filipino. Anong sitwasyon ng wika ang inilarawan sa pahayag?
Sitwasyong Pangwika sa Pelikula
Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan
Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon
Sitwasyong Pangwika sa Pamahalaan
Napansin ni Lola Mildred na iba na ang pamaraan sa pagbuo ng programa at pananalita ng mga DJ sa radyo. Anong sitwasyon ng wika ang inilarawan sa pahayag?
Sitwasyong Pangwika sa Panradyo
Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan
Sitwasyong Pangwika sa Pampaaralan
Sitwasyong Pangwika sa Pamahalaan
Nais ni Erwin na magsagawa ng pananaliksik pangwika. Ano ang unang hakbang na kailangan niyang isagawa?
Mag-obserba sa mga kaganapan sa paligid.
Maghanap ng mga kaugnay nap ag-aaral at literatura
Bumuo ng mga kagamitan sa pangangalap ng datos
Mag-isip ng angkop na sampling technique sa isasagawang pag-aaral.
Nais ilahad ni Prescila ang dahilan at pinagmulan ng paksa sa isinasagawa niyang pag-aaral. Anong bahagi ng pananaliksik ang kanyan isasagawa?
Rasyunal
Kahalagahan ng Pag-aaral
Metodolohoiya
Kahalagahan ng Pag-aaral
Sa ginanap na pagdiriwang ng kaarawan ni Mila, mapapansin na magara at makinang ang kanyang kasuotan. Anong uri ito ng di berbal na komunikasyon ?
Chronemic
Coloric
Haptic
Objectic
Lumuhod sa harap ng kasintahan at nagpropose ng kasal si Ryan kay Lovely sa loob ng simbahan ng Quiapo. Agad namang sumagot ang dalaga at tinanggap ang inaalok na kasal ng binata. Sino participant ang sa loob ng diskurso?
Ryan at Lovely
Simbahan ng Quiapo
Alok na Kasal ng binata
Lumuhod sa harp ng kasintahan
Nagpadala ng liham ang guro sa ina ni Perla upang malaman ang madalas na pagliban ng kanyang anak. Ano ang Instrumentalities sa loob ng diskurso?
angguro
ang ina ni Perla
nagpadala ng liham
Upang malaman ang madalas na pagliban sa klase
Ano ang maituturing na setting ng diskurso? Sa isang shopping center sa Cebu sa kalagitnaan ng pagdiriwang ng Sinulog, may dalawang turistang tila naliligaw. Magalang na nagtanong ang dalawang turista sa isang mamimili kung saan sila makakukuha ng taxi papuntang Basilica Del Santo Niño. Ano ang maituturing na setting ng diskurso?
dalawang turista
shopping center sa Cebu
sa kalagitnaan ng pagdiriwang ng Sinulog.
makukunang taksi papunta
Sa Pilipinas, usong-uso ang pakikinig ng K-POP na musika. Anong sitwasyong pangwika ang maiuugnay dito?
Sumusunod lamang sa uso ang mga tao.
Hinahangaan ng mga Pilipino ang musika ng ibang bansa.
Gusto nating matuto ng ibang wika pagdating sa musika.
Tinatanggap na ng mga tagapakinig ang ibang wika bilang bahagi ng ating musika.
Sa mga pelikulang Pilipino, hindi maiiwasan na mapaghalo-halo ang wikang Filipino at Ingles sa mga linya o pahayag na binibitiwan ng mga artista. Ang konseptong ito ay tinatawag na ____________.
Pagsasalin
Pagpapalit-koda
Paghahalong-koda
Panghihiram ng salita
Hindi maiiwasang magpapalit-palit ang wikang Filipino at Ingles sa telebisyon, radyo, pelikula, at social media. Ano ang tawag sa sitwasyong ito?
Pagsasalin
Pagpapalit-koda
Paghahalong-koda
Panghihiram ng salita
Sa kasalukuyan, alin sa sumusunod ang hindi nagsasaad ng sitwasyong pangwika sa text?
Ito ay mayroong sinusunod na pamantayan o regulasyon.
Ang Pilipinas ang tinaguriang texting capital of the world.
Madalas ang paggamit ng code switching at pagtitipid sa baybay ng mga salita.
Ang pagpapadala ng SMS ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa bansa.
Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga ng wikang Filipino sa iyong Lipunan?
Pagsulat ng isang artikulo gamit ang Wikang Filipino.
Pagbabahagi ng kaalaman sa Wikang Filipino.
Paglahok sa mga aktibidad tuwing Buwan ng Wika.
Lahat ng nabanggit
Nais ni Ramon na magsagawa ng isang pananaliksik, ang unang hakbang na dapat sundin sa pagsulat ng pananaliksik na dapat isaalang-alang ay _________?
Pagsulat ng balangkas
Pangangalap ng datos
Pagpili at paglilimita ng paksa
Pagdidisenyo ng pananalik
Ang mga kaalaman at impormasyon tungkol sa paksang tinalakay na nakuha mula sa mga aklat, magasin, pahayagan, dyornal, at internet ay matatagpuan sa anong bahagi ng pananaliksik?
Batayang Teoretikal at
Konseptwal at Sakop
Delimitasyon ng Pag-aaral
Kaugnay na Literatura, Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral
Ang "ATM", "HBU", at "SKL" ay mga salitang dinaglat na makikita at mababasa sa ________.
pahayagan
pelikula
social media
telebisyon
Ano ang tawag sa sayantipik na pag-aaral ng mga wika ng tao?
Dalubwika
Gramatikal
Linggwista
Polyglot
Ano ang tawag sa taong nag-aaral ng wika, sapagkat nag-aangkin siya ng mga di-karaniwang kaalaman at kakayahan hindi sa pagsasalita kundi sa pagsusuri ng wika.
Dalubwika
Linggwista
Gramatikal
Polyglot
Anong komponent ng kakayahang pangkomunikatibo ang nagsasaad kung ano- anong salita ang angkop at kung kailan sila gagamitin ng tama sa pagsasalita o sa pakikipag-usap?
Diskorsal
Gramatikal
Pragmatik
Sosyo-lingguwistik
Anong bahagi ng Speaking ni Dell Hymes ang tumutukoy sa lugar o pook kung saan nag-uusap o nakikipagtalastasan?
Ends
Keys
Participant
Setting
Sino ang lumikha ng Speech Act o ang berbal na komunikasyon sa kanyang aklat na Pragmatics?
Clark Austin
Dell Hymes
John Gumperz
Noah Chomsky
Anong modelo ni Dell Hymes iniisa-isa ang mga dapat isaalang-alang sa pagkaroon ng mabisang pakikipagtalastasan?
LISTENING
READING
SPEAKING
WRITING
Anong kakayahang pangkomunikatibo ang nakakaunawa sa mga sinasabi o di sinasabi ng nagsasalita?
Kakayang Diskorsal
Kakayahang Linggwistika
Kakayahang Pragmatik
Kakayahang Sosyolinggwistika
