WorksheetsQuiz sa Ibong Adarna
Total questions: 34
Worksheet time: 17mins
Kailan dumating ang akdang Ibong Adarna sa Pilipinas?
Noong 1610 mula sa bansang Mexico
Marso 16, 1521 mula ng dumating si Ferdinand Magellan
Noong 1565 sa pamamagitan ni Miguel Lopez de Legazpi
Noong 1479, matapos ang pagtanggap ng kontrol sa Granada
Batay sa kasaysayan, anong panahon isinulat ang salin ng akdang Ibong Adarna sa Pilipinas?
Panahon ng Amerikano
Panahon ng Hapon
Panahon ng Kastila
Panahon ng Katutubo
Anong uri ng tula ang ginamit ng may-akda sa pagsulat ng Ibong Adarna?
Tulang Liriko
Tulang Pandulaan
Tulang Pasalaysay
Tulang Patnigan
Ano ang kahulugan ng mehikanong salita na “occurido”?
Mga pangyayaring naganap na
Mga pangyayaring nagpapahiwatig
Mga pangyayaring magaganap pa lamang
Mga pangyayaring kasalukuyang nagaganap
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa katangian ng isang Korido?
May pagkamadamdamin at andante ang pagbigkas
May wawaluhing pantig at mabilis ang pag-awit o pagbigkas
May lalabindalawahing pantig at mabagal ang pagbigkas o pag-awit
May paksang malapit sa kasaysayan, kaya't higit na makatotohanan
Sino ang ipinagpapalagay ng maraming kritiko na may akda o unang humango ng Ibong Adarna sa bansa na kilala sa tawag na Huseng Sisiw?
Francisco Balagtas
Jose Dela Cruz
Julian Cruz Balmaceda
Pura Santillan-Castrence
Sino ang nagsaayos ng sipi ng babasahin ng Ibong Adarna na kasalukuyang ginagamit sa mga paaralan?
Carlos H. Garcia
Marcelo H. Del Pilar
Marcelo P. Garcia
Carlos P. Romulo
Ang mga sumusunod ay mga paksa na inilalarawan sa Ibong Adarna MALIBAN SA ISA.
Kababalaghan
Kabayanihan
Kagitingan
Kasawian
Ano ang layunin ng mga Espanyol sa pagpapalaganap ng akdang Ibong Adarna sa Pilipinas?
Upang palitan ng damdaming makabayan ang mga akda
Upang ipakita na makapangyarihan ang mga hari at reyna
Upang ipaalala na ang buhay ng tao ay tulad ng ibong malaya
Upang hikayatin ang mga katutubo na tanggapin ang relihiyong Katolisismo.
Bakit tinangkilik ng mga Pilipino ang Ibong Adarna bilang akdang pantakas sa panahon ng pananakop ng mga Kastila?
Sapagkat nagdulot ito ng aliw at kasiyahan sa mga tao
Sapagkat nagkaroon ang Pilipinas ng sariling salin ng akda
Sapagkat naipalaganap ang damdaming makabayan sa akda
Sapagkat naghatid ito ng sigla at pag-asa sa bawat mamamayan
Paano nakatulong sa pag-unawa ng mga mambabasa ang pagtalakay sa kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna?
Mas madali nilang mauunawaan ang mga tula at aral na nakapaloob
Maiiwasan nila ang kahirapan sa pagsusuri ng mga simbolismo sa akda
Makikita nila ang ugnayan ng akda sa mga kasalukuyang isyu ng lipunan
Magiging interesado silang matutuhan ang mga pangalan ng mga tauhan
Ano ang kahalagahan ng Ibong Adarna sa panahon ng mga Kastila?
Isang akda na tumatalakay sa relihiyon at moralidad
Isang tula na nagpapakita ng kabayanihan ng mga bayani
Isang akdang nagsusulong ng mga ideya laban sa Kastila
Isang akdang nagpapakita ng pagsunod sa mga tradisyon at pananampalataya
Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang aspeto ng Ibong Adarna ang itinuro sa mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Kastila?
Ang pagpapahalaga sa pamilya
Ang simbolismo ng pang-aalipin at kolonisasyon
Ang pagpapakita ng pagiging makabayan at makatarungang lider
Ang representasyon ng mga prinsipe na sumusunod sa kalooban ng hari
Makikita ang mga natatanging kaugalian at halaga ng mga Pilipino sa Ibong Adarna, MALIBAN SA ISA.
Pananakop sa mga bansa
Pagpapahalaga sa pamilya
Pananampalataya sa Poong Maykapal
Respeto sa mga magulang at nakatatanda
Bakit mahalagang pag-aralan ang kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna?
Upang malaman kung paano hulihin ang mahiwagang ibon
Upang makita ang pagkakaiba ng panitikan noon at ngayon
Upang magamit ito bilang batayan sa pagsulat ng sariling epiko
Upang mas maunawaan ang kultura at paniniwala noong panahong isinulat ito
Paano ipinakita ang kaugalian ng mga Pilipino sa mga unang saknong ng Ibong Adarna?
Sa pamamagitan ng pagmamahal sa pamilya
Sa pamamagitan ng pagkamalikhain sa pagsulat
Sa pamamagitan ng pagtangkilik sa sariling panitikan
Sa pamamagitan ng paghingi ng gabay sa Dakilang Lumikha
Saan naganap ang unang tagpo sa kuwento ng Ibong Adarna?
Sa bundok Tabor
Sa kaharian ng Berbanya
Sa Kagubatan ng Payapa
Sa palasyo ni Haring Salermo
Anong uri ng tunggalian ang makikita sa pagitan nina Don Juan at sa dalawa nitong kapatid?
Tao laban sa kalikasan
Tao laban sa lipunan
Tao laban sa tao
Tao laban sa sarili
Ano ang layunin ng paghahanap ni Don Juan sa Ibong Adarna?
Paghihiganti
Pagkakaroon ng lakas
Pagliligtas sa kanyang ama
Pagkuha ng korona
Sino ang pangunahing tauhan sa Ibong Adarna ang naglakbay at nagtagumpay sa paghuli ng ibon?
Don Juan
Don Pedro
Don Diego
Haring Salermo
Alin sa mga pangyayari sa Ibong Adarna ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa kabutihan at pagpapatawad?
Nang tulungan ni Don Juan ang matandang Leproso kapalit ng ibong Adarna
Nang hanapin ng magkakapatid ang ibon at kapalit ng paghahari sa Berbanya
Nang bumalik si Don Juan sa kaharian at pinatawad ang nagtaksil na mga kapatid
Nang sundin ni Don Diego ang mga utos ng panganay na kapatid na si Don Pedro
Sa isang ilustrasyon ng Ibong Adarna, ipinakita si Don Juan na may hawak na ibon na nagliliwanag. Anong kahulugan ang nais nitong iparating sa mambabasa?
Ang kanyang takot na baka mawala ang ibon
Ang kanyang plano na ipagkait ang ibon sa kanyang ama
Ang tagumpay niya sa pagsubok at pagkapit sa katotohanan
Ang kanyang kagustuhang ipagmalaki ang kanyang kayamanan
Ano ang madalas na ginagamit na imahe sa tekstong biswal upang ipakita ang kasamaan ni Don Pedro?
Makukulay na kasuotan
Puno ng bulaklak sa kanyang paligid
Madilim na kulay at matalim na tingin
Maliliwanag na kulay at matamis na ngiti
Ano ang kahulugan ng makukulay na balahibo ng Ibong Adarna na ginamit sa paglalarawan sa teksto?
Ang pagod ng ibon sa pag-awit
Ang kasamaan ng ibon sa kwento
Pangkaraniwang itsura ng isang ibon
Ang pagiging mahiwaga at pambihira ng ibon
Ang kaharian ng Berbanya ay inilarawan sa pamamagitan ng ___________?
Isang sira-sirang kastilyo
Isang kagubatan na walang tao
Maganda at makulay na palasyo
Isang madilim at nakatatakot na lugar
Ang korona na ginamit sa paglalarawan kay Haring Fernando ay sumisimbolo sa __________.
Kalupitan
Kapangyarihan
Kasaganahan
Kayamanan
Paano nakakatulong ang mga tekstong biswal sa paglalarawan ng mga pangyayari sa Ibong Adarna?
Pinapalala ang kwento at nakakalito sa mambabasa
Pinapalakas ang pag-unawa sa mga pangyayari at simbolismo ng kwento
Nagpapakita lamang ng magagandang larawan na walang kinalaman sa kwento
Nagbibigay ng mga detalye ng mga tauhan na walang kahulugan
Tinulungan ni Don Juan ang isang matandang ermitanyo nang walang hinihintay na kapalit. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang aral na inilalarawan nito?
Pagpapakita ng diskriminasyon
Paggalang sa mga nakatatanda.
Pagtulong sa taong hindi mo kakilala.
Pagiging tapat at matulungin sa kapwa.
Ang Ibong Adarna ay may kakayahang magpagaling ng anumang sakit gamit ang kanyang awit. Ano ang simbolismo nito sa totoong buhay?
Tanging mahika lamang ang solusyon sa mga problema ng tao.
Ang pag-awit ng Ibong Adarna ay isang katangian na walang batayan sa realidad.
Ang isang mahiwagang ibon ay talagang may kapangyarihang makapagpagaling.
Ang musika at sining ay may kakayahang magpagaan ng damdamin at magpagaling ng sugat ng puso.
Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang katangian na dapat taglayin ng isang tao upang malampasan ang mga pagsubok sa buhay, tulad ng mga naranasan ni Don Juan?
Talino at tuso upang makuha ang gusto.
Pagtatago sa problema upang maiwasan ang sakit.
Pagsunod sa utos ng iba kahit hindi ito makatarungan.
Tapang at tiyaga at hindi sumusuko sa mga pagsubok.
Ang pagkakaiba-iba ng ugali ng tatlong prinsipe ay nagpapahiwatig na __________________?
Ang kasalanan ng isa ay hindi kasalanan ng lahat.
Walang nabubuhay sa mundo na magkakapareho
Ang tao ay magkakaiba ng ugali at landas na pipiliin.
Lahat ng tao ay may sariling katangian na wala sa kahit na sinuman
Bakit mahalaga ang pagpapatawad sa kuwento ng Ibong Adarna?
Dahil ito ay utos ng hari
Dahil ito ay simbolo ng katapangan
Dahil nagpapakita ito ng tunay na kahulugan ng kabutihan
Dahil dapat kalimutan ang pagkakamali ng isa upang hindi na umulit pa.
“Ang palasyo ay namanglaw nang mawala si DonJuan”. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
Nagsaya
Nalungkot
Nagdilim
Natakot
“Paano mo natuklasan ang liblib na kabundukan?” Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
Madilim na pook
Malayong pook
Mahiwagang pook
Malapit na pook
