Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Prelim Practice Exam: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Total questions: 25

Worksheet time: 19mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pangunahing gamit ng wika sa komunikasyon?

a)

Makipag-ugnayan at maipahayag ang kaisipan

b)

Magsulat lamang ng pananaliksik

c)

Makinig lamang sa iba’t ibang wika

d)

Makapagbasa lamang ng aklat

2.

Ano ang pangunahing layunin ng pananaliksik?

a)

Magsulat ng kathang-isip

b)

Makabuo ng bagong kaalaman at solusyon

c)

Ipaglalahad ng sariling damdamin

d)

Aliwin ang mambabasa

3.

Alin ang halimbawa ng akademikong sulatin?

a)

Pabula

b)

Pananaliksik

c)

Balita

d)

Diary

4.

Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng proseso ng pagbasa?

a)

Pag-unawa → Pagtataya → Pagkilala → Reaksyon

b)

Pagkilala → Pag-unawa → Reaksyon → Pagtataya

c)

Pagtataya → Pagkilala → Reaksyon → Pag-unawa

d)

Reaksyon → Pagkilala → Pagtataya → Pag-unawa

5.

Ano ang kahulugan ng pagbasa?

a)

Pagkuha at pag-unawa ng kahulugan mula sa teksto

b)

Proseso ng pagsulat

c)

Proseso ng pakikinig

d)

Proseso ng pagsasalita

6.

Bakit itinuturing na dinamikong sistema ang wika?

a)

Hindi nagbabago ang kahulugan ng salita

b)

May iba't ibang antas sa lipunan

c)

Patuloy na nagbabago at lumalago

d)

Bahagi ng kultura

7.

Bakit mahalagang isaalang-alang ang kultura sa pagsusuri ng wika?

a)

Lumilikha ito ng iba't ibang antas ng wika

b)

Magkaugnay at hindi mapaghihiwalay ang wika at kultura

c)

Ang kultura ang nagdidikta ng tamang gamit ng wika

d)

Nagtatakda ito ng opisyal na wika ng bansa

8.

Bilang mag-aaral, inatasan kang lumikha ng tulang pampantikan, anong uri ng pagsulat ang iyong gagamitin?

a)

Teknikal na pagsulat

b)

Journalistik na pagsulat

c)

Akademikong pagsulat

d)

Malikhaing pagsulat

9.

Ano ang pangunahing pagkakaiba ng literal na pag-unawa at interpretasyon?

a)

Literal – direktang kahulugan; Interpretasyon – masusing pagsusuri batay sa konteksto

b)

Magkapareho ngunit may kaibahan sa estruktura at kontekstuwal na implikasyon

c)

Literal – mas mataas na antas ng pagsusuri kaysa interpretasyon

d)

Interpretasyon – anyo ng literal na pag-unawa kaya’t hindi maaaring paghiwalayin

10.

Paano gamitin ang mapanuring pagbasa sa pagsusuri ng pekeng balita?

a)

Sundin ang opinyon ng karamihan

b)

Basahin lahat nang walang pagsusuri

c)

Ibahagi agad nang hindi sinusuri

d)

Alamin ang may-akda, pinagmulan, at ebidensya

11.

Alin ang halimbawa ng di-pormal na wika?

a)

Paggamit ng teknikal na termino

b)

Balbal o kolokyal na pananalita

c)

Akademikong pagsulat

d)

Opisyal na wika ng bansa

12.

Ano ang ibig sabihin ng De Jure na wikang pambansa?

a)

Wikang ginagamit sa pang-araw-araw na usapan

b)

Wikang ipinataw ng dayuhang mananakop

c)

Wikang hindi ginagamit sa edukasyon at pamahalaan

d)

Wikang opisyal na kinikilala ng batas

13.

Aling sitwasyon ang nagpapakita ng De Facto na wikang pambansa?

a)

Ang paggamit ng isang wika sa opisyal na dokumento ng pamahalaan

b)

Wikang ginagamit sa pang-araw-araw na usapan

c)

Ang wikang itinalaga sa Konstitusyon bilang pambansang wika

d)

Ang wikang ginagamit lamang sa limitadong rehiyon ng bansa

14.

Aling sitwasyon ang nagpapakita ng gamit ng wika bilang regulatori?

a)

Ang isang mag-aaral ay nagpapahayag ng kanyang damdamin tungkol sa isang aklat na nabasa.

b)

Ang isang kaibigan ay nagkukuwento tungkol sa kanyang karanasan sa isang paglalakbay.

c)

Ang isang guro ay nagbibigay ng utos sa kanyang mga mag-aaral na ipasa ang kanilang proyekto sa takdang oras.

d)

Ang isang reporter ay nagbabalita tungkol sa lagay ng panahon sa telebisyon.

15.

Ano ang ibig sabihin ng "synthesis" sa pananaliksik?

a)

Pagbubuod ng impormasyon upang makabuo ng bagong ideya

b)

Pagkuha ng impormasyon nang walang pagsusuri

c)

Pagsulat nang walang organisasyon

d)

Pagsasama at pagpapaikli ng mga ideya

16.

Ano ang pangunahing katangian ng malikhaing pagsulat?

a)

Pormal na tono at istruktura

b)

Gumagamit ng masining na wika at estilo

c)

Batay lamang sa katotohanan

d)

May eksaktong sagot

17.

Aling uri ng tagapakinig ang madalas magmukhang interesado, tango ng tango ngunit hindi talaga nakikinig nang mabuti?

a)

Sleeper

b)

Eager Beaver

c)

Frowner

d)

Busy Bee

18.

Ano ang kaibahan ng rebyu sa abstrak?

a)

Ang rebyu ay isang buod ng pananaliksik, samantalang ang abstrak ay isang pagsusuri ng akda

b)

Ang rebyu ay nakatuon sa pagsusuri at pagtataya ng isang akda, samantalang ang abstrak ay isang buod ng pananaliksik

c)

Ang abstrak ay nagbibigay ng personal na pananaw ng may-akda, samantalang ang rebyu ay nagpapakita lamang ng mga layunin ng pananaliksik

d)

Walang pagkakaiba ang rebyu at abstrak

19.

Ano ang pangunahing layunin ng pagsulat ng paraphrase?

a)

Upang baguhin ang kahulugan ng orihinal na teksto

b)

Upang gawing mas mahaba ang ideya ng may-akda

c)

Upang ipahayag ang ideya ng may-akda sa mas malinaw at madaling paraan

d)

Upang kopyahin ang eksaktong salita ng may-akda

20.

Ano ang pangunahing gamit ng abstrak sa isang pananaliksik?

a)

Upang ipakita ang opinyon ng may-akda tungkol sa isang paksa

b)

Upang bigyan ng mabilis na buod ang mambabasa tungkol sa layunin at kinalabasan ng pananaliksik

c)

Upang suriin ang nilalaman at estilo ng isang akda

d)

Upang palitan ang orihinal na teksto ng mas maikli at madaling bersyon

21.

Alin sa mga sumusunod na uri ng pagbasa ang ginagamit kung nais lamang maghanap ng isang partikular na impormasyon sa teksto?

a)

Masaklaw na pagbasa

b)

Iskiming

c)

Iskaning

d)

Kaswal na pagbasa

22.

Aling uri ng pagbasa ang ginagamit kung nais lamang maglaan ng oras sa pagbabasa nang walang partikular na layunin at pampalipas oras lamang

a)

Iskiming

b)

Iskaning

c)

Kaswal na pagbasa

d)

Masaklaw na pagbasa

23.

Aling uri ng pagbasa ang ginagamit upang magkaroon ng pangkalahatang ideya tungkol sa isang teksto bago ito ganap na basahin?

a)

Iskiming

b)

Iskaning

c)

Previewing

d)

Masaklaw na pagbasa

24.

Bakit hindi maaaring paghiwalayin ang wika at kultura?

a)

Dahil ang wika ay ginagamit sa komunikasyon

b)

Dahil ang kultura ay mas mahalaga kaysa sa wika

c)

Dahil ang wika ay nagpapahayag ng kultura at paniniwala ng isang lipunan

d)

Dahil ang wika ay may antas at ginagamit sa propesyon

25.

Ano ang pangunahing gamit ng wika sa larangan ng iba't ibang propesyon?

a)

Para lamang sa pormal na usapan

b)

Upang ipakita ang pagkakaiba ng isang propesyon sa iba pa

c)

Para gawing mas mahirap ang pag-aaral ng wika

d)

Upang magkaroon ng partikular na paraan ng komunikasyon sa bawat disiplina