WorksheetsAP9 EDNA Q4
Total questions: 48
Worksheet time: 36mins
Ano ang pangunahing layunin ng kaunlaran ayon kay Amartya Sen?
Pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa
Pagpapabuti ng yaman ng buhay ng tao kaysa sa yaman ng ekonomiya
Pagpapataas ng Gross Domestic Product (GDP)
Pagtatamo ng mas maraming dayuhang pamumuhunan
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng palatandaan ng pagsulong?
Pagbabawas ng antas ng kahirapan sa bansa
Pagtaas ng Human Development Index (HDI)
Pagkakaroon ng mas maraming oportunidad sa edukasyon
Lahat ng nabanggit
Ano ang ipinapakita ng Human Development Index (HDI)?
Antas ng kita lamang ng isang bansa
Kakayahan ng bansa na matugunan ang mahahalagang aspeto ng kaunlaran ng tao
Bilang ng dayuhang namumuhunan sa bansa
Kalusugan ng likas na yaman ng bansa
Ano ang masasabing epekto ng mataas na antas ng edukasyon sa isang bansa?
Pagdami ng lakas-paggawa na may sapat na kasanayan
Pagbaba ng antas ng pamumuhay ng mamamayan
Pagkakaroon ng mataas na antas ng kahirapan
Pagtaas ng antas ng di-pagkakapantay-pantay
Ano ang pangunahing layunin ng Multidimensional Poverty Index (MPI)?
Sukatin ang kabuuang yaman ng bansa
Matukoy ang paulit-ulit na pagkakait sa kalusugan, edukasyon, at antas ng pamumuhay
Sukatin ang antas ng kita ng bansa
Pag-aralan ang epekto ng dayuhang pamumuhunan sa bansa
Ano ang ipinapakita ng Gender Development Index (GDI)?
Puwang o agwat sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan sa iba't ibang aspeto
Antas ng kita ng bawat sektor sa lipunan
Kalusugan at edukasyon ng mga kabataan
Bilang ng namumuhunan sa bansa
Paano nakatutulong ang paggamit ng teknolohiya sa pagsulong ng ekonomiya?
Nakakapagpababa ng kalidad ng produkto
Nakakatulong sa episyenteng paggamit ng likas na yaman
Nagiging sanhi ng pagbaba ng produksyon
Nagdudulot ng pagkaantala sa proseso ng pag-unlad
Ayon kay Feliciano Fajardo, ano ang pangunahing sukatan ng pag-unlad?
Pagtaas ng antas ng kita ng bansa
Pagbabawas ng antas ng kahirapan, kawalan ng trabaho, at kamangmangan
Pagdami ng dayuhang namumuhunan
Pag-unlad ng teknolohiya
Ano ang pangunahing layunin ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD)?
Pagsusulong ng dayuhang pamumuhunan
Pagpapabuti ng kalagayan ng papaunlad na bansa sa pandaigdigang kalakalan
Pagtuturo ng teknolohiya sa mga mahihirap na bansa
Pagbibigay ng pautang sa mga mahihirap na bansa
Ano ang kahalagahan ng pagtaas ng Gross National Income (GNI) per capita sa isang bansa?
Ipinapakita nito ang pag-unlad ng kabuuang yaman ng bansa
Nagsasaad ito ng pagtaas ng kalidad ng edukasyon
Lumilikha ito ng mas maraming oportunidad sa mga manggagawa
Pinapababa nito ang antas ng kahirapan
Ano ang pinakamahalagang aspeto ng pag-unlad ayon kay Michael P. Todaro at Stephen C. Smith?
Pagsulong ng teknolohiya
Pagbaba ng antas ng kamangmangan
Pagpapaunlad ng kalidad ng buhay ng tao sa pamamagitan ng pagtaas ng antas ng edukasyon, kalusugan, at kita
Pagpapabuti ng likas na yaman ng bansa
Ano ang posibleng maging epekto ng mataas na antas ng Human Development Index (HDI)?
Pagtaas ng antas ng kahirapan
Pagkakaroon ng pantay-pantay na oportunidad sa edukasyon at kalusugan
Pagbaba ng kalidad ng pamumuhay ng tao
Pagtaas ng antas ng kamangmangan
Ano ang pangunahing layunin ng pag-unlad ng isang bansa?
Pagtaas ng antas ng ekonomiya lamang
Pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan
Pagdami ng dayuhang namumuhunan
Pagtaas ng antas n
ang pangunahing layunin ng pag-unlad ng isang bansa?
Pagtaas ng antas ng ekonomiya lamang
Pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan
Pagdami ng dayuhang mamumuhunan
Pagtaas ng antas ng produksyon ng bansa
Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng isang maunlad na bansa?
Mataas na antas ng pagkakapantay-pantay sa edukasyon, kalusugan, at kita
Pagtaas ng antas ng kahirapan
Pagbaba ng antas ng GNI per capita
Kawalan ng oportunidad sa trabaho
Ano ang pangunahing layunin ng tamang pagbabayad ng buwis?
Upang madagdagan ang kita ng mga negosyante
Upang makalikom ng sapat na pondo para sa serbisyong panlipunan
Upang magkaroon ng disiplina ang bawat mamamayan
Upang mapalawak ang dayuhang kalakalan
Paano makatutulong ang pagkakaroon ng tamang kultura ng pagbabayad ng buwis?
Nagiging instrumento ito sa pagkakaroon ng mas maraming produktong dayuhan
Nagbibigay ito ng sapat na pondo para sa programa ng gobyerno
Nagpapababa ito ng kita ng mga Pilipino
Nagdudulot ito ng mas mataas na halaga ng kalakal
Ano ang pangunahing layunin ng pagsali sa kooperatiba?
Upang mapanatili ang kontrol ng dayuhan sa kalakalan
Upang makapagbigay ng trabaho sa mga dayuhang manggagawa
Upang mapaunlad ang kabuhayan ng kasapi at ng bansa
Upang makapagbigay ng donasyon sa pamahalaan
Ano ang tamang kilos ng isang Pilipino na may malasakit sa bayan?
Pagiging tahimik sa harap ng katiwalian
Pagsusulong ng adhikain para sa kabutihan ng nakararami
Pag-iwas sa pakikilahok sa mga isyu ng lipunan
Pagpapabaya sa mga responsibilidad bilang mamamayan
Ano ang epekto ng tamang pagboto sa halalan sa pag-unlad ng bansa?
Napipili ang tamang lider na magsusulong ng kaunlaran
Nadadagdagan ang kita ng bawat mamamayan
Nababawasan ang bilang ng mga botante sa susunod na halalan
Nagiging hadlang ito sa pagkakaroon ng pagbabago
Ano ang pangunahing epekto ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala?
Napapabayaan ang mga proyekto ng pamahalaan
Nagkakaroon ng mas transparent at accountable na gobyerno
Nababawasan ang mga karapatan ng mamamayan
Naging sanhi ng kaguluhan sa komunidad
Paano makatutulong ang pagtangkilik sa produktong Pilipino sa pag-unlad ng bansa?
Nababawasan ang kita ng mga lokal na negosyo
Nagbibigay ito ng mas maraming oportunidad sa mga lokal na manggagawa
Lumalaki ang pag-angkat ng dayuhang produkto
Nabibigyan ng pagkakataon ang dayuhan na kumontrol sa ekonomiya
Paano nakatutulong ang pagiging makabansa sa pag-unlad ng ekonomiya?
Pagbibigay-prayoridad sa interes ng ibang bansa
Pagtangkilik sa lokal na produkto at serbisyo
Pagkakaroon ng pagkakawatak-watak sa lipunan
Pagsunod sa kultura ng dayuhan
Ano ang mahalagang aspeto ng pagsali ng isang Pilipino sa kooperatiba?
Nagbibigay ito ng mas maraming kita sa dayuhang namumuhunan
Nagbibigay ito ng pagkakataon sa mga Pilipino na maging bahagi ng pag-unlad
Nagpapababa ito ng antas ng pamumuhay ng mga miyembro
Nagiging sanhi ito ng pagkakawatak-watak ng mga Pilipino
Ano ang pangunahing responsibilidad ng isang responsableng botante?
Pagsusuri sa plataporma at integridad ng kandidato
Pagboto batay sa utos ng ibang tao
Pagpili ng kandidato batay sa popularidad
Pag-iwas sa halalan upang maiwasan ang kaguluhan
Bakit mahalaga ang pagiging tapat sa publikong serbisyo?
Upang mapanatili ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan
Upang maiwasan ang pagtaas ng buwis sa bansa
Upa
Bakit mahalaga ang pagiging tapat sa publikong serbisyo?
Upang mapanatili ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan
Upang maiwasan ang pagtaas ng buwis sa bansa
Upang maging tanyag ang opisyal ng pamahalaan
Upang makakuha ng mas maraming benepisyo
Ano ang dapat gawin ng isang mamamayan upang labanan ang korapsyon?
Manatiling tahimik upang maiwasan ang kaguluhan
Ipaglaban ang tama at labanan ang mali
Sumunod sa maling gawain upang makisama sa iba
Magbulag-bulagan sa mga anomalya
Ano ang epekto ng sama-samang pagkilos ng mamamayan sa kaunlaran ng bansa?
Pagkakaroon ng pagkakawatak-watak ng lipunan
Pagpapatibay ng pagkakaisa at kaunlaran
Pagbabawas ng mga oportunidad sa bansa
Pagpigil sa paglago ng ekonomiya
Paano makatutulong ang tamang pamamahala ng pananalapi sa paglaya mula sa kakapusan?
Paggamit ng pera sa luho at walang kabuluhang bagay
Pag-iwas sa pag-iimpok para sa hinaharap
Pagsusuri sa tamang paggastos at pag-iimpok
Pagpapabaya sa pangangailangan ng pamilya
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan kung bakit mahalaga ang sektor ng agrikultura sa ekonomiya ng bansa?
Pagpapalaganap ng teknolohiya sa mga magsasaka
Pagsuplay ng hilaw na materyales para sa industriya
Pagbibigay ng edukasyon sa mga mangingisda
Pagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa mga hayop
Bakit mahalagang pangalagaan ang kagubatan ng bansa?
Upang mapanatili ang suplay ng tubig sa mga palayan
Para mapataas ang produksyon ng bigas sa bansa
Upang maiwasan ang paglobo ng populasyon
Para magamit ito sa paggawa ng mga gusali
Ano ang magiging epekto kung patuloy na darami ang gumagamit ng dynamite fishing?
Tataas ang kita ng mga mangingisda
Mawawala ang mga yamang dagat
Magiging mas mabilis ang pag-aani ng isda
Lalaki ang populasyon ng isda
Ano ang magiging bunga kung hindi mabibigyan ng sapat na suporta ang mga magsasaka?
Tataas ang produksyon ng pagkain
Magiging mas produktibo ang mga lupain
Bababa ang suplay ng pagkain sa bansa
Magiging mas makabago ang sektor ng agrikultura
Uri ng pangingisda na gumagamit ng bangkang may kapasidad na higit sa tatlong tonelada para sa kalakalan?
Munisipal
Komersiyal
Pampubliko
Aquaculture
Ano ang magiging epekto sa ekonomiya kung magpapatuloy ang pagkasira ng kagubatan?
Mas lalago ang sektor ng agrikultura
Mawawalan ng hanapbuhay ang maraming tao
Magkakaroon ng sapat na suplay ng tubig
Mas dadami ang mga produktong pangkagubatan
Ano ang pangunahing layunin ng aquaculture sa sektor ng pangingisda?
Magbigay ng kaalaman sa pangingisda
Palakihin ang kita ng mga mangingisda
Palakihin ang produksyon ng isda mula sa palaisdaan
Magbigay ng teknolohiya sa larangan ng pangingisda
Ano ang tamang hakbang para mapanatili ang yamang dagat?
Gumamit ng lambat na may maliliit na butas
Iwasang gumamit ng dinamita sa pangingisda
Manghuli ng isda sa panahon ng breeding season
Gumamit ng modernong teknolohiya sa pangingisda
Ano ang magiging epekto kung patuloy na gagamit ng modernong teknolohiya sa pagsasaka?
Tataas ang produksyon ng pagkain
Bababa ang demand ng produkto
Magiging mas mahirap ang pamumuhay ng magsasaka
Magiging mababa ang kalidad ng produkto
Ano ang pangunahing epekto ng labis na pagputol ng puno sa kagubatan?
Magiging mas mataba ang lupa
Tataas ang presyo ng kahoy
Magdudulot ng pagbaha at pagkasira ng lupa
Magiging mas mabilis ang paglago ng ekonomiya
Ano ang mahusay na hakbang upang mapanatili ang sektor ng agrikultura sa bansa?
Pagpapababa ng presyo ng kagamitan sa agrikultura
Pagbibigay ng libreng edukasyon sa mga magsasaka
Pagtatanim ng iba’t ibang uri ng pananim
Lahat ng nabanggit
Isang komunidad ay patuloy na gumagamit ng lumang teknolohiya sa pagsasaka. Ano ang posibleng epekto nito sa kanilang ani?
Tataas ang kita ng mga magsasaka
Bababa ang kalidad at dami ng ani
Mas mapapadali ang pag-aani
Tataas ang demand para sa kanilang produkto
Ang isang lugar ay madalas makaranas ng El Niño na nagdudulot ng matinding tagtuyot. Ano ang pinakamahusay na hakbang upang maiwasan ang malaking pinsala sa sektor ng agrikultura?
Gumamit ng makabagong irigasyon at water management system
Maghintay ng susunod na tag-ulan bago magtanim
Magpalawak ng sakahan sa lugar na matutuyo
Magtanim ng pananim na nangangailangan ng maraming tubig
Sa isang bayan, patuloy ang pagdami ng komersyal na mangingisda na gumagamit ng malalaking lambat. Ano ang maaaring maging epekto nito sa lokal na yamang-dagat?
Mas maraming isda ang mahuhuli
Mas tataas ang kita ng mangingisda
Mapanganib ang pagkaubos ng yamang-dagat
Magiging sagana ang suplay ng isda sa merkado
Sa pagdami ng dayuhang produkto sa pamilihan, ano ang pinakamalaking epekto nito sa lokal na sektor ng agrikultura?
Magiging mas mataas ang kita ng lokal na magsasaka
Magkakaroon ng kakumpetensya ang lokal na produkto
Tataas ang demand sa lokal na ani
Mas dadami ang mga magsasakang Pilipino
Sa isang barangay, maraming magsasaka ang umaasa sa tradisyonal na pamamaraan ng pagsasaka. Ano ang posibleng solusyon upang mapabuti ang kanilang produksyon?
Magbigay ng libreng edukasyon sa modernong teknolohiya sa pagsasaka
Hikayatin ang magsasaka na magpalit ng kanilang pangunahing pananim
Magpataw ng buwis sa lumang pamamaraan ng pagsasaka
Palitan ang mga magsasaka ng mas bihasang magsasaka
Sa patuloy na pagtaas ng polusyon sa mga anyong tubig, ano ang pinakamainam na hakbang upang maprotektahan ang sektor ng pangingisda?
Magtayo ng mas maraming pabrika malapit sa ilog
Magpatupad ng mahigpit na batas laban sa polusyon
Hikayatin ang mga mangingisda na manghuli sa ibang lugar
Gumamit ng mas makabagong kagamitan sa pangingisda
Isang grupo ng mangingisda ay gumagamit ng dynamite fishing. Ano ang posibleng epekto nito sa yamang-dagat?
Mas maraming isda ang mahuhuli
Mapapabilis ang pag-ubos ng yamang-dagat
Tataas ang kita ng mangingisda
Magiging mas malusog ang yamang-dagat
