wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Grade3_SOCS_1stMX

Total questions: 38

Worksheet time: 19mins

Name
Class
Date
1.

Mula sa Bulacan, Bulacan. Kinilala siya bilang "Batang Heneral" noong Digmaang Pilipino-Amerikano. Nagpaiwan sa Tirad Pass para abangan ang mga sundalong Amerikanong tumutugis kay Heneral Emilio Aguinaldo subalit isang Pilipinong gabay ang nagtaksil.

a)

Marcelo H. Del pilar

b)

Isidoro Torres

c)

Trinidad Tecson

d)

Gregorio Del Pilar

e)

Mariano Llanera

2.

Mula sa Pototan, Iloilo. Siya ay isang gurong nagmula sa mayamang pamilya. Pinili niyang umanib sa himagsikan laban sa mga Espanyol.

a)

Graciano Lopez Jaena

b)

Teresa Magbanua

c)

Lapulapu

d)

Tamblot

e)

Francisco Dagohoy

3.

Isinilang sa Kibawe, Bukidnon at lumaki sa Lungsod ng General Santos. Isa siyang sikat na atletang kilala sa buong mundo dahil sa pagwawagi niya ng maraming titulo sa iba't ibang dibisyon ng boksing. Kilala siya bilang "Pambansang Kamao" ng Pilipinas.

a)

Carlos Yulo

b)

Hidilyn Diaz

c)

Manny Pacquiao

d)

Catriona Gray

e)

Lea Salonga

4.

Mula sa Badoc, Ilocos Norte. Siya ay nakababatang kapatid ni Juan Luna. Namuno siya sa hukbong laban sa puwersang Amerikano kaya naging mahirap sa kanila ang pagsakop sa mga lalawigang nasa hilaga ng Maynila.

a)

Diego Silang

b)

Gabriela Silang

c)

Juan Luna

d)

Antonio Luna

e)

Isabelo delos Santos

5.

Mula sa Mactan, Cebu. Hindi siya pumayag na magpasakop sa mga Espanyol. Ipinakita niya ang kanyang tapang at matibay na paninindigan nang pamunuan niya ang labanan sa Mactan kung saan napatay si Ferdinand Magellan.

a)

Graciano Lopez Jaena

b)

Teresa Magbanua

c)

Lapulapu

d)

Tamblot

e)

Francisco Dagohoy

6.

Taga Ilocos Sur. Kilala bilang "Joan of Arc" ng Ilocos. Kanyang pinamunuan ang pag-aalsang sinimulan ng napaslang na asawang si Diego Silang. Kinilala siya dahil sa kanyang katapangan.

a)

Diego Silang

b)

Gabriela Silang

c)

Juan Luna

d)

Antonio Luna

e)

Isabelo delos Santos

7.

Mula sa Mambulao, Camarines Norte. Siya ay bahagi ng Kilusang Propaganda. Sumulat din siya sa pahayagang La Solidaridad. Ang gamit niyang sagisag-panulat ay Jomapa at JMP. Isa siya sa malalapit na kaibigan ni Jose Rizal.

a)

Jose Rizal

b)

Emilio Aguinaldo

c)

Apolinario Mabini

d)

Jose Ma. Panganiban

e)

Wenceslao Quinito Vinzons-Vinzons

8.

Mula sa Vigan, Ilocos Sur. Ginamit niya ang kanyang husay sa pagsulat upang gisingin ang isipan ng mga Pilipino. Sa panahong iyon ay lubos ang pang-aapi ng mga Espanyol.

a)

Diego Silang

b)

Gabriela Silang

c)

Juan Luna

d)

Antonio Luna

e)

Isabelo delos Santos

9.

Mula sa Malolos, Bulacan. Kilalá siya sa tawag na "Matanglawin." Maraming beses siyang matapang na nakipaglaban sa puwersa ng mga Espanyol at Amerikano para sa kalayaan ng bansa.

a)

Marcelo H. Del pilar

b)

Isidoro Torres

c)

Trinidad Tecson

d)

Gregorio Del Pilar

e)

Mariano Llanera

10.

Mula sa Cavite. Siya ay pinarangalan bilang CNN Hero of the Year noong 2009. Dahil ito sa kanyang pagtuturo sa mga bata sa lansangan sa pamamagitan ng kanyang "Kariton Klasrum."

a)

Efren Peñaflorida Jr.

b)

Cris "Kesz" Valdez

c)

Sajid Bulig

d)

Muelmar "Toto" Magallanes

11.

Mula sa siyudad ng Maynila. Siya ay nagwawagi ng dalawang gintong medalya sa Paris Olympics noong 2024 (Men's Floor Exercise at Men's Vault Final)skong Fu fighting

a)

Carlos Yulo

b)

Hidilyn Diaz

c)

Manny Pacquiao

d)

Catriona Gray

e)

Lea Salonga

12.

Mula sa lungsod ng Caloocan. Matanda na siya nang sumiklab ang himagsikan. Sa kabila nito, tumulong at nag-alaga pa rin siya sa mga sugatan at may sakit na Katipunero. Ipinagamit niya rin ang kanyang bahay para mapagtaugan at maging pahingahan ng mga Katipunero at ng iba pang nangangailangan.

a)

Andres Bonifacio

b)

Gregoria De Jesus

c)

Emilio Jacinto

d)

Melchora "Tandang Sora" Aquino

13.

Mula sa Marawi, Lanao del Sur. Siya ay kilala bilang si Datu Akadir, isang matapang na mandirigmang Mëranaw. Buong tapang niyang pinamunuan ang pagtatanggol sa Kota Marahui o Marawi laban sa 5,000 sundalong ipinadala ng mga Espanyol upang sila ay lusubin. Kilala ngayon ang Kota Marahui bilang Camp Amai Pakpak.

a)

Muhammad Dipatuan Kudarat

b)

Amai Pakpak

c)

Efren Penaflorida

14.

Mula sa Calamba, Laguna. Siya ay isa sa mga kinikilalang pambansang bayani ng Pilipinas. Ginamit niya ang kanyang panulat upang ipaglaban ang kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya. Siya ang sumulat ng dalawang kilalang aklat, ang Noli Me Tangere at ang El Filibusterismo.

a)

Jose Rizal

b)

Emilio Aguinaldo

c)

Apolinario Mabini

d)

Jose Ma. Panganiban

e)

Wenceslao Quinito Vinzons-Vinzons

15.

Mula sa Cavite. Siya ay isang dating batang lansangan. Nagwagi siya ng 2012 International Children's Peace Prize mula sa Kids Rights Foundation sa edad na 13. Tumulong siya sa mahihirap na kabataan sa pamamagitan ng itinatag niyang foundation na "Championing Community Children."

a)

Efren Peñaflorida Jr.

b)

Cris "Kesz" Valdez

c)

Sajid Bulig

d)

Muelmar "Toto" Magallanes

16.

Mula sa Sagay, Negros Occidental. Sampung taong gulang siya nang iligtas niya ang limang nakababatang kapatid sa nasusunog nilang bahay. Kahit nasusunog na ang kanyang buhok at likod, pinilit pa rin niyang ilabas ang mga kapatid.

a)

Rona Mahilum

b)

Chrisanta Seboc

c)

Aris Canoy Espinosa

d)

Ronnie Cabamungan

17.

Mula sa Kawit, Cavite. Ang heneral na nagpapahayag ng kalayaan ng ating bansa mula sa Espanya sa balkonahe ng kanyang tahanan. Siya ang kinikilalang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas.

a)

Jose Rizal

b)

Emilio Aguinaldo

c)

Apolinario Mabini

d)

Jose Ma. Panganiban

e)

Wenceslao Quinito Vinzons-Vinzons

18.

Mula sa Lanao Del Norte. Siya ay 13 taong gulang lamang nang iligtas niya. Dinapaan niya ang isang granada upang maligtas ang mga batang kalaro.

a)

Rona Mahilum

b)

Chrisanta Seboc

c)

Aris Canoy Espinosa

d)

Ronnie Cabamungan

19.

Isinilang sa Aringay, La Union at nanirahan sa Lalawigan ng Ilocos Sur. Namuno siya sa kilusang laban sa mga Espanyol. Subalit, pinatay siya ng mga taksil na kaibigan.

a)

Diego Silang

b)

Gabriela Silang

c)

Juan Luna

d)

Antonio Luna

e)

Isabelo delos Santos

20.

Mula sa San Miguel, Bulacan. Kilala siya bilang "Ina ng Biak-na-Bato" dahil sa ipinakita niyang tapang at pagmamahal sa bayan nang sumanib siya sa Katipunan at nakipaglaban sa mga Espanyol kasabay ng mga lalaking Katipunero. Tumulong din siya sa paggamot sa mga sugatang sundalo. Isa siya sa mga unang babaeng nagpakita ng lakas at nagtagngol sa kalayaan ng bansa.

a)

Marcelo H. Del Pilar

b)

Isidoro Torres

c)

Trinidad Tecson

d)

Gregorio Del Pilar

e)

Mariano Llanera

21.

Mula sa Vigan, Ilocos Sur. Ginamit niya ang kanyang husay sa pagsulat upang gisingin ang isipan ng mga Pilipino. Sa panahong iyon ay lubos ang pang-aapi ng mga Espanyol.

a)

Diego Silang

b)

Gabriela Silang

c)

Juan Luna

d)

Antonio Luna

e)

Isabelo delos Santos

22.

Taga Tondo, Maynila. Siya ang nagtatag at namuno sa Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK. Ito ay isang lihim na samahang laban sa mga Espanyol.

a)

Andres Bonifacio

b)

Gregoria De Jesus

c)

Emilio Jacinto

d)

Melchora "Tandang Sora" Aquino

23.

Mula sa Badoc, Ilocos Norte. Kilala siya bilang isa sa mga dakilang Pilipinong alagad ng sining. Isa sa kanyang mga likha ang Spoliarium. Siya ay bahagi rin ng kilusang laban sa mga Espanyol.

a)

Diego Silang

b)

Gabriela Silang

c)

Juan Luna

d)

Antonio Luna

e)

Isabelo delos Santos

24.

Mula sa Cabiao, Nueva Ecija. Siya ay pinuno ng mga Katipunero sa Gitnang Luzon. Nakilala sa matapang na pakikipaglaban sa mga Espanyol sa mga lalawigan ng Bulacan, Tarlac, Pampanga, at Nueva Ecija.

a)

Marcelo H. Del Pilar

b)

Isidoro Torres

c)

Trinidad Tecson

d)

Gregorio Del Pilar

e)

Mariano Llanera

25.

Mula sa Bohol. Siya ang namuno sa pinakamahabang pag-aalsa laban sa mga Espanyol sa kasaysayan ng Pilipinas. Tumagal ito ng halos 85 na taon. Nagsimula ito nang tumanggi ang isang paring bigyan ng pagbabasbas ng simbahan ang kanyang yumaong kapatid bago ito ilibing.

a)

Graciano Lopez Jaena

b)

Teresa Magbanua

c)

Lapulapu

d)

Tamblot

e)

Francisco Dagohoy

26.

Mula sa Maguindanao. Siya ay kilalá sa tawag na Sultan Kudarat. Siya ay mahusay, matalino, at matapang na sultan. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, napagkaisa niya ang mga pinunò sa Mindanao kaya hindi naging matagumpay ang mga Espanyol na lubusang masakop ang kanilang teritoryo.

a)

Muhammad Dipatuan Kudarat

b)

Amai Pakpak

c)

Efren Penaflorida

27.

Mula sa Jaro, Iloilo. Siya ay isang mamamahayag, rebolusyonaryo, at propagandista. Siya ang naging unang patnugot ng La Solidaridad.

a)

Graciano Lopez Jaena

b)

Teresa Magbanua

c)

Lapulapu

d)

Tamblot

e)

Francisco Dagohoy

28.

Taga lungsod ng Caloocan. Siya ang tinaguriang "Lakambini ng Katipunan." Naging bahagi siya ng himagsikan at kasamang nagsulong ng pag-aalsa. Siya ay ang asawa ni Andres Bonifacio.

a)

Andres Bonifacio

b)

Gregoria De Jesus

c)

Emilio Jacinto

d)

Melchora "Tandang Sora" Aquino

29.

Mula sa Tanauan, Batangas. Siya ay ang tinaguriang "Dakilang Lumpo" at "Utak ng Himagsikan." Napatunayan niyang hindi hadlang ang kapansanan sa pagsisilbi sa kapwa at sa bayan.

a)

Jose Rizal

b)

Emilio Aguinaldo

c)

Apolinario Mabini

d)

Jose Ma. Panganiban

e)

Wenceslao Quinito Vinzons-Vinzons

30.

Mula sa Bocaue, Bulacan. Siya ay batang 12 taong gulang na nakapagliligtas ng mga nalunod sa lumubog na pagoda sa Pista ng Bocaue, Bulacan. Sa huli, ikinalunod niya ang pabalik-balik na pagsagip ng mga tao.

a)

Efren Peñaflorida Jr.

b)

Cris "Kesz" Valdez

c)

Sajid Bulig

d)

Muelmar "Toto" Magallanes

31.

Mula sa Camarines Norte. Siya ang pinakabatang delegado sa 1935 Constitutional Convention sa edad na 24.

a)

Jose Rizal

b)

Emilio Aguinaldo

c)

Apolinario Mabini

d)

Jose Ma. Panganiban

e)

Wenceslao Quinito Vinzons-Vinzons

32.

Mula sa Bagong Silangan, Quezon City. Isa siyang 18 taong gulang na manggagawa sa konstruksyon. Tinulungan niya ang nasa 30 kapitbahay upang makaligtas sa rumaragasang tubig-baha dulot ng Bagyong Ondoy, ang sakuna noong Setyembre 26, 2009. Sa huli, siya ay nalunod at namatay dahil sa labis na kapaguran sa pagsagip ng mga kapitbahay.

a)

Efren Peñaflorida Jr.

b)

Cris "Kesz" Valdez

c)

Sajid Bulig

d)

Muelmar "Toto" Magallanes

33.

Isinilang siya sa Cairns, Queensland, Australia sa ama na isang Scottish at sa ina na mula sa Oas, Albay, Bicol. Siya ang nanalo bilang Miss Universe 2018. Kilala siya sa iba't iba niyang makabuluhang adbokasiya na may layuning makatulong sa ibang tao.

a)

Carlos Yulo

b)

Hidilyn Diaz

c)

Manny Pacquiao

d)

Catriona Gray

e)

Lea Salonga

34.

Mula sa Jordan, Guimaras. Siya ay apat na taong gulang lamang nang iligtas niya ang kanyang mga kapatid mula sa nasusunog nilang bahay.

a)

Rona Mahilum

b)

Chrisanta Seboc

c)

Aris Canoy Espinosa

d)

Ronnie Cabamungan

35.

Mula sa lungsod ng Zamboanga. Siya ay isang weightlifter na nagwagi ng kauna-unahang gintong medalya para sa Pilipinas sa ginanap na Tokyo Olympics noong 2021.

a)

Carlos Yulo

b)

Hidilyn Diaz

c)

Manny Pacquiao

d)

Catriona Gray

e)

Lea Salonga

36.

Mula sa lungsod ng Maynila. Sumanib siya sa Katipunan sa edad na 20. Naging malapit siya na tagapayo at kalihim ni Andres Bonifacio.

a)

Andres Bonifacio

b)

Gregoria De Jesus

c)

Emilio Jacinto

d)

Melchora "Tandang Sora" Aquino

37.

Mula sa Pikit, Cotabato. Siya ay batang naging saksi sa isang krimeng ginawa sa isang bata. Buong tapang siyang tumestigo sa kabila ng mga pananakot at banta sa kanyang buhay.

a)

Rona Mahilum

b)

Chrisanta Seboc

c)

Aris Canoy Espinosa

d)

Ronnie Cabamungan

38.

Mula sa Kupang, Bulacan. Siya ang nagtatag sa makabayang pahayagang Diariong Tagalog. Siya ay naging patnugot ng La Solidaridad. Ito ay isa sa mga pahayagan ng kilusang propaganda. Aktibo itong nagsulong ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya.

a)

Marcelo H. Del Pilar

b)

Isidoro Torres

c)

Trinidad Tecson

d)

Gregorio Del Pilar

e)

Mariano Llanera