Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

LET MAJORSHIP 2025

Total questions: 150

Worksheet time: 32mins

Name
Class
Date
1.

Itinulak ng bata ang mesa. Anong teorya ng wika ito?

a)

Bow wow

b)

Ding dong

c)

Yo-he-ho

d)

Pooh pooh

2.

Ito ay ang tunog na ginaya o nagmula sa kalikasan.

a)

Bow Wow

b)

Ding dong

c)

Yo-he-ho

d)

Pooh pooh

3.

Ang iyak ng sanggol ay mula sa anong teorya?

a)

Bow wow

b)

Tata

c)

Lala

d)

Coo Coo

4.

Teorya ng wika na ginagamitan ng pagkumpas ng kamay.

a)

Tata

b)

Lala

c)

Tarara boom de ay

d)

Pooh pooh

5.

Naniniwala na ang wika ay nabuo ayon sa galaw ng dila.

a)

Tata

b)

Yum Yum

c)

Lala

d)

Coo Coo

6.

Teorya ng wika na nagsasabi na ang wika ay bunga ng masisidhing damdamin.

a)

Bow Wow

b)

Ding Dong

c)

Pooh Pooh

d)

Yo-he-ho

7.

Teorya ng wika na nagsasabi na ang wika ay bunga ng naibubulalas sa pamamagitan ng puwersang pisikal.

a)

Yum Yum

b)

Pooh Pooh

c)

Yo-he-ho

d)

Ding Dong

8.

Ito ang angkang pinagmulan ng mga wika sa Pilipinas.

a)

Astronesyo

b)

Malayo Polinesyo

c)

Indones

d)

Malay

9.

Alin ang nagpapakita ng wastong pagkakasunud-sunod ng mga pagbabagong naganap sa alpabetong Filipino?

a)

Alibata> abakada> alpabetong Filipino

b)

Alibata> abecedario>abakada> alpabeto

c)

Alibata> alpabeto> abakadang Filipino

d)

Alibata> abakada>abecedario > alpabeto

10.

Ang bagong alpabetong Filipino ay gumagamit ng bigkas o ispeling na?

a)

Bisaya

b)

Ingles

c)

Kastila

d)

Tagalog

11.

Ilan ang letra ng bagong alpabeto?

a)

20

b)

21

c)

28

d)

31

12.

Bilang ng hiram na titik sa alpabetong Filipino.

a)

6

b)

7

c)

8

d)

9

13.

Ponema ang tawag sa makabuluhang tunog ng wika. Ilan ang ponema ng Filipino?

a)

31

b)

21

c)

26

d)

28

14.

Ito ang wikang ginagamit na midyum sa pagtuturo at komunikasyon noong panahon ng Amerikano.

a)

Tagalog

b)

Ingles

c)

Niponggo

d)

Kastila

15.

Ang Batas Komonwelt Blg. 184 na pinagtibay ng Kongreso ay nagtatag ng isang.

a)

Lupon ng mga tagasuri sa Wika ng Pilipinas

b)

Komisyon sa mga Wika sa Pilipinas

c)

Surian ng Wikang Pambansa

d)

Pangkat ng mga Iskolar sa Wika ng Pilipinas

16.

Ang unang director at tagapagtatag ng wikang pambansa. Sa kanyang panunungkulan, pinag-aralan ang mga wika sa Pilipinas upang piliin ang isa sa mga ito na magiging batayan ng wikang pambansa. Napili ang Tagalog at naghanda ng gramatika at bokabularyo ng nasabing wika na inilathala noong 1940.

a)

Jaime C. De Veyra

b)

Cecilio Lopez

c)

Lope K. Santos

d)

Ponciano B.P. Pineda

17.

Siya ang kasalukuyang punong komisyuner ng Komisyon sa Wikang Filipino.

a)

Virgilio Almario

b)

Purificacion Delima

c)

Jerry Gracio

d)

Orlando Magno

18.

Kailan ipinahayag ni Pangulong Manuel Quezon na Tagalog ang magiging batayan ng Wikang Pambansa?

a)

1935

b)

1936

c)

1937

d)

1940

19.

Ayon sa pagtatakda ng batas, ipinag-utos ang paggamit ng Filipino sa mga sumusunod maliban sa;

a)

Pambansang sentro ng media

b)

Sertipiko at Diploma

c)

Letterhead ng mga kagawaran/tanggapan ng pamahalaan

d)

Gusali, edipisyo, tanggapan ng pamahalaan

20.

Ilang Yunits sa Filipino ang kailangang kunin bago makapagtapos sa kolehiyo noong 1978?

a)

6

b)

8

c)

9

d)

12

21.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit Tagalog ang napiling batayan ng kauna-unahang pambansang wika ng Pilipinas?

a)

Dahil sa taglay nitong pagkadaynamiko at yaman sa talasalitaan

b)

Dahil sa ito ang ginagamit ng mga nakabase sa sentro ng kabihasnan ng Pilipinas

c)

Dahil ito ang may pinakamaunlad na kaayusan sa istruktural na bahagi ng pananalita

d)

Dahil sa ito ay tinatanggap at ginagamit ng mas nakararaming Pilipino

22.

Unang yugto ng pagkatuto ng wika na nabubuo sa malikhaing tunog na bunga ng vocalizing, cooing, guggling at bubbling ng mga bata.

a)

Unitary

b)

Kamalayang Istruktural

c)

Otomatik

d)

Pasumala

23.

Sa yugtong ito ng pagkatuto ng wika ay nakabubuo ng paglalahat at kaayusan sa pagsasalita.

a)

Ekspansyon at De Limitasyon

b)

Unitary

c)

Otomatik

d)

Kamalayang Istuktural

24.

Ang kaibigan mo ay dumating galing Amerika upang pansamantalang manirahan sa inyong tahanan. Bilang kaibigan, ipinamalas mo sa kanya ang iyong kinagisnang kultura kaalinsabay ng wikang iyong ginagamit. Ito ay malinaw na pagpapakita ng prosesong.

a)

Enkulturasyon

b)

Kulturasyon

c)

Akulturasyon

d)

Kulturarisasyon

25.

Dito inilalarawan ang bahagi ng bibig na gaganapan ng saglit na pagpigil, pag-abala sa papalabas na pagbigkas ng isang katinig.

a)

Konsepto ng artikulasyon

b)

Lalim ng Artikulasyon

c)

Paraan ng Artikulasyon

d)

Punto ng Artikulasyon

26.

Ito ay ang proseso kung papaanong gumagana ang ginagamit na mga sangkap sa pagsasalita at kung paanong ang hinihinga ay lumalabas sa bibig o sa ilong sa pagbigkas ng alinman sa mga ponemang katinig.

a)

Konsepto ng Artikulasyon

b)

Lalim ng Artikulasyon

c)

Paraan ng Artikulasyon

d)

Punto ng Artikulasyon

27.

Ano ang tungkulin ng wika sa pahayag na: Ikaw ba ang dahilan ng lahat ng ito?

a)

Pagkuha ng impormasyon

b)

Pagbati

c)

Pagkontrol sa gawi ng iba

d)

Pakikipagkapwa

28.

Kaligayahan ko ang matulungan kayo. Anong tungkulin ito ng komunikasyon?

a)

Pagkuha ng impormasyon

b)

Pagbati

c)

Pagbabahagi ng damdamin

d)

Pakikipagkapwa

29.

Ikinalulungkot ko ang mga pangyayari.

a)

Pagsagot

b)

Panghula

c)

Pagtatanong

d)

Paghingi ng paumanhin

30.

Ayokong magtapon ng basura kahit saan.

a)

Pakiusap

b)

Pagmumungkahi

c)

Babala

d)

Pagtanggi

31.

Kakikitaan ang nagsasalita ng malawak na kaalaman patungkol sa paksang kanyang tinatalakay.

a)

Pathos

b)

Ethos

c)

Logos

d)

Informativ

32.

Ang manunulat ay nanghihikayat sa pamamagitan ng pagkuha ng simpatya o pagpapadama ng emosyong nais iparamdam sa mambabasa.

a)

Pathos

b)

Ethical

c)

Logos

d)

Ethos

33.

Anong bahagi ng pag-aaral ng wika pinag-aaralan ang kayarian ng panag-uri at ng paksa?

a)

Sintaksis

b)

Semantika

c)

Morpolohiya

d)

Ponolohiya

34.

Ito ang katawagan sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga ponema.

a)

Ponolohiya

b)

Semantika

c)

Morpolohiya

d)

Sintaksis

35.

Paraan ng pagsusuri kung paano mapag-uugnay ang mga salita para sa isang wastong pahayag.

a)

Pragmatiks

b)

Morpolohiya

c)

Semantiks

d)

Sintaks

36.

Aling bahagi ng dila ang gumagana sa pagbigkas ng titik “i”?

a)

Harap

b)

Sentral

c)

Likod

d)

Lalim

37.

Ang tono, diin at antala ay mga halimbawa ng.

a)

Morpemang Segmental

b)

Ponemang Suprasegmental

c)

Morpemang Suprasegmental

d)

Ponemang Segmental

38.

Tawag sa pinakamaliit na yunit ng salita na may kahulugan.

a)

Ponema

b)

Tunog

c)

Sintaks

d)

Morpema

39.

Tumutukoy sa mga tunog na ginagamitan ng mga katumbas na letra upang mabasa at mabigkas.

a)

Ponolohiya

b)

Ponemang segmental

c)

Ponemang suprasegmental

d)

Ponemang malayang nagpapalitan

40.

Anong suprasegmental ang ginamit sa pahayag na “Hindi, itim ang suot ko.”

a)

Tono

b)

Diin

c)

Antala

d)

Haba

41.

Ano ang tawag sa mga salitang nakapag-iisa at may taglay ng kahulugan?

a)

Morpemang leksikal

b)

Malayang morpema

c)

Di malayang morpema

d)

Morpemang pangkayarian

42.

Anong panlapi ang nangangahulugang marami?

a)

ipa

b)

ma

c)

pala

d)

maka

43.

Alin sa mga sumusunod na salita ang naiiba?

a)

Kalabaw

b)

Estudyante

c)

Tandang

d)

Kapatid

44.

Alin sa mga sumusunod ang hindi basal?

a)

Kabutihan

b)

Kapayapaan

c)

Bundok

d)

Kagandahan

45.

Alin ang may tamang baybay ng salita?

a)

Paru-paro

b)

Ala-ala

c)

Guniguni

d)

Iba’t-iba

46.

WALONG mangga ang ibinigay niya sa akin. Anong uri ng pamilang ang nasa malaking titik?

a)

Patakaran

b)

Patakda

c)

Pamahagi

d)

Panunuran

47.

Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang isang salita kapag ito’y naging bahagi na ng.

a)

Talata

b)

Pangungusap

c)

Saknong

d)

Sanaysay

48.

Alin sa mga sumusunod ang may diptonggo?

a)

Krayola

b)

Musika

c)

Dyip

d)

Bleyd

49.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng pares-minimal maliban sa isa.

a)

Mesa-misa

b)

Poliika-pulitika

c)

Tasa-pasa

d)

Lapit-kapit

50.

Anong pagbabagong morpoponemiko ang ginamit sa mga sumusunod na salita: NIYAYA, NILINIS, NILIPAD?

a)

Pagpapalit ng ponema

b)

Asimilasyon

c)

Pagkakaltas ng Ponema

d)

Metatesis

51.

Anong pagbabagong morpoponemiko ang naganap sa salitang bakudan?

a)

Metatesis

b)

Pagpapalit diin

c)

Pagpapalit ponema

d)

Pagkakaltas ng ponema

52.

Ano ang pagbabagong morpoponemiko ang naganap sa mga salitang nasa malaking titik? Nasa mesa ang mga kagamitan na PANAHI at PANLINIS.

a)

Metatesis

b)

Pagkakaltas

c)

Asimilasyon

d)

Pagpapalit ng ponema

53.

Ang salitang pamalo ay dumaan sa anong pagbabagong morpoponemiko?

a)

Asimilasyong di ganap

b)

Asimilasyong ganap

c)

Pagkakaltas ng ponema

d)

Pagpapalit ponema

54.

Anong pagbabagong morpoponemiko ang naganap sa salitang pinagsarhan?

a)

Pagpapalit ng ponema

b)

Pagpapalit diin

c)

Pagkakaltas ng ponema

d)

Metatesis

55.

Tukuyin ang pangatnig sa pangungusap na: Tutuloy ako sa kabilang nayon kahit umulan ng malakas.

a)

Malakas

b)

Kahit

c)

Kabilang

d)

Umulan

56.

TILA hindi mangyayari ang napag-usapan. Nasa anong uri ng pang-abay ang nasa malaking titik?

a)

Pang-abay na Panlunan

b)

Pang-abay na Pananggi

c)

Pang-abay na Pamanahon

d)

Pang-abay na Pang-agam

57.

Tumutukoy ito sa kalagayang pangkalikasan.

a)

Penominal

b)

Temporal

c)

Eksistensyal

d)

Sambitla

58.

Anong uri ng pangungusap na walang paksa ang “Maraming salamat po”?

a)

Eksistensyal

b)

Pormulasyong Panlipunan

c)

Sambitla

d)

Pahanga

59.

“Mayroon bang pag-asa na umunlad pa?”. Anong uri ng pangungusap na walang paksa ito?

a)

Modal

b)

Eksistensyal

c)

Pamanahon

d)

Temporal

60.

“Umuulan ngayon” Anong uri ng pangungusap ito?

a)

Walang pandiwa

b)

Walang paksa

c)

May paksa

d)

May panag-uri

61.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang walang paksa?

a)

Agosto na talaga

b)

Dumating ka sana sa oras

c)

Mag-aawitan ang mga nasa loob ng simbahan

d)

Ibinigay ko na ang para sa iyo

62.

Nakipagkita sa palaruan ng barangay si Maria. Nasa anong ayos ito ng pangungusap?

a)

Karaniwang ayos

b)

Di karaniwang ayos

c)

Pormal

d)

Simuno-panag-uri

63.

Ito ay ginagamit kasunod ang lupon ng mga salita

a)

Tuldokuwit

b)

Kuwit

c)

Tutuldok

d)

Tuldok

64.

Ginagamit ito sa pagsulat ng hatimbilang na pasalita.

a)

Iwa

b)

Tutuldok

c)

Tuldukuwit

d)

Gitling

65.

Paghahatid ng mensahe sa pamamagitan ng paghawak.

a)

Chronemics

b)

Kinesis

c)

Haptics

d)

Optics

66.

Sino ang ama ng balarilang Filipino?

a)

Manuel Quezon

b)

Jose Corazon de Jesus

c)

Francisco Baltazar

d)

Lope K. Santos

67.

Tukuyin ang antas ng wika ang salitang : SITAK

a)

Pabalbal

b)

Lalawiganin

c)

Pampanitikan

d)

Pambansa

68.

Ano ang antas ng wika ng: ano ba, ayoko?

a)

Pabalbal

b)

Pampanitikan

c)

Kolokyal

d)

Pambansa

69.

Salitang Ivatan na nangangahulugang pantakip sa ulo na yari sa damo.

a)

Vulan

b)

Vakul

c)

Vuyu

d)

Feyu

70.

Anong wika ang ginagamit ng pamilya sa loob ng tahanan?

a)

Dayalekto

b)

Lalawiganin

c)

Ekolek

d)

Etnolek

71.

Kung ang Ingles ang gamitin sa daigdig ngayon, ano naman ang wikang gamitin sa mundo ng panahon ng Kastila?

a)

Kastila

b)

Tagalog

c)

Griyego

d)

Latin

72.

Manunulat na may-akda ng mga sumusunod: Dekada ’70, Gapo at Bata, Bata, Pa’no ka Ginawa?

a)

Genoveva Edroza Matute

b)

Lualhati Bautista

c)

Liwayway Arceo

d)

Modesto De Castro

73.

Sino ang kauna-unahang nagsalin ng akdang Mi Ultimo Adios sa Tagalog ni Dr. Jose P.Rizal?

a)

Andres Bonifacio

b)

Emilio Aguinaldo

c)

Antonio de Borja

d)

A

74.

Siya ang sumulat ng kauna-unahang nobelang Pilipino sa wikang Ingles “A Child of Sorrow”.

a)

N.V.M. Gonzales

b)

Zoilo Galang

c)

Jorge Bacobo

d)

Zulueta de Costa

75.

Ang bumuo ng pinakamahalagang aklat gramatika na Artes y Reglas de la Lengua Tagala.

a)

P. Blancas de San Jose

b)

P. Gaspar de Belen

c)

P. Totanes

d)

P. Gaspar de San Agustin

76.

Sanaysay na isinulat ni Marcelo H. Del Pilar na patuligsa sa mga prayle ngunit may pag-ibig sa kalikasan.

a)

Caiingat Cayo

b)

Cadaquilaan ng Dios

c)

Dasalan Tocsohan

d)

Ang Tunay na Sampung Utos

77.

Ang katawagan ng kalipunang binuo ni Abadilla mula sa mga tula nina Joseng sisiw at Balagtas.

a)

Talaang Bughaw

b)

Parolang Ginto

c)

Ako ang Daigdig

d)

Parnasong Tagalog

78.

Siya ang unang bumuo ng titik ngating pambansang awit na may pamagat na Himno Nacional Filipina noong panahon ng himagsikan.

a)

Julian Felipe

b)

Andres Bonifacio

c)

Graciano Lopez Jaena

d)

Jose Palma

79.

Ang kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas.

a)

Nuestra Seniora del Rosario

b)

Doctrina Christiana

c)

Barlaan at Josaphat

d)

Urbana at Felisa

80.

Kauna-unahang nobelang isinulat ng isang Pilipino sa wikang Kastila sa panulat ni Padre Pedro Paterno.

a)

Elias

b)

Bunga ng Kasalanan

c)

Ninay

d)

Barlaan at Josaphat

81.

Ang saknong na “Ang hindi magmahal sa sariling wika, Mahigit sa hayop at malansang isda.” Ito ay hango sa anong tula ni Dr. Jose Rizal?

a)

Sa kabataang Pilipino

b)

Huling Paalam

c)

Kundiman

d)

Sa Aking Kababata

82.

Ang Doktrina Kristyana ang kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Ano naman ang pangalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas?

a)

Nuestra Senora del Rosario

b)

Urbana at Felisa

c)

Barlaan at Josaphat

d)

Vocabulario de la Lengua Tagala

83.

Sa aling dula nailalarawan ni Francisco Rodrigo ang isang pamilyang may libangang impluwensya ng mga sinundang mga panahon?

a)

Walang Sugat

b)

Sa Pula, Sa Puti

c)

Dalagang Bukid

d)

Tanikalang Ginto

84.

Itinuturing na gintong panahon ng panitikan.

a)

Amerikano

b)

Kastila

c)

Hapon

d)

Himagsikan

85.

Sa anong panahon madalas maging paksa ng mga manunulat ay ang pamumuhay sa lalawigan?

a)

Kastila

b)

Amerikano

c)

Hapon

d)

Himagsikan

86.

Siya ang ama ng maikling kuwento.

a)

Jose Garcia Villa

b)

Alejandro Abadilla

c)

Deogracias Rosario

d)

Lope K. Santos

87.

Tinaguriang Huseng Sisiw at guro ni Balagtas.

a)

Jose Corazon De Jesus

b)

Jose Dela Cruz

c)

Juan Dela Cruz

d)

Felipe de Jesus

88.

Siya ang kauna-unahang itinanghal na Hari ng Balagtasan noong panahon ng mga Amerikano.

a)

Florentino Collantes

b)

Francisco Balagtas

c)

Idelfonso Santos

d)

Jose Corazon De Jesus

89.

Sumulat ng kwentong naglalaman ng totoong pangyayari sa buhay si Jose na kinapupulutan ng aral. Anong uri ng akda ang kanyang ginawa?

a)

Sanaysay

b)

Maikling Kuwento

c)

Parabula

d)

Anekdota

90.

Mula sa “Kung ano ang bukambibig siyang laman ng dibdib.” Ito ay isang uri ng:

a)

Tugmaan

b)

Tula

c)

Salawikain

d)

Kasabihan

91.

Akdang Pampanitikan na ginagamitan ng paraang sulatan o palitan ng liham.

a)

Deus ex-machina

b)

Epigraph

c)

Epistolaryo

d)

Epiloque

92.

Nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan sapagkat nauukol sa mga kababalaghan.

a)

Korido

b)

Alamat

c)

Awit

d)

Epiko

93.

Uri ng tulang liriko na may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na batiran ng likas na pagkatao na naghahatid ng aral sa mambabasa.

a)

Awiting bayan

b)

Oda

c)

Balad

d)

Soneto

94.

Dulang sumikat nang humina ang Zarzuela sa Pilipinas.

a)

Bodabil

b)

Duplo

c)

Karagatan

d)

Moro-moro

95.

Isang kuwentong hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban at kalipunan ng iba’t ibang paniniwala sa mga Diyos at Diyosa.

a)

Alamat

b)

Epiko

c)

Mito

d)

Parabula

96.

Awiting bayan na ginagamit sa pagpapatulog ng bata.

a)

Imno

b)

Oyayi

c)

Dung-ao

d)

Soliranin

97.

Ito ay tulang pasalaysay na panrelihiyon na nagsasaad ng buhay, paghihirap at pagkamatay sa krus ni Jesucristo.

a)

Cenakulo

b)

Tibag

c)

Parabula

d)

Pasyon

98.

Ito ay mga butil ng karunungan hango sa karanasan ng mga matatanda at kinapapalooban ng mga paalala tungkol sa batas ng mga kaugalian.

a)

Awit

b)

Salawikain

c)

Kasabihan

d)

Talinghaga

99.

Ano ang tulang liriko na pumupuri sa mga pambihirang nagawa ng isang tao at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig?

a)

Elehiya

b)

Oda

c)

Soneto

d)

Awit

100.

Limang bibig ang kanyang pinapakain. Anong uri ng tayutay ang ginamit?

a)

Pagtutulad

b)

Pagmamalabis

c)

Pagpapalit-saklaw

d)

Pagpapalit-tawag

101.

Sumasayaw ang mga puno kasabay ng pag-ihip ng hangin.

a)

Paglilipat wika

b)

Pagpapalit tawag

c)

Pagsasatao

d)

Pagwawangis

102.

Tulad niya ay isang anghel na umaawit ng mabining awitin.

a)

Pagwawangis

b)

Pagpapalit tawag

c)

Pagtutulad

d)

Pagsasatao

103.

Anong kagamitang retorikal ang ginamit sa saknong na: Dahil ikaw lang ang aking minamahal Dahil ikaw lang sa twina aking ipinagdarasal Dahil ikaw lang ang siyang dahilan Dahil ikaw lang ang aking pag-aalayan

a)

Anapora

b)

Epipora

c)

Anadiplosis

d)

Aliterasyon

104.

Anong kagamitang retorikal ang ginamit sa saknong na nasa ibaba? Ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino Ang naninirahan dito ay mga Pilipino Filipino ang wika ng mga Pilipino

a)

Anapora

b)

Katapora

c)

Epipora

d)

Anadiplosis

105.

Sa pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles, upang hindi maging pangit sa pandinig ang tahasang pahayag sa Ingles, ito ay ginagamitan ng:

a)

Tayutay

b)

Pahiwatig

c)

Eupimismo

d)

Simbolismo

106.

Huwag makisama kay Zoilo dahil isa siyang buwaya. Ang salitang buwaya ay ginamit bilang?

a)

Konotasyon

b)

Denotasyon

c)

Literal

d)

Idyomatiko

107.

Pia brought down the house. Pia rocked the stage. Anong uri ito ng pagsasalin?

a)

Idyomatiko

b)

Literal

c)

Adaptasyon

d)

Malaya

108.

Sa mga salitang hiram sa Ingles sa Kastila, ang tamang pagbaybay sa Filipino ay:

a)

Education

b)

Educacion

c)

Educasion

d)

Edukasyon

109.

Ang wastong salin ng salitang “Barbershop” ay.

a)

Barbershop

b)

Barbershap

c)

Barbersyap

d)

Barbersiyap

110.

Ang idyomang “Make a mountain out of molehill” ay nangangahulugang:

a)

Balewalain ang isang problema

b)

Gawing bundok ang isang burol

c)

Palaguin ang puhunan

d)

Palakihin ang maliit na problema

111.

Bakit ayaw mong ILIBING SA LIMOT ang malungkot na pangyayari sa buhay. Ano ang kahulugan ng nasa malalaking titik?

a)

Pabayaan

b)

Pakialaman

c)

Sariwain

d)

Kalimutan

112.

Ano ang tamang salin ng “Bring home the Bacon?”

a)

Mag-uwi ng bacon

b)

Dalhin ang bacon

c)

Magdala sa bahay ng bacon

d)

Mag-uwi ng panalo

113.

Sa iyong pakikinig, pinipili mo ang mga mahahalagang impormasyon sa mga sinasabi ng nagsasalita. Anong uri ka ng tagapakinig?

a)

Mapanuri

b)

Pasibo

c)

Kombatib

d)

Kompetitib

114.

Natutukoy mo ang mga maling pahayag sa inilalahad ng nagsasalita. Anong uri ka ng tagapakinig?

a)

Mapanuri

b)

Pasibo

c)

Kombatib

d)

Kompetitib

115.

Bawat mag-aaral ay hikayating magtala ng mga ideya na kaugnay sa paksa hanggang sa makabuo siya ng mahabang talaan. Ito ay pagtitiyak na hindi mawaglit ang lahat ng ideya na nasa kanilang isipan at alaala habang naglalahad ng iba pang ideya.

a)

Brainstorming

b)

Pagtatala

c)

Mapping at Webbing

d)

Paggamit ng simile at metapora

116.

Ito ang nagbibigay diin ng opinyon tungkol sa isang napapanahong isyu sa pamamagitan ng larawan.

a)

Larawan sa huling pahina

b)

Ilustrasyon

c)

Kartong Pang-editoryal

d)

Larawan sa pangmukhang pahina

117.

Ang editoryal ay opinyon ng.

a)

Editor

b)

Patnugutan

c)

Taumbayan

d)

Mambabasa

118.

Nagsisilbing tinig ng pahayagan.

a)

Editoryal

b)

Balita

c)

Tanging Lathalain

d)

Masthead

119.

Ulo ng pinakamahalagang balita.

a)

Banner

b)

Deck

c)

Kicker

d)

Bank

120.

Sa pagtuturo ng isang kwentong napakinggan mula sa isinateyp na material, ano ang maituturing na pinakamabisang estratehiya?

a)

Pagguhit sa mga tauhan o tagpuan ng mga kuwento.

b)

Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari batay sa kuwentong napakinggan

c)

Pagsasadula ng mga pangyayari mula sa kuwetong napakinggan gamit ang sariling likhang dayalog sa pangkaligirang pang-araw-araw na buhay.

d)

Pagsusuri sa kuwento gamit ang mga cohesive devices.

121.

Alin sa mga sumusunod na set ng beheybyur ang nabibilang sa sintesis batay sa taksonomiya ng layunin ayon kay Bloom?

a)

Bumuo, balangkasin, pag-ugnayin

b)

Ilarawan, isalin, ipakahulugan

c)

Ilapat, idayagram, tugunan

d)

Suriin, pangatwiranan, paghambingin

122.

Ang pangkat ng mga mag-aaral na bahagi ng fishbowl teknik sa pagtuturo ng wika na silang nagtatalakay sa aralin kaya’t kadalasan ay binibigyan ng guro ng mga patnubay na tanong ang pangkat na ito.

a)

Nucleus

b)

Inner group

c)

Outer group

d)

Outermost group

123.

Kolaboratibong gawain kung saan ang miyembro ng grupo ay aalis at magsasama-sama at muling babalik sa orihinal na pangkat.

a)

STAD

b)

Jigsaw

c)

Pair Share

d)

Phillips 66

124.

Sa anong teknik ng pagtuturo kinakailangan ang pagsasalita?

a)

Wastong pagbaybay

b)

Pagsasalaysay ng komposisyon

c)

Pagsasalin ng akda

d)

Malakas na boses

125.

Sa paghahanda ng Talahanayan ng Ispesipikasyon, ito ang unang itinatala.

a)

Bilang ng Araw ng Pagtuturo

b)

Mga Aytem ng Pagsusulit

c)

Mga Kasanayang Itinuro

d)

Bahagdan ng Aytem

126.

Sa pagtuturo ng bagong aralin ay nagsisimula si Gng. Javier sa pagbibigay ng maraming halimbawa patungo sa paglalahat ng paksa. Anong pagdulog ang kanyang ginamit?

a)

Pasaklaw

b)

Pabuod

c)

Patuklas

d)

Pabalak

127.

Anong uri ng tanong para sa interaktibong pagtuturo ang may layuning makabuo ng kongklusyong di tuwirang nakasaad sa tekstong binasa?

a)

Aplikasyon

b)

Paghihinuha

c)

Kaalaman

d)

Sintesis

128.

Sa estratehiyang ito, ang layunin at pamamaraan ay tumutukoy sa pakikisangkot ng mga mag-aaral sa makabuluhang interaksyon o talakayan na nagkakaroon ng malayang pagpapalitan sa pagitan ng tagahatid at tagatanggap ng konteksto.

a)

Integratibo

b)

Kolaboratibo

c)

Komunikatibo

d)

Interaktibo

129.

Tumutukoy sa set ng mga pilosopiyang nagtatangkang bigyang kasagutan ang mga pangyayari.

a)

Teknik

b)

Teorya

c)

Dulog

d)

Estratehiya

130.

Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng pagsusulit?

a)

Pagmamarka ng mga mag-aaral

b)

Pagsusuri sa kagalingan ng kurikulum

c)

Pagsukat sa kahusayan ng guro sa pagtuturo

d)

Ebalwasyon ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

131.

Ang pagsusulit bilang isang panukat sa mga kaalaman at kasanayang natutuhan ng mga mag-aaral ay dapat kaugnay ng:

a)

Kagalingan at kaangkupan ng kurikulum

b)

Kakayahan at interes ng mga mag-aaral

c)

Kasanayan at kagalingan ng guro

d)

Layunin at pamaraan ng pagtuturo

132.

Ginagamit ng mga administrador ang pagsusulit bilang paraan ng:

a)

Pagpapangkat-pangkat ng mga mag-aaral ayon sa kakayahan

b)

Paggawa ng record ng mga mag-aaral

c)

Pagtukoy sa kalakasan at kahinaan ng mga mag-aaral

d)

Pagmamarka ng mga mag-aaral sa klase

133.

Alin sa mga sumusunod ang nasa afektib domeyn?

a)

Nakabubuo ng isang dayalogo hango sa taludtod ng isang tula

b)

Naibibigay ang sariling pananaw hinggil sa isyung tinalakay

c)

Nahahango ang mensahe ng teksto at nailalapat ito sa aktwal na buhay

d)

Natataya ang kasiningan ng pagkakabuo ng pinanuod na pelikula.

134.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamabilis, daglian at payak na pagkilatis at pagtataya ng kasanayang pagsasalita?

a)

Pagbigkas ng isang dagliang pagtatalumpati

b)

Pagganap ng isang tauhan ng dula-dulaan

c)

Aktibong pakikilahok sa talakayan

d)

Madamdaming pagbigkas ng isang tula.

135.

Dinadala ni Gng. De Castro sa labas ng pamantasan ang kanyang mga mag-aaral upang makakuha ng mas malawak na impormasyon tungkol sa paksang pinag-aaralan.

a)

Panayam

b)

Lektyur

c)

Field study

d)

Seminar

136.

Isang dayagram na ang galaw ay gumagabay sa sunud-sunod na pangyayari at hakbangin sa masalimuot na gawain.

a)

Scanner

b)

Felt Board

c)

Flow Chart

d)

Pocket Chart

137.

Ito ay ang direksyon o adres ng mga produkto, serbisyo o institusyon na nabibisita sa web.

a)

URL (Uniform Resource Locator)

b)

Web site

c)

WWW (World Wide Web)

d)

Internet

138.

Alin ang pangngalang pantangi?

a)

lungsod

b)

tao

c)

Maynila

d)

ilog

139.

Piliin ang tamang gamit ng 'ng' at 'nang': Umiyak siya ___ umalis ka.

a)

ng

b)

nang

c)

nung

d)

habang

140.

Alin sa mga sumusunod ang tambalang salita?

a)

Bahay

b)

Araw-araw

c)

Silid-aralan

d)

Umaga

141.

Ang 'Pambansang Awit ng Pilipinas' ay isinulat ni:

a)

Andres Bonifacio

b)

Julian Felipe

c)

Jose Palma

d)

Apolinario Mabini

142.

Anong bahagi ng pananalita ang salitang 'masaya'?

a)

Pangngalan

b)

Pang-abay

c)

Pang-uri

d)

Pandiwa

143.

Ano ang kasalungat ng 'matapat'?

a)

Magaling

b)

Mandaraya

c)

Mabait

d)

Maingat

144.

Alin ang pang-abay sa pangungusap: 'Mabilis siyang tumakbo kanina'?

a)

Mabilis

b)

Siya

c)

Tumakbo

d)

Kanina

145.

Tama bang gamitin ang salitang 'kong' sa: 'Ang librong ito ay kong binili'?

a)

Oo

b)

Hindi

c)

Maaaring Oo

d)

Depende

146.

Anong uri ng tayutay ang 'Lumuha ang langit sa kanyang pagpanaw'?

a)

Simili

b)

Metapora

c)

Personipikasyon

d)

Pagmamalabis

147.

Piliin ang pangungusap na may wastong gamit ng 'may' o 'mayroon':

a)

Mayroon tayong oras para dito.

b)

May pera ako kahaponroon.

c)

Mayroon akong bahay at lupa.

d)

Mayroon tao diyan.

148.

Ano ang ibig sabihin ng salitang 'pahiwatig'?

a)

Tuwirang pahayag

b)

Lantarang pagkilos

c)

Hindi tuwirang mensahe

d)

Galit

149.

'Ang mga bituin ay parang gintong nakakalat sa langit.' Ito ay anong tayutay?

a)

Metapora

b)

Simili

c)

Aliterasyon

d)

Ironiya

150.

Pangungusap: 'Napakaganda ng kanyang tinig.' Anong bahagi ng pananalita ang 'napakaganda'?

a)

Pangngalan

b)

Pang-ukol

c)

Pang-uri

d)

Pang-angkop