wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

SUMMATIVE TEST (G10-Q1)

Total questions: 80

Worksheet time: 47mins

Name
Class
Date
1.

Ang akdang ito ay tungkol sa mga diyos at diyosa; tumatalakay sa kabayanihan ng isang indibidwal at ipinaliliwanag ang pinagmulan ng mga naganap at ilan pang bagay-bagay.

a)

alamat

b)

epiko

c)

mitolohiya

d)

parabula

2.

Ang mga sumusunod ay kaugnay sa pahayag ni Cupid na: "Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala.", MALIBAN SA ISA.

a)

Walang pag-ibig kung walang tiwala.

b)

Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala.

c)

Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkatitiwala.

d)

Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay.

3.

Nilisan ni Cupid ang kanilang tahanan dahil sa hindi pagsunod ni Psyche sa kanilang kasunduan. Ang kaisipang nais ipabatid sa pangyayaring ito ay pagiging_________________.

a)

masunurin

b)

marunong

c)

marahas

d)

matapat

4.

Ang sumusunod ay mga naging gamit ng mitolohiya maliban sa isa.

a)

magturo ng mabuting aral

b)

ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan

c)

ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig

d)

maikuwento ang mga kapani-paniwalang pangyayari

5.

Kilalang diyos ng mga diyos si Zeus sa mitolohiyang griyego. Ano ang kanyang panumbas na pangalan sa mitolohiyang Romano?

a)

Jupiter

b)

Mars

c)

Neptune

d)

Pluto

6.

Nag-usisa sila sa napangasawa ni Psyche. Ano ang kasing kahulugan ng salitang nakasalungguhit?

a)

nag-imbestiga

b)

naghanap

c)

pinaalam

d)

tiningnan

7.

Si Apollo ang Diyos ng liwanag, panggagamot, katotohanan at propesiya. Alin sa mga pagpipilian sa ibaba ang iba pang katawagan sa pangalang Apollo?

a)

Ares

b)

Hepaestus

c)

Jupiter

d)

Phoebus

8.

Diyosa ng pag-ibig at kagandahan ang pagkakakilanlan ni Venus, ito ay hango sa mitolohiyang Romano. Ano naman ang panumbas nito sa mitolohiyang Griyego?

a)

Aphrodite

b)

Athena

c)

Hera

d)

Minerva

9.

Inutusan ni Venus ang anak na paibigin si Psyche sa isang halimaw. Agad na ______ si Cupid sa kahilingan ng ina. Anong salita ang angkop na bubuo sa pangungusap?

a)

pamana

b)

sumunggab

c)

tumalima

d)

umalis

10.

Nilisan ni Cupid ang kanilang tahanan dahil sa hindi pagsunod ni Psyche sa kanilang kasunduan. Ang salitang may salungguhit ay pandiwang nagsasaad ng gamit na _________.

a)

aksiyon

b)

karanasan

c)

pangyayari

d)

proseso

11.

Ang mga sumusunod ay gamit ng pandiwa MALIBAN SA ISA.

a)

aksiyon

b)

karanasan

c)

Pangyayari

d)

Proseso

12.

Sumibol ang panibugho sa puso ni Venus nang makita niya ang labis na paghanga ng tao sa kagandahan ni Psyche. Ang salitang sumibol ay nagsasaad ng _______________.

a)

aksiyon

b)

karanasan

c)

pangyayari

d)

proseso

13.

Sa pangungusap na "Natuwa si Cupid sa pagkakaloob ni Jupiter ng ambrosia kay Psyche", ang pandiwang nakapahalang ay nagpapakita ng gamit ng pandiwa na __________.

a)

aksiyon

b)

karanasan

c)

pangyayari

d)

proseso

14.

Ito ay akdang pampanitikang nagsasalaysay na may hangaring akayin ang tao sa tuwid na landas na hango sa mga banal na kasulatan.

a)

Mitolohiya

b)

Nobela

c)

Parabula

d)

Sanaysay

15.

Ang salitang parabula ay mula sa salitang Griyego na ________.

a)

al-sham

b)

bible

c)

parabole

16.

Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong niya ang una, "Magkano ang utang mo sa aking amo?"

a)

pagsisimula

b)

pagwawakas

c)

pagpapatuloy ng mga pangyayari

d)

hindi nabanggit sa mga pagpipilian

17.

May nagsumbong sa isang amo na nilulustay nito ang kaniyang ari-arian. Kaya't ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, 'Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.

a)

pagsisimula

b)

pagwawakas

c)

pagpapatuloy ng mga pangyayari

d)

hindi nabanggit sa mga pagpipilian

18.

Alin sa sumusunod ang hindi maituturing na katangian ng isang parabula?

a)

isang kuwentong nagsasalaysay

b)

mga kuwentong hango sa banal na kasulatan

c)

inaakay ang tao sa tuwid at tamang landas ng pamumuhay

d)

ang mga gumaganap na tao at mga bagay ay nagkakaroon ng kakaibang kapangyarihan

19.

Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng pagkatakot?

a)

At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?

b)

May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian.

c)

Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos.

d)

Kaya't sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan.

20.

Anong damdamin ang lumilitaw sa pahayag na "Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso."

a)

naiiyak

b)

nagtataka

c)

nalilito

d)

nagpapaalala

21.

Hayun! Dahil sa kalokohan mo'y babagsak ka. Ang pangungusap ay nagpapakita ng halimbawa ng relasyong ______________.

a)

sanhi at bunga

b)

paraan at layunin

c)

paraan at resulta

d)

layunin at resulta

22.

Nang mapansin ng magpapastol na kulang ng isa ang kanyang mga tupa ay iniwan niya ang 99 na tupa at hinanap ang isang nawawala. Ano ang ibig ipakahulugan sa pahayag?

a)

Ang bawat tupa ay mahalaga sa magpapastol

b)

Pinakapaborito ng magpapastol ang nawalang tupa

c)

Ang nawawalang tupa ay may karamdaman kaya hinanap talaga ng magpapastol

d)

Lahat ng ng mga nabanggit

23.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag sa gamit ng pantulong na kaisipan sa sanaysay?

a)

Ito ang aral na napapaloob sa sanaysay.

b)

Ito ay ang kongklusyon ng sanaysay.

c)

Ito ay tema o pangunahing diwa ng sanaysay.

d)

Ito ang lipon ng mga detalyeng nagbibigay-linaw sa paksa ng sanaysay.

24.

Alin sa mga sumusunod ang uri ng panitikang ipinakilala ni Plato?

a)

tulang malaya at tradisyunal

b)

kwento ng tauhan at kwentong makabanghay

c)

dulang pantanghalan at panradyo

d)

sanaysay na pormal at di- Pormal

25.

Alin sa mga pagpipilian ang kontribusyon ni Plato sa pagsulat ng sanaysay?

a)

Ipinakilala niya ang dalawang uri ng sanaysay: pormal at di-pormal.

b)

Iminulat ni Plato ang tao sa pagsasabing ang mga ideya ng mga bagay ay nasa utak na natin noong tayo ay ipinanganak.

c)

Binuksan ni Plato ang pinto sa pagtahak sa mundo ng rasyunalismo o ang pagtingin lampas sa                         realidad na ating nakikita.

26.

Ang _____ ay tumutukoy sa mga detalyeng nagpapalinaw sa pangunahing kaisipan ng sanaysay.

a)

pantulong na talata

b)

pantulong na kaisipan

c)

Pangunahing talata

d)

Pangunahing kaisipan

27.

Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak na paksa?

a)

dula

b)

tula

c)

sanaysay

d)

maikling kuwento

28.

Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang

a)

amo

b)

Siga

c)

Diyos

d)

bathala

29.

Kung ang sanaysay ay tumatalakay sa seryosong paksa sa masusing pamamaraan gamit ang mga piling salita, anong uri ng sanaysay ito?

a)

Pormal

b)

Malaya

c)

Di-pormal

d)

Tradisyunal

30.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagpapaliwanag sa kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na anyo at estruktura ng isang sanaysay?

a)

nakatutulong sa mga mambabasa na matukoy ang banghay ng kuwento

b)

nakatutulong sa may-akda na organisadong mailatag ang mga argumento ng paksang tinalakay

c)

nakatutulong sa may-akda na mapalutang ang mensaheng nais niyang iparating sa mga mambabasa

d)

lahat ng nabanggit

31.

Saang bahagi ng sanaysay mababasa ang pangunahing kaisipan nito?

a)

Katawan

b)

Panimula

c)

Tunggalian

d)

Wakas/Kongklusyon

32.

Ang sumusunod na pahayag ang mga kahalagahan sa pag-aaral ng sanaysay maliban sa___

a)

napapalawak ang kaalaman sa mga iba't ibang paksa

b)

Pagkakaroon ng kamalayan sa mga mahahalagang kaganapan sa lipunan o daigidg

c)

pagkakaroon ng matibay na pundasyon tungo sa malikhaing pagsulat at pagpapahayag

d)

wala sa nabanggit

33.

"Ang polusyon sa bansa ay isang salik na nagpapahirap dito. Ang tubig ay kontaminado ng dumi sa alkantarilya o padaluyan. Higit pa rito, ang pagtagas ng langis ay hindi natugunan nang maayos". Alin sa mga salita mula sa pahayag ang ekspresyong ginamit sa pagpapahayag ng pananaw?

a)

ng dumi

b)

isang salik

c)

sa bansa

d)

Higit pa rito

34.

"Ang lahat ng bagay na maganda at tama sa daigdig at ang pangunahing pinagmulan ng dahilan at katotohanan ay yaong sinumang may kapangyarihang kumilos nang may katuwiran sa publiko o pribadong buhay. Samakutuwid kailangan na ang kanyang mga mata ay may matibay na tuon para sa mga bagay na ito." Ano ang ekspresyong ginamit sa pahayag?

a)

lahat

b)

sinuman

c)

yaon

d)

Samakatuwid

35.

________SWS (Social Weather Survey), simula nang umpisahan nila ang survey na ito noong taong 2016, nananatiling "excellent" ang net satisfaction ng mga taga- Mindanao sa pagtuligsa ni Duterte sa iligal na droga sa bansa. Alin sa mga sumusunod na ekspresyon ang naangkop sa pahayag?

a)

Batay sa

b)

Ayon kay

c)

Ayon sa

d)

Alinsunod

36.

________Presidential Spokesperson Harry Roque, magkakaroon na ng"adjustments" sa emergency subsidy ng gobyero para sa mga low-income households, matapos inanunsyo nitong Biyernes, ang selective extension ng enhanced community quarantine (ECQ).

a)

Batay sa

b)

Ayon sa

c)

Ayon kay

d)

Alinsunod

37.

Tulang pasalaysay na sumasalamin sa kultura ng isang bansa na kumakatawan sa mga paniniwala, kaugalian at mabuting aral ng mamamayan.

a)

Alamat

b)

Epiko

c)

Korido

d)

Mitolohiya

38.

Tulang pasalaysay na sumasalamin sa kultura ng isang bansa na kumakatawan sa mga paniniwala, kaugalian at mabuting aral ng mamamayan.

a)

Alamat

b)

Epiko

c)

Korido

d)

Mitolohiya

39.

____maraming Pilipino ang pagkapanalo ni Manny Paquiao sa sunod-sunod niyang laban ay nangangahulugang maipagpapatuloy pa ni Pacquiao ang kaniyang karera sa pagboboksing.

a)

Sa ganang akin

b)

Sa aking palagay

c)

Sa paniniwala ni

d)

Sa paniniwala ng

40.

Alin sa mga pahayag ang nagpapaliwanag sa kung paano nakatutulong ang mga ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw sa lubos na pagkaunawa sa sanaysay?

a)

Nailalahad ng mas malinaw ang iniisip, pananaw at saloobin ng tao sa pamamagitan ng mga ekspresyon.

b)

Naipakikita ng mga ekspresyon ang maayos na pagkakasunodsunod sa mga pangyayari

c)

Naiuugnay ng mga ekspresyon ang diwa sa isa pang diwa.

d)

Wala sa nabanggit

41.

_____,ang pandemiyang ating naranasan ngayon, bagama't nagdudulot ng matinding kahirapan ay nagdudulot din katatagan sa buhay at nagpapatibay ng ating pananampalataya. Alin sa sumusunod na pagpipiliang ekspresyon ang angkop sa pahayag?

a)

Samantala

b)

Sa palagay ko

c)

Sa kabilang dako

d)

Sa isang banda

42.

Alam kong nagkamali siya sa kaniyang mga desisyon sa buhay ngunit _____ bawat isa sa atin ay nararapat bigyan ng pagkakataong maitama ang mga kamalian.

a)

sa tingin ng

b)

sa ganang akin

c)

sa palagay ko

d)

pinaniniwalaan kong

43.

Ang mga sumusunod maliban sa isa ay katangiang taglay ng isang epiko.

a)

ang kwento ay nahahati sa kabanata

b)

mula sa lipi ng mga diyos at diyosa ang pangunahing tauhan

c)

tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan

d)

ang pangunahing tauhan ay nagtataglay ng nakahihigit sa karaniwang tao

44.

______Komisyon ng Wikang Filipino ang tema sa pagdiriwang ng buwan ng wika ay "Filipino at mga Katutubong sa Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino."

a)

Batay sa

b)

Ayon sa

c)

Ayon kay

d)

Alinsunod

45.

Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Mathilde dahil sa may paniniwala _____ isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay na maidudulot ng salapi.

a)

akong

b)

kaming

c)

siyang

d)

silang

46.

Isang kuwento o salaysay na nag-iiwan ng isang impresyon o kakintalan sa mambabasa. Ito ay maikli at maaaring matapos sa isang upuan lamang.

a)

tula

b)

nobela

c)

sanaysay

d)

maikling kuwento

47.

Sa halip na matuwa, na siyang inaasahan ng lalaki ay padabog na inihagis ni Mathilde ang paanyaya. Sa pangungusap ang posisyon ng panghalip na ginamit ay:

a)

anapora

b)

pang-ugnay

c)

katapora

d)

pang-angkop

48.

Ang tawag sa isang pahayag kung saan ang panghalip ay nauuna sa pangngalang pinapalitan nito.

a)

anapora

b)

pang-ugnay

c)

katapora

d)

pang-angkop

49.

Ang tawag sa isang pahayag kung saan ang panghalip na humahalili sa pangngalan ay nasa hulihan nito.

a)

anapora

b)

pang-ugnay

c)

katapora

d)

pang-angkop

50.

Ito ay tumutukoy sa salitang humahalili o pamalit sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod na pangungusap.

a)

panghalip

b)

pang-abay

c)

pang-ugnay

d)

pang-angkop

51.

Sila ang mag-asawang matagal na biniyayaan ng anak at nagmula sa mitolohiyang Ifugao.

(a)  

52.

Anong pagkain ng mga Diyos ang ipinainom ni Jupiter kay Psyche upang maging isang mortal?

(a)  

53.

Tawag sa ilog na pinuntahan ni Psyche upang mag-igib ng itim na tubig

(a)  

54.

Ang nagsalin sa wikang Filipino sa mitolohiyang "Cupid at Psyche"

(a)  

55.

Ang salitang mito/myth ay galing sa salitang Latin na mythos na ibig sabihin ay (a)   .

56.

Tawag sa ritwal na itinuturo ng mga Diyos nina Wigan at Bugan.

(a)  

57.

Saan matatagpuan o mababasa ang mga parabula?

(a)  

58.

Ano ang tawag sa gamit ng pandiwa na kung saan may aktor o tagaganap ng kilos.

(a)  

59.

Tawag sa reperensiya na kung saan ang panghalip na tinutukoy ay nasa unahan.

(a)  

60.

Tawag naman sa reperensiya na bumabanggit at tumutukoy sa bagay na nasa hulihan

(a)  

61.

Ang nagsalin sa wikang Filipino sa parabulang "Mensahe ng Butil ng Kape".

(a)  

62.

Ang sumulat ng Alegorya ng Yungib.

(a)  

63.

Saang bahagi ng sanaysay na kung saan dito madalas inilalahad ang pangunahing kaisipan o pananaw.

(a)  

64.

Uri ng sanaysay na tumutukoy sa paksang magaan, karaniwan, personal na sulatin

(a)  

65.

Ang kontribusyon ni Plato sa sanaysay ay pagbibigay liwanag sa rasyunalismo, ideya at likas na kaisipan ng tao.

a)
Tama
b)

Mali

66.

Mayroong apat na bahagi ng isang sanaysay.

a)
Mali
b)

Tama

67.

Ang pagkakaroon ng maayos na estruktura sa sanaysay ay hindi mahalaga sa pagpapahayag ng mensahe.

a)
Mali
b)

Tama

68.

Ang pantulong na kaisipan ay ang lipon ng mga detalyeng nagbibigay-linaw sa paksa ng sanaysay.

(a)  

69.

Ang mga ekspresyong “ayon sa,” “batay sa,” at “sang-ayon sa” ay ginagamit upang ipahayag ang opinyon ng manunulat na walang pinanggagalingang batayan.

a)
Mali
b)

Tama

70.

Ang mga ekspresyong nagpapahayag ng pananaw ay nakatutulong upang malinaw na maipahayag kung ang isang ideya ay personal o batay sa iba.

a)
Tama
b)

Mali

71.

Madalas na may iisang tema ang isang sanaysay. (Tama/Mali)

a)
Tama
b)

Mali

72.

Bansa sa Timog-Kanlurang Asya kung saan nagmula ang ilang parabula, at tinatawag sa Arabic na al-sham.

(a)  

73.

Analohiya; intelektuwal:wastong pag-iisip, mahirati:________?

a)

mahapdi

b)

mahusay

c)

mahumaling

d)

masiyahan

74.

Ang tinaguriang “Ama ng Maikling Kuwento” sa Pilipinas ay si

__________.

a)

Edgar Allan Poe

b)

Deogracias A. Rosario

c)

Juan Crisostomo Soto

d)

Magdalena Jalandoni

75.

ANALOHIYA: Mitolohiya: Cupid at Psyche; (a)   : Ang Kwintas

76.

ANALOHIYA: Parabula: Ang Tusong Katiwala ; (a)   : Ang Alegorya ng Yungib

77.

Ang mga sumusunod ay mga hayop na nakasalubong ni Bugan sa kanyang paglalakbay, MALIBAN SA?

a)

ahas

b)

kalabaw

c)

pating

d)

buwaya

78.

Ang paggamit ng ekspresyong “sa paniniwala ng iba” ay nagpapakita ng tiyak na batayan ng pananaw mula sa awtoridad o eksperto.

a)

Tama

b)

Mali

79.

Siya ang taong nagsalita sa mga alagad at nagturo ng aral gamit ang talinghaga ng tusong katiwala

a)

Pariseo

b)

Katiwala

c)

Panginoong Diyos

80.

Nang mapansin ng magpapastol na kulang ng isa ang kanyang mga tupa ay iniwan niya ang 99 na tupa at hinanap ang isang nawawala. Ano ang ibig ipakahulugan sa pahayag?

a)

Ang bawat tupa ay mahalaga sa magpapastol

b)

Pinakapaborito ng magpapastol ang nawalang tupa

c)

Ang nawawalang tupa ay may karamdaman kaya hinanap talaga ng magpapastol

d)

Lahat ng ng mga nabanggit