wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Mga Tanong Tungkol sa Pamilya

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ang pamilya Dela Cruz ay nagdesisyon na maglaan ng oras tuwing linggo upang magkasama-sama at magplano ng mga aktibidad, tulad ng paglalaro, pagluluto, at pagtulong sa mga gawaing bahay. Paano nakakaapekto ang pagkakaroon ng mga ganitong gawain sa pag-unlad ng relasyon sa loob ng pamilya?

a)

Pagkakawatak-watak

b)

Pagkakaroon ng maraming pera

c)

Pagkakaroon ng tiwala at pag-unawa

d)

Pagkakaroon ng mataas na katayuan

2.

Si Anna at ang kanyang pamilya ay kilala sa kanilang maayos na ugnayan.  Palaging bukas ang kanilang usapan, at nagbibigay sila ng suporta sa isa’t isa sa tuwing may problema. Bakit mahalaga ang komunikasyon sa isang pamilya?

a)

Ito ay lumilinang sa ating pagkatao

b)

Ito ay nagpapatatag sa samahan ng pamilya

c)

Ito ay sangkap upang maging matatag sa pagharap ng mga problema

d)

Ito ay instrumento upang mas maging kilala ang pamilya sa komunidad

3.

Nagkaroon ng mabigat na araw si Ella sa paaralan at ibinahagi ang kanyang nararamdaman sa pamilya sa hapag-kainan. Ang kanyang pamilya ay tahimik na nakinig at sinubukang intindihin ang kanyang pinagdaraanan. Bakit mahalaga ang pakikinig sa bawat miyembro sa loob ng pamilya?

a)

Upang magkaroon ng pera

b)

Upang magkaroon ng katayuan

c)

Upang magkaroon ng pag-aaway

d)

Upang magkaroon ng pag-unawaan

4.

Napansin ni Aldrin na tahimik ang kaibigang si Marco at tila may dinaramdam.  Sa halip na magbigay ng opinyon agad, pinili niyang maging sensitibo sa mga senyales ng damdamin at tahimik na nakiramdam sa kanyang kaibigan. Ano ang epekto ng pagiging sensitibo sa iba't ibang uri ng komunikasyon sa pag-unlad ng relasyon sa kapwa?

a)

Nagbibigay ng pera at regalo

b)

Nagpapakita ng katayuan at pagkakampihan

c)

Nagdudulot ng pag-aaway at pagkakawatak-watak

d)

Nagbibigay ng pag-unawa, pagtutulungan, at paggagalang

5.

Isang aktibong miyembro ng kanilang barangay si Luis at madalas niyang pinapaalalahanan ang mga residente na sumunod sa mga patakaran, tulad ng tamang pagtatapon ng basura at pagsunod sa curfew. Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga batas at institusyong panlipunan?

a)

Upang magkaroon ng katayuan

b)

Upang magkaroon ng pag-aaway

c)

Upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan

d)

Upang magkaroon ng matatag na samahan ang pamilya

6.

Nahihirapan sa kanyang pag-aaral si Miguel, ngunit palaging naroon ang kanyang pamilya upang bigyan siya ng payo, suporta, at motibasyon. Paano nakatutulong ang pamilya sa pagpapaunlad ng sarili ng mga miyembro nito?

a)

Sa pamamagitan ng pagpapalago ng negosyo

b)

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera lamang

c)

Sa pamamagitan ng pagbibigay suporta sa bawat isa

d)

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maraming ari-arian

7.

Si Mia ay nagkamali sa paggamit ng perang ibinigay ng kanyang mga magulang para sa proyekto sa paaralan. Sa halip na pagalitan, kinausap siya ng kanyang mga magulang. Ano ang dapat gawin ng mga magulang ni Mia upang matulungan siyang maitama ang kaniyang maling desisyon?

a)

Pag-iwas sa usapin upang hindi lumala ang sitwasyon.

b)

Pagbibigay ng pera at/o regalo upang mapalipas ang pagkakamali.

c)

Pagbibigay ng pag-unawa upang matulungan siya sa pagpapaunlad ng sarili.

d)

Pagpaparusa lamang sa miyembro upang matuto siya sa kanyang pagkakamali.

8.

Nais masiguro ni Aling Lusing ang magandang kinabukasan ng kanyang anak sa pamamagitan ng tamang edukasyon. Ano ang pinakamabisang paraan na maaaring gawin ni Aling Lusing upang maisakatuparan ito?

a)

Pagbibigay ng regalo

b)

Pagbibigay ng suporta sa pag-aaral

c)

Pagpapalago ng negosyo ng pamilya

d)

Pagbibigay ng pera lamang sa pag-aaral

9.

Ninanais ni Mang Tony at Aling Liza na maituro sa kanilang mga anak ang wastong paggamit ng kalayaan sa mga materyal na bagay. Ano ang hakbang na maaaring gawin ni Mang Tony at Aling liza upang makamtan ang layuning ito?

a)

Pamumuhay ng payak

b)

Pagbibigay ng premyo tuwing nag-aaral

c)

Pagpapalago ng negosyo at pera ng pamilya

d)

Pagbibigay ng pera lamang para sa pag-aaral

10.

Nahihirapan si Lovely sa pag-unawa ng mga aralin sa Edukasyong Pagpapakatao. Nagdesisyon siyang magbasa ng mga karagdagang materyales at makipag- usap sa kanyang guro upang malinawan ang mga konsepto. Paano mapapabuti ni Lovely ang pag-unlad niya bilang mag-aaral sa Edukasyong Pagpapakatao?

a)

Pagbibigay ng regalo sa guro upang mabigyan siya ng karagdagang oras sa pagrereview ng paksa.

b)

Pagbili ng mga mamahaling gamit sa paaralan upang masiguro ang kagandahan ng mga proyekto.

c)

Paggamit ng walang tigil ng gadget tuwing may klase upang mas malinang ang kasanayan sa mga makabagong kagamitan.

d)

Pagtuturo ng mga kasanayan sa sarili tulad ng pag-iisip kritikal, at pagbibigay ng suporta sa mga gawain sa paaralan.

11.

Sa hapag-kainan, napansin mong hindi nagsasalita ang iyong kapatid na panganay kahit tinatanong siya ng iyong magulang. Paano dapat tumugon ang iyong pamilya upang hikayatin siyang magsalita?

a)

Iwanan siya hanggang kusang magsalita.

b)

Pilitin siyang magsalita at sagutin ang tanong.

c)

Bigyan ng sapat na panahon na makapag-isip ang iyong kapatid.

d)

Magtanong nang mahinahon at iparamdam na bukas sila sa pakikinig.

12.

Sa isang pagpupulong madalas gumamit ng teknolohiya tulad ng cellphone o tablet ang mga meyembro nito. Kung ikaw ay bibigayan pagkakataon ano ang magandang hakbang upang mapapanatili ang magandang pakikitungo ng komunikasyon sa pagpupulong?

a)

Magtakda ng oras sa paggamit ng gadget.

b)

Limitahan ang usapan sa mga mahahalagang bagay lamang.

c)

Gumamit ng group chat upang mag-usap kahit nasa pagpupulong.

d)

Hayaan ang bawat isa na manatili sa kanilang gadget kahit magkakasama.

13.

Kinausap si Karen ng kanyang guro tungkol sa kanyang marka sa Mathematics dahil ito ay mababa at kinakailangan niyang kausapin ang kanyang magulang tungkol dito. Paano dapat tumugon ang magulang?

a)

Ipagwalang-bahala at pag-usapan ang ibang bagay.

b)

Pilitin ang anak na agad ayusin ang problema kahit hindi siya handa.

c)

Pakinggan nang mabuti at magbigay ng payo batay sa karanasan ni Karen.

d)

Sabihing huwag nang intindihin ang problema dahil maliit na bagay lang ito.

14.

Sa gitna ng pandemya, nais mag-organisa ang pamilya Dela Cruz ng tulong sa mga kapitbahay. Anong tulong panlipunan ang maari nilang isagawa?

a)

Magsagawa ng pagtuturo sa mga anak

b)

Magsagawa ng Community Pantry sa kanilang lugar

c)

Magsagawa ng panawagan sa mga nangangailangan

d)

Magsagawa ng pagpupulong sa pagsunod ng mga batas sa barangay

15.

Napag-isipang magboluntaryo ng pamilyang Castro na gumawa ng proyektong pangkapiligiran na maaring gawin tuwing Sabado upang maging maayos ang lugar para sa lahat. Ano ang pinakamainam nilang gawin?

a)

Magsagawa ng paglilinis ng parke upang maging maayos ito.

b)

Magsagawa ng pagpupulong tungkol sa pananatili ng kalinisan sa paligid.

c)

Pagsasagawa at pagpapanatili ng pagkakaisa sa bawat myembro ng pamilya.

d)

Pagsasagawa ng adbokasiyang pang-ekonomikong papel sa pag-aambag ng pondo sa barangay.