WorksheetsTAGISAN NG TALINO 2025
Total questions: 40
Worksheet time: 14mins
Ito ay galing sa salitang latin na "Litera"na ibig sabihin ay titik.
Panitikan
Karunungang bayan
Epiko
Tekstong Ekspositori
Ito ay nagpapahayag ng kaisipan, mga damdamin, karanasan, hangarin at diwa ng tao.
Panitikan
Karunungang bayan
Epiko
Tekstong Ekspositori
Ano ang tawag sa pamamaraang pagbigkas o pasalitang pagbabahagi, pagtuturo o paggpapalaganap, o paglilipat ng karunungan sa pamamagitan ng pasalitang tradisyon.
Panitikan
Pasalindila
Baybayin
Alibata
Ano ang tawag sa sinaunang sistema ng pagsulat ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila?
Abakada
Alibata
Baybayin
Katakana
Ano ang nilalaman ng "Dandansoy"?
Pag-ibig sa isang dalaga
Pagluluksa sa isang yumao
Pamamaalam sa isang minamahal
Paglalarawan ng kalikasan
Ano ang ibig sabihin ng "ang awiting-bayan ay salamin ng kultura"?
Ipinapakita nito ang yaman ng kultura ng isang lugar
Ipinapahayag nito ang mga tradisyon at kaugalian ng mga tao
Ipinapakita nito ang kagandahan ng isang lugar
Ipinapahayag nito ang mga saloobin ng mga tao
Sino ang mga katutubong Pilipino na pinaniniwalaang unang nanirahan sa bansa?
Malay
Ita o Negrito
Indonesyo
Polenesyo
Ano ang tawag sa tekstong magpahayag ng impormasyon, datos o katotohanan hinggil sa isang paksa?
Ekspositori
Naratib
Argumentatibo
Deskriptibo
Anong uri ng teksto na nagsasalin ng impormasyon sa pamamagitan ng larawan, grapiko, disenyo at iba pang elemento ng sining na nakatutulong sa pagpapahayag ng mensahe?
Ekspositori
Biswal
Argumentatibo
Deskriptibo
Ano ang layunin ng mga sinaunang panitikan ng Pilipinas?
Ipakita ang kalinangan ng ibang bansa
Isalaysay ang kabayanihan ng mga bayani
Magbigay-aliw sa mga tao
Isalaysay ang buhay at tradisyon ng mga katutubo
Alin sa mga sumusunod ang hindi bahagi ng editoryal?
Panimula
Wakas
Katawan
Talambuhay
Ano ang ginagamit upang pag-ugnayin ang dalawang ideya sa isang pangungusap?
Pang-abay
Panghalip
Pangngalan
Pangatnig
Kailan isinulat ni Rizal ang "Sa Kabataang Pilipino"?
1896
1872
1879
1886
Aling akda ang nagpapakita ng rebolusyonaryong damdamin?
Sa Kabataang Pilipino
Mi Ultimo Adios
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
La Solidaridad
Ang "Inang Bayan" ay simbolo ng:
Europa
Inang Ina
Pilipinas
Kalikasan
Sino ang may-akda ng tulang "Sa Kabataang Pilipino"?
Dr. Jose Rizal
Emilio Jacinto
Andres Bonifacio
Marcelo H. del Pilar
Ano ang pangunahing gamit ng panitikan noon?
Libangan lamang
Pagtuturo ng sayaw
Panggising sa damdaming Makabayan
Pagsasabi ng kasaysayan ng Kastila
Anong aral ang maaaring makuha mula sa pagkamatay ng GOMBURZA?
Magpakatino sa eskwela
Sumunod lagi sa mga Kastila
Huwag makialam sa simbahan
Magpursige sa paninindigan kahit may kapalit
Alin sa sumusunod ang halimbawa ng tekstong persweysib?
Liham
Anunsyo
Talambuhay
Talumpa
Paano mo maisasabuhay ang ipinaglaban ng mga propagandista sa kasalukuyang panahon bilang isang mag-aaral?
Sa pakikibahagi sa mga alitan sa paaralan
Sa pagiging tahimik sa mga isyung panlipunan
Sa pagpapakalat ng maling impormasyon online
Sa pagpapahayag ng saloobin gamit ang malikhaing paraan tulad ng tula at sanaysay
Paano dapat gampanan ng isang ama ang kanyang tungkulin para sa ikakabuti ng anak?
Bibilhin ang mga bagay na gusto ng anak
Pag-aralin ang anak
Maghanap ng salapi para sa pagpapatayo ng bahay
Mag-ipon ng pera na magagamit sa pagtanda nila
Mula sa kuwentong 'Ang Ama', anong pangyayari sa kuwento ang nakapagpabago sa di-mabuting pag-uugali ng ama?
pagkakasakit ni Mui-Mui
pag-alis ni Mui-Mui
pagkamatay ni Mui-Mui
paglipat ng ibang bahay ni Mui-Mui
Ang pagsasabi ng tagapagsalita sa pangalang mananalo ay ang pinakahihintay na sandali ng mga magulang at mga manonood sa paligsahan. Ano ang nais ipahiwatig ng pinakahihintay na sandali?
nagugulat sa balita
pinanabikang panahon
nayayamot sa paghihintay
saglit na nagtataka
Nang sumunod na gabi, bumalik ako sa bahay-kainan. Sa oras na ito, sa halip na sabihing umakyat ako sa kuwarto sa itaas na dati kong tinutulugan, binulyawan nila ako. Ano ang ibig sabihin ng salitang binulyawan?
kinumusta
kinulong
sinipa
sinigawan
"Makikita sa paligid ang marumi, mataas, manipis na dingding, at bubungang nanlilimahid sa kaitiman." Ano ang ibig iwari ng pahiwatig sa nanlilimahid sa kaitiman?
lubhang marumi
walang pakinabang
sadyang maitim
walang ilaw
Bakit kailangang magkaroon ng matibay na pananalig sa Diyos ang isang tao?
upang maging masaya palagi
upang mabigyan ng magandang buhay
upang mapalayo sa sakit
upang mapalayo sa kapahamakan, magkaroon ng magandang buhay, mapalayo sa sakit, at maging masaya
Maraming gustong makarating sa Maynila, siguro dahil naniniwala silang mas maraming opurtunidad ang naghihintay sa kanila roon. ___________ hindi masama ang mangibang bayan ngunit siguraduhin lamang na may trabahong mapapasukan upang hindi magiging dagdag na pabigat sa bayang pinuntahan.
Sa tingin ko
Mabuti sana subalit
Ganyan din ang palagay ko
Sa akala ko
Ano ang tawag sa isang akdang pampanitikan na nag-iiwan ng isang kakintalan, limitadong tauhan at tagpuan, at maaaring matapos basahin sa isang upuan lamang.
Maikling kuwento
Nobela
Tula
Sanaysay
Ano ang pambansang wika ng Pilipinas?
Tagalog
Pilipino
Filipino
Bisaya
Siya ang hinirang na Ama ng Wikang Pambansa ng Pilipinas.
Manuel A. Roxas
Manuel L. Quezon
Ramon Magsaysay
Corazon Aquino
Ang pinakamali na ginawa ni Psyche na nagdulot ng mabigat na suliranin sa kaniyang buhay.
Ang di pagtupad sa utos ng kaniyang magulang.
Iniwasan niya ang kaniyang mga kapatid
Kawalan ng tiwala sa kaniyang iniibig.
Pagsunod sa utos ni Venus.
Paano naiiba ang mitolohiya sa iba pang akdang pampanitikan?
Nagpapahayag ng opinyon hinggil sa isang paksa o isyu.
Nagsasalaysay ito ng mga pangyayaring may kaugnayan sa mga diyos at diyosa.
May taglay na talinghaga.
Nagsasalaysay ito ng pinagmulan ng isang bagay o lugar.
Kalayaan! Malaya ka, Oo na nga, bakit hindi? Sa patak ng iyong luha'y malaya kang mamighati! Anong damdamin ang nangingibabaw sa saknong?
pagkatuwa
pagkagalit
pagkagulat
pag-asa
Bakit sinasabing malikhain ang istilo at pagkasulat ng sanaysay na Alegorya?
Isinakripisyo nila ang pinakamahahalagang ari-arian g pinakaiingatan nila.
Sapagkat, hindi direktang ipinapahayag ang mga mensahe ng akda.
Magandang pagkasulat at masarap basahin.
Habang binabasa natin ang akdang ito ay may mabubuo tayong imahinasyon mula sa akdang ating binabasa
Mula sa kuwentong 'Ang Kuwintas', bakit hindi masaya si Mathilde sa piling ng kaniyang asawa?
dahil hindi sila nabigyan ng anak
dahil walang magandang trabaho ang kaniyang asawa
dahil hindi niya natupad ang pinangarap niyang kasiyahan,ang maging tampok sa lahat ng kababaihan.
dahil hindi na niya ito mahal.
Ang puting tuwalya ay ipinampahid niya sa kanyang mga braso. Anong ang pokus ng pandiwa sa pangungusap?
layon
kagamitan
pinaglalaanan
tagaganap
Alin sa sumusunod ang tamang pagkiklino?
masaya, nagagalak, natutuwa
natutuwa, nagagalak, masaya
masaya, natutuwa, nagagalak
natutuwa, masaya, nagagalak
Ang sumusunod ay katangian ng isang nobela MALIBAN sa?
Binubuo ng mga kawing-kawing na mga pangyayari at nahahati sa kabanata.
Isang masining na pagsasalaysay ng mga maraming pangyayari.
Naglalahad ng mga pangyayaring pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas.
Limitado ang mga tauhan at kaya mong basahin sa isang upuan lamang.
Batid niya ang matinding pagkagutom. Kaya naisip ng ama na mangutang na lamang sa tindahan dahil hindi siya nabigyan ng ayuda ng pamahalaan. Anong ayos ito ng pangngalan at panghalip?
anapora
Katapora
Bakit mahalaga ang pag-aaral ng epiko ng ibang bansa?
Para magkaroon ng pagkakakilanlan ang isang lugar at magagamit bilang isang mabuting halimbawa.
Para magkaroon tayo ng ideya kung ano ang kaibahan ng epiko ng dayuhan sa epikong Pilipino.
Para mabatid ng mga mambabasa ang mga kaugalian at tradisyon ng mga bansang pinanggalingan ng epiko
Lahat ng nabanggit
