NEW
Font size
WorksheetsPagsusulit sa Kahulugan ng mga Salita
Total questions: 47
Worksheet time: 24mins
Ano ang ibig sabihin ng matigas na dibdib sa pangungusap: "Si Lolo ay may matigas na dibdib kaya't hindi siya agad nadadala sa emosyon."
Denotasyon - Matigas talaga ang dibdib
Denotasyon - Matigas ang kilos
Konotasyon - Hindi madaling maawa
Konotasyon - Mabait at malambing
Sa pangungusap na: "Nakatanggap si Anna ng rosas mula sa kanyang kasintahan."
Konotasyon - Simbolo ng lungkot
Denotasyon - Tunay na bulaklak
Konotasyon - Simbolo ng pagkamuhi
Konotasyon - Isang halik
Sa pahayag na: "Si Dante ay may pusong bato dahil iniwan niya ang batang umiiyak." Ano ang ipinahihiwatig ng pusong bato?
Denotasyon - May bato sa puso
Konotasyon - Matigas ang katawan
Konotasyon - Walang awa
Denotasyon - Gawa sa bato ang katawan
Ano ang tinutukoy na bituin sa pangungusap: "Ang mga bituin ay makikita tuwing gabi."
Konotasyon - Mga artista
Konotasyon - Matatalinong tao
Denotasyon - Totoong bituin sa langit
Konotasyon - Kaibigan
Ano ang kahulugan ng ahas sa pangungusap: "Si Carla ay ahas sa kanilang grupo kaya't hindi na siya pinagkakatiwalaan."
Konotasyon - Traydor o taksil
Konotasyon - Mabagal
Denotasyon - alagang hayop
Denotasyon - Gumagapang na nilalang
Ilan ang pang-uring pamilang sa pangungusap: "May limang lapis si Liza."
isa
limang
Liza
lapis
Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng pang-uring pamilang?
dalawa
anim
maganda
isandaan
Ano ang uri ng pang-uring pamilang sa pangungusap? "Si Maria ay bumili ng tatlong kendi."
Patakaran
Panunuran
Pamahagi
Palansak
Alin ang tamang pang-uring pamilang para sa pangungusap na ito: "Mayroon akong ______ aklat."
mabilis
dalawa
maayos
maraming
Alin sa mga pangungusap ang may pang-uring pamilang?
Mabait si Anna.
Kumain siya ng limang mangga.
Masaya ang mga bata.
Mataas ang puno.
Ano ang pangunahing layunin ng pang-abay sa isang pangungusap?
Nagsasaad ng tao, bagay o hayop
Naglalarawan ng pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay
Nagsasaad ng damdamin o pag-uutos
Nagpapakilala ng pangalan sa pangungusap
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pang-abay na pamanahon?
Sa paaralan
Tuwing gabi
malinaw
hindi
Alin sa mga sumusunod ang pang-abay na panlunan?
Dahan-dahan
Talaga
Sa palengke
sampung kilo
Alin ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap: "Malinaw magsalita ang aming guro."
malinaw
guro
aming
magsalita
Alin ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap: "Malinaw magsalita ang aming guro."
malinaw
guro
aming
magsalita
Ano ang ibig sabihin ng pang-abay na pananong-ayon?
Nagsasaad ng pagtanggi
Nagsasaad ng pagsang ayon
Nagsasaad ng paggalang
Nagsasaad ng paraan
Alin sa mga sumusunod ang pang-abay na panang-ayon?
Hindi
Oo
Siguro
Marahil
Alin ang halimbawa ng pang-abay na pang-agam?
tiyak
sadya
Siguro
Siyempre
Alin ang uri ng pang-abay na ginamit sa pangungusap: "Kahuli-huling tinawag ng guro ang batang walang takda."
Panlunan
Panunuran
Pamaraan
Panang-ayon
Alin ang pang-abay na nagpapakita ng paggalang?
Sigurado
Opo
Talaga
oo
Ano ang uri ng pang-abay sa pangungusap: "Talagang mapaparami ka ng kain kapag sinigang ang ulam."
Pang-agam
Pananggi
Panang-ayon
Pamanahon
Ano ang layunin ng pang-abay na panang-ayon?
Magpakita ng pagtanggi
Magbigay ng panuto
Magpahayag ng pagsang-ayon
Maghambing ng kilos
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pang-abay na panang-ayon?
Hindi
Tiyak
Siguro
Mali
Piliin ang pangungusap na gumagamit ng pang-abay na panang-ayon:
Hindi ko gusto ang lasa ng ulam.
Siguro ay darating sila bukas.
Oo, pupunta kami sa handaan.
Walang tiyak na sagot diyan.
Alin sa mga sumusunod ang hindi pang-abay na panang-ayon?
Oo
Talaga
Marahil
Siyempre
Sa pangungusap na: "Tunay na magaling siyang guro." Ano ang salitang pang-abay na panang-ayon?
magaling
tunay
siyang
guro
Ano ang kahulugan ng panuto?
Isang tanong na kailangang sagutin
Isang salaysay ng isang karanasan
Tagubilin o inuutos kung ano ang gagawin
Kaalamang teknikal
Bakit mahalaga ang pagsunod sa panuto?
Para makatapos agad ng trabaho
Para hindi mapagalitan ng guro
Para maiwasan ang pagkakamali at makuha ang tamang resulta
Para hindi mahirapan sa pagbabasa
Ano ang maaaring anyo ng panuto?
Maikli at payak na tanong
Pabigkas o nakasulat na tagubilin
Kwento na may aral
Tugmaang binibigkas
Alin sa mga ito ang nagpapakita ng pagsunod sa panuto?
Hindi binasa ang tagubilin bago sumagot
Gumawa ng sariling paraan sa pagsagot
Sinunod ang hakbang-hakbang na utos
Lumaktaw sa mga tagubilin
Alin sa mga sumusunod na salita ang karaniwang ginagamit sa pagbibigay ng panuto?
Palagi, minsan, madalas
Maliit, malaki, maikli
Sa kanan, sa ilalim, sa itaas
Maganda, masaya, malungkot
Anong salita ang karaniwang ginagamit sa pagbibigay ng panuto?
Palagi, minsan, madalas
Maliit, malaki, maikli
Sa kanan, sa ilalim, sa itaas
Maganda, masaya, malungkot
Ano ang kahulugan ng multimedia?
Paggamit ng salita sa pag-uusap
Pagkukuwento gamit ang libro
Paggamit ng iba't ibang midya upang maghatid ng impormasyon
Pag-awit gamit ang mikropono
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng interaktibong elemento sa multimedia?
Caption sa larawan
Clickable button sa website
Music background
Larawan ng tao
Ano ang layunin ng paggamit ng animasyon sa multimedia?
Magdagdag ng tunog
Magpakita ng emosyon
Magpakita ng kilos o proseso
Magpahayag ng headline
Alin ang tumutukoy sa elemento ng multimedia na ginagamit para sa pagpapaliwanag gamit ang larawan?
Teksto
Imahe
Audio
Interaksyon
Alin ang hindi kabilang sa mga elemento ng multimedia?
Teksto
Imahe
Pandiwa
Video
Ipinagluto kami ni Ate ng sinigang. Anong pokus ng pandiwa ang ginamit?
Pokus sa Tagaganap
Pokus sa Tagatanggap
Pokus sa Direksyon
Pokus sa Gamit
Pinasyalan namin ang Baguio noong bakasyon. Anong tanong ang sinasagot ng pandiwa?
Saan?
Para kanino?
Tungo saan?
Ano?
Ikinalungkot ni Rose ang pagpanaw ng kanyang Nanay. Anong pokus ng pandiwa ang ginamit?
Pokus sa Tagaganap
Pokus sa Sanhi
Pokus sa Layon
Pokus sa Direksyon
Nagluto ng adobo si Channon para sa hapunan. Anong pokus ang nagpapakita rito?
Aktor
Layon
Gamit
Ganapan
Ipinangsandok ni Kulas sa kanin ang kutsara. Ano ang pokus ng pandiwa batay sa gamit?
Pokus sa Tagatanggap
Pokus sa Sanhi
Pokus sa Gamit
Pokus sa Layon
"Siguradong babalik siya." Anong uri ng pang-abay ang ginamit?
Panalungat
Pang-agam
Panang-ayon
Panunuran
Alin sa mga sumusunod ang pang-abay na panunuran?
Una sa lahat
Sa likod ng bahay
Masayang naglakad
Totoo naman
"Opo, tapos na po ako." Anong uri ng pang-abay ang salitang opo?
Panang-ayon
Pamitagan
Pang-agam
Panuring
"Maraming salamat sa tulong mo." Ano ang uri ng pang-abay na ginamit?
Panuring
Panlunan
Pang-agam
Pamaraan
"Lalong bumigat ang trapiko dahil sa ulan." Anong uri ng pang-abay ang lalong?
Panlunan
Panulad
Panggaano
Pamanahon
