Font size
WorksheetsLAGUMANG PAGSUSULIT SA EsP 9
Total questions: 48
Worksheet time: 24mins
Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kapangyarihang moral na gawin, hawakan, at angkinin ang isang bagay?
Tungkulin
Pananagutan
Karapatan
Obligasyon
Ano ang tawag sa obligasyong moral na gawin o hindi gawin ang isang bagay, na karaniwang kaakibat ng bawat karapatan?
Responsibilidad
Kaayusan
Tungkulin
Kilos-loob
Alin sa mga karapatang ito ang maituturing na pangunahing karapatan dahil dito nakasalalay ang iba pang karapatan?
Karapatang magtrabaho
Karapatan sa buhay
Karapatang magkaroon ng ari-arian
Karapatang bumoto
Ano ang pinakamahalagang batayan upang makilala at maunawaan ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao, anuman ang kanilang katayuan?
Kanilang yaman
Kanilang edukasyon
Ang dignidad ng tao
Kanilang lahi o kulay
Alin ang HINDI kabilang sa mga karaniwang paglabag sa karapatan sa isang pamilya?
Pisikal na pag-abuso
Pagpapabakuna sa anak
Pagpapabaya sa pag-aaral ng anak
Pagmamaltrato sa kasambahay
Napansin mo na sa inyong paaralan, tanging ang mga mag-aaral na may mataas na marka lamang ang binibigyan ng pagkakataong makilahok sa mga contest. Anong karapatan ang nilabag dito?
Karapatang bumuo ng pamilya
Karapatan sa libreng edukasyon
Karapatan sa pantay na oportunidad
Karapatang magkaroon ng buhay
Sa isang barangay, hindi pinapayagan ang mga street vendor na magtinda sa harap ng kapitolyo dahil makasisira raw ito sa imahe. Aling karapatan ang naapektuhan ng desisyong ito?
Karapatan sa pagpili ng relihiyon
Karapatan sa sariling opinyon
Karapatan sa paghahanapbuhay
Karapatang maging Malaya
Bilang isang mag-aaral, ikaw ay may karapatan sa magandang edukasyon. Ano ang kaakibat na tungkulin mo dito?
A. Sumunod sa lahat ng guro at magulang.
B. Mag-aral nang mabuti at pahalagahan ang edukasyon.
C. Makilahok sa lahat ng aktibidad ng paaralan.
D. Magbigay ng donasyon sa paaralan.
Nakita mo ang iyong nakababatang kapatid na lihim na binubuksan ang chat ng inyong magulang. Ano ang pinakamahusay mong gagawin bilang pagkilala sa karapatan ng inyong magulang?
Isumbong siya sa inyong magulang at pagalitán.
Kausapin siya at ipaliwanag na nilalabag niya ang privacy.
Ibigay ang phone sa magulang nang hindi nagsasalita.
Hintayin ang magulang at tanungin sila kung ano ang nilalaman.
Ang mga indigenous people ay may karapatang panatilihin ang kanilang kultura. Ano ang tungkulin ng lahat ng mamamayan hinggil dito?
Huwag silang pansinin at pabayaan.
Igalang at protektahan ang kanilang kultura at karapatan.
Turuan sila ng modern na pamumuhay.
Ipamahagi ang kanilang kultura sa iba.
Sa inyong klase, may kaklase ka na laging late dahil nagtatrabaho siya. Hindi siya pinapayagan ng guro na kumuha ng exam. Anong nararapat na action ang gagawin mo?
Magreklamo sa principal tungkol sa guro.
Kausapin ang guro at ipaliwanag ang sitwasyon ng kaklase.
Bigyan ng pera ang kaklase para hindi na magtrabaho.
Hayaan na lang dahil hindi mo responsibilidad iyon.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagganap sa tungkulin bilang kapalit ng karapatan?
Nagbabayad ng buwis kapalit ng serbisyo ng gobyerno.
Nag-aaral nang mabuti kapalit ng pagsuporta ng magulang.
Ginagalang ang batas trapiko kapalit ng kaligtasan sa kalsada.
Iniiwasang makialam sa politika kapalit ng tahimik na buhay.
Mayroon kang karapatang magpahayag ng opinyon. Paano mo ito magagamit nang may pananagutan?
Mag-post sa social media ng mga kritisismo nang walang batayan.
Ipahayag ang opinyon nang may paggalang at katotohanan.
Makipagdebate sa sinumang hindi sang-ayon sa iyo.
Huwag magbigay ng opinyon kung walang makikinig.
Bilang isang youth leader, may nakita kang paglabag sa karapatan ng mga bata sa inyong community. Ano ang appropriate na UNANG KILOS na dapat mong gawin?
Mag-post agad ng reklamo sa social media.
Kausapin ang kinauukulan at kumuha ng ebidensya.
Isagawa ang mass protest laban sa mga lumabag.
Balewalain na lang dahil hindi mo naman ito trabaho.
Ang dignidad ay batayan ng karapatan. Kung ang lahat ay may pantay na dignidad, ano ang implikasyon nito sa pagtrato natin sa mga persons with disability (PWDs)?
Mas bigyan sila ng pansin kaysa sa iba.
Tratuhin sila nang may espesyal na paggalang dahil sa kanilang kalagayan.
Tratuhin sila nang tulad sa lahat ng tao at bigyan ng pantay na pagkakataon.
Hayaan silang mamuhay nang mag-isa para hindi sila maging pabigat.
Bakit mahalagang kilalanin at unawain muna ang pagkakapantay-pantay ng dignidad ng lahat ng tao bago gampanan ang iyong tungkulin?
Para may masisisi kung sakaling magkamali.
Para maging tanyag at mapansin ng lahat.
Dahil ang dignidad ang ugat ng lahat ng karapatan at tungkulin.
Dahil ito ang pinakamadaling paraan para sumunod sa batas.
Sa anong sitwasyon maipakikita ang pinakamataas na antas ng paggalang sa Karapatan at Tungkulin?
Sumusunod ka lang sa batas dahil may parusa.
Ginagawa mo ang tungkulin dahil sa bayad.
Ginagampanan mo ang tungkulin dahil ito ay obligasyon na nakabatay sa pagmamahal sa kapwa.
Ginagawa mo ang tama para lang tularan ka ng iba.
Paano magkakaroon ng tunay na kabuluhan ang karapatan?
Kung mayaman at makapangyarihan ang may hawak nito.
Kung may kaakibat itong obligasyon at tungkulin.
Kung ito ay nakasulat sa Konstitusyon.
Kung ito ay may international na pagkilala.
Aling kilos ang pinakaangkop upang itama ang nasaksihang paglabag sa karapatang pantao sa inyong lugar?
Hayaan na lang ang pulis ang umaksyon.
Sumulat ng liham sa lokal na pamahalaan at magrekomenda ng solusyon.
Magkunwari na walang nakita para maiwasan ang gulo.
Maghanap ng mga taong makikipag-away sa mga lumabag.
Ano ang pangunahing layunin ng paggawa ayon sa EsP?
Kumita ng pera at yumaman
Matugunan ang pangangailangan at maglingkod
Magkaroon ng mataas na posisyon
Magpakita ng talino at galing
Paano pinatataas ng paggawa ang dignidad ng tao?
Ginagawa nitong popular at tanyag ang tao.
Ginagawa nitong mayaman at makapangyarihan ang tao.
Nagiging kabahagi siya sa paglikha at nagagamit ang kanyang talino at kakayahan.
Nagiging sikat siya sa social media dahil sa kanyang trabaho.
Alin ang HINDI kabilang sa mga aspeto ng kabutihang naidudulot ng paggawa?
Sa sarili (pagpapaunlad ng sarili)
Sa kapwa/pamilya (pagsuporta at pagmamahal)
Sa lipunan (pag-ambag sa common good)
Sa kapaligiran (paghahanap ng bagong natural resources)
Si Mang Ben ay janitor sa inyong paaralan. Sa tuwing naglilinis siya, sinisiguro niya na malinis at maaliwalas ang inyong silid-aralan. Anong pagpapahalaga ang ipinamalas niya sa kanyang paggawa?
Katalinuhan
Pagkamalikhain
Kasipagan at Pagmamahal sa Trabaho
Pagsunod sa schedule
Isang engineer si Carla na nagdesisyong magtayo ng matibay at ligtas na tulay kahit mas malaki ang kanyang gastos dahil sa de-kalidad na materyales. Paano itinataguyod ng kanyang paggawa ang paglilingkod?
Nagbigay siya ng trabaho sa mga laborer
Mas mataas ang profit niya
Inuuna niya ang kaligtasan at kapakanan ng publiko
Sumikat ang pangalan niya sa engineering field
Paano niya itinataguyod ang dignidad ng tao sa paggawa?
Iniiwasan niyang kopyahin ang gawa ng iba.
Ginagamit niya ang kanyang talino at kasanayan upang makalikha ng de-kalidad na produkto.
Pinatunayan niya na mas mahusay siya sa klase.
Nag-aaksaya siya ng oras sa paggawa.
Nagbebenta ng pagkain si Aling Nena. Kahit may kalakasan ang negosyo niya, patuloy siyang nagbibigay ng discount sa mga matatanda. Alin sa sumusunod ang saklaw ng kabutihang dulot ng paggawa na ipinakita niya?
A. Ang Sarili
B. Ang Pamilya
C. Ang Lipunan
D. Ang Kapaligiran
Aling sitwasyon ang HINDI nagtataguyod ng dignidad ng tao sa paggawa?
Binabayaran ang domestic helper nang mas mababa sa minimum wage.
Nagbibigay ng training sa mga marginalized worker.
Binibigay ng health benefits ang mga empleyado.
Ginagamit ang skills ng laborer para sa innovative (mapaglikha) na proyekto.
Ayon sa MELCs, paano makatutulong ang paggawa upang maiangat ang antas kultural at moral ng lipunan?
Sa pamamagitan ng paggawa ng mga tourist spot.
Sa paggawa ng product na sikat sa buong mundo.
Sa pagpapamalas ng mga pagpapahalaga tulad ng katapatan, katarungan, at pagmamalasakit.
Sa pagpapalabas ng mga movie na nagpapakita ng yaman.
Si Mario ay isang factory worker na hindi nasisiyahan sa kanyang trabaho pero patuloy siyang nagpapamalas ng excellent na serbisyo. Ano ang pinakamahusay na insight na mabubuo mo tungkol sa kanyang paggawa?
Ang pera ang pangunahing motibasyon niya.
Ang paggawa ay nagbibigay kabuluhan anuman ang trabaho.
Dapat siyang humanap ng ibang trabaho.
Ginagawa niya lang iyon para hindi siya matanggal.
Ano ang sintesis o paglalathala na mabubuo mo tungkol sa paggawa matapos mong mag-panayam ng mga marginalized worker?
Ang paggawa ay nakabatay sa swerte at pagkakataon.
Ang paggawa ay para lang sa mga may mataas na pinag-aralan.
Ang paggawa ay isang paraan upang maging bahagi sa pag-unlad at makamit ang kaganapan ng pagkatao.
Ang paggawa ay mahirap at dapat iwasan.
Paano nakakamit ng tao ang kaganapan ng kanyang pagkatao sa pamamagitan ng paggawa?
Kapag nakakuha siya ng mataas na posisyon.
Kapag nakamit niya ang kanyang personal na goals.
Kapag ginagamit niya ang kanyang talento at naglilingkod sa kapwa/lipunan.
Kapag siya ay tumigil na sa pagtatrabaho.
Aling sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng kabutihang naidudulot ng paggawa sa pamilya?
Naglaan ng oras si Tatay sa kanyang mga anak kahit pagod.
Nag-ipon si Nanay para sa pag-aaral ng kanyang mga anak.
Iniiwasan ng anak ang gawaing-bahay.
Tinutulungan ng pamilya ang bawat isa sa kanilang paggawa.
Bakit mahalagang suriin kung ang paggawang nasasaksihan ay nagtataguyod ng dignidad ng tao?
Para may masisisi kung sakaling mali ang ginawa.
Para malaman kung may sapat na kita ang mga manggagawa.
Para masiguro na ang tao ay ginagalang at hindi ginagamit lamang bilang kasangkapan.
Para makita kung sino ang pinakamagaling magtrabaho.
Ano ang Likas na Batas Moral (Natural Law)?
Mga batas na isinulat ng gobyerno.
Batas na natutunan sa relihiyon.
Batas na nakaukit sa kalikasan ng tao at nakikilala ng tamang katwiran.
Mga tradisyon at kaugalian ng isang kultura.
Ano ang ultimong layunin ng mga batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral?
Pagsunod sa authority
Pagkakaroon ng peace
Pagkamit ng Kabutihang Panlahat
Pag-unlad ng ekonomiya
Ang Batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral ay gumagarantiya sa pagtugon sa pangangailangan ng tao at umaayon sa:
Personal na kaligayahan
Political na kapangyarihan
Dignidad ng Tao
Kapritso ng nakararami
Alin sa mga batas na ito ang pinaka-direktang nakabatay sa primary precept o pangunahing prinsipyo ng Likas na Batas Moral, na ang buhay ay dapat pangalagaan?
Batas sa curfew ng mga kabataan
Batas laban sa illegal fishing
Batas laban sa murder at homicide
Batas sa pagbabayad ng buwis
May panukala sa inyong barangay na ang mga kabataan ay hindi na papayagang lumabas paglampas ng ika-9 ng gabi. Paano mo susuriin ang batas na ito batay sa Likas na Batas Moral?
Kung nakatutulong ba ito sa pagpapataas ng grades mo.
Kung ito ba ay umaayon sa tamang katwiran at safety ng kabataan at lipunan.
Kung ito ba ay katanggap-tanggap sa social media.
Kung ito ba ay nagpapakita ng kapangyarihan ng officials.
May batas sa inyong community na nag-oobligang mag-segregate ng basura. Bakit ito maituturing na nakaayon sa Likas na Batas Moral?
Dahil ito ay para sa beauty ng community.
Dahil ito ay tumutugon sa pangangailangan ng tao na manirahan sa maayos na kalikasan.
Dahil ito ay pinag-usapan ng mga officials.
Dahil ito ay makabago at modern na batas.
Isang ordinance ang ipinatupad upang tugunan ang isang malaking problema sa komunidad (hal., paglilinis ng kanal na nagdudulot ng baha at sakit). Ayon sa ordinance, lahat ng estudyante ay inaasahang makilahok sa gawain ito tuwing Sabado upang tiyakin ang kaligtasan at kalusugan ng buong barangay.
Pagsang-ayon dahil ito ay isang obligasyon na nakatuon sa Kabutihang Panlahat at sumasalamin sa Prinsipyo ng Solidaridad.
Pagtutol dahil ang pagpapahinga at personal na oras ay mas mahalaga kaysa sa paglilingkod sa komunidad.
Pagsang-ayon dahil ang pagiging required nito ay nagtuturo ng disiplina at pagsunod.
Pagtutol dahil labag ito sa tunay na diwa ng boluntarismo na dapat ay kusang-loob at walang sapilitan.
Ang Juvenile Justice and Welfare Act (RA 9344) ay nagtatakda ng minimum age of criminal responsibility. Paano ito umaayon sa Likas na Batas Moral?
Kinilala nito ang cognitive development ng bata at ang dignidad niya.
Nagbibigay ito ng exemption sa mga bata sa crime.
Nagpapakita ito ng kahinaan ng batas.
Ginagawa nitong popular ang mga kabataan.
Ano ang nararapat na gawin ng isang mamamayan kung ang isang batas ay malinaw na lumalabag sa dignidad ng tao?
Walang magagawa kundi sumunod.
Gumawa ng sarili niyang batas.
Magpahayag ng mapayapang pagtutol at magsulong ng pagbabago.
Lumipat na lang ng ibang lugar.
Ano ang hinuha o inference na mabubuo mo tungkol sa mga batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral?
Ang mga batas ay madaling baguhin.
Ang mga batas ay laging tama.
Ang batas ay mahalaga upang makamit ang kabutihang panlahat at masiguro ang dignidad ng tao.
Ang batas ay naglilimita sa kalayaan ng tao.
Nais mong tutulan ang isang bagong batas na hindi sumusunod sa Kabutihang Panlahat. Alin sa mga sumusunod ang procedural at mabisang hakbang sa pagpapahayag ng pagtutol sa antas lokal?
Mapayapang pag-oorganisa ng vigil o protesta upang ipakita ang kolektibong boses.
Paghahanda ng detalyadong alternatibong panukala at pagsasagawa ng dialogue sa mga opisyal.
Pag-uudyok sa publiko na huwag sumunod (civil disobedience) dahil sa paniniwalang mali ito.
Paglalathala ng mga video na puno ng galit at walang batayan online.
Bakit mahalagang pag-aralan ng mga kabataan ang mga batas na umiiral tungkol sa kanila?
Para malaman kung paano iwasan ang responsibilidad.
Para malaman kung paano gamitin ang batas laban sa magulang.
Para maihanda ang panukala para sa amendment na naaayon sa Likas na Batas Moral at Kabutihang Panlahat.
Para maging lawyer paglaki.
Kung ang isang batas ay gumagarantiya sa pagtugon sa pangangailangan ng tao, ano ang pinatutunayan nito?
Na ang gobyerno ay may sapat na budget.
Na ang batas ay nakabatay sa Likas na Batas Moral.
Na ang lahat ay masaya at kuntento.
Na ang batas ay napapanahon.
Kailan maituturing na tunay na umiiral at napapakinabangan ng lipunan ang Kabutihang Panlahat?
Kapag ang karamihan (majority) ay nakikinabang sa mga serbisyo ng gobyerno.
Kapag ang lahat ng sektor ay may pantay na pagkakataon (equal opportunity) na umasenso.
Kapag may pagkilala sa dignidad ng tao at ang mga kondisyong panlipunan ay accessible at handa para sa bawat isa.
Kapag ang lahat ay sumusunod sa mga batas, na nagreresulta sa lubos na kapayapaan at kaayusan.
Bilang isang kabataan, paano mo masusuportahan ang isang batas na umaayon sa Likas na Batas Moral?
Sa pamamagitan ng pagsunod lamang at pagiging pasibo.
Sa pamamagitan ng pag-uudyok sa iba na lumabag dito.
Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng impormasyon at pagpapakita ng pagiging responsible na mamamayan.
Sa pamamagitan ng pagtingin sa social media ng trending na balita.
