NEW
Font size
WorksheetsIkalawang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 7
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Sa pagtatatag ng pamahalaang sibil sa Pilipinas, ipinakilala ang isang uri ng pamamahala kung saan ang mga pinakamahahalagang desisyon ay isinasagawa ng mga opisyal ng pamahalaan na hindi halal ng mamamayan ngunit may pirmihang tungkulin sa kanilang posisyon. Anong uri ng pamamahala ang tinutukoy sa pahayag?
Pamahalaang Sibil
Pamahalaang Militar
Pamahalaang Bureaucratic
Pamahalaang Democratic
Paano naapektuhan ng imperyalismo ang kultura ng mga bansang nasakop?
Nagkaroon ng pagsasama-sama ng lahat ng kultura.
Naipreserba ang orihinal na kultura ng nasasakupan.
Nalinang ang pagkakakilanlan ng mga bansang nasakop.
Naipasa ang mga kaugalian, tradisyon at paniniwala ng bansang mananakop sa nasasakupan.
Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng di-mabuting dulot ng imperyalismo at kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya?
Nabuo ang mga kilusang nasyonalismo.
Umusbong ang mga kolonyal na lungsod.
Nagkaroon ng paghahalo ng lahi ng mga Kanluranin at katutubo upang mapanatili ang kolonya.
Nawalan ng karapatan ang mga Asyano na pamahalaan ang sariling bansa gamit ang sariling sistema.
Kung ikaw ay isang pinuno ng isang mahinang bansa noong panahon ng imperyalismo at ang makapangyarihang bansa ay humihingi ng concession upang gamitin ang iyong teritoryo at likas na yaman para sa kanilang mga pansariling interes. Ano ang maaari mong gawin upang maprotektahan ang interes ng iyong bansa?
Pumayag nang walang kondisyon para maiwasan ang anumang alitan.
Ibigay ang lahat ng kahilingan ng makapangyarihang bansa kapalit ng tulong militar.
Makipagsundo sa makapangyarihang bansa sa pagbuo ng patas na kasunduan na magbibigay benepisyo sa iyong bansa.
Tumangging makipag-ugnayan at ipaglaban ang teritoryo at karapatan sa sariling bansa nang walang pakikipag-usap sa mga mananakop.
Bilang isang mamamayang Pilipino, makatarungan ba ang sistema ng imperyalismo kung saan sapilitang kinokontrol ng isang makapangyarihang estado ang mahina at maliit na mga bansa?
Oo, dahil may karapatan ang mga ito gamitin at pakinabangan ang yaman ng bansang nasakop.
Oo, sapagkat nakatulong ito sa pag-unlad ng mga nasasakupang estado sa larangan ng ekonomiya at teknolohiya.
Hindi, sapagkat nagiging dahilan ito ng pagkawala ng kasarinlan at paglabag sa karapatang pantao ng mga nasasakupang estado.
Hindi, sapagkat ito ay nagdudulot ng paglaglo sa likas na yaman at nagpapamalas ng pagsunod sa identidad ng malalakas na bansa.
Ang sumusunod ay uri ng pagkontrol na ginamit ng mga imperyalistang bansa sa kanilang bansang nasakop maliban sa isa, alin ito?
Concession
Kapitalismo
Protektorado
Sphere of Influence
Ang Pilipinas ay napasailalim sa kapangyarihan ng Espanya sa loob ng mahigit tatlumpu’t tatlong daang taon kung saan ipinatupad ang Polo y Servicio at sistemang bandala. Anong anyo ng pagkontrol ang kanilang ipinatuad?
Concession
Economic Imperialism
Protektorado
Sphere of Influence
Ito ay tumutukoy sa ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo laban sa mga Turkong Muslim upang mabawi ang Jerusalem sa mga ito.
Ekspedisyon
Krusada
Protektorado
Sphere of Influence
Ang sumusunod ay mahahalagang kaganapan sa Europa na naging daan ng kanilang pagpunta sa Asya maliban sa isa, alin ito?
Paglulunsad ng Krusada
Paglalakbay ni Marco Polo
Paniniwala sa Merkantilismo
Paghahanap ng rutang pangkalakalan
Paano nakaapekto sa kalakalan at ekonomiya ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya ang pagdating ng mga Europeo noong panahon ng kolonyalismo?
Pinaunlad ng mga Europeo ang lokal na kalakalan sa pamamagitan ng pagtatag ng patas na kasunduan sa mga katutubo.
Nagkaroon ng kalayaan ang mga bansang Asyano na ipagpatuloy ang kanilang tradisyunal na kalakalan sa kabila ng presensya ng mga Europeo.
Nagpatupad ng monopolyo ang mga Europeo sa mga pangunahing produkto tulad ng pampalasa, na nagdulot ng pagbagsak ng lokal na ekonomiya.
Tinulungan ng mga Europeo ang mga lokal na pinuno na mapabuti ang kanilang ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay ng modernong teknolohiya at kaalaman.
Kung ikaw ang pinuno ng isang bansang kolonya at naniniwalang hindi makatarungan ang "White Man’s Burden," paano mo ipapakita ang iyong pagtutol sa konseptong ito?
Tulungan ang mga mananakop na palaganapin ang kanilang relihiyon at kultura sa iyong bansa.
Hikayatin ang mga mamamayan na tanggapin ang mga banyagang kaugalian bilang paraan ng pag-unlad ng bansa.
Sumunod sa lahat ng patakaran ng mga kolonyal na pinuno dahil ito ang itinuturing na “tamang” paraan ng pamumuhay.
Magpatupad ng mga batas na nagtatanggol sa kultura at karapatan ng iyong mga mamamayan upang hindi maapektuhan ng pananaw ng mga mananakop.
Ang paniniwalang Nasyonalismo at Social Darwinism ang ginamit ng mga Kanluranin bilang batayan upang pagpatuloy at bigyang-katwiran ang kanilang pananakop, na siyang tema sa tula ni Rudyard Kipling na “The White Man’s Burden.” Ano ang ipinahihiwatig nito?
Ipinahihiwatig nito na tinitingnan ng mga Kanluranin ang kanilang kultura at lahi bilang mas mataas o nakahihigit kaysa sa iba.
Ipinapakita nito ang hangarin ng mga Kanluranin na makipagtulungan sa mga kolonya para sa pag-unlad ng bawat bansang nasakop.
Ang mga Kanluranin ay nagbibigay-katwiran sa kanilang pananakop bilang isang makataong misyon upang 'tulungan' ang mga kolonya.
Ipinapahiwatig nito na ang Nasyonalismo at Social Darwinism ay nagbunsod ng pagkakaisa sa pagitan ng mga bansang mananakop at kanilang mga kolonya.
Kung ikaw ang pangulo ng Pilipinas, paano mo ipatutupad ang prinsipyo ng merkantilismo sa pamamahala ng bansa?
Bumuo ng mga kasunduan sa kalakalan na magbibigay ng pantay na benepisyo sa lahat ng mga kasaping bansa.
Magpatupad ng mga buwis at mga restriksyon sa kalakalan upang mapanatili ang mga likas na yaman para sa sariling kapakinabangan.
Magpatupad ng mga polisiya na magpapahintulot sa malayang kalakalan ng mga produktong agrikultural at teknolohiya sa ibang bansa.
Bigyang-pansin ang mga programang pangkapaligiran upang mapanatili ang likas na yaman ng bansa at bawasan ang pag-angkat ng mga produkto.
Ang sumusunod ay dahilan ng mga Europeo sa pagpunta sa Asya maliban sa isa, alin ito?
Palaganapin ang Kristiyanismo sa mga rehiyon ng Asya.
Makapag-asawa ng Asyano at mapalawak ang kanilang lahi
Paghahanap ng mas mabilis at direktang ruta para makuha ang mga mamahaling produkto tulad ng pampalasa at seda.
Pagnanais na makakuha ng ginto, pilak, at iba pang yaman upang mapalakas ang ekonomiya ng kanilang mga bansa.
Alin sa sumusunod na pahayag ang mabuting naidulot ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas?
Naging laganap ang racial discrimination.
Umusbong ang damdaming makabansa ng mga Pilipino.
Nawala ang karapatan at kalayaan ng mga Pilipino na pamunuan ang sariling bansa.
Marami ang naghirap dahil sa hindi makatarungang pagpataw ng buwis, pagkakmkam sa mga ari-arian at mga produktong Pilipino.
Kung ikaw ay isang negosyante sa Indonesia noong panahon ng kolonyalismong Europeo at ang pamahalaan ay nagbibigay ng monopolyo sa kalakalan ng mga pampalasa sa pamamagitan ng Dutch East India Company, paano mo iaangkop ang iyong negosyo upang makipagsabayan sa patakarang ito?
Tanggihan ang kalakalan ng pampalasa at magtayo ng negosyo na hindi umaasa sa kalakalan sa ilalim ng Dutch East India Company.
Ituon ang pansin sa lokal na industriya ng pampalasa at sikapin na palawakin ang produksiyon nito upang makipagsabayan sa mga banyagang kumpanya.
Magtatag ng sariling kumpanya na magluluwas ng pampalasa mula sa ibang bansa at ibenta ang mga ito nang hindi kinikilala ang monopolyo.
Makipag-ugnayan sa Dutch East India Company upang maging isang lisensyadong kasapi na magiging daan upang makipagkalakalan ng mga pampalasa sa ilalim ng kanilang monopolyo.
Paano nakatulong ang paglusob ng mga Portuges, Dutch, at British sa Malacca noong 1511 sa pagbabago ng kalakaran ng kalakalan sa rehiyon?
Pinabilis ng kanilang pananakop ang pag-unlad ng lokal na industriya at pagpapalakas ng kalakalan sa pagitan ng mga katutubo at mga banyaga.
Ang kanilang pananakop ay nagdulot ng matinding pagkakahiati sa mga katutubong pinuno na dahilan ng pagbagsak ng mga lokal na kaharian at pagkawala ng kanilang kalayaan.
Nakipag-alyansa ang mga banyaga sa mga katutubong pinuno upang kontrolin ang kalakalan ng mga pampalasa na nagbigay daan sa pagyaman ng mga lokal na komunidad at negosyo.
Ang pananakop ng mga banyaga ay nagdulot ng monopolyo sa kalakalan ng mga mahahalagang produkto na nagpalakas sa kapangyarihan ng mga katutubong pinuno at nagbigay daan sa kolonisasyon.
Paano nakaapekto sa ugnayan at kultura ng mga katutubong pamayanan sa Pilipinas ang pagdating ng mga Espanyol noong 1521 sa pangunguna ni Ferdinand Magellan?
Nagbunsod ito ng pagkakaisa sa hanay ng mga katutubong pamayanan bilang pagtutol sa anumang uri ng pananakop ng mga Kanluranin.
Nagdulot ito ng mabilis na pag-unlad ng ekonomiya ng mga katutubo na pinalakas ang malayang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at ng Kanluran.
Ipinakilala nito ang kolonyalismo sa Pilipinas na nagdulot ng pagbabago sa sistema ng pamumuno at pagpasok ng mga bagong relihiyon at paniniwala.
Pinalakas nito ang ugnayan sa pagitan ng mga katutubo at mga Kanluranin na nagbigay-daan sa malayang pagpapalitan ng kaalaman at teknolohiya.
Ang ekspedisyong Espanyol na pinamunuan ni Ferdinand Magellan noong 1521 ang maituturong na unang pagdating ng mga Kanluranin sa Pilipinas. Alin sa sumusunod ang hindi layunin ng mga Espanyol sa pananakop sa bansa?
Palaganapin ang Kristiyanismo sa mga katutubong pamayanan.
Palakasin ang kapangyarihan at impluwensya ng Espanya sa Asya.
Gawing pangunahing tagapagtustos ng mga armas ang Pilipinas para sa Europa.
Pagyamanin ang kalakalan ng mga pampalasa at mahahalagang produkto sa mga bansa sa Asya.
Ito ay paraan ng pananakop ng mga Kanluraning bansa sa Indonesia kung saan pinag-aaway-away ang mga lokal na pinuno o mga naninirahan sa isang lugar.
Divide and Rule Policy
Open Door Policy
Culture System
Isolationism
Alin sa sumusunod na pangyayari ang naging dahilan ng pag-usbong at pag-unlad ng nasyonalismo sa Asya?
Pakikipaglaban sa kapwa Asyano
Pagpapakita ng pagkakaisa ng mga Asyano
Pakikipag-ugnayan sa mga bansang Kanluranin
Pananakop at pagsasamantala ng mga bansang Kanluranin sa mga bansang Asyano
Ang Olandes ay nagpatupad ng sistemang "Cultivation System," kung saan pinilit ang mga magsasaka na magtanim ng mga produktong pang-export. Alin sa sumusunod ang negatibong epekto nito?
Tumaas ang produksiyon ng mga kalakal na kinakailangan sa merkado ng Europa.
Nagdulot ito ng kalupitan, pang-aabuso sa mga lokal na tao at paglabag sa kanilang mga karapatan.
Nakapagbigay ito ng malaking kita sa mga Olandes na ginamit nila upang palakasin ang kanilang ekonomiya at impluwensya sa buong rehiyon ng Asya.
Naging daan sa pagsasagawa ng proyektong pang-imprastruktura tulad ng mga daan at irigasyon na naging kapaki-pakinabang sa huling yugto ng kanilang kolonyal na pamamahala.
Bakit direktang nanirahan ang mga Briton sa mga grupo ng isla sa Malaysia?
Upang kontrolin ang kalakalan, mga daungan, at mapalakas ang kanilang impluwensya sa rehiyon.
Upang magtatag ng mga makabagong industriya at pasimulan ang mga proyektong pang-imprastruktura.
Upang magtayo ng mga misyonerong sentro at mapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo sa mga katutubo.
Upang magsimula ng malalaking plantasyon na magbibigay ng mga hilaw na materyales para sa kanilang mga pabrika sa Europa.
Paano maipapakita ang mga prinsipyo at estratehiya na ginamit ni Sukarno sa kanyang paglaban para sa kalayaan ng Indonesia sa mga modernong kilusan ng nasyonalismo sa iba pang mga bansa sa Timog-Silangang Asya?
Ang pagsasama-sama ng iba’t ibang grupo at paggamit ng diplomatikong paraan sa paghikayat ng internasyonal na suporta ay magagamit ng ibang mga bansa sa Timog-Silangang Asya upang mapanagumpayan ang kanilang pambansang pagkakakilanlan at kalayaan.
Ang paggamit ng kolaborasyon ng iba’t ibang mga pangkat ay hindi akma sa mga bansa na may iba’t ibang etniko at relihiyon na naghahangad ng pagkakaisa.
Ang paggamit ng dahas at lakas upang makamit ang kalayaan ay hindi magagamit sa mga bansang may makatarungang proseso ng halalan at pamamahala.
Ang paggamit ng mga militar at sandatahang lakas ay hindi na magagamit sa mga bansang hindi nakakaranas ng parehong uri ng pananakop.
Kung ikaw ay hari ng Espanya noong panahon ng kolonyalismo sa Pilipinas, anong uri ng prinsipyo at estratehiya ang iyong gagamitin sa pakikisalamuha sa mga Pilipino upang mapanatili ang kaayusan at kontrol sa bansa?
Pagtutok sa pwersa at pagpapatupad ng mahigpit na batas at parusa upang matiyak ang pagtaliama at kontrol sa mga Pilipino.
Pagkilala at pagpapalakas sa mga lokal na lider at komunidad sa pamamagitan ng mga kasunduan at kooperasyon upang mapanatili ang kaayusan at katatagan.
Pagtataguyod ng isang sistemang hindi nakikipag-ugnayan sa mga Pilipino kung saan ang mga Kastila lamang ang may kontrol sa pamamahala at ekonomiya ng bansa.
Pagpapalaganap ng Kristiyanismo nang walang pagsasaalang-alang sa mga lokal na kultura at tradisyon upang mabilis na magtagumpay ang relihiyon at kultura ng mga Kastila.
Bakit may magkatulad na reaksyon at tugon ang mga mamamayan ng Pilipinas, Indonesia, at Malaysia sa pananakop ng dayuhan?
Dahil pare-pareho nilang tinanggap ang kolonyal na pamamahala at ipinagpatuloy ang mga tradisyon at relihiyon ng mga mananakop, na hindi nagdulot ng anumang pag-aalsa.
Dahil sa pareho nilang naramdaman ang matinding pagsasamantala, pang-aabuso, at paghihirap mula sa mga mananakop, na nagbunsod ng pagkakaisa at paglaban sa kolonyalismo.
Dahil ang mga mamamayan ng tatlong bansa ay may magkakaibang reaksyon at hindi nakaranas ng parehong sitwasyon, kaya hindi sila nagkaroon ng magkatulad na tugon sa pananakop.
Dahil ang mga mamamayan ng tatlong bansa ay hindi nakaranas ng anumang pagbabago sa kanilang kultura at ekonomiya sa ilalim ng pananakop kaya hindi sila nagkaroon ng anumang reaksyon.
Bakit ipinatuad ng mga Pranses ang Assimilation Policy sa kanilang mga kolonya sa Vietnam?
Palaganapin ang pagsasaka at pagpapalago ng agrikultura sa buong rehiyon.
Paghikayat sa mga lokal na pinuno na maging bahagi ng pamahalaang kolonyal ng Pransya.
Palawakin ang pakikipagkalakalan ng Vietnam sa iba pang mga kolonya ng Pransya sa Asya.
Hikayatin ang mga lokal na mamamayan na yakapin ang kulturang Pranses at tanggapin ang pamumuno ng Pransya.
Bakit mahalaga ang paggamit ng lakas-militar sa mga nasasakupang bansa sa kasalukuyan?
Upang mapalawak ang teritoryo at kontrolin ang ekonomiya ng mga kalapit na bansa.
Upang tiyakin ang mabilis na pag-unlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng pwersahang paggawa.
Upang masiguro ang pagkakaisa at kooperasyon sa pagitan ng mga lokal na tribu at pamayanan.
Upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, lalo na sa mga lugar na may banta ng rebelyon o terorismo.
Ipinatupad ng Pransya sa Vietnam ang direct colonial rule at nagsagawa ng masusing integrasyon ng kulturang Kanluranin sa kanilang mga sistema ng pamamahala at ekonomiya. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita nito?
Ang mga Pranses ang may kontrol ng pangunahing industriya at likas na yaman ng Vietnam.
Binigyan ng laya ng Pransya ang Vietnam na pamunuan ang mga lokal na pamahalaan sa bansa.
Walang malawakang kapangyarihan ang mga lokal na Vietnamese upang mamahala o gumawa ng mga patakaran.
Ang mga Pranses ang nagtatakda ng mga patakaran at batas gaya ng buwis, regulasyon sa kalakalan, at mga sistema ng edukasyon na nagbigay-priyoridad sa kanilang interes.
Kung ikaw ay isang Burmese, paano mo tatanggapin ang mga pagbabagong dulot ng kolonyalismong Britanya nang mapayapa?
Tatanggapin ko ang mga pagbabago ngunit patuloy kong iingatan ang mga tradisyong Burmese upang mapanatili ang aking kultura.
Ipawawalang bahala ang anumang pagbabago sapagkat walang naging mabuting epekto sa buhay ng mamamayan ang kolonyalismo sa Myanmar.
Lubos kong tatanggihan ang lahat ng pagbabago at patuloy na ipaglalaban ang paglayo sa anumang impluwensyang Britanya sa kultura ng Myanmar.
Yayakapin nang buo ang kultura ng Britanya at tatalikuran ang lahat ng tradisyong Burmese upang maging mas moderno at umangkop sa pamantayan ng mga Briton.
Ito ay tumutukoy sa paggamit ng pwersa o armadong lakas upang supilin ang mga pag-aalsa at mapanatili ang kaayusan at kontrol sa kolonya.
Assimilation Policy
Divide and Rule
Forced Labor
Military Force
Ang sumusunod ay mga patakarang ipinatupad ng mga kolonyal na bansa sa pangkontinenteng Timog Silangang Asya upang mapanatili ang kontrol sa mga nasasakupan maliban sa isa, alin ito?
Assimilation Policy
Divide and Rule
Encomienda System
Forced Labor
Ano ang naging epekto ng pagpapatupad ng Resident System sa awtoridad ng hari ng Burma noong panahon ng kolonyalismong Ingles?
Nagbunga ito ng pakikipagtulungan ng hari sa mga Briton na nagpatibay sa ekonomiya ng Burma.
Pinatibay nito ang kapangyarihan ng hari sa pamamagitan ng pag-aalis ng impluwensya ng mga lokal na pinuno.
Wala itong naging epekto sa kapangyarihan ng hari dahil nanatili ang tradisyonal na sistema ng pamamahala.
Pinahina nito ang awtoridad ng hari sa pamamagitan ng direktang pagkontrol ng Briton sa mga patakaran ng gobyerno.
Ang Cambodia ay napasailalim sa kapangyarihan ng mga Pranses nang itatag ang French Protectorate noong 1863 bilang bahagi ng kanilang kolonyal na layunin. Bakit ito ginawa ng mga Pranses?
Upang mapanatili ang neutralidad ng Cambodia at maiwasan ang pananakop mula sa mga kalapit-bansa tulad ng Siam at Britanya.
Upang magtatag ng isang demokratikong pamahalaan sa Cambodia at bigyan sila ng kalayaan mula sa mga kolonyal na pwersa ng ibang bansa.
Upang palakasin ang kanilang kapangyarihan sa rehiyon ng Indochina at gamitin ang mga likas na yaman ng Cambodia para sa kanilang sariling kapakinabangan.
Upang palaganapin ang mga lokal na tradisyon at kultura ng Cambodia at ingatan ang kasaysayan ng bansa mula sa mga dayuhang impluwensya.
Bilang lider ng Vietnam, pipiliin mo rin ba ang mapayapang paraan ng pakikibaka laban sa mga Pranses?
Hindi, mas pipiliin kong gamitin ang armadong pakikibaka at mag pag-aalsa upang mabilis na makamtan ang kalayaan ng Vietnam.
Oo, gagamitin ko ang mga mapayapang paraan ngunit gagamitin ko rin ang mga lihim na operasyon upang magsimula ng mga rebolusyon kung kinakailangan.
Hindi, maghihintay ako ng pagkakataon na magkaayos ang mga bansa sa pamamagitan ng kasunduan at hindi na magsasagawa ng anumang hakbang laban sa mga Pranses.
Oo, pipiliin kong gumamit ng mapayapang paraan tulad ng diplomatikong negosasyon at mga petisyon upang matamo ang kalayaan nang walang anumang pagdudugo ng buhay.
Bakit naging mahalaga para sa mga Briton na ipatupad ang Strategic Hamlet Plan sa kanilang pananakop sa Burma?
Upang mapanatili ang kapayapaan at pagkakaisa sa mga lokal na komunidad sa Burma.
Upang magtayo ng mga makabagong imprastrukturang pang-ekonomiya at panlipunan sa Burma.
Upang magbigay ng kalayaan sa mga mamamayan ng Burma at magpatupad ng mga demokratikong reporma.
Upang mas mapadali ang kontrol sa mga rural na lugar at mapigilan ang mga rebeldeng naglalayong mag-alsa laban sa kanila.
Ang Civil Disobedience sa Burma (Myanmar) ay naging isang mahalagang bahagi ng paglaban sa mga hindi makatarungang pamamahala lalo na sa panahon ng mga diktaduryang militar at kolonyalismo. Ang sumusunod ay mga katangian ng Civil Disobedience maliban sa isa, alin ito?
Pagtanggap sa mga parusang ipinataw ng gobyerno bilang bahagi ng kanilang protesta.
Paggamit ng karahasan upang maghiganti at magtagumpay laban sa mga opresibong pwersa.
Pagpapakita ng malakas na moral na layunin at kamalayan sa mga isyung panlipunan at politikal.
Pagkilos ng mapayapa at hindi marahas upang ipahayag ang pagtutol sa mga hindi makatarungang batas.
Ipinatupad ng mga Pranses ang mahigpit na kontrol at paghahati-hati ng teritoryo sa Vietnam, na nagdulot ng pagkakahati nito sa iba't ibang rehiyon. Alin sa mga sumusunod na rehiyon ang hindi kabilang dito?
Annam
Cochinchina
Siam
Tonkin
Sa ilalim ng pamumuno ni Ho Chi Minh, ang lahat ng mamamayan ay tinipon upang lumahok sa pambansang paglaban laban sa mga Pranses. Ang kanyang panawagan para sa "United National Resistance" ay nagbigay-diin sa pagkakaisa at determinasyon. Paano nakatulong ang sumusunod na estratehiya ni Ho Chi Minh sa pagkakamit ng layunin ng pagkakaisa sa paglaban sa mga Pranses?
Pagtutok sa militarisasyon at pagpapalakas ng hukbo.
Pagpapalaganap ng ideya ng sosyalismo at komunismo sa buong bansa.
Pagbuo ng isang malawak na alyansa ng mga mamamayan mula sa iba't ibang sektor ng lipunan.
Pagtanggap sa pamumuno ng mga banyaga at pagpapalakas ng ugnayan sa mga dayuhang bansa.
Paano mo ilalarawan ang tagumpay ng Hapon sa pananakop ng mga teritoryo sa Asya noong ika-20 siglo?
Gumamit ng isang simpleng pagpapalawak ng teritoryo na walang pangmatagalang epekto sa rehiyon.
Nagsagawa ng etikal na kampanya na nagpatunay sa pagkakaisa ng Asya laban sa kanluraning imperyalismo.
Nagpamalas ng aksyon na nagpakita ng tunay na layunin ng Hapon na protektahan ang mga nasakop na bansa mula sa impluwensiyang Kanluranin.
Gumamit ng estratehikong hakbang upang palakasin ang ekonomiya at politikal na kapangyarihan ng Hapon subalit nagdulot ng malalim na pinsala at kawalan ng tiwala sa mga nasakop na bansa.
Ang imperyalismong Hapon sa ika-20 siglo ay nagdulot ng malawakang pagbabago sa rehiyon ng Silangang Asya kabilang na ang mga bansang Tsina, Korea at iba pang bahagi ng Timog-Silangang Asya. Alin sa sumusunod ang kanilang pangunahing layunin sa pananakop?
Pagtatatag ng isang demokratikong pamahalaan sa mga nasakop na bansa.
Pagpapalaganap ng relihiyong Shinto at kultura ng Hapon sa buong mundo.
Pag-aalaga at pagpapaunlad ng buhay ng mga mamamayan sa mga nasakop na teritoryo.
Pagpapalawak ng teritoryo at pagpapalakas ng kanilang kontrol sa mga yaman at ekonomiya ng Asya.
Ipinatupad ng mga Pranses sa Cambodia ang pamahalaang representative colonial kung saan ang mga patakaran at desisyon ay ginagawa ng mga kinatawang itinalaga ng mga Pranses habang limitado lamang ang kapangyarihan ng mga lokal na pinuno. Ano ang pangunahing layunin ng sistemang ito?
Ibalik ang buong kapangyarihan ng hari bilang tanging pinuno ng estado.
Ibigay ang ganap na kalayaan sa mga lokal na lider sa pamamahala ng bansa.
Linangin ang kakayahan ng mga lokal na pinuno tungo sa ganap na demokrasya at sariling pamahalaan.
Panatilihin ang kapangyarihan ng mga Pranses habang ipinapakita na may partisipasyon ang mga lokal na pinuno sa pamahalaan.
Nagkaroon ng sigalot ang Japan at Russia dahil sa kanilang patakaran sa pagpapalawak ng teritoryo sa Asya. Ang sumusunod ay pinag-aagawang teritoryo ng dalawang bansa maliban sa isa, alin ito?
Korea
Pilipinas
Manchuria
Liaodong peninsula
Ang imperyalismong Hapon ay nag-iwan ng pangmatagalang impluwensya sa mga bansang kanilang nasakop. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng impluwensya ng Hapon sa aspektong kultural?
Pagbubukas ng kalakalang panlabas
Arkitektura tulad ng templo at Budismo
Mga anime tulad ng Naruto at One Piece
Pag-aalaga at pagpaparami ng bibi at hipon
Kung ikaw ay lider ng isang bansa sa Asya noong ika-20 siglo na nasakop ng Hapon, anong mga hakbang ang iyong gagawin upang mapanatili ang soberanya ng iyong bansa?
Maglunsad ng armadong pakikibaka laban sa Hapon, kahit na may panganib sa kaligtasan ng mga mamamayan.
Makipagtulungan sa pamahalaang Hapon upang unti-unting mabawi ang kalayaan ng bansa sa mapayapang paraan.
Lubos na tanggapin ang pamamahala ng Hapon at ituon na lamang ang pansin sa pag-unlad sa ilalim ng kanilang pananakop.
Itaguyod ang lihim na kilusan para sa kalayaan habang nagpapanatili ng anyo ng kooperasyon upang protektahan ang mga mamamayan.
Ang pagkapanalo ng Japan laban sa dalawang makapangyarihang bansa ay nagdulot ng pagkilala dito bilang isang pwersang pandaigdig. Alin sa sumusunod ang naging benepisyo ng Unang Digmaang Pandaigdig para sa Japan?
Nakuhang ng Japan ang mga dating teritoryo ng Germany sa Asya at Pasipiko na nagpalakas sa kanilang posisyon sa rehiyon.
Nadagdagan ang kapangyarihan ng Japan sa Europa bilang resulta ng pagbuo ng alyansa sa mga bansang Kanluranin.
Nabawasan ang impluwensya at kapangyarihan ng Japan sa rehiyon dahil sa pagkawala ng kanilang mga teritoryong nasasakupan.
Naging pangunahing tagapagtustos ng hilaw na materyales ang Japan para sa mga bansang Europa na nagpaangat ng kanilang ekonomiya.
Ang imperyalismong Hapon ay may malalim na impluwensiya sa mga bansa at rehiyon na kanilang nasakop noong panahon ng kanilang imperyalismo. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng impluwensiya nila sa larangan ng ekonomiya?
Ang anime, manga, J-pop, at iba pang pop-culture ay malawakang lumaganap, kinikilala at inaangkat sa buong mundo.
Paglaganap at pagtangkilik ng iba’t ibang mga bansa sa mga pagkaing Hapon gaya ng sigang sa miso, tempura at sushi.
Ipinamana ng mga Hapones sa atin ang kanilang magagandangkatangian tulad ng katapatan, kasipagan at pagkamalikhain.
Maraming industriya tulad ng paggawa ng sandata, pagkukulay ng katad at maging ang artipisyal na pagpapalahi ng bibe at isda ang natutunan ng iba’t ibang mga bansa.
Ipagpalagay na ikaw ay nabuhay noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas, ano ang maaari mong gawin upang protektahan ang iyong sarili at ang iyong pamilya?
Kumampi sa mga Hapon upang matiyak ang aming kaligtasan.
Makipagtulungan sa mga Hapon upang maiwasan ang anumang parusa o panganib.
Sumali sa mga kilusang gerilya at labanan ang mga mananakop kahit na may panganib na mahuli.
Manatili sa neutral na posisyon at huwag makialam sa anumang laban upang magiging ligtas ang iyong pamilya.
Ang mga bansang sinakop ng Hapon tulad ng Pilipinas, Taiwan, at Korea, ay nakaranas ng pagbabago sa kanilang pamahalaan at sistema ng politika. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nito?
Ang mga bansa ay pinayagan na magkaroon ng ganap na kalayaan at pamahalaang malaya mula sa Hapon.
Ang mga bansa ay nagkaroon ng mga demokratikong halalan na pinamahalaan ng mga Hapones at ng kanilang mga lokal na pinuno.
Ang mga bansang nasakop ay nagpatuloy sa kanilang orihinal na sistema ng pamahalaan at hindi naapektuhan ng pamamahala ng Hapon.
Ang mga bansa ay pinamunuan ng mga Hapones na nagpatupad ng mga patakaran upang palaganapin ang kulturang Hapon at kontrolin ang mga lokal na sistema.
Kung ikaw ay isang mamamayan ng bansang Asyano na naging biktima ng imperyalismong Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, paano mo gagamitin ang kanilang impluwensiya upang mapaunlad ang iyong bansa sa kasalukuyan?
Gamitin ang mga teknolohiyang ipinakilala ng Hapon upang modernisahin ang industriya at infrastruktura ng bansa.
Iwasan ang anumang impluwensiyang Hapon at ibalik ang mga tradisyonal na sistema ng pamamahala at ekonomiya.
Patibayin ang mga patakarang pangkalakalan upang magsanib-puwersa sa mga bansang kanluraning kaalyado ng Hapon.
Gamitin ang mga natutunang taktika mula sa Hapon sa pagpapalawak ng teritoryo at pagpapalakas ng militar sa kanilang bansa.
