wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

LAGUMANG PAGSASANAY SA VE7

Total questions: 40

Worksheet time: 3hrs 41mins

Name
Class
Date
1.
  1. 1.Ang pagkakaroon ng kaalaman na ang bawat aksiyon o kilos ay may epekto na mabuti o masama at ito ang dahilan kung bakit dapat maging maingat at maging responsable sa bawat kilos. Ang pagpapahalagang tinutukoy ay ______.

a)

a.mapanghusga             

b)

b. mapanagutan

c)

c. matiisin

d)

d. mapagbigay

2.

2.Nakapulot si Lea ng pitaka sa may kantina. Ipinaalam niya ito sa kanilang guro at ibinigay ng walang pag-aalinlangan. Ang naging pasya ni Lea ay nagpapakita ng anong pagpapahalaga?

a)

a.paggalang

b)

b.kabaitan     

c)

c.  katapatan

d)

d. karunungan 

3.

3. Madalas paalalahanan ni nanay Selya ang kaniyang mga anak na iwasang magsalita ng makakasakit sa kapuwa sa kabila ng mga pakikitungo ng iba. Laging magkaroon ng kamalayan sa tumatakbo sa isipan upang maiwasan ang mga negatibong gawain. Anong pagpapahalaga ang nais ng nanay na matutuhan ng kaniyang mga anak?

a)

pakikipagkaibigan

b)

kapakumbabaan

c)

 pagpapasalamat

d)

pagtitimpi

4.

4.Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng tungkulin sa pamilya na dapat maisakatuparan, MALIBAN sa isa.

a)

a.    Makibahagi sa mga pagpapasya sa tahanan

b)

b. Magpasya at unahin ang sariling kagustuhan at kapakanan

c)

c. Maglaan ng oras sa mga gawaing bahay

d)

d. Pakinggan ang saloobin ng bawat miyembro ng pamilya

5.

5.   Bilang isang mag-aaral ikaw ay may tungkulin na dapat isakatuparan. Ang tungkulin ding ito ay malaking bagay para sa iyong mga magulang.

a)

a.    Mag-aral nang mabuti at maging maingat sa paggastos

b)

b. Maging matalino at iwasang lumabas ng bahay

c)

c. Magbahagi ng baon sa mga kamag-aral

d)

d. Makipagkaibigan sa kaparehong edad lang

6.
  1. 6. Lumaki si Dina na malayo sa karangyaan ng buhay. Nakita niya ang sakripisyo ng kaniyang mga magulang para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Anong magandang magagawa niya para sa pamilya?

                     

           

a)

a.    Huwag ipapaalam ang problema sa paaralan    

b)

b.    Maging mas matiyaga sa pag-aaral

c)

c.    Mangutang sa mga kaibigan

d)

d.    Umalis sa kanilang bahay

7.

7. Ayon kay Stephen Covey sa kaniyang aklat na 7 Habits of Highly Effective Families, may mga pag-aaral na nagpapatunay na ang pakikibahagi ng isang tao sa mga gawaing pangrelihiyon ay mahalaga. Alin sa mga nabanggit na kahagahan ang natatamo ng pamilya?

 

a)

a.    Nagpapatibay ng pagkaisipan

b)

b.    Nagpapahusay ng pakikitungo sa kapuwa

c)

c.    Nagpapatibay sa ugnayan

d)

d.    Nagpapalapit sa mga bagay na mahalaga  

8.

8.   Sinasabing mas magiging makabuluhan ang mensaheng maibibigay ng aral ng panalangin at pagninilay kung ito ay ____________.

a)

a.    Isasapuso ang mensahe ng walang pag-aalinlangan

b)

b.    Hahayaang maranasan ang tunay at malalim nitong mensahe sa pamamagitan ng pagsasakilos

c)

c.    Ipapaabot sa social media at hahayaang mabasa ng lahat ng kakilala

d)

d.    Ibabahagi ito sa iilang mga tao

9.

9.   Isa sa kulturang Pilipino ang pagiging madasalin ng bawat pamilya. Ito ang tapat at taos-pusong pakikipag-ugnayan sa Ama sa langit. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng marubdob na pananampalatayang ito?

a)

a.    Dahil sa mga pari na nagsasabing magsimba sa araw ng Linggo

b)

b.    Dahil sa mga biyayang maaaring makuha mula rito

c)

c.    Dahil ito ay nagbibigay ng pag-asa at nakapagpapagaan ng damdamin

d)

d.    Dahil obligasyon ng mga mananampalataya ang pagsasabuhay nito

10.

10.  Lumaki sa malayong probinsiya ng Bicol si Tanya. Dumating ang pagkakataon na kinailangan niyang lumuwas ng Maynila upang makipagsapalaran para sa pamilya. Sa kabila ng kasalatan sa dalang pera ay nagbigay siya ng pagkain sa isang matandang nagugutom. Anong aral ang naituro sa kaniya ng kaniyang pamilya?

a)

a.    Natutuhan niya na mas pinagpapala ang nagbibigay kaysa tumatanggap

b)

b.    Natutuhan niya na ang kahirapan ay hindi hadlang upang makatulong sa kapuwa

c)

c.    Natutuhan niya na ang nagbibigay ay makatatanggap

d)

d.    Natutuhan niyang makibagay sa kapuwa  

11.

11.     Itinuturo sa mga anak na anumang maliit o malaking biyaya ay dapat na ipagpasalamat. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapatunay nito?

a)

a.    Hindi nakakalimutan ni Mommy Silva na kuhanan ng larawan ang salo-salo nila ng masasarap na pagkain at I-post online

b)

b.    Sinisiguro ng mag-asawa na nakakain muna ang mga anak bago magpasalamat sa Diyos

c)

c.    Naglalaan talaga ng oras ang mag-anak na magsalo-salo sa hapag-kainan tuwing may kaarawan sa pamilya.

d)

d.    Pinangungunahan ni Nanay Karla at Tatay Jun ang pananalangin bago ang kanilang pagsalo-salo.  

12.

12.     Hindi kailanman nakita ni Lea na nagtalo ang kaniyang mga magulang sa kahit na maliit na bagay. Anong pagpapahalaga ang lihim na itinuturo sa kaniya ng mga magulang?  

   

                                  

a)

a.    pagpapakumbaba               

b)

b.    pagtitiis    

c)

   c. pagrespeto

d)

   d. katapatan

13.

I.             PANUTO: Pindutin ang zoom button ng larawan. Basahin ang maikling tula tungkol sa Pamilya. Pagkatapos ay piliin ang letra ng tamang sagot.

  1. 13. Ano ang mensahe ng tulang Simpleng Pamilya?

 

a)

a.    Ang pamilya ay likas na institusyon ng pagmamahalan

b)

b.    Ang pamilya ay pugad ng mga problema at pagsubok

c)

c.    Ang pamilya ay tumitibay kung sinusubok

d)

d.    Ang pamilya ay bumibigay kung walang haligi 

14.

14.    Anong ibig sabihin sa tula na ‘’Ang pagmamahal ay walang hanggan’’ sa pamilya?

a)

a.    Ang pagdadamayan sa problema

b)

b.    Ang ama bilang haligi ng tahanan

c)

c.    Ang walang kondisyong pagmamahal ng mga magulang sa kanilang mga anak

d)

d.    Ang ina bilang ilaw ng tahanan

15.

15.    Anong saknong sa tula ang nagpapatunay na sa kabila ng kapayakan ng buhay anumang pagsubok ang dumating sa pamilya’y magkakasamang lulutasin?

     

a)

a.    unang saknong     

b)

b.    ikalawang saknong 

c)

c. ikatlong saknong

d)

                        d. ikaapat na saknong

16.

16. Dahil sa kahirapan ng buhay sumagi sa isip ng batang si Carlo na sumali na lang sa grupo ng kabataang lulong sa sugal at makipagsapalaran. Ngunit, isang paalala ng ina ang umalingawngaw sa kaniyang isipan. ‘Makapito mong isipin bago gawin’’ Anong paraan ng paghubog ng konsensiya ang itinuro ng kaniyang ina?

a)

a.    Edukasyon at Moral na Pormasyon

b)

b.    Etikal na pagninilay-nilay at pagsusuri ng sarili

c)

c.    Pagsasanay ng mga Birtud

d)

d.    Regular na panalangin kasama ang pamilya

17.

17.     Labis na hinahanggan sa kanilang lugar ang pamilya Santos dahil sa mabuting halimbawa ng pakikisama, aktibong pakikilahok at pagtulong sa mga nangangailangan. Ang ganitong gawain ng pamilya ay isang paraan sa pagbuo ng mabuting konsensiya na maaring matutuhan ng mga anak. Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy dito?

 

a)

a.    Pagkakaroon ng Modelong Moral

b)

b.    Pagsasanay ng mga Birtud

c)

c.    Regular na panalangin kasama ang pamilya

d)

d.    Edukasyon at Moral na Pormasyon 

18.

18.     Matagal ng konsehal sa barangay Pag-asa si Mang Lucas. Isang mataas na pinuno ng bayan ang lumapit sa kaniya para alukin ng malaking halaga kapalit ng boto ng kaniyang mga nasasakupan. Ito’y walang pag-aalinlangang tinanggihan ni Mang Lucas at isinuplong sa mga may awtoridad. Ang ganitong pasya ay nagpapakita ng paraan sa paghubog ng konsensiya sa _____________.

a)

a.    Kababaang-loob at Pagmamalasakit 

b)

b.    Pagpapahalaga sa pagsusumikap at integridad

c)

c.    Mga Aral ng pagmamahal at kabutihan

d)

d.    Pagsasanay ng mga birtud

19.

19.     Dumating ang araw ng pagkilala sa mga mag-aaral na magsisipagtapos. Wala sa listahan ng mga May Karangalan ang iyong pangalan. Sa halip na magmukmok ay pinili mong ipagdiwang ang mahalagang araw na ito para sa inyong magkakamag-aral. Ang ganitong pag-uugali ay nag-uugat sa anong pagpapahalaga?

                        

                

a)

a.    magalang   

b)

b.    matapat   

c)

            c. mapagpasalamat

d)

                    d. mapagpasensiya   

20.

20.     Habang lumalaki ang magkakapatid na Cristy, Sandra at Karla ay tinuturuan na silang mahalin, intindihin at pahalagahan ang isa’t isa. Ang ganitong mga tungkulin sa pamilya ay magreresulta ng anong pagpapahalaga?

            

      

a)

a.    pagpapakumbaba    

b)

b.    katapatan sa iba   

c)

           c. pagtupad sa pangako

d)

                   d. mabuting pakikipagkapuwa

21.

21. Pagod galing paaralan ngunit hindi ito dahilan para hindi maglinis ng bahay at maghanda ng pagkain si Mona. Bago niya gawin ang kaniyang mga takdang aralin ay tinitiyak niyang nagagampanan din ang tungkulin sa bahay. Dahil dito kapag umuuwi ang kaniyang ina ay naiibsan ang pagod nito mula sa trabaho. Ang pagtupad ni Mona sa tungkulin ay nagpapakita ng ___________.

                   

           

 

a)

a.pagmamahal sa sarili  

b)

b.pagmamahal sa pamilya     

c)

   c. pagmamahal sa gawain

d)

   d. pagmamahal sa papuri 

22.

22. Sinasabing ang pamilya ay isang mabuting pangangailangan ng lipunan o necessary good for society kaya kapag hindi ito iginalang, mapanira ang epekto nito sa lipunan sa kabuoan. Ano ang kahulugan nito?

a)

a. Nakabatay sa uri o konsepto ng pamilya ang ikauunlad ng lipunan

b)

b. Walang epekto ang pamilya sa paglago ng bansa

c)

c. Mahalaga ang suporta sa bawat pamilyang bumubuo sa ating lipunan

d)

d. Mayaman ang bansa kung maraming mayayaman sa lipunan

23.

23. Kapag ang mga relasyon sa pamilya ay matatag, ang mga bata ay mas malamang na magkaroon ng mga positibong pagpapahalaga at bumuo ng malusog na mga mekanismo sa pagharap sa hamon ng buhay. Ang pahayag ay _____________.

a)

a. Tama, dahil sa pamilya lamang dapat iasa ang pag-uugaling mayroon dapat ang mga anak.

b)

b. Tama, dahil sa pamilya nagsisimula ang mga pagpapahalaga na lilinangin niya habang tumatanda.

c)

c. Mali, dahil ang mga anak ay may sariling kakayahang magpasya para sa sarili nila.

d)

d. Mali, dahil ang kanilang ugnayan ay maaaring magbago sa paglipas ng panahon.

24.

24. Hindi na bago sa ating bansa ang pagpasok ng mga bagyo bawat taon. Bunsod nito, mas tumatag at lumakas ang bayanihan ng mga Pilipino. Sa anong 5 Love Languages nakasanayan ng tao ang pagtulong?

a)

a. Mga salita ng pagpapatibay

b)

b. Kalidad ng Oras

c)

c. Pisikal na Pagpaparamdam

d)

d. Mga gawa ng serbisyo

25.

25.     Ayon sa kasabihan na ‘’The Family that prays together, Stays together’’ ang sama-samang pananalangin ay ______________.

 

a)

a.    Nakapagpapatibay ng ugnayan ng pamilya

b)

b.    Nakapagpapalago ng yaman ng pamilya

c)

c.    Nakapagpapaganda ng imahe ng pamilya

d)

d.    Nakapagpapawala ng problema ng pamilya. 

26.

26. Ang buwan ng Oktubre ay mahalaga bilang debosyon sa Mahal na Inang Maria na nakaugat sa makasaysayang pananampalatayang katoliko lalo ng mga pamilyang mananampalataya. Ano ang ginagawa sa panahon ng debosyong ito?

a)

a. nag-nonobena

b)

b. nagrorosaryo

c)

c. nagpupuri

d)

d. nananalangin

27.

27. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pamamaraan sa pagpapalalim ng ating pananampalataya?

a)

a. Tanggapin na ang Diyos ang dapat maging sentro ng buhay-pampamilya

b)

b. Pairalin ang personal na kagustuhan

c)

c. Ituon ang pansin sa pag-unawa

d)

d. Hayaang maranasan ang tunay at malalim nitong mensahe

28.

28.  Mula sa unang prinsipyo ng likas na batas moral na, ''gawin ang mabuti at iwasan ang masama'', ang pag-iisip bago ang pagkilos ay nakatutulong na ___________________.

 

a)

a.    malampasan ang mga hamon

b)

b.    makapaghanda sa resulta 

c)

c.    malaman ang lahat ng bagay 

d)

d.    maiwasan ang pagsisisi sa huli

29.

29. Bumili sa kantina si Fe ngunit nakalimutan niyang magbayad. Hindi man sinasadya ngunit nakaramdam ng konsensiya ang dalaga. Naalala niya ang kanilang aralin sa Values Education at ang itinuro ng kaniyang ina tungkol sa katapatan. Upang maitama ang pagkakamali bumalik siya sa kantina at nagbayad. Anong paghubog sa konsensiya ang umiral sa kaniya?

a)

a. Edukasyon at moral na pormasyon

b)

b. Etikal na pagninilay

c)

c. Relihiyosong gabay

d)

d. Regular na panalangin

30.

30.     Nakasanayan na ni Lucy na ang pangangalaga ng mga bagay na hiram ay isang mabuting kilos kaya malaki ang pagpapahalaga niya sa kaniyang buhay dahil sa paniniwalang ___________________.

a)

a.    Mas mahalaga ang buhay kaysa mga materyal na bagay

b)

b.    Ang buhay ay hiram sa Diyos at dapat itong igalang at ingatan

c)

c.    May karma ang masamang gawa

d)

d.    Ito ang kaniyang layunin sa buhay

31.

31. Ayon sa mga eksperto ang pagtugon sa mga suliranin ng pagbabago ng klima ay nangangahulugan din ng pagbabago sa ating mga kinakain (Badore, 2023). Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay nito?

a)

a. Taglay ng ating pagkain ang sumisira ng mundo

b)

b. Ang pagkunsumo ng pagkain ay nangangahulugang pagkunsumo ng mga kemikal

c)

c. Ang produksiyon ng mga pagkain ay pinagmumulan ng mataas na porsyento ng carbon emission na sumisira ng ating ozone layer

d)

d. Malaking porsyento ng mundo ay pagkain

32.

32. Ayon sa United Nations Environmental Programme (UNEP), walo hanggang sampung bahagdan ng carbon emissions ay nagmumula sa fashion industry at karamihan sa mga ito ay naging bahagi ng ‘’fast fashion’’ na nauuwi sa landfills o tapunan ng basura. Ano ang pinakamabuting solusyon para dito?

a)

a.    Iwasan ang pagbili ng mga damit na hindi naman napakikinabangan

b)

b.    Matutong magtipid at mamuhay ng simple  

c)

c.    Hayaang dumami ang damit at ipamigay na lang kung kailangan

d)

d.    Ipanalangin na lang ang mundo

33.

33. Ang paggamit ng mga sasakyang kumukunsumo ng gas ay nakapagdadala rin ng pinsala sa ating mundo. Alin sa mga sumusunod ang pinakawastong solusyon sa suliraning ito na magagawa ng bawat pamilyang Pilipino?

a)

a. Magkaisa sa simpleng pamumuhay at pangangalaga sa kalikasan

b)

b. Ibenta ang sasakyan at maglakad na lang

c)

c. Pikit-mata sa mga nangyayari sa kapaligiran

d)

d. Umasa sa pamahalaan kung paano ito masusolusyunan

34.

34.  Ayon sa UNEP Food Waste Index Report 2021, ang mga tao sa buong mundo ay nag-aaksaya ng isang bilyong tonelada ng pagkain sa isang taon na dahilan ng 8-10 porsyento ng kabuoang greenhouse emission sa buong mundo. Ano ang tamang solusyon para dito?

 

a)

a.    Araw-araw magluto na ipamamahagi sa mga walang makaing pamilya

b)

b.    Iwasan ang paglabas-labas upang hindi makagastos

c)

c.    Mag-imbak ng mga pagkain sa refrigerator para hindi masira

d)

d.    Sa tahanan pa lang ay sanayin na ang pamilya sa pagkain ng tama at pagbabahagi sa iba kung may sobra upang hindi maaksaya

 

35.

35. Nais paigtingin sa lalawigan ng Biñan, Laguna ang pagpapatupad sa ‘’SAY NO TO PLASTIC BAGS’’ ito ang City Ordinance No. 10-(2018) o Total Ban on the Use of Plastic and Styrofoam Products. Anong mga pamamaraan ang dapat gawin ng mamamayang Biñanense para sa adbokasiyang ito?

I. Gumamit ng eco-bag o bayong kapag namimili bilang alternatibo

II. Sa araw-araw na pagkunsumo ay isaalang-alang ang tamang pagreresiklo ng mga plastik

III. Muling buhayin sa tahanan ang kahalagahan ng 3Rs (Reduce, Reuse at Recycle)

IV. Kumain na lang sa mga fastfood para hindi na magluto sa bahay

a)

a. I

b)

b. I, II, III

c)

c. II, III

d)

d. I, II, III, IV

36.

36. Lumaking kasama ng pamilya sa mga relief operatios si Danica tuwing may mga kalamidad sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas katulad ng nagdaang lindol sa Cebu. Nagrerepack siya ng mga bigas at de lata na kasama sa mga ipamamahagi, tanda pa niya na marami na sa kaniyang mga damit ang naipamigay niya. Ang kaniyang kapatid naman ay boluntaryong sumasama sa mga medical mission. Ang ganitong gawain ng pamilya ay nagpapakita ng ________________.                                      

a)

    a.pagpapakilala ng sarili bilang mabuti

b)

b.    pagbabahagi ng sobra    

c)

      c.   pagtulong sa kapuwa

d)

     d. pagbuo ng magandang imahe sa publiko

37.

37. Isinasama sa pamamalengke, pagbabayad ng buwis, pagbabadyet at pagpaplano ang ilan sa mga gawain ang nakasanayan na ng mga anak ng mag-asawang Cruz. Layunin ng mag-asawa na maagang mamulat at maturuan ang mga anak sa anong tungkulin?

a)

a. kasanayan sa pakikihalubilo

b)

b. kabutihang moral

c)

c. kaalamang pinansiyal

d)

d. kaalamang politikal

38.

38. Naglunsad ang paaralan ng mga seminar para sa mga mag-aaral at magulang kaugnay ng kontra-droga, masamang epekto ng paninigarilyo at epekto ng maagang pagbubuntis. Pinatatatag din ng DRRM team ang kamalayan ng mga komunidad sa paghahanda sa panahon ng sakuna. Ang sama-samang pagkilos na ito ay nangangahulugan ng anong tungkulin?

a)

a. panlipunang pananagutan

b)

b. pampamilyang tungkulin

c)

c. pampolitikang layunin

d)

d. pang-edukasyong gampanin

39.

39. Ayon kay Esteban (1989), ang isang pamilya ay isang munting lipunan.

Nangangahulugang kung ano ang pagsasanay sa mga miyembro nito ay siyang resulta ng mga taong magiging bahagi ng isang lipunan. Anong mga tungkulin ang inaasahang malinang sa mga ito?

1. wastong pagsunod sa batas 3. paghubog ng baluktot na kaisipan

2. pakikipagkapuwa 4. pagtuturo ng kabutihang moral

a)

a. 1, 2

b)

b. 1, 2, 3

c)

c. 1,2,4

d)

d. 1,2,3,4

40.

40. Sa pamilya nag-uumpisa ang paghubog sa mga anak. Ang ganitong paniniwala ay nag-uugat sa katotohanang may tungkulin ang pamilya sa pagpapabuti ng ating lipunan. Anong tungkulin ng pamilya ang inaasahan dito?

a)

a. Turuan ang mga miyembro ng pamilya na lumaban sa gobyerno

b)

b. Imulat sa kahirapan ng bansa ang pamilya upang magsumikap sa buhay

c)

c. Sanayin sa hirap ang mga anak upang lumaking marunong magpahalaga

d)

d. Turuan ang bawat isa ng empatiya/pakikiramay, pagwaksi sa diskriminasyon at pagtataguyod ng pagkakaisa