NEW
Font size
WorksheetsSecond Quarter in Filipino 12 (2025-2026)
Total questions: 59
Worksheet time: 30mins
Ano itong isang uri ng propesyonal na komunikasyon na gagawin kapag magpahayag ng mensahe sa mga tao sa loob ng organisasyon o kaya naman sa iba pang organisasyon?
Pagsulat ng liham aplikasyon
Pagsulat para sa pagtatrabaho
Pagsulat ng liham pasasalamat
pagsulat ng proposal
Anong Executive Order ang naglalayong palaganapin ang paggamit ng wikang Filipino sa mga Opisyal na transaksyon at korespondensiya sa mga tanggapan ng pamahalaan?
Executive Order No. 553, s.1988
Executive Order No. 335, s. 1988
Executive Order No. 334, s. 1999
Executive Order No. 443, s. 1988
Alin sa sumusunod ang hindi halimbawa ng dokumentong pantrabaho?
Liham- resignasyon
liham pasasalamat
Report
posisyong papel
Alin sa mga sumusunod ang layunin ng pagsulat para sa pagtatrabaho?
Ipaliwanag ang mga isinagawa o isasagawang aksiyon.
Magbahagi ng impormasyon, katulat ng report ng isinagawang pananaliksik
Alamin kung bakit ka magsusulat at kung ano ang inaasahang resulta
Tama ang A at B
Sino ang nagsabi na ang layunin ng pagsulat para sa pagtatrabaho ang mabasa ito nang mabilis at maiparating ang mensahe?
Knapp
Taylor
James
Herrera
Ano itong sinasabi na unang ugnayan ng aplikante sa kaniyang magiging employer?
Agenda
liham aplikasyon
Resume
Chat sa Social Media
Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang layunin ng isang resume?
Ililista ang lahat ng iyong karanasan at kasanayan.
Magbigay ng kumpletong kasaysayan ng iyong buhay.
Makakuha ng isang panayam.
Ipakita ang iyong pagkamalikhain.
Ano ang pangunahing layunin ng seksyon ng "Buod" o "Layunin" sa isang resume?
Magbigay ng detalyadong kasaysayan ng iyong edukasyon.
Ipakita ang pangunahing kasanayan at kung paano ka makakatulong sa kompanya.
Ililista ang iyong mga libangan at interes.
Magbigay ng personal na impormasyon tungkol sa iyong sarili.
Piliin kung alin sa mga sumusunod ang HINDI dapat isama sa isang resume.
Personal na relihiyon
Edukasyonal na background
Karanasan sa trabaho
Mga kasanayan o skills
Ano ang karaniwang haba ng isang resume para sa isang entry-level na posisyon?
Tatlong pahina
Isang pahina
Dalawang pahina
Walang limitasyon sa haba
Alin sa mga sumusunod ang pinakamaiman na format para sa pagllista ng karanasan sa trabaho sa isang resume?
Kronolohikal ayon sa petsa
Ayon sa kasanayan
Reverse-kronolohikal
Alabetikal
Paano mo dapat ipakita ang iyong mga kasanayan sa isang resume?
Ilista lamang ang mga ito nang walang paliwanag.
Magbigay ng mga halimbawa kung paano mo ginamit ang mga ito sa nakaraang mga trabaho o proyekto.
Gumamit ng mga teknikal na termino na hindi maintindihan ng lahat.
Huwag banggitin ang mga kasanayan maliban kung hinihingi sa job description.
Ikaw ay nag-apply para sa isang trabaho na nangangailangan ng mahusay na kasanayan sa komunikasyon. Paano mo ito maipapakita sa iyong resume?
Sa pamamagitan lamang ng paglista ng "komunikasyon" sa iyong mga kasanayan.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa kung paano ka nagtagumpay sa mga sitwasyon na nangangailangan ng komunikasyon, tulad ng pagpresenta sa mga pagpupulong o pakikipag-ugnayan sa mga kliyente.
Sa pamamagitan ng paggamit ng mga komplikadong salita upang ipakita ang iyong kahusayan sa wika.
Sa pamamagitan ng hindi pagbabanggit nito upang magpakita ng pagiging mapagkumbaba.
Bakit mahalaga ang etika sa pagsulat ng resume?
Upang mapabilib ang mga employer
Upang makakuha ng mas maraming panayam
Upang mapanatili ang integridad at kredibilidad
Upang sundin ang mga patakaran ng kompanya
Ano ang maaaring maging resulta ng pagsisinungaling sa iyong resume?
Mas mabilis kang makakakuha ng trabaho
Maaaring hindi ito mapansin ng employer
Maaaring ikaw ay matanggal sa trabaho o maharap sa legal na problema
Wala itong anumang masamang epekto
Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang layunin ng isang liham aplikasyon?
Magbigay ng impormasyon tungkol sa iyong sarili
Iahayag ang iyong interes sa posisyon at ipakita kung bakit ka karapat-dapat
Maglista ng iyong mga kasanayan at karanasan
Humingi ng panayam
Ano ang karaniwang unang talata ng isang liham aplikasyon?
Pagbanggit ng iyong mga kasanayan
Pagpapakilala sa iyong sarili at layunin ng liham
Paglalahad ng iyong karanasan sa trabaho
Paghingi ng tawad kung hindi ka perpekto
Alin sa mga sumusunod ang HINDI dapat isama sa isang liham aplikasyon?
Mga kasanayang may kaugnayan sa trabaho
Detalye ng iyong personal na buhay na kaugnayan sa trabaho
Mga karanasan na nagpapakita ng iyong kakayahan
Mga karanasan na nagpapakita ng iyong kasanayan
Ano ang tamang bating pambungad (salutation) kung hindi mo alam ang pangalan ng taong susulatan?
To whom it may concern
Dear Hiring Manager
Dear Sir/Madam
Lahat ng nabanggit
Ano ang karaniwang format ng pagsulat ng petsa sa isang liham aplikasyon?
Araw-Buwan-Taon
Taon-Buwan-Araw
Buwan-Araw-Taon
Alinman sa nabanggit
Paano mo maipapakita ang iyong "value proposition" sa isang liham aplikasyon?
Sa pamamagitan ng paglista ng lahat ng iyong kasanayan
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga konkretong halimbawa kung paano ka nakatulong sa mga nakaraang trabaho
Sa pamamagitan ng pagpuri sa kumpanya na dating pinasukan
Sa pamamagitan ng paghingi ng mas mataas na sweldo sa nais pasukan na trabaho
Kung nakita mo ang job posting sa isang website, paano mo ito babanggitin sa iyong liham aplikasyon?
Nakita ko po ang inyong ad sa internet.
Aplikante po ako para sa posisyon na nakita ko sa (pangalan ng website).
Banggitin ang eksaktong pangalan ng posisyon at kung saan mo nakita ang ad.
Hindi na kailangang banggitin kung saan mo nakita ang ad.
Paano mo dapat tapusin ang iyong liham aplikasyon?
Sa pamamagitan ng pag-uulit ng iyong mga kasanayan
Sa pamamagitan ng pagpapahayag ng iyong interes sa panayam
Sa pamamagitan ng paghingi ng agarang tugon
Sa pamamagitan ng pagpapaalam na mayroon kang iba pang inaaplayan
Bakit mahalaga ang "tone" ng iyong liham aplikasyon?
Dahil ito ay nagpapakita ng iyong personalidad
Dahil ito ay nakakaapekto sa kung paano ka bibigyang pansin ng employer
Dahil ito ay nagpapakita ng iyong kasanayan sa pagsulat
Lahat ng nabanggit
Sa iyong palagay, ano ang pinakamahalagang elemento ng isang epektibong liham aplikasyon?
Ang haba ng liham upang maging detalyado ang mga impormasyon
Ang pormal na tono upang talagang propesyonal ang nag-aapply
Ang pagiging personalized at pagpapakita ng iyong "value proposition"
Ang paggamit ng maraming jargon
Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang kahulugan ng korespondensiya opisyal?
Pagpapadala ng liham sa mga kaibigan at pamilya maging sa katrabaho sa opisina
Pakikipagtalastasan sa social media
Pormal na palitan ng mga dokumento at komunikasyon sa pagitan ng mga tanggapan, ahensiya ng gobyerno, o organisasyon
Pag-uusap sa telepono
Sa pagsulat ng korespondensiya opisyal, alin ang dapat iwasan?
Paggamit ng malinaw at direktang pananalita
Pagsunod sa tamang format at protocol
Paggamit ng mga impormal na salita at pagpapaikli
Pagiging magalang at propesyonal
Ang korespondensiya opisyal ay mahalaga sa isang organisasyon dahil ito ay:
nagpapadali ng maayos na komunikasyon at dokumentasyon.
nagpapabagal ng proseso ng trabaho.
nagpapalaganap ng maling impormasyon.
nagpapahirap sa ugnayan ng mga miyembro.
Alin ang karaniwang nilalaman ng isang opisyal na liham?
Mga personal na opinyon at karanasan petsa, patutunguhan, katawan at bating pangwakas
Mga tsika tungkol sa mga empleyado upang malaman din ng ibang organisasyon bilang sanggunian
Petsa, patunguhan, bating pambungad, katawan ng liham, bating pangwakas, at lagda
Mga biro at palaisipan
Ano ang dapat isaalang-alang sa pagpili ng tono ng pananalita sa korespondensiya opisyal?
Kung sino ang mas malapit na kaibigan
Ang pormalidad ng sitwasyon at relasyon sa pagitan ng mga partido
Kung sino ang mas mataas ang posisyon
Ang personal na preference sa pagsulat
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga layunin ng korespondensiya opisyal?
Pagbibigay ng impormasyon
Paghiling ng aksyon o tugon
Pagpapakalat ng maling impormasyon
Pagpapatibay ng mga transaksyon
Paano nakakatulong ang korespondensiya opisyal sa transparency at accountability ng isang organisasyon?
Sa pamamagitan ng pagtatago ng mga dokumento
Sa pamamagitan ng pagpapahirap sa pag-unawa sa mga komunikasyon
Sa pamamagitan ng paglikha ng malinaw na rekord ng mga komunikasyon
Sa pamamagitan ng paggamit ng mga code name at sikretong salita
Ano ang kahalagahan ng pagiging tumpak at walang pagkakamali sa korespondensiya opisyal?
Para hindi mainip ang mga nagbabasa
Upang maiwasan ang kalituhan, maling interpretasyon, at mga legal na problema
Para magmukhang matalino ang sumulat
Para walang duda sa anumang nilalaman nito
Anong balangkas ang gagamitin kung nais ilagay ang pangunahing punto sa huling bahagi ng liham-pattrabaho o memo?
Upfront format
soft-approach format
academic format
block format
Sa upfront format ano ang dapat isama sa Paliwanag?
Mga fact, detalye at ilustrasyon
Pangunahing ideya at konklusyon
rekomendasyon
inaasahang aksiyon
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa layunin ng adyenda?
Bigyan ng ideya ang mga paksang tatalakayin.
Magtakda ng oras para sa bawat paksa.
Isulat ang lahat ng detalyeng napag-usapan.
Magbigay pokus sa pagpupulong.
Sino ang kalimitang kasangkot sa paggawa ng adyenda?
Pangulo ng samahan
Ingat-yaman
Kalihim
Lahat ng nabanggit
Ano ang pangunahing layunin ng katitikan ng pulong?
Magtakda ng mga panuntunan sa pulong.
Itala ang mga mahahalagang detalye.
Magbigay ng opinyon tungkol sa mga paksa.
Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat isama sa katitikan ng pulong?
Oras ng pagsisimula at pagtatapos ng pulong
Listahan ng mga dumalo at hindi dumalo
Detalye ng bawat opinyon at argumento
Mga resolusyon at aksyon na napagkasunduan
Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng adyenda bago ang pulong?
Para mas mabilis matapos ang pulong
Para magkaroon ng ideya ang mga kasapi sa mga paksang tatalakayin
Para mas maging pormal ang pulong
Lahat ng nabanggit
Ikaw ay naatasang gumawa ng adyenda para sa isang pulong. Ano ang unang hakbang na dapat mong gawin?
Magpadala ng memo o email na nagsasaad na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa isang araw, oras, at lugar.
Ililista ang lahat ng posibleng paksa na maaaring talakayin.
Tanungin ang lahat ng kasapi kung ano ang gusto nilang pag-usapan.
Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o paksa ay napadala o nalikom na.
Sa gitna ng pulong, napansin mong lumalayo na sa adyenda ang talakayan. Ano ang dapat mong gawin bilang tagapangulo?
Hayaan na lamang ang daloy ng usapan.
Ipatawag ang pansin ng nagsasalita at ibalik ang focus sa adyenda.
Magdagdag ng bagong paksa sa adyenda.
Tapusin na lamang ang pulong.
Paano mo gagamitin ang katitikan ng pulong upang mapabuti ang susunod na pagpupulong?
Itago ang katitikan upang walang makaalala sa mga nangyari.
Balikan ang mga napagkasunduan at tiyakin na naipatupad ang mga ito.
Gawing basehan sa paggawa ng bagong adyenda.
B at C
Paano nakakatulong ang adyenda at katitikan ng pulong sa isang organisasyon?
Nagbibigay ito ng dagdag na trabaho sa mga kasapi.
Pinapabilis nito ang komunikasyon at paggawa ng desisyon sa organisasyon.
Wala itong gaanong halaga sa organisasyon.
Nagiging pormal lamang ang mga pagpupulong.
Sa iyong palagay, ano ang pinakamahalagang elemento ng isang epektibong katitikan ng pulong?
Ang haba at detalyadong paglalarawan ng bawat pangyayari.
Ang pagiging organisado, tumpak, at malinaw sa pagtatala ng mga desisyon at aksyon.
Ang paglalagay ng mga personal na opinyon ng kalihim.
Ang paggamit ng mga komplikadong salita.
Ano ang pangunahing layunin ng isang press release?
Magbigay ng opinyon tungkol sa isang paksa
Mag-ulat ng mga personal na karanasan
Magbigay ng impormasyon sa media
Magtago ng impormasyon mula sa publiko
Sino ang pangunahing target na mambabasa ng isang press release?
Mga ordinaryong mamamayan
Mga kaibigan at pamilya ng sumulat
Mga myembro ng media
Alin sa mga sumusunod ang karaniwang kasama sa isang press release?
Detalyadong pagsusuri ng merkado
Isang mapanuyang kritisismo ng mga kalaban
Contact information ng taong responsable
Personal na talaaarawan ng sumulat
Kung ikaw ay nagtatrabaho sa isang non-profit organization at nais mong ipaalam sa publiko ang tungkol sa isang matagumpay na fundraising event, ano ang pinakamahusay na paraan upang gawin ito gamit ang isang press release?
Magpadala ng liham sa bawat potensyal na donor
Mag-post ng anunsyo sa social media nang walang karagdagang detalye
Gumawa ng press release na naglalaman ng mga detalye ng event.
Huwag ipaalam sa publiko upang maiwasan ang atensyon
Paano mo gagamitin ang isang press release upang kontrahin ang isang negatibong ulat ng balita tungkol sa iyong kumpanya?
Balewalain ang ulat at umasa na mawawala ito.
Magpadala ng galit na liham sa istasyon ng balita.
Gumawa ng press release na naglalaman ng mga tumpak na impormasyon at positibong pahayag.
Magbayad sa istasyon ng balita upang bawiin ang ulat.
Paano mo pagsasamahin ang mga elemento ng isang press release upang lumikha ng isang kwento na nakakaakit sa media at sa publiko?
Sa pamamagitan ng paggamit ng teknikal na jargon upang ipakita ang iyong kaalaman
Sa pamamagitan ng paglikha ng isang malinaw, maikli, at nakakaakit na salaysay na nagtatampok ng mga pangunahing punto
Sa pamamagitan ng pagkopya ng mga press release ng ibang kumpanya
Sa pamamagitan ng paggawa ng press release na napakahaba at detalyado upang malito ang mambabasa
Sa anong mga paraan mo maaaring gamitin ang press release bilang isang kasangkapan upang mapabuti ang imahe ng isang organisasyon sa panahon ng isang krisis?
Sa pamamagitan ng pagtatago ng katotohanan at pagbibigay ng mga kasinungalingan
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mabilis at tumpak na impormasyon at pagpapakita ng responsibilidad
Sa pamamagitan ng pagbibintangan sa iba
Sa pamamagitan ng hindi pagtugon sa krisis
Sa anong bahagi ng panukalang proyekto dapat ilagay ang pahayag na ito? “Konsultasyon sa lahat ng mga manggagawa kaugnay sa iminungkahing proyekto.”
pamagat
pakinabang
deskripsiyon ng proyekto
rasyonal
Anong bahagi ng panukalang proyekto inilalahad ang mga pangangailangan sa pagsasakatuparan ng proyekto at kung ano ang kahalagahan nito?
pamagat
pakinabang
deskripsiyon ng proyekto
Rasyonal
Ano itong tumutukoy sa tao o organisasyong nagmumungkahi ng proyekto at dito makikita ang address, e-mail, cellphone o telepono?
heading
pamagat
proponent ng proyekto
pakinabang
Alin sa sumusunod ang hindi dapat mapasama?
gitna
panimula
katawan
kongklusyon
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mabisang pamagat ng panukalang proyekto?
Konsultasyon sa lahat ng mga manggagawa kaugnay sa iminungkahing proyekto
Humihingi kami ng $400 upang maisakatuparan namin nang lubos ang mga layunin ng proyekto
proyekto para sa outreach program
panukala para sa medical mission sa Santa Ana, Cagayan
Alin sa sumusunod na bahagi ng panukalang proyekto ang dapat na mauna?
Petsa
heading
pamagat
Kategorya ng proyekto
Saan dapat ilagay ang plan of action o planong paraan sa nasabing panukalang proyekto?
kategorya ng proyekto
rasyonal
pakinabang
deskripsiyon ng proyekto
