wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q2_AP

Total questions: 52

Worksheet time: 26mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tatlong pangunahing dahilan ng paggagalugad ng mga Europeo na kilala bilang 3Gs?

a)

God, Gold, Glory

b)

Guns, Gems, Grapes

c)

Goods, Games, Gardens

d)

Galleons, Gates, Grapes

2.

Ano ang ibig sabihin ng 'God' bilang dahilan ng paggagalugad ng mga Europeo?

a)

Nais nilang makahanap ng bagong ruta ng kalakalan

b)

Nais nilang ipalaganap ang Kristiyanismo at mapigilan ang paglaganap ng Islam

c)

Nais nilang makamtan ang karangalan at kapangyarihan

3.

Ano ang ibig sabihin ng 'Gold' bilang dahilan ng paggagalugad ng mga Europeo?

a)

Nais nilang makahanap ng bagong ruta ng kalakalan upang makuha ang mga rekado at kayamanan

b)

Nais nilang ipalaganap ang Kristiyanismo

c)

Nais nilang makamtan ang karangalan at kapangyarihan

4.

Ano ang ibig sabihin ng 'Glory' bilang dahilan ng paggagalugad ng mga Europeo?

a)

Nais nilang makamtan ang karangalan, kapangyarihan, at papuri para sa sarili at sa kanilang bansa

b)

Nais nilang makahanap ng bagong ruta ng kalakalan

c)

Nais nilang ipalaganap ang Kristiyanismo

5.

Ano ang Caravel?

a)

Barkong matibay at kayang maglayag sa karagatan

b)

Isang uri ng hayop sa dagat

c)

Isang uri ng pagkain mula sa Europa

d)

Isang kasangkapan sa pagsasaka

6.

Ano ang Astrolabe?

a)

Instrumentong pantukoy ng latitude

b)

Uri ng barkong pandagat

c)

Isang uri ng sandata

d)

Isang uri ng pagkain

7.

Sino ang kilalang nagbigay-daan sa paggagalugad ng Portugal sa karagatan? Siya ay si ________.

a)

Prince Henry the Navigator

b)

Christopher Columbus

c)

Ferdinand Magellan

d)

Vasco da Gama

8.

Sino ang Portuges na manlalayag na noong 1488 ay pinatunayan na may daan patungong Asya sa pamamagitan ng paglalayag sa dulo ng Africa at pinangalanan itong 'Cape of Storms'?

a)

Christopher Columbus

b)

Bartolomeu Dias

c)

Ferdinand Magellan

d)

Hernán Cortés

9.

Noong anong taon pinatunayan ni Bartolomeu Dias na may daan patungong Asya sa pamamagitan ng paglalayag sa dulo ng Africa?

a)

1488

b)

1492

c)

1500

d)

1475

10.

Sino ang Italyanong manlalayag na kinumbinsi ang Spain noong 1492 na pondohan ang paglalakbay pakkanluran at narating ang tinaguriang 'Bagong Daigdig' (America)?

a)

Ferdinand Magellan

b)

Bartolomeu Dias

c)

Christopher Columbus

d)

Francisco Pizarro

11.

Ano ang layunin ng paglalakbay ni Ibn Battuta noong Hunyo 14, 1325?

a)

Upang isagawa ang Hajj.

b)

Upang maghanap ng kayamanan.

c)

Upang magtatag ng isang kaharian.

d)

Upang mag-aral sa ibang bansa.

12.

Ilang dekada naglakbay si Ibn Battuta?

a)

Tatlong dekada (1325-1354)

b)

Isang dekada (1325-1335)

c)

Dalawang dekada (1325-1345)

d)

Apat na dekada (1325-1365)

13.

Sino ang namuno sa pananakop sa Mesoamerica?

a)

Francisco Pizarro

b)

Hernán Cortés

c)

Emperador Atahualpa

d)

Ferdinand Magellan

14.

Sino ang emperador ng Inca na nahuli at sinakop ng mga Espanyol sa pamumuno ni Francisco Pizarro?

a)

Emperador Atahualpa

b)

Emperador Moctezuma II

c)

Emperador Huayna Capac

d)

Emperador Tupac Amaru

15.

Ano ang tawag sa travelogue ni Ibn Battuta na nagsilbing mahalagang tala ng kultura, relihiyon, at pamumuhay noong Panahong Midyibal?

a)

Rihla

b)

Divan

c)

Shahnameh

d)

Rubaiyat

16.

Ano ang ibig sabihin ng IMPERYALISMO?

a)

Pagpapalawak ng kapangyarihan at impluwensiya ng isang makapangyarihang bansa sa pamamagitan ng pagkontrol ng politika, ekonomiya, at kultura ng isang bansa, kahit mayroong o walang direktang pananakop.

b)

Pagpapalawak ng relihiyon sa ibang bansa.

c)

Pagpapalawak ng teritoryo sa pamamagitan ng digmaan lamang.

d)

Pagpapalawak ng kalakalan sa ibang bansa.

17.

Punan ang patlang: Si Zheng He ay isang _______ Chinese na kabilang sa Hui ethnic group.

a)

Muslim

b)

Kristiyano

c)

Budista

d)

Hindu

18.

Ang Edict of Sakoku ay nagdulot ng alin sa mga sumusunod na epekto sa Japan?

a)

Naging mahigpit ang pag-iisa ng Japan mula sa ibang bansa

b)

Lumawak ang kalakalan ng Japan sa Europa

c)

Naging bukas ang Japan sa mga dayuhang mangangalakal

d)

Lumaganap ang Kristiyanismo sa Japan

19.

Ano ang tatlong motibo ng Unang Yugto ng Imperyalismo (15th - 18th Century)?

a)

A. God, Gold, and Glory

b)

B. Peace, Power, and Progress

c)

C. Land, Labor, and Law

d)

D. Trade, Travel, and Technology

20.

Punan ang patlang: Ang Edict of Sakoku ay isang batas na nagpatupad ng _______ o patakarang paghihiwalay ng Japan mula sa labas ng mundo.

a)

isolationism

b)

kolonyalismo

c)

imperyalismo

d)

globalisasyon

21.

Alin sa mga sumusunod na bansa ang kabilang sa mga bansang nanguna sa Unang Yugto ng Imperyalismo?

a)

Portugal, Spain, England, France, Netherlands

b)

China, Japan, Korea, India, Thailand

c)

USA, Canada, Mexico, Brazil, Argentina

d)

Russia, Germany, Italy, Greece, Turkey

22.

Ano-ano ang mga motibo ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo? Sagutin sa pamamagitan ng pagbanggit ng tatlong motibo.

a)

Pang-ekonomiya, Pang-kultural, Pang-relihiyon.

b)

Pang-agrikultura, Pang-edukasyon, Pang-industriya.

c)

Pang-militar, Pang-aliwan, Pang-sining.

d)

Pang-kalusugan, Pang-transportasyon, Pang-agraryo.

23.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga bansa na lumahok sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismo?

a)

Germany

b)

Russia

c)

Japan

d)

China

24.

Ano ang pangunahing layunin ng motibong pang-ekonomiya sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismo?

a)

Maghanap ng bagong pamilihan at makakuha ng hilaw na materyales na kailangan sa paggawa ng produkto.

b)

Palawakin ang teritoryo para sa kapangyarihang politikal.

c)

Magpalaganap ng relihiyon sa mga nasasakupang bansa.

d)

Magtatag ng mga bagong pamahalaan sa mga kolonya.

25.

Ano ang ibig sabihin ng 'White Man's Burden' sa motibong pang-kultural ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo?

a)

Paniniwala na ang lahing puti ay may obligasyong paunlarin ang ibang lahi.

b)

Paniniwala na ang lahat ng lahi ay pantay-pantay.

c)

Paniniwala na ang imperyalismo ay para lamang sa kalakalan.

d)

Paniniwala na ang mga kolonya ay dapat maging malaya agad.

26.

Ano ang layunin ng motibong pang-relihiyon sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismo?

a)

Baguhin ang paniniwala ng mga tao sa Asya, Pasipiko, at Aprika batay sa Kristiyanismo.

b)

Palawakin ang teritoryo ng mga bansang Europeo sa buong mundo.

c)

Maghanap ng mga bagong pamilihan para sa mga produktong industriyal.

d)

Magpalaganap ng makabagong teknolohiya sa mga kolonya.

27.

Sino ang tinaguriang 'Ama ng France' na nagpalawak ng kolonya at nagtatag ng Quebec?

a)

Giovanni da Verrazzano

b)

Jacques Cartier

c)

Samuel de Champlain

d)

René Robert Cavelier

28.

Ano ang pangalan ng rehiyon na pinangalanan ni René Robert Cavelier matapos matuklasan ang ibabang bahagi ng Mississippi River?

a)

Louisiana

b)

Quebec

c)

Florida

d)

Texas

29.

Ano ang unang kolonya ng England sa America na itinatag ng Virginia Company Expedition noong 1607?

a)

Jamestown

b)

Plymouth

c)

Roanoke

d)

New Amsterdam

30.

Saan narating ng mga Pilgrims (Mayflower Expedition - 1620) upang magkaroon ng kalayaang panrelihiyon?

a)

Cape Cod, Massachusetts.

b)

Jamestown, Virginia.

c)

St. Augustine, Florida.

d)

Plymouth, England.

31.

Ano ang tawag sa kaganapan kung saan nasakop ng United States ang Pilipinas, Guam, at Puerto Rico noong ika-19 hanggang ika-20 siglo?

a)

Enlightenment

b)

Imperyalismo

c)

Liberalismo

d)

Absolutismo

32.

Punuan ang patlang: Ang Spanish-American War (1898) ay nagtakda ng mahalagang kaganapan sa pagiging _______ ng US, kung saan nasakop ang Pilipinas, Guam, at Puerto Rico.

a)

Imperyalista

b)

Demokratiko

c)

Republika

d)

Kolonyal

33.

Ano ang kahulugan ng Enlightenment ayon sa teksto?

a)

Isang kilusang intelektwal sa Europa noong ika-17 at ika-18 siglo.

b)

Isang relihiyosong kilusan sa Asya noong ika-19 na siglo.

c)

Isang rebolusyong agrikultural sa Amerika noong ika-18 siglo.

d)

Isang digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa noong ika-16 na siglo.

34.

Ano ang ibang tawag sa Enlightenment?

a)

Age of Reason

b)

Industrial Revolution

c)

Dark Ages

d)

Renaissance

35.

Ano ang binibigyang-diin ng Enlightenment?

a)

Pangangatwiran, pag-iisip, at kakayahan ng indibidwal

b)

Kapangyarihan ng hari

c)

Limitadong pamahalaan

d)

Relihiyosong paniniwala

36.

Ano ang kahalagahan ng Enlightenment sa politika?

a)

Nagsimula ang mga pagbabago sa politika tulad ng pag-usbong ng demokrasya at pagbibigay halaga sa karapatan ng bawat tao.

b)

Naging mas mahigpit ang pamahalaan sa pagpapatupad ng batas at parusa.

c)

Nawala ang interes ng mga tao sa politika at pamahalaan.

d)

Lumaganap ang absolutismong pamahalaan sa buong mundo.

37.

Ano ang kahulugan ng Absolutismo?

a)

Ang kapangyarihan ay nakatuon sa iisang pinuno (hari o reyna) na may walang limitasyong kapangyarihan.

b)

Ang lahat ng mamamayan ay may pantay-pantay na kapangyarihan sa pamahalaan.

c)

Ang kapangyarihan ay ibinibigay lamang sa mga maharlika o aristokrata.

d)

Ang pamahalaan ay pinamumunuan ng isang grupo ng mga pari.

38.

Ano ang Divine Rights of King?

a)

Doktrinang political at relihiyoso na naninindigan sa pananaw na ang kapangyarihan ng monarka ay kautusang nagmula sa Diyos.

b)

Isang batas na nagbibigay ng karapatan sa mga magsasaka.

c)

Isang teorya na nagsasabing ang hari ay dapat iboto ng mamamayan.

d)

Isang paniniwala na ang hari ay walang kapangyarihan.

39.

Sino ang mga tagapagtanggol ng absolutismo sa France?

a)

King Louis XIV at Jacques-Benigne Bossuet

b)

Napoleon Bonaparte at Maximilien Robespierre

c)

Jean-Jacques Rousseau at Voltaire

d)

Marie Antoinette at Cardinal Richelieu

40.

Ano ang binibigyang-diin ng Liberalismo?

a)

Karapatan ng isang indibidwal, limitadong pamahalaan, at kapangyarihan ng mamamayan.

b)

Ganap na kapangyarihan ng pamahalaan sa lahat ng aspeto ng buhay.

c)

Pagpapalakas ng monarkiya at aristokrasya.

d)

Pagpapalaganap ng relihiyosong doktrina sa pamahalaan.

41.

Ano ang pundasyon ng lehitimong kapangyarihan ng pamahalaan ayon sa Liberalismo?

a)

Ang lehitimong kapangyarihan ng pamahalaan ay nagmumula sa mga mamamayan ("We the People").

b)

Ang lehitimong kapangyarihan ng pamahalaan ay nagmumula sa hari o reyna.

c)

Ang lehitimong kapangyarihan ng pamahalaan ay nagmumula sa relihiyon o simbahan.

d)

Ang lehitimong kapangyarihan ng pamahalaan ay nagmumula sa mga makapangyarihang pamilya.

42.

Sino ang nagtaguyod ng kaisipang Social Contract at naniniwala na ang tao ay natural na masama at ang pinakamagaling na pamahalaan ay may kapangyarihang leviathan (absolute monarchy)?

a)

John Locke

b)

Thomas Hobbes

c)

Baron de Montesquieu

d)

Jean-Jacques Rousseau

43.

Ayon kay John Locke, ano ang 3 likas na karapatan ng tao?

a)

Mabuhay, maging malaya, at magkaroon ng ari-arian

b)

Mabuhay, magtrabaho, at mag-aral

c)

Mag-aral, magtrabaho, at magpahinga

d)

Magpahinga, maglakbay, at magtayo ng negosyo

44.

Ano ang pangunahing kaisipan ni Baron de Montesquieu tungkol sa pamahalaan?

a)

Social Contract

b)

Separation of Power

c)

Likas na Karapatan

d)

Kalayaan ng Mamamayan

45.

Sino ang tinaguriang "Champion of Freedom" na naniniwala na ang mabuting pamahalaan ay nilikha ng mamamayan at napapanatili ng kalooban ng nakararami?

a)

Thomas Hobbes

b)

John Locke

c)

Baron de Montesquieu

d)

Jean-Jacques Rousseau

46.

Ano ang tawag sa mga monarkang nagtaguyod ng mga repormang alinsunod sa Enlightenment?

a)

Enlightened Despots

b)

Absolutist Monarchs

c)

Divine Rulers

d)

Feudal Lords

47.

Sino ang kilala bilang "First Servant of His State" sa Prussia?

a)

Joseph II

b)

Frederick the Great

c)

Catherine the Great

d)

Thomas Hobbes

48.

Sino ang monarkang nagpagawang bagong saligang makakabuti para sa lahat ng kanyang nasasakupan sa Russia?

a)

Frederick the Great

b)

Joseph II

c)

Catherine the Great

d)

John Locke

49.

Ano ang Stamp Act ng 1765 at bakit ito tinuligsa ng mga kolonista?

a)

Buwis na ipinataw sa mga legal na dokumento, pahayagan, at iba pang nakalimbag na materyal; tinuligsa bilang "No taxation without representation."

b)

Isang batas na nagbabawal sa mga kolonista na magtipon-tipon sa mga pampublikong lugar.

c)

Isang kasunduan sa pagitan ng mga kolonista at mga Katutubong Amerikano tungkol sa hangganan ng lupa.

d)

Isang batas na nag-aatas ng sapilitang pagpapadala ng mga kolonista sa hukbong British.

50.

Ano ang insidente noong 1770 kung saan pinagbabaril ng mga sundalong British ang mga sibilyan sa Boston na nagdulot ng limang pagkamatay?

a)

Boston Massacre

b)

Battle of Lexington

c)

Tea Act Riot

d)

Declaration Riot

51.

Ano ang sagot ng mga kolonista sa pagbubuwis sa tsaa noong 1773 na naging simbolo ng pagtutol sa kapangyarihan ng Britanya?

a)

Boston Tea Party

b)

Declaration of Independence

c)

Lexington and Concord

d)

Stamp Act Congress

52.

Ano ang naging epekto ng Enlightenment sa daigdig ayon sa teksto?

a)

Naging daan ito sa pagwawakas ng pang-aalipin, pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay ng tao, at paglinang ng demokratikong pamamahala.

b)

Nagpalaganap ito ng absolutismong pamahalaan sa buong daigdig.

c)

Nagdulot ito ng digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa.

d)

Naging sanhi ito ng pagbagsak ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya.