wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP-5

Total questions: 61

Worksheet time: 1hrs 1mins

Name
Class
Date
1.

Siya ay maaaring humahawak ng posisyon ng gobernador-heneral kapag ito ay nabakante

a)

Arsobispo

b)

Misyonerong katoliko/kristiyano

c)

Hari ng Espanya

d)

Obispo

2.

Sino ang pinakamataas na pinuno ng simbahan?

a)

prayle

b)

arsobispo

c)

kura-paroko

3.

Sino ang dalawang tao ang nagpatupad ng kasunduan sa Patronato Real?

a)

Hari ng India at Santo Papa ng Amerika

b)

Hari ng Italya at Santo Papa ng Roma

c)

Hari ng Espanya at Santo Papa ng Roma

4.

Sino ang inihalal na Vice Real patron kung saan siya ang nagtatalaga ng kura paroko sa iba't-ibang lugar?

a)

Prayle

b)

Gobernador Heneral

c)

Obispo

5.

Sino ang naging katulong ng Obispo?

a)

Rekolekto

b)

Kura Paroko

c)

Heswita

6.

Katulong ng arsobispo sa pagpapalakad ng simbahan at siya ring namumuno sa diocese

a)

Arsobispo

b)

Misyonerong katoliko/kristiyano

c)

Hari ng Espanya

d)

Obispo

7.

Siya ang pumipili ng mga kura-paroko na itinatalaga sa iba't-ibang lugar sa kapuluan.

a)

Arsobispo

b)

Gobernador-heneral

c)

Hari ng Espanya

d)

Obispo

8.

Alin ang HINDI nagpapakita ng bahaging ginampanan ng Kristiyanismo sa kultura at tradisyon ng mga Pilipino?

a)

Pagdiriwang ng kapistahan para sa mga santo

b)

Pagpinta at pag-ukit ng mga eskultura na wangis sa mga santo

c)

Inilimbag ang Doctrina Christiana, ang unang aklat sa Pilipinas na naglalaman ng dasal.

d)

Pagpapanatili ng tradisyunal na rituwal ng mga Pilipino upang mabilis na mapalaganap ang Kristiyanismo

9.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng epekto ng kolonyalismo sa kultura ng sinaunang Pilipino?

a)

Pagpapanatili ng mga bahay kubo

b)

Pagsuot ng bahag at kanggan

c)

Pagsayaw ng itik-itik at Tinkling

d)

Pagkahilig ng mga Pilipino sa maraming sangkap at masarsang ulam tulad ng mechado

10.

Ano ang naging mabuting epekto ng kolonyalismong Espanyol sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino?

a)

Nabura ang sinaunang tradisyon at kultura ng mga Pilipino

b)

Natuto ang mga katutubo na ipagtanggol ang kanilang sarili sa mga Espanyol

c)

Nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na piliin ang impluwensiyang pang-kultura at panlipunan na maiaangkop sa nakagisnang kalinangan

d)

Nanatili ang mga sinaunang paniniwala at tradisyon ng mga Pilipino

11.

Paano binago ng Espanyol ang sining ng mga katutubong Pilipino?

a)

Hindi na hinayaang magpinta ang mga katutubo

b)

Nagpatayo ng paaralan ang mga Espanyol upang mapag-aralan ng mga katutubo ang makabagong sining na makatutulong sa kita ng bansa

c)

Naging limitado sa temang panrelihyon at ilang mahahalagang detalye sa bibliya ang mga likhang pinta at eskultura sa Pilipinas

d)

Naging mahigpit sa mga likhang pinta ng mga katutubo

12.

Alin pagkain ang naidagdag sa hapag-kainan ng mga Pilipino sa kanilang pag-aangkop sa panlasa ng mga Espanyol?

a)

Adobong baboy at manok

b)

Sinigang na baboy at manok

c)

Lechong kawali at sinampalokang manok

d)

Afritada, mechado, menudo, paella at puchero

13.

Ano ang nangyaring pagbabago sa katayuan ng mga babae sa lipunan sa pagdating ng mga Espanyol?

a)

Naging pinuno ng barangay

b)

Ibinigay ang kapangyarihan ng pamilya sa ama at naging tagasunod na lamang.

c)

Siya ang nagdesisyon sa ikabubuti ng pamilya

d)

Nawalan ng karapatan na makapag-aral ng pormal

14.

Ito ang unang bahay ng mga Pilipino na kung saan ang kanyang arkitektura ay iniangkop sa mainit na kapaligiran at klima ng Pilipinas upang matamo ang ginhawa ng tumitira dito.

a)

Bahay Bahayan

b)

Bahay na Bato

c)

Bahay Kubo

d)

Bahay ni Lola

15.

Ano ang ibig sabihin ng reduccion?

a)

sapilitang paglipat ng tirahan

b)

sapilitang pagyakap sa Katolisismo

c)

sapilitang paggawa

d)

sapilitang pagbabayad ng buwis

16.

Paano nanahan ang mga Pilipino bago dumating ang mga Espanyol?

a)

Kalat-kalat ang tirahan sa pamayanan

b)

Magkakalapit ang mga pamayanan

c)

Nakatira sila sa tabi ng ilog

d)

May malalaki na silang gusali

17.

Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa panahanan ng mga Pilipino sa panahon ng mga Espanyol?

a)

Kalat-kalat ang tirahan sa pamayanan

b)

Magkakalapit ang mga pamayanan

c)

Nakatira sila sa tabi ng ilog

d)

Magkakalayo ang mga gusali

18.

Ang paggawa ng makabagong tirahan ay itinuro ng mga Espanyol sa ating mga ninuno. Anong uri ng bahay ito?

a)

Bahay Kubo

b)

Bahay ni Lola

c)

Bahay Bahayan

d)

Bahay na Bato

19.

Ito ay kinabibilangan ng mga manggagawa at magbubukid. Limitado ang kanilang mga karapatan at pribilehiyo. Hindi rin sila maaaring mahalal sa katungkulan sa pamahalaan.

a)

mestizo

b)

principalia

c)

inquilino

d)

karaniwang tao o indio

20.

Bakit madaling natutunan ng mga Pilipino ang wikang Espanyol?

a)

Dahil sa pagdalo sa misa, pag-aaral ng dasal at katesismo at pakikipag-usap sa mga Espanyol.

b)

Dahil ginusto nila itong pag-aralan sa simula pa lang

c)

Dahil alam na nila ang wikang Espanyol bago pa dumating ang Espanyol sa bansa.

d)

Dahil pinagbasa ang mga Pilipino ng napakaraming aklat na nakasulat sa wikang Espanyol.

21.

Paano pinaunlad ng kulturang Espanyol ang kakayahan ng mga Pilipino sa Musika?

a)

Natututong tumugtog ang mga Pilipino ng mga instrumentong pangmusika.

b)

Dumami ang musikero at banda sa Pilipinas.

c)

Palagiang pinapasayaw ang mga Pilipino sa kasiyahan.

d)

Pinadala sa ibang bansa ang mga magagaling na Pilipino sa Musika.

22.

Bakit ipinagdiriwang ang Pista na isa sa mga pagdiriwang na ipinakilala sa atin ng kulturang Espanyol?

a)

Upang maitaboy ang malas sa lipunan

b)

Upang madagdagan ang mga ani sa pananim

c)

Upang magsilbing paalala sa mga gumagawa ng kasamaan

d)

Upang bigyang parangal ang mga santo

23.

Ang tawag sa pinakasentro sa pamayanang Pilipino noong panahon ng mga Espanyol.

a)

kabisera

b)

parokya

c)

rancho

d)

visita

24.

Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Espanyol na nahati sa dalawang antas – pamahalaang sentral at pamahalaang lokal?

a)

Pamahalaang Diktatoryal

b)

Pamahalaang Komonwelt

c)

Pamahalaang Sentralisado

d)

Pamahalaang Totalitaryan

25.

Ang tawag sa mga Pilipino na nahaluan ng dugong Espanyol o Tsino

a)

Creoles

b)

Mestizo

c)

Indio

26.

Ang tawag sa mga Espanyol na ipinanganak sa Espanya at naninirahan sa Pilipinas.

a)

Insulares

b)

Peninsulares

27.

Pilipinong dating maharlika, haciendero o kabilang sa angkan ng mga datu.

a)

masa

b)

ilustrado

c)

principalia

28.

Suriin kung ang talata ay nagpapahayag sa nangyari sa panahon ng Kolonyang Espanyol.


May pagkakataong mag-aral ang kababaihan sa mga unibersidad.

a)

tama

b)

mali

29.

Suriin kung ang talata ay nagpapahayag sa nangyari sa panahon ng Kolonyang Espanyol.


Ang mga anak na lalaki sa tahanan ay sinasanay ng ama sa paghahanapbuhay samantalang ang mga babae ay sinasanay para sa gawaing-bahay.

a)

tama

b)

mali

30.

Suriin kung ang talata ay nagpapahayag sa nangyari sa panahon ng Kolonyang Espanyol.


Maraming bahay ang matatagpuan sa kagubatan at ibabaw ng puno.

a)

tama

b)

mali

31.

Suriin kung ang talata ay nagpapahayag sa nangyari sa panahon ng Kolonyang Espanyol.


Ang mga babae ay hindi basta-basta maaring makihalubilo sa kalalakihan.

a)

tama

b)

mali

32.

Suriin kung ang talata ay nagpapahayag sa nangyari sa panahon ng Kolonyang Espanyol.


Ang mga bahay ay karaniwang yari sa bato.

a)

tama

b)

mali

33.

Suriin kung ang talata ay nagpapahayag sa nangyari sa panahon ng Kolonyang Espanyol.


Ang mga katutubong Pilipino ay itinuturing na Indio

a)

tama

b)

mali

34.

Naging pantay ang karapatan ng babae at lalaki sa panahon ng Espanyol

a)

Tama

b)

Mali

35.

Nagtatag ng paaralan ang mga Espanyol noon upang maipalaganap ang relihiyong Katoliko

a)

Tama

b)

Mali

36.

Alin ang araling itinuturo sa paaralang pambabae noong panahon ng Espanyol.

a)

pagluluto

b)

lohika

c)

retorika

37.

matandang siyudad sa Pilipinas na kakikitaan ng uri ng panahanan noong panahon ng mga Espanyol

a)

Bonifacio Global City, Taguig

b)

Vigan, Ilocos Sur

c)

Manila

38.

Dahilan kung bakit nahirapan ang mga Espanyol sakupin ang mga katutubong pangkat sa Cordillera.

a)

Ito ay masyadong malawak

b)

Ito ay nasa kabundukan

c)

Ito ay nasa kapatagan

d)

Ito ay nasa gitna ng dagat

39.

Tawag sa bayan na binubuo ng mga barangay

a)

pamahalaan

b)

pueblo

c)

reduccion

40.

Aklat na naglalaman ng pagpapakasakit ni Kristo

a)

senakulo

b)

moro-moro

c)

sarsuwela

41.

Bakit kaya pinagsama-sama ng mga Espanyol sa pueblo ang mga Pilipino?

a)

upang sila ay maging maunlad

b)

upang madali silang makilala ng Espanyol

c)

upang madali silang mapasunod sa mga patakaran

d)

upang madali silang makipagkalakalan sa mga Espanyol

42.

Ito ang mga pamayanang hindi pa nasasakop at napapayapa ng mga Espanyol.

a)

corregimiento

b)

alcadia

43.

May mga tungkuling tagapagbatas, tagapagpaganap at panrelihiyon na pinamumunuan ng isang gobernador-heneral.

a)

pamahalaang sentral

b)

pamahalaang munisipal

44.

Ito ang kinatawan ng Hari ng Espanya upang opisyal na magsiyasat sa mga katiwaliang nagawa ng mga ipinadalang pinuno sa Pilipinas.

a)

Visitador

b)

Corregidor

45.

Ito ay ang kalayaan ng isang gobernador-heneral na ipatupad o hindi ang mga batas sa Espanya sa kanyang nasasakupan.

a)

cumplase

b)

residencia

46.

Ito ay pinamumunuan ng isang cabeza de barangay.

a)

pamahalaang munisipal

b)

pamahalaang barangay

47.

Ito ang nagsisilbing tagasiyasat sa naging panungkulan ng mga gobernador-heneral na matatapos na ang paninilbihan.

a)

residencia

b)

visitador

48.

Ito ay uri ng pamahalaang panlalawigan kung saan ang mga pamayanan ay nasakop at napayapa na ng mga Espanyol.

a)

alcadia

b)

corregimiento

49.

Pinakamaliit na yunit ng pamahalaan noon.

a)

lungsod

b)

barangay

50.

Ang namumuno ng residencia ay karaniwang pumapalit sa papaalis na goberbador-heneral.

a)

tama

b)

mali

51.

Mga dating Datu o pinuno ng mga sinaunang barangay ang kadalasang nagiging cabeza de barangay.

a)

tama

b)

mali

52.

Pinamumunuan din ng Gobernador-Heneral ang hukbong sandatahan.

a)

tama

b)

mali

53.

Mga BATAS NG PILIPINAS ang ipinatutupad ng isang gobernador-heneral sa kanyang nasasakupan.

a)

tama

b)

mali

54.

2. Ano ang tawag sa pinakamataas at pinakamakapangyarihang pinuno sa ilalim ng pamahalaang Espanyol.

a)

Barangay Kapitan

b)

Gobernador-Heneral

55.

5. Ang __________ ay isang sistema ng pamamahala ng mga Espanyol kung saan pinamumunuan ng isang encomendero ang isang malaking lupain sa pahintulot ng Hari ng Espanya.

a)

Encomienda

b)

Barangay

56.

Sino ang namumuno sa pueblo o bayan?

a)

cabeza de barangay.

b)

gobernadorcillo

c)

corrigedor

57.

Ito ay ang kalayaan ng isang gobernador-heneral na ipatupad o hindi ang mga batas sa Espanya sa kanyang nasasakupan.

a)

cumplase

b)

residencia

58.

May mga tungkuling tagapagbatas, tagapagpaganap at panrelihiyon na pinamumunuan ng isang gobernador-heneral.

a)

pamahalaang sentral

b)

pamahalaang munisipal

59.

3. Ang lahat ng batas sa kolonya ay nagmumula sa hari ng Espanya.

a)

tama

b)

mali

60.

5. Tinutulungan ng Consejo de Indias ang hari sa kanyang pamamahala.

a)

tama

b)

mali

61.

Ano-ano ang mga tanging pokus na itinuro ng mga espanyol sa paaralan?

a)

Relihiyon

b)

Agrikultura

c)

Paglalakbay

d)

Pagkalakalan