NEW
Font size
WorksheetsESP10 - OPHS - QUARTER 2
Total questions: 80
Worksheet time: 1hrs 20mins
Ano ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may kontrol at pananagutan sa sarili?
Makataong kilos
Kilos ng tao
Kilos ng hayop
Kilos ng kalikasan
Ilan ang uri ng kilos ng tao ayon kay Agapay?
Dalawa
Isa
Apat
Tatlo
Ano ang tawag sa kilos na likas sa tao at hindi ginagamitan ng isip?
Kilos ng isip
Kilos ng damdamin
Kilos ng tao
Makataong kilos
Ano ang hindi kabilang sa mga uri ng kilos ng tao?
Kilos ng tao at makataong kilos
Makataong kilos
Kilos ng tao
Kilos ng hayop
Ano ang ibig sabihin ng 'kilos ng tao'?
Kilos na may pananaw
Kilos na may damdamin
Kilos na likas sa tao
Kilos na may isip
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng makataong kilos?
Paghinga
Pag-iisip
Paglalakad
Pagtulog
Ano ang pangunahing katangian ng makataong kilos?
Ayon sa kalikasan
May kontrol at pananagutan
Walang isip
Ayon sa ugali
Ano ang hindi katangian ng kilos ng tao?
Ayon sa kalikasan
Walang isip
May kontrol
Natural
Ano ang tawag sa kilos na ginagamitan ng isip at kilos-loob?
Kilos ng tao
Kilos ng kalikasan
Makataong kilos
Kilos ng hayop
Ano ang pangunahing layunin ng pagkilala sa kilos ng tao?
Upang matutunan ang kalikasan
Upang maunawaan ang sarili
Upang makilala ang iba
Upang makilala ang hayop
Alin sa mga sumusunod ang hindi isang kilos ng tao?
Pag-iyak
Pagkain
Pagbasa
Paghinga
Ano ang pangunahing pagkakaiba ng kilos ng tao at makataong kilos?
Makataong kilos ay likas
Makataong kilos ay walang damdamin
Kilos ng tao ay may isip
Kilos ng tao ay walang isip
Ano ang maaaring maging resulta ng makataong kilos?
Laging mabuti
Walang epekto
May epekto sa sarili at iba
Laging masama
Ano ang dapat isaalang-alang sa paggawa ng makataong kilos?
Pananagutan
Kalikasan
Kilos ng tao
Walang isip
Ano ang pangunahing elemento ng kilos ng tao?
Damdamin
Kalikasan
Isip
Kilos-loob
Ang makataong kilos ay tumutukoy sa kilos ng tao na isinasagawang may kaalaman (knowingly), Malaya (free) at kusa (voluntarily).
TAMA
MALI
Ayon kay Aristotle, ang kilos-loob ay ang kilos na nagpapakita ng kaalaman tungkol sa gawain at pagsang ayon.
TAMA
MALI
Sa tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ni Aristotle, ang kusang-loob ay ang karapat-dapat panagutan.
TAMA
MALI
Ang gawi ay panlabas na puwersang pumipilit sa isang tao na gumawa ng bagay na labag sa kanyang loob.
TAMA
MALI
Habang gumagawa ka ng proyekto, hindi mo alam na mali pala ang format na ginagamit mo dahil walang nagpaalala sa’yo at wala ring malinaw na gabay. Ito ay tinatawag na Kamangmangan na Hindi Madaraig (Invincible Ignorance).
TAMA
MALI
Si David Dimagiba ay tinakot ng kanyang kaklase na ibubunyag ang lihim niya kung hindi siya gagawa ng project para rito. Dahil sa takot, ginawa niya ito. Ano ang dapat sana niyang gawin?
A. Manahimik na lang para matapos ang problema
B. Gumanti sa kaklase
C. Ipagbigay-alam sa guro o magulang ang sitwasyon
D. Iwasan na lang pumasok sa paaralan
Pinilit ng barkada si Jossa Poco na manigarilyo kahit ayaw niya. Sa bandang huli, sumang-ayon siya dahil ayaw niyang mapahiya. Anong salik ang nakaaapekto sa kaniyang kilos?
A. Kamangmangan
B. Gawi
C. Masidhing Damdamin
D. Karahasan
Matapos mapagalitan ng magulang dahil sa kanyang asal, napagtanto ni Edong Dimapilis na dapat niyang pag-isipan muna ang kanyang mga kilos bago gumawa ng desisyon. Alin sa sumusunod ang ipinapakita niya?
A. Pagninilay o pagsusuri ng kilos
B. Pagpapabaya sa sarili
C. Masidhing damdamin
D. Takot sa magulang
Hindi na ginawa ni McDon ang kaniyang takdang aralin at wala siyang balak na gawin ito. Ito ay isang halimbawa ng?
A. walang kusang loob
B. kusang-loob
C. katamaran
D. boluntaryo
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng makataong kilos?
A. Paghinga
B. Pagkurap ng mata
C. Pagtulong sa nangangailangan
D. Paghikab
Si Hanzel ay tinanong kung sasama siya sa barkada na maglalaro ng Mobile Legends kahit may project silang dapat tapusin. Nag-isip muna siya kung alin ang mas makabubuti at pinili niyang tapusin muna ang project bago maglaro. Alin sa mga sumusunod ang ipinakita ni Hanzel?
A. Hindi siya marunong makisama
B. Ginamit niya ang deliberasyon ng isip
C. Pinairal niya ang emosyon kaysa isip
D. Ipinakita niya ang kahinaan ng kilos-loob
Araw-araw, si Warren ay nagigising nang maaga para tumulong sa gawaing bahay bago pumasok sa klase. Anong gawi ang ipinapakita niya?
A. Masamang gawi
B. Walang epekto
C. Mabuting gawi
D. Labag sa loob
Kung ang isang tao ay nagsasagawa ng madaliang pagpapasiya, hindi siya nagiging mapanagutan. Ang pangungusap ay __________.
A. tama, sapagkat nagiging pabaya siya sa anumang kalalabasan nito.
B. mali, dahil nabiyayaan ang tao ng sapat na kagalingan upang magpasiya
C. mali, dahil normal lang ang pagkakamali
D. Wala sa nabanggit
Habang naglalakad si Joy-Joy, nakita niyang may nahulog na pitaka. Naisip niyang maaari niya itong iuwi, ngunit pinili niyang ibalik sa may-ari. Ano ang ipinapakita ng kilos ni Joy-Joy?
A. Pagkilos nang walang pag-iisip
B. Pagsunod sa utos ng iba
C. Paggamit ng tamang pagninilay (deliberasyon ng isip
D. Pagkilos dahil sa takot sa parusa
Si Pricila ay inalok ng kanyang kaklase ng sagot sa pagsusulit. Alam niyang mali ito, ngunit gusto rin niyang makakuha ng mataas na marka. Pagkatapos niyang pag-isipan, pinili niyang hindi tanggapin ang kopya. Anong katangian ng kilos-loob ang ipinakita ni Pricila?
A. Pagpapasya batay sa damdamin.
B. Pagpili ayon sa katotohanan at kabutihan
C. Pagsunod sa gusto ng karamihan
D. Pagpapabaya sa konsensya
Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.
A. Kilos
B. Kakayahan
C. Pasiya
D. Damdamin
Sino ang nagsabi ng kasabihang “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa’yo”?
A. Plato
B. Confucius
D. Aristotle
D. Sto. Tomas
Ano ang batayan ng kabutihan o kasamaan ng isang kilos?
A. Likas na gawi
B. Intensiyon, resulta, at konteksto
C. Kalooban ng iba
D. Wala sa nabanggit
Si Mary Grace ay madalas magpadalos-dalos sa desisyon, gaya ng pagbibitiw ng masasakit na salita kapag nagagalit. Nais niyang matutunang kontrolin ang sarili. Ano ang dapat niyang linangin upang magabayan ang kanyang kilos?
A. Lakas ng katawan
B. Takot sa mga magulang
C. Kilos-loob na pinamumunuan ng isip
D. Pagpapasikat sa mga kaibigan
Si Mike ay tinanong kung sasama siya sa barkada na maglalaro ng Mobile Legends kahit may project silang dapat tapusin. Nag-isip muna siya kung alin ang mas makabubuti at pinili niyang tapusin muna ang project bago maglaro. Alin sa mga sumusunod ang ipinakita ni Mike?
A. Hindi siya marunong makisama
B. Ginamit niya ang deliberasyon ng isip
C. Pinairal niya ang emosyon kaysa isip
D. Ipinakita niya ang kahinaan ng kilos-loob
Ang kakayahan ng tao na kumilos nang may kaalaman at kusa ay tinatawag na _____________.
Makataong kilos
Likas na kilos
Gawi
Konsensiya
Ano ang nagpapakita ng paggamit ng kalayaan sa tama?
Pagsuway sa magulang upang ipakita ang kalayaan
Pagpili ng makabubuti sa kapwa kahit mahirap
Pagpapasya nang walang pakialam sa iba
Pagtakas sa pananagutan
Ang kilos na bunga ng takot o pananakot ay tinatawag na _____________.
Kamangmangan
Kusang-loob
Pananampalataya
Pagmamalasakit
Ang kakulangan ng kaalaman sa dapat gawin ay tinatawag na _____________.
Karahasan
Kamangmangan
Gawi
Layunin
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng makataong kilos?
Pagbubulakbol sa klase
Pagpapatawad sa nakasakit
Panlilinlang sa kaklase
Pagsisinungaling sa magulang
Ang kilos na paulit-ulit na ginagawa at nagiging bahagi ng ugali ay tinatawag na _____________.
Gawi
Kalayaan
Pananagutan
Layunin
Ano ang tawag sa kakayahang magpasya batay sa mabuti o masama?
Isip
Konsensiya
Kalayaan
Damdamin
Ang paggamit ng kalayaan ay may kasamang _____________.
Pahinga
Pananagutan
Pagsuway
Panganib
Alin sa mga sumusunod ang hindi makataong kilos?
Paggalang sa guro
Pagliligitas sa nangangailangan
Pagsira sa gamit ng kaklase
Pag-amin sa pagkakamali
Ang kilos na ginawang walang sapat na pag-iisip ay _____________.
Malaya
Hindi makatao
Hindi kusang-loob
Kusang-loob
Kapag ang tao ay kumilos nang alam niyang mali ngunit sinadya pa rin, siya ay may _____________.
Bahagyang pananagutan
Ganap na pananagutan
Walang pananagutan
Limitadong pananagutan
Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang makataong kilos ay nasusukat sa _____________.
Bunga ng kilos
Intensiyon o layunin
Kalagayan ng gumagawa
Lahat ng nabanggit
Alin sa mga ito ang nagpapakita ng paggamit ng konsensiya?
Ginawa ang tama kahit walang nakakakita
Ginawa ang mali para makaiwas sa parusa
Ginawa ang tama dahil pinilit
Ginawa ang mali dahil sa takot
Ang layunin ng makataong kilos ay dapat laging nakatuon sa _____________.
Kabutihan
Sariling interes
Kasiyahan
Kapangyarihan
Ang tamang paggamit ng kalayaan ay nasusukat sa _____________.
Dami ng desisyong ginawa
Antas ng kasiyahan
Kabutihan ng layunin
Bilis ng pagpapasya
Ano ang ibig sabihin ng pahayag na: “Ang kalayaan ay hindi ganap kung ito ay ginamit sa masama.”?
Ang kalayaan ay may hangganan at dapat gamitin sa mabuti.
Ang kalayaan ay walang limitasyon.
Ang kalayaan ay palaging tama kahit paano gamitin.
Ang kalayaan ay hindi mahalaga.
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng makataong kilos?
Pagtulong sa matandang tumawid sa kalsada
Pagsisinungaling sa magulang
Pagbubully sa kaklase
Pagwawalang-bahala sa nangangailangan
Ang konsensiya ay ginagamit sa paggawa ng desisyon sa pamamagitan ng:
pagkilala ng tama at mali bago magpasya
pagsunod lamang sa utos ng iba
pagpapasya nang walang pag-iisip
pagwawalang-bahala sa nararamdaman
Mahalaga ang pananagutan sa bawat kilos ng tao dahil ito ay:
Nagpapakita ng pagiging responsable sa mga gawaing ginawa.
Nagbibigay ng kalayaan na gawin ang kahit ano nang walang limitasyon.
Nagpapahintulot na iwasan ang mga epekto ng sariling kilos.
Nagpapalakas ng loob na hindi pansinin ang resulta ng mga aksyon.
Ang paggamit ng kalayaan ay nangangahulugan ng _______.
paggamit nito nang may pananagutan
paggamit nito kahit labag sa batas
paggamit nito para sa sariling kapakanan lamang
paggamit nito nang walang pakialam sa iba
Sino ang Pilantropo na nagsabi nito?, “Hindi makapaghahangad ng anuman ang isang tao Kung wala itong pinakahuling layunin at ito ay ang makapiling ang Diyos sa kabilang buhay.”
Aristotle
Immanuel Kant
Max Scheler
Sto. Tomas
Habang naglalakad ka papasok sa paaralan, nasalubong mo ang inyong kapitbahay na kinaiinisan ng iyong nanay dahil sa ugali niyang hindi maganda. Ano ang mainam mong gawin sa pagkakataon na ito?
pagtatawanan mo siya
babatiin mo siya at ngingitian
lirapan mo siya para malaman niya n galit ka din sa kanya
mag-iiba ka ng dadaanan para huwag mo siyang makasalubong
Ang pangangalaga ng ating kalikasan ay isa sa mahalagang gawain natin bilang isang tao dahil ito ay naaayon sa _____.
kusang-loob na kilos
makataong kilos
hindi makatarungang kilos
kilos na pang sarili
Alin ang Hindi nagsasaad ng kahulugan ng layunin?
Ito ay tumutukoy sa taong gumagawa.
Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos.
Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.
Ito ay nakapagpapabawas o nakapagdaragdag sa kabutihan o kasamaan ng kilos
Bakit hindi maaaring paghiwalayin ang panloob at panlabas na kilos?
Dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos.
Dahil pwedeng madaig ng panlabas na kilos ang panloob na kilos.
Dahil kung ano ang kilos na panlabas dapat ganun din sa panloob.
Dahil kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos kahit mabuti ang panlabas.
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa moral ng pagkilos at pagpapasya?
Para kay Pedro ay mas mainam pa ang magtrahoho agad kaysa sa mag-aral pa.
Si Maria ay nagnanais na makatapos ng pag-aaral kaya nagsisikap siyang mabuti.
Naniniwala naman si James na lahat ng nangyayari ay ayon sa kanyang kapalaran.
Naniniwala si Jordan na mas mabilis ang pag-asenso kapag sinamahan ng pandaraya ang pakikisama sa kapuwa.
Ito ay salik na nauugnay sa makataong kilos na may batayan, dahilan at may kaakibat na pananagutan.
kahihinatnan
paraan
layunin
sirkumstansiya
Tindera sa palengke ang magulang ni Maricar kaya ng umalis na ang nanay niya para pumunta sa palengke. Kumuha siya ng halagang limang daang piso (Php 500) sa kabinet kung saan nakatago ang pera ng kanyang magulang. Ang kanyang ginawa ay masama. Bakit masasabiang mabigat ang kanyang ginawa?
Kinuha niya ang pera ng walang paalam.
Kinuha niya ang pera ng wala na ang kanyang nanay.
Ang kinunahan niya ng pera ay ang kanya mismong magulang.
Ang pagkuha ng pera ng walang paalam ay nagpapakita ng kawalang respeto sa magulang.
Hindi ka nakapag-aral ng leksiyon dahil ginabi ka ng uwi galing sa birthday nang matalik mong kaibigan. Alam mo na may mahabang pagsusulit kayo kinabukasan. Nagkataon katabi mo sa upuan ang pinakamagaling ninyong kaklase. Sa iyong palagay, tama ba na mangopya ka na lang sa kanya?
Mali, dahil hindi ko dapat kopyahin ng walang paalam.
Mali, dahil kailangang kong irespeto ang aking kaklase.
Tama, dahil ang aking layunin ay makapasa sa klase.
Tama, dahil hindi ko naman hiningi ang sagot kusa ko naman itong nakita.
Si Loi ay nangangailangan ng pera dahil nag-aayang gumimik ang kanyang barkada. Isang araw ay umalis ang kanyang nanay upang mamalengke. Alam ni Loi na may nakatagong pera sa cabinet ang kanyang ina kaya kinuha niya ito upang makasama sa lakad ng barkada. May pananagutan ba si Loi sa ginawa niya?
Wala, dahil pera naman ng nanay niya iyon.
Wala, dahil hindi naman ito malalaman ng kanyang ina.
Meron, dahil hindi siya nagpapaalam na mayroon pala silang lakad ng mga kaibigan niya.
Mabigat ang kanyang pananagutan dahil siya ay nagnakaw at sarili pa niyang nanay ang kinuhanan niya ng pera.
Paano makakatulong ang sapat na panahon sa proseso ng pagpapasiya?
Nakagagawa ng mabuting pasiya ang tao.
Nagiging mabuti agad ang resulta ng pasiya.
Nakakapagdudulot ng kasiyahan ang resulta ng pasiya.
Napagninilayan ng tao ang bawat panig ng isasagawang pagpili.
Napakahalagang tumawag sa Kaniya sa pamamagitan ng panalangin lalo na sa paggawa natin ng pasiya. Alin sa mga hakbang ang tinutukoy ng pahayag?
tignan ang kalooban
isaisip ang mga posibilidad
umasa at magtiwala sa Diyos
maghanap ng ibang kaalaman
Kung nagbabalak kang mag-aral sa malayong lugar, ano- ano ang mga dapat mong isaalang alang sa gagawin mong pagpapasya?
tignan ang kalooban
isaisip ang mga posibilidad
umasa at magtiwala sa Diyos
maghanap ng ibang kaalaman
Sa iyong pagpapasiya, ang sinusuri mo ay ang iyong konsensiya at binibigyang halaga mo kung ang iyong pasiya ay makapagpapasaya sa iyo o hindi. Anong bahagi kaya ito ng hakbang sa moral na pagpapasiya?
magkalap ng patunay
tingnan ang kalooban
maghanap ng iba kaalaman
umasa at magtiwala sa Diyos
Bakit kailangan ang masusing pagninilay bago isagawa ang pagpili o pagdedesisyon ng mga bagay bagay?
upang pag-aralang mabuti ang bawat panig
upang timbangin at makita kung alin ang mas mabuti
upang makita alin ang mas makabubuti para sa nakakarami
lahat ng nabanggit
Ang bawat kilos at pasiya na ating gagawin ay may epekto sa ating sarili at kapuwa kung kaya’t kailangan na ito ay isagawa nang __________.
Mabilis, gamit ang isip at puso.
Maingat, gamit ang damdamin at kaisipan.
Maingat, gamit ang talino na ibinigay sa Diyos.
Mabilis, upang magkaroon ng mabilis na resulta.
Kapag nagpapasiya si Mang Cardo, palagi niyang tinatanong ang kanyang sarili kung ito ba ang nais ng Diyos o naaayon sa Kaniyang kautusan. Sa iyong palagay, Anong bahagi ng pagpapasiya ni Mang Cardo ang kanyang isinaalang alang?
tingnan ang kalooban
maghanap ng ibang kaalaman
isaisip ang posibilidad
umasa at magtiwala sa Diyos
Ito ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay.
mabuting pagpapasiya
makataong kilos
maling pagkilos
pasiya
Likas sa mga kabataan ang mahilig maglibot. Alam natin na tapos na ang pandemya na dulot ng Covid-19, Paano mo maipapakita ang pangangalaga ng iyong kalusugan kahit tapos na ang pandemya?
Manatiling nagsusuot ng face mask habang naglilibot sa mall.
Mag-online shopping na lang upang maalis ang inip at stress.
Makisama sa pagrally dahil sa pagbabawal na lumabas ng bahay.
Alin sa sumusunod ang unang hakbang na dapat isaalang alang sa moral na pagpapasiya?
Tingnan ang kalooban
Magkalap ng patunay
Isaisip ang posibilidad
Umasa at magtiwala sa Diyos
Paano maipapakita ng isang tao ang kaniyang dignidad bilang isang bukod-tangi na indibidwal at ang pagkakawangis niya sa Diyos sa pamamagitan ng kaniyang isip at kalooban?
Manatili sa kanyang nakagisnang buhay at iwasan ang pakikisalamuha sa iba.
Sumasali sa mga proyektong naglalayong mapabuti ang kalagayan ng kapuwa.
Iniiwasan ang mga hamon at pagsubok na maaaring magdulot ng pagkukulang sa sarili.
Umakma sa mga piling patakaran ng lipunan nang hindi iniisip ang sariling kagustuhan.
Paano napatunayan ng isang tao ang kanyang dignidad sa kabila ng mga pagkakamali at paano nito ipinakita ang kanyang pagkakawangis sa Diyos sa harap ng mga pagsubok?
Pumili na lamang na manahimik, magsisi at itago ang sarili sa lipunan.
Nagtagumpay sa lahat ng pagsubok at hindi nagkaroon ng anumang pagkukulang.
Nakabangon matapos ang mga pagkakamali at nagpakita ng pagbabago at pagsisisi.
Tinanggap ang kaniyang kapalaran na maging bahagi ng pangkalahatang pagkakamali.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng angkop na kilos upang maipakita mo sa iyong kapuwa ang itinuturing na mababa ang sarili na siya ay bukod-tangi at mahalaga?
Pagiging prangka sa iyong mga kapuwa para itaas ang iyong sariling dangal.
Pagpapakita ng respeto at pag-unawa sa kapwa, kahit magkaiba ang kanilang estado sa buhay.
Pagtanggi na makipag-usap sa mga taong hindi marunong magpahalaga sa kanilang dignidad.
Pag-unawa sa iyong kapuwa kung ano ang mali sa kaniya at pagtanggap na mababa ang tingin sa kaniya.
Lumapit sayo ang kaibigan mo at nagkuwento hinggil sa kanyang mga problemang nagpapababa sa kanyang sarili, paano mo siya tatanggapin at papayuhan?
Tawanan ang kaniyang mga problema upang ipakita na ito’y hindi seryoso at hindi kailangang bigyan pansin.
Magbigay ng simpleng sagot na hindi nagsasaalang-alang sa kanyang damdamin at pangangailangan.
Pakinggan ng maayos ang kaniyang kuwento at magbigay ng payo na kikilala sa kaniyang mga magagandang katangian.
Pupurihin sa kaniyang magagandang katangian saka sasabihin ng masasakit na katotohanan na maaaring makapagpababa ng kanyang morale.
Paano mo masasabing naging epektibo ang iyong mga hakbang batay sa sitwasyong magbigay ng simpleng sagot na hindi nagsasaalang-alang sa kanyang damdamin at pangangailangan?
Siya ay nagsisi sa kaniyang mga kasalanan at binalewala na lang ito.
Buong-puso na tinanggap ang payo at hinayaan na ikaw ang tumulong upang masolusyunan ito.
Masayang tinanggap ang payo dahil ito naman ay hindi seryoso at hindi kailangang bigyan pansin.
Bukas-loob na tinanggap ang iyong payo at gumawa ng paraan upang mas mahalin ang kaniyang sarili.
