wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Kumpletong Pagsusulit sa Panitikan

Total questions: 42

Worksheet time: 21mins

Name
Class
Date
1.

Isang guro sa Filipino ang nagbigay ng gawain kung saan inaasahan ang mga mag-aaral na ipahayag ang kanilang damdamin tungkol sa pandemya gamit ang masining na wika, may sukat at tugma, at gumagamit ng talinghaga. Aling anyo ng panitikan ang pinakaangkop sa gawain?

a)

Prosa

b)

Tula

c)

Sanaysay

d)

Dula

2.

Habang sinusuri ng isang mag-aaral ang *Florante at Laura*, napansin niyang nangingibabaw ang lalim ng damdamin, masining na pananalita, at paggamit ng taludtod at saknong. Saang pahayag pinakamainam ilarawan ang akdang ito?

a)

Isang tuluyang akda na naglalahad ng kasaysayan

b)

Isang panulaang akda na nagpapahayag ng damdamin

c)

Isang sanaysay na nagpapaliwanag ng ideolohiya

d)

Isang dula na nakatuon sa diyalogo

3.

Kung layunin ng guro na malinang ang kakayahan ng mag-aaral sa **kritikal na pag-iisip at interpretasyon**, alin sa mga sumusunod na panitikan ang pinakamabisang gamitin bilang panimula ng talakayan?

a)

Nobela

b)

Bugtong

c)

Maikling kuwento

d)

Talumpati

4.

Isang mag-aaral ang nagsulat ng akda na walang sukat at tugma, gumagamit ng talata at tuwirang pagpapahayag upang maglahad ng karanasan sa buhay-estudyante. Batay sa katangian, anong uri ng panitikan ito?

a)

Panulaan

b)

Bugtong

c)

Prosa

d)

Salawikain

5.

Sa isang paligsahan sa pagsulat ng bugtong, napuna ng hurado na ang akda ay may tugma at sukat ngunit kulang sa simbolismo at talinghaga. Alin ang pinakaangkop na puna?

a)

Kulang sa kariktan ang bugtong

b)

Mali ang sagot ng bugtong

c)

Mahaba ang taludtod ng bugtong

d)

Hindi wasto ang tugma

6.

Kung nais ng manunulat na sundin ang wastong hakbang sa pagsulat ng bugtong, alin ang **pinakamainam** gawin sa unang taludtod?

a)

Ibigay agad ang sagot

b)

Gumamit ng simbolismo o pamilyar na bagay

c)

Maglahad ng aral

d)

Gumamit ng tuwirang pahayag

7.

Binigyang-diin ng guro na ang bugtong ay hindi lamang laro kundi isang paraan upang pukawin ang guniguni. Alin sa mga sumusunod na gawain ang pinakatumutugon dito?

a)

Pagbuo ng sanaysay

b)

Pagbibigay-kahulugan sa sawikain

c)

Paghula sa bugtong batay sa talinghaga

d)

Pagbasa ng nobela

8.

Kung ang isang kasabihan ay may nakatagong kahulugan at nagbibigay-aral tungkol sa tamang asal, anong uri ng panitikan ito?

a)

Sawikain

b)

Salawikain

c)

Bugtong

d)

Tula

9.

Isang mag-aaral ang gumamit ng pahayag na “makapal ang mukha” upang ilarawan ang isang taong walang hiya. Bakit ito maituturing na sawikain?

a)

Dahil may sukat at tugma

b)

Dahil patula ang anyo

c)

Dahil hindi literal ang kahulugan

d)

Dahil naglalaman ng aral

10.

Kung ihahambing ang sawikain at salawikain, alin ang **pinakamahalagang pagkakaiba** ng dalawa?

a)

Ang sawikain ay may sukat at tugma

b)

Ang salawikain ay tuwiran ang kahulugan

c)

Ang sawikain ay idyoma na ginagamit sa pang-araw-araw

d)

Ang sala

11.

Ano ang pinakamahalagang pagkakaiba ng dalawa?

a)

Ang sawikain ay may sukat at tugma

b)

Ang salawikain ay tuwiran ang kahulugan

c)

Ang sawikain ay idyoma na ginagamit sa pang-araw-araw

d)

Ang salawikain ay hindi gumagamit ng talinghaga

12.

Bilang guro, nais mong ipakita sa mga mag-aaral ang akdang may malaking ambag sa makabayang panitikan. Kaninong akda ang pinakamainam gamitin?

a)

Francisco Balagtas

b)

Jose Corazon de Jesus

c)

Lope K. Santos

d)

Lahat ng nabanggit

13.

Tinawag si Jose Corazon de Jesus bilang “Huseng Batute” dahil sa kanyang kontribusyon sa alinmang larangan?

a)

Sanaysay

b)

Nobela

c)

Tulang liriko at balagtasan

d)

Dula

14.

Kung layunin ng guro na ipakita ang pagkakaiba ng panulaan at prosa, alin ang pinakamabisang gawain?

a)

Pagbigkas ng tula at sanaysay

b)

Paghahambing ng tula at maikling kuwento

c)

Pagbibigay ng sawikain

d)

Pagsagot sa bugtong

15.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na paglalarawan sa prosa?

a)

Masining at malalim ang wika

b)

Binubuo ng taludtod at saknong

c)

Walang sukat at tugma, malinaw ang pagpapahayag

d)

Laging gumagamit ng tayutay

16.

Kung susuriin ang layunin ng salawikain sa lipunang Pilipino, alin ang pinakaakma?

a)

Magbigay aliw

b)

Maglarawan ng kalikasan

c)

Magbigay patnubay sa pamumuhay

d)

Maglahad ng kathang-isip

17.

Isang guro ang nagpakita ng pahayag na “nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.” Ano ang pinahahalagahan ng pahayag na ito?

a)

Talino

b)

Sipag at pananagutan

c)

Katapatan

d)

Talento

18.

Kung ang isang bugtong ay walang tugma ngunit malinaw ang sagot, alin ang pinakamainam na konklusyon?

a)

Wasto pa rin ang bugtong

b)

Hindi ganap na nasunod ang katangian

c)

Mas mainam ito kaysa may tugma

d)

Hindi na bugtong ang akda

19.

Bakit mahalagang gamitin ang bugtong sa pagtuturo sa mababang baitang?

a)

Dahil madali itong sagutan

b)

Dahil nahahasa ang memorya lamang

c)

Dahil pinauunlad ang kritikal at malikhaing pag-iisip

d)

Dahil maikli ang mga taludtod

20.

Kung ang sawikain ay gagamitin sa pormal na sanaysay, alin ang dapat isaalang-alang?

a)

Dami ng sawikain

b)

Kaangkupan sa konteksto

c)

Haba ng pangungusap

d)

Tunog ng salita

21.

Isang mag-aaral ang literal na inunawa ang sawikain. Ano ang ipinahihiwatig nito?

a)

Mahusay siyang bumasa

b)

Kulang sa kaalaman sa idyoma

c)

Malalim ang kaniyang pag-unawa

d)

Sanay siya sa panulaan

22.

Aling katangian ng bugtong ang higit na nagpapasining sa akda?

a)

Haba

b)

Talinghaga

c)

Sagot

d)

Bilang ng taludtod

23.

Kung ang isang akda ay naglalayong magpahayag ng emosyon sa masining na paraan, alin ang mas angkop gamitin?

a)

Prosa

b)

Tula

c)

Dula

d)

Talumpati

24.

Bakit itinuturing na yaman ng kultura ang salawikain?

a)

Dahil bago ito sa henerasyon

b)

Dahil gawa ng manunulat

c)

Dahil nagpasalin-salin at may aral

d)

Dahil may sukat at tugma

25.

Alin ang pinakamainam na paraan upang masuri ang pag-unawa ng mag-aaral sa sawikain?

a)

Pagpapakopya

b)

Pagbibigay-kahulugan sa konteksto

c)

Pagpapamemorisa

d)

Pagbilang ng salita

26.

sawikain?

a)

Pagpapakopya

b)

Pagbibigay-kahulugan sa konteksto

c)

Pagpapamemorisa

d)

Pagbilang ng salita

27.

Kung ang akda ay mas malinaw, tuwiran, at naglalahad ng pangyayari, ito ay halimbawa ng—

a)

Tula

b)

Bugtong

c)

Prosa

d)

Salawikain

28.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng maling gamit ng sawikain?

a)

Ginamit sa di-pormal na usapan

b)

Ginamit nang literal

c)

Ginamit sa konteksto

d)

Ginamit bilang paglalarawan

29.

Bakit mahalaga ang sukat at tugma sa tula?

a)

Para humaba ang tula

b)

Para madaling basahin

c)

Para magkaroon ng musikalidad

d)

Para masabing tula

30.

Kung nais linangin ang pagpapahalagang moral ng mag-aaral, alin ang pinakamabisang gamitin?

a)

Bugtong

b)

Sawikain

c)

Salawikain

d)

Tula

31.

Alin sa mga manunulat ang kilala bilang “Prinsipe ng mga Makata”?

a)

Jose Rizal

b)

Lope K. Santos

c)

Francisco Balagtas

d)

Jose Corazon de Jesus

32.

Kung ihahambing ang tula at bugtong, alin ang tamang pahayag?

a)

Parehong walang talinghaga

b)

Parehong tuluyan

c)

Parehong panulaan ngunit magkaiba ang layunin

d)

Parehong nagbibigay-aral

33.

Ano ang pangunahing layunin ng bugtong bilang panitikan?

a)

Magturo ng gramatika

b)

Magturo ng gramatika

c)

Maglahad ng damdamin

d)

Magkwento

34.

Kung ang isang tula ay walang sukat at tugma ngunit masining, maaari pa rin ba itong ituring na tula?

a)

Hindi kailanman

b)

Oo, kung malaya ang anyo

c)

Hindi, dahil kulang

d)

Oo, basta may taludtod

35.

Bakit mas madalas gamitin ang sawikain sa pang-araw-araw na usapan?

a)

Dahil mahaba ito

b)

Dahil tuwiran

c)

Dahil bahagi na ng ekspresyon

d)

Dahil patula

36.

Alin ang pinakamainam na pamantayan sa pagsulat ng salawikain?

a)

Dami ng salita

b)

Ganda ng tugma

c)

Lalim ng aral

d)

Haba ng taludtod

37.

Kung ang guro ay magbibigay ng performance task tungkol sa bugtong, alin ang pinakaangkop?

a)

Pagsulat at pagpapaliwanag ng bugtong

b)

Pagmemorisa ng bugtong

c)

Pagbilang ng pantig

d)

Paghanap ng sagot lamang

38.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng sawikain?

a)

Matalinghaga

b)

Hindi tuwiran

c)

Mahaba ang pahayag

d)

May mas malalim na kahulugan

39.

Kung gagamitin ang panitikan bilang salamin ng kultura, alin ang pinakaangkop?

a)

Bugtong at salawikain

b)

Sawikain lamang

c)

Prosa lamang

d)

Tula lamang

40.

Ano ang ipinahihiwatig ng patuloy na paggamit ng tradisyunal na panitikan sa edukasyon?

a)

Hindi nagbabago ang panahon

b)

Mahalaga ang kultura at pagpapahalaga

c)

Walang modernong akda

d)

Luma na ang kurikulum

41.

Kung ang mag-aaral ay nakabubuo ng sariling bugtong, ano ang pinakamataas na kasanayang nahahasa?

a)

Pag-alala

b)

Pag-unawa

c)

Paglalapat at paglikha

d)

Pagkilala

42.

Bilang guro, alin ang pinakamainam na batayan sa pagpili ng panitikan sa klase?

a)

Haba ng akda

b)

Dali ng sagot

c)

Kaangkupan sa layunin at mag-aaral

d)

Popularidad ng akda