WorksheetsIKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9-REVIEWER
Total questions: 50
Worksheet time: 26mins
Basahin at unawain ang pahayag: “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw. Bakit naman pinapare-pareho ninyo ang aming upa?” Anong sitwasyon sa tunay na buhay ang maihahalinulad sa pahayag na ito?
Maganda ang performance sa opisina na nabibigyan ng pagkilala
Mga nagtatrabahong nag-o-over time sa opisina ngunit sakto pa rin ang ibinabayad, tulad ng mga hindi nag-o-over time
Mga trabahador na maagang pumasok na ikinukumpara sa late pumasok sa trabaho
Mga manggagawa sa isang opisina ang nagrereklamo sa kanilang natatanggap na suweldo
“Ang naauna ay nahuhuli at ang mga nahuhuli ay nauuna.” Anong pangyayari sa buhay ang maaaring makapagpatunay sa lihinaga mula sa “Ang Talinhaga tungkol sa May-ari ng Ubasan”?
Sa isang paligsahan, ang manlalarong nasa unahan ay nadapa, kaya’t ang nasa hulihan ang nanalo
Sa pila sa kantina, ang unang pumila ay umalis dahil nagbago ang isip; ang nasa dulo ng pila ang unang nakabili
Sa isang grupo ng mga-aaring, ang tahimik na miyembro ang nakapagbigay ng pinakamahusay na sagot, habang ang laging nangunguna ay hindi handa
Lahat ng nabanggit
Ano ang nais ipakita ng may-ari ng ubasan sa panghihikayat sa kalalakihan upang magtrabaho sa kaniyang lupain?
magpasikat
magbigay ng salapi
maging modelo
magbigay ng tulong
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing katangian ng isang liham na nangangaral?
Naglalahad ng personal na damdamin nang walang aral
Nagbibigay ng payo at aral batay sa karanasan
Nagkukuwento ng kabayanihan ng tauhan
Naglalarawan ng isang lugar o pangyayari
Alin sa mga pahayag ang pinakaangkop gamitin sa pagsulat ng elehiya?
Masaya at magaan ang himig ng paglalahad
Puno ng panunuya at pagbibiro
Nagpapahayag ng pagdadalamhati at pag-alala sa yumao
Nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kasaysayan
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng anekdotang nangangaral?
Isang salaysay na naglalarawan ng kagandahan ng kalikasan
Isang maikling kuwento ng karanasan na may aral sa buhay
Isang tulang nagsasalaysay ng pag-ibig
Isang sanaysay na nagbibigay ng opinyon tungkol sa isyu
“Salapi ang naging kapalit sa pagtatrabaho ng mga manggagawa sa ubasan.” Anong matalinghagang salita ang kahulugan ng may salungguhit?
sweldo
Kayamanan
kabayaran
ginto
Sino ang karaniwang tinutukoy na “tauhan” sa isang elehiya?
Ang kontrabida sa tula
Ang nagsasalita at ang pinararangalan o inaalala
Ang mga hayop sa tula
Ang mambabasa
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa tagpuan ng elehiya?
Ang aral ng tula
Ang lugar o panahong pinagmumulan ng gunita at pagdadalamhati
Ang sukat at tugma
Ang simbolismong ginamit
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng mahihiwagang kaugalian o tradisyon sa elehiya?
Paglalaban ng mga tauhan
Pag-aalay ng panalangin at paggunita sa yumao
Paglalarawan ng digmaan
Pagbibigay ng payo
Kung ikaw ang susulat ng isang elehiya, ano ang damdaming ipinapahayag nito?
Naglalarawan ng malalim na lungkot at pangungulila, karaniwang dulot ng pagkawala ng isang mahal sa buhay o mahalagang bagay
Nagbibigay pugay sa kalikasan at ganda nito
Ipinapahayag ang pagkaginhani at pagmamahal sa iniibig nito
May kagalakaan at pag-aalinlangan sa kanyang mga ipinapahayag
Ano ang karaniwang tono ng tulang liriko na tulad ng isang elehiya?
karaniwang malungkot, ngunit madalas itong nagtatapos sa pagkakaroon ng pag-asa, pananampalataya, o kapayapaan
Karaniwang tumatalakay sa kalikasan o damdamin
Nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng isang bayani
Lahat ng nabanggit
Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa standard na wikang ginagamit sa pagsusulat ng elehiya?
Pambansa
Di-pormal
Pormal
Talinghaga
Basahin ang sipi mula sa “Alamat ng Bunga ng Mangga.” Noong unang panahon, may isang batang babae na nagngangalang Luningning. Siya ay napakabait at labis-labis ang pagmamahal sa kanyang ina. Sa bawat pagsisikap niya, inaalagaan niya ang kanilang hardin nang taos-puso at walang-humpay. Anong damdamin ang ipinapakita ng pang-uri na “labis-labis”?
Galit
Takot
Pagmamahal at pag-aaruga
Pagdududa
Basahin ang sipi mula sa “Alamat ng Bunga ng Mangga.” Isang araw, hiniling ng ina na magtanim si Luningning ng puno ng mangga. Sa halip na matamlay at tamad, masigasig siyang nagtanim at inalagaan ito araw-araw. Sino ang simuno sa alamat na nakaranas ng damdamin?
Puno ng mangga
Luningning
Ina
Kalikasan
Basahin ang sipi mula sa “Alamat ng Bunga ng Mangga.” Lumipas ang maraming buwan, at humakling napakaganda at masaganang-masagana ang punong mangga. Dahil sa kanyang kasipagan at kabutihang loob, ipinagkaloob sa kanya ng kalikasan ang di-matatatawarang biyaya ng matatamis at malalaking bunga na hinahangaan ng buong bayan. Alin sa mga pang-uri sa alamat ang nagpapakita ng kasaganaan at biyaya?
masigasig
napakaganda
masaganang-masagana
tamad
Anong uri ng tunggalian ang nangingibabaw sa talata: “Nakasasawa na ang ganitong buhay. Bakit kailangan ko pang mag-isa ang responsibilidad na pag-aalaga kay itay? Dapat ko na ba siyang iwan?”
Tao Laban sa Tao
Tao Laban sa Sarili
Tao Laban sa Lipunan
Tao Laban sa Kalikasan
Anong uri ng tunggalian ang nangingibabaw sa talata: “Pinagsisihan kong ipinaalam ko sa kanila ang aking balak. Ngayon ako’y nag-isa, nilayuan nila ako. At tinitingnan ng lahat bilang masamang anak.”
Tao Laban sa Tao
Tao Laban sa Sarili
Tao Laban sa Lipunan
Tao Laban sa Kalikasan
Sa panahon ngayon, patuloy na dumarami ang mga kabataang pumapasok sa pag-aasawa sa murang edad. Bagaman ito’y dulot ng iba’t ibang salik tulad ng maagang pagbubuntis, impluwensya ng kapaligiran, at kakulangan ng sapat na kaalaman, tulad ng isang dramang pantelebisyon na may pinamagatang “Katorse” na napapaloob sa tunggalian Tao laban sa Sarili dahil sa ipinapakita na aling sumusunod na pangyayari?
Pinapakita dito kahaharaping mga desisyon at responsibilidad na Kailangan niyang harapin ang mga hamon ng maagang pagbubuntis, pag-aalaga sa anak
Ang relasyon ni Nene sa mga magulang niya, na nahirapan sa pagtanggap ng kanyang sitwasyon
Ang panghuhusga kay Nene ng lipunan dahil sa maagang pagbubuntis, ang stigma na dala ng pagiging inasa murang edad ay isang malaking hamon na kanyang hinarap
Sa pagitan ni Nene at ng kanyang pamilya, partikular sa kanilang mga inaasahan sa kanya bilang isang kabataan. Ang hindi pagkakaunawaan at pagkabigo ay nagiging malaking bahagi ng kwento
Mula sa Maikling kwento na “Nang Minsang Miligaw si Adrian”, alin sa mga pangyayari sa kuwento ang malinaw na maaaring mangyari sa tunay na buhay?
Ang pagbalig ng mga sanga bilang mahiwagang tanda
Ang pagiging doktor ni Adrian sa murang edad
Ang pag-aalaga ng anak sa maysakit na magulang
Ang pagligaw sa loob ng kagubatan nang walang dahilan
Ano ang ipinapakita ng pag-iyak ni Adrian habang pasan ang ama na makatotohanan sa tunay na buhay?
Takot siya sa kagubatan
Galit siya sa ama
Ang panloob na tunggalian sa pagitan ng pansariling kaligayahan at responsibilidad
Natutuwa siya sa ginagawa
Anong transpormasyon ang naganap kay Adrian na maaaring maranasan ng isang tao sa tunay na buhay?
Naging superhero siya
Nawala ang kanyang takot sa gubat
Nagbago ang kanyang pananaw at napagtanto ang halaga ng magulang
Ninais na niyang mamuhay mag-isa sa kagubatan
Anong salita ang nabuo mula sa binaliktad na salitang bente sa salitang umusbong sa panahong Gen-Z?
atab
etneb
oblo
olats
Ang salitang kumusta ay nagmula sa salitang como esta. Anong wika ang pinagmulan nito?
Bisaya
Chavacano
Espanyol
Ingles
Ang kompyuter ay binaybay sa wikang Filipino na hiram mula sa salitang English na?
computer
laptop
tablet
cell phone
Bakit mahalaga ang pag-ugnay ng tunggalian sa Katorse sa kasalukuyang buhay ng kabataan?
Para malaman ang pangalan ng mga tauhan
Para manood lang ng palabas
Para maunawaan ang epekto ng mga desisyon at hidwaan sa tunay na buhay
Para makalimot sa sariling problema
Ang madalas na tampuhan at hindi pagkakaintindihan nina Nene at Gabby ay nagpapakita ng anong aral sa buhay ng kabataan?
Laging panalo sa laro
Mahalaga ang komunikasyon at pag-unawa sa tunggalian sa relasyon
Laging maligaw sa buhay
Walang epekto ang desisyon
Ano ang suliranin na kinakaharap ng magulang ni Nene sa teleserye?
Walang pakialam sa anak
Pagtanggap at pag-unawa sa maagang pagbubuntis ng anak
Pag-taliko sa suliranin na kakaharapin ng anak
Ang pakikitungo sa mga taong naka paligid sa kanila
Basahin ang tekstong kahon: Ang Alamat ng Ilog-Cambinlew (Sa pagsasalaysay ni Anna Rose Pareja, taga-Loreto, Surigao del Norte). Sa bayan ng Loreto, Surigao de Norte, may isang ilog na pinagpapaliguan ng mga taga roon lalo na kung taginit. May isang mangangaso nagngangalang Cam na napakakisig kung kaya maraming dalaga ang narahuyo sa kaniya, ngunit hindi pansin ang mga kadalagahan dahil ang kaligayahan niya ay nasa pangangaso. Sa gubat na kaniyang pinagmamasdan, nakilala niya ang isang magandang babaeng nagngangalang Binlew. Sa kalaunan, nagkakalapit ang kanilang mga damdamin. Naging madalas ang pagkikita ng magsuyo na nakatayo sa gubat na malapit sa ilog. Itinakda ng magkasintahan ang kanilang kasal. Nakalimutan ni Binlew na siya'y isang diwataw walang karapatang umibig sa isang mortal. Sa simbahan, sa araw ng kanilang kasal, nang binabasaan ng pari ang magkasintahan, biglang naglaho si Binlew. Agad lumisan si Cam at pinuntahan ang ilog upang hanapin ang diwata. Tinawag niya si Binlew at may tinig ding sumagot ng "Cam". Mula sa panahong yaon, hindi na nakita ng mga taga roon si Cam. Ayon sa mga taong naninirahan malapit sa ilog, may panahon pa raw na naririnig nila ang magkasintahang Cam at Binlew, kaya ang ilog ay pinangalanang "Cambinlew". Kung ikaw ang may-akda ng Alamat ng Ilog Cambinlew, paano mo bibigyan ng magandang wakas ang kwento?
Muling ipagtatago ang dalawang magkasintahan at ipagpapatuloy ang naudlot na pagmamahalan
Magbubunga ng supling ang pagmamahalan nina Cam at Binlew
Sa kanilang muling pagtatagpo, magiging mortal ang babae di na naudlot ang kanilang pagmamahalan
Lahat na nabanggit ay angkop na magandang wakas
Basahin ang tekstong kahon: Ang Alamat ng Ilog-Cambinlew (buod sa itaas). Kung hindi nagdasal ang diwata araw-araw sa tabi ng batis ano ang maaaring mangyari?
Walang magiging bahaghari pagkatapos ng ulan
Magagalit ang mga anito at magkakaroon ng matinding bagyo
Mananatili pa rin ang kapayapaan sa lugar kahit hindi siya magdasal
Mawawala ang mahiwagang kapangyarihan ng diwata
Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi ginamit ng diwata ang kanyang mahiwagang kapangyarihan matapos ang bagyo?
Mananatiling madilim ang langit at matatakot ang mga tao
Magkakaroon ng mas maraming bagyo sa kanilang lugar
Ang mga tao ay magtutulungan upang maibalik ang dating ayos ng kanilang nayon
Ang mga tao ay maghahanap ng ibang solusyon upang malampasan ang pagsubok
Piliin ang tamang pang-ugnay na nasa ibaba at isulat ayon sa hinihiling ng bawat patlang sa Kwentong "Bagyong Tino sa Cebu": mga pagpipilian — Pagkatapos ng bagyo, Habang, Sa wakas, Pagkatapos. Teksto: Noong unang araw ng Nobyembre 2025, naghanda ang mga taga-Cebu sa paparating na Bagyong Tino. Una, nag-impok sila ng pagkain at tubig at inilagay ang kanilang mga alaga sa ligtas na lugar. [32] ________, inabisuhan ng mga awtoridad ang lahat na mamalagi sa bahay. Alin ang tamang pang-ugnay para sa patlang [32]?
Pagkatapos ng bagyo
Habang
Sa wakas
Pagkatapos
Piliin ang tamang pang-ugnay na nasa ibaba at isulat ayon sa hinihiling ng bawat patlang sa Kwentong "Bagyong Tino sa Cebu": mga pagpipilian — Pagkatapos ng bagyo, Habang, Sa wakas, Pagkatapos. Teksto: Sa pagdating ng bagyo, bumaha at umihip ang malakas na hangin. [33] ________, lumalala ang sitwasyon, nagsumikap ang mga pamilya na makalikas sa mataas na lugar. Alin ang tamang pang-ugnay para sa patlang [33]?
Pagkatapos ng bagyo
Habang
Sa wakas
Pagkatapos
Piliin ang tamang pang-ugnay na nasa ibaba at isulat ayon sa hinihiling ng bawat patlang sa Kwentong "Bagyong Tino sa Cebu": mga pagpipilian — Pagkatapos ng bagyo, Habang, Sa wakas, Pagkatapos. Teksto: Pagkatapos ng bagyo, marami ang nawalan ng bahay at kuryente. [34] ________, nagsimula ang tulong mula sa pamahalaan at nagbuklod ang komunidad upang maglinis at magtulungan. Alin ang tamang pang-ugnay para sa patlang [34]?
Pagkatapos ng bagyo
Habang
Sa wakas
Pagkatapos
"Huwag mong iwan si Sita kahit ano ang mangyari," bilin ni Rama sa kapatid. Batay sa pahayag anong kulturang Asyano ang sinasalamin nito?
Pakikiramay sa namatayan
Pagtatanaw ng utang na loob
Pagmamahal sa asawa o Pamilya
Pagbibigay ng pabor o habilin
"Gusto kitang maging asawa," sabi nito kay Rama. "Hindi maaari," sabi ni Rama, "may asawa na ako." Anong pahayag ay sumasalamin sa kulturang Asyano?
Pag-aasawa
Pakikipagkaibigan
Pagbabayanihan
Pagtutulungan
Magdasal siya na sana ay makita iyon ni Rama para ma masundan siya at mailigtas. Ano ang kulturang Asyano ang sumasalamin sa pahayag?
Pagiging mabuting Asyano sa kanilang bansa
Pananalig ng mga Asyano sa kanilang relihiyon
Pagbibigay ng limos sa mga nangangailangan
Pagsasagawa ng ritwal sa yumaong mahal sa buhay
Mula sa tekstong kahon: Ang Alamat ng Ilog-Cambinlew. Batay sa tekstong nasa loob ng kahon ang susunod ay makatotohanan maliban sa ________.
Mortal
Diwata
mangangaso
magandang babae
Alin sa mga sumusunod ang makakatotohanan na bahagi ng alamat ng Ilog-Cambinlew?
Ang mga tao sa nayon ay umaasa sa ilog para sa kanilang kabuhayan
Ang tubig sa ilog ay biglang natuyo matapos magalit ang isang diwata
Nagkaroon ng pagbaha dahil sa patuloy na pag-ulan sa lugar
Ayon sa mga naninirahan malapit sa ilog naririnig nila ang magkasintahang Cam at Binlew, kaya ang ilog ay pinangalanang "Cambinlew"
Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang hindi makatotohanan?
Itinakda ng magkasintahan ang kanilang kasal
Binasbasan ng pari ang magkasintahan, biglang naglaho si Binlew
Naging madalas ang pagkikita ng magsasuyo sa gubat na malapit sa ilog
May isang mangangaso nagngangalang Cam na napakakisig kung kaya maraming dalaga ang narahuyo sa kanya
Kung ikaw ang may-akda ng Alamat ng Ilog Cambinlew, paano mo bibigyan ng magandang wakas ang kwento?
Muling ipagtatago ang dalawang magkasintahan at ipagpapatuloy ang naudlot na pagmamahalan
Magbubunga ng supling ang pagmamahalan nina Cam at Binlew
Sa kanilang muling pagtatagpo, magiging mortal ang babae di na naudlot ang kanilang pagmamahalan
Lahat na nabanggit ay angkop na magandang wakas
Kung hindi nagdasal ang diwata araw-araw sa tabi ng batis ano ang maaaring mangyari?
Walang magiging bahaghari pagkatapos ng ulan
Magagalit ang mga anito at magkakaroon ng matinding bagyo
Mananatili pa rin ang kapayapaan sa lugar kahit hindi siya magdasal
Mawawala ang mahiwagang kapangyarihan ng diwata
Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi ginamit ng diwata ang kanyang mahiwagang kapangyarihan matapos ang bagyo?
Mananatiling madilim ang langit at matatakot ang mga tao
Magkakaroon ng mas maraming bagyo sa kanilang lugar
Ang mga tao ay magtutulungan upang maibalik ang dating ayos ng kanilang nayon
Ang mga tao ay maghahanap ng ibang solusyon upang malampasan ang pagsubok
Piliin ang tamang pang-abay na nasa kahon ayon sa hinihingi ng bawat patlang sa "Alamat ng Bahaghari". Mga pagpipilian sa kahon: a. kabundukan, b. sa langit, c. maagang gumising, d. sa tabing ilog. Teksto: Noong unang panahon, sa isang malayong [44] ________, may isang mahiwagang diwata na nagbabantay sa kalikasan. Araw-araw, Para sa patlang [44], alin ang angkop na sagot mula sa kahon?
kabundukan
sa langit
maagang gumising
sa tabing ilog
Piliin ang tamang pang-abay na nasa kahon ayon sa hinihingi ng bawat patlang sa "Alamat ng Bahaghari". Mga pagpipilian sa kahon: a. kabundukan, b. sa langit, c. maagang gumising, d. sa tabing ilog. Teksto: Noong unang panahon, sa isang malayong 44 kabundukan, may isang mahiwagang diwata na nagbabantay sa kalikasan. Araw-araw, [45] ________ ang diwata upang magdasal sa tabi ng isang malinaw na batis. Alin ang angkop na sagot para sa patlang [45]?
kabundukan
sa langit
maagang gumising
sa tabing ilog
Piliin ang tamang pang-abay na nasa kahon ayon sa hinihingi ng bawat patlang sa "Alamat ng Bahaghari". Mga pagpipilian sa kahon: a. kabundukan, b. sa langit, c. maagang gumising, d. sa tabing ilog. Teksto: Sa gitna ng kaguluhan, dumating ang diwata at nagpaabot ng tulong. [46] ________, ginamit niya ang kanyang mahiwagang kapangyarihan upang gawing makulay ang madilim na langit. Alin ang angkop na sagot para sa patlang [46]?
kabundukan
sa langit
maagang gumising
sa tabing ilog
Piliin ang tamang pang-abay na nasa kahon ayon sa hinihingi ng bawat patlang sa "Alamat ng Bahaghari". Mga pagpipilian sa kahon: a. kabundukan, b. sa langit, c. maagang gumising, d. sa tabing ilog. Teksto: Mula noon, tuwing pagkatapos ng ulan, lumilitaw ang bahaghari [47] ________ bilang simbolo ng pag-asa. Alin ang angkop na sagot para sa patlang [47]?
kabundukan
sa langit
maagang gumising
sa tabing ilog
Alin sa mga sumusunod ang karaniwang tampok sa epikong Asyano na nagpapakita ng kanilang kultura?
Makabagong teknolohiya
Pagpapahalaga sa pamilya at katapangan
Paglalarawan ng banyagang Lipunan
Pag-aaway ng mga kabataan sa paaralan
Sa epikong Rama at Sita ng India, ano ang ipinapakita tungkol sa kulturang Asyano?
Pagmamahal sa pamilya, kagitingan at pananampalataya
Pagpapatupad ng batas sa kanilang bansa
Pakikipagkalakalan sa ibang kontinente
Paggamit ng makabagong armas
Ang epikong Biag ni Lam-ang ng Pilipinas ay nagpapakita ng kulturang Asyano sa pamamagitan ng:
Makukulay na damit ng Kanluran
Katapangan at kabayanihan ng pangunahing tauhan
Modernong pamumuhay sa lungsod
Pagsasaka sa Amerika
