Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

SUMMATIVE TEST GRADE 10 (WHOLE Q3)

Total questions: 80

Worksheet time: 50mins

Name
Class
Date
1.

“Si Liongo ay isinilang sa baybaying-dagat ng Kenya at kinilala bilang isang makapangyarihang hari, mahusay na makata, at mandirigmang halos hindi nasusugatan ng anumang sandata. Tanging karayom na tatama sa kanyang pusod ang maaaring ikamatay niya, isang lihim na alam lamang niya at ng kanyang ina. Dahil sa inggit at takot, ikinulong siya ng kanyang pinsan si Haring Ahmad, subalit sa pamamagitan ng talino at kakayahan, nakatakas si Liongo at nanirahan sa kagubatan kung saan lalo niyang pinahusay ang kanyang husay sa pakikidigma. Sa kabila ng mga pakana laban sa kanya, nagt tagumpay si Liongo sa mga laban at pinarangalan ng hari sa pamamagitan ng pagpapakasal sa anak nito. Gayunman, nagwakas ang kanyang buhay sa pagtataksil ng sariling anak, na siyang pumatay sa kanya.” Ano ang tanging kahinaan ni Liongo na maaaring ikamatay niya?

a)

Kapag tinamaan ng espada sa dibdib

b)

Kapag tinamaan ng palaso sa ulo

c)

Kapag tinamaan ng karayom sa pusod

d)

Kapag nakaingom ng lason

2.

“Si Liongo ay isinilang sa baybaying-dagat ng Kenya at kinilala bilang isang makapangyarihang hari, mahusay na makata, at mandirigmang halos hindi nasusugatan ng anumang sandata. Tanging karayom na tatama sa kanyang pusod ang maaaring ikamatay niya, isang lihim na alam lamang niya at ng kanyang ina. Dahil sa inggit at takot, ikinulong siya ng kanyang pinsan si Haring Ahmad, subalit sa pamamagitan ng talino at kakayahan, nakatakas si Liongo at nanirahan sa kagubatan kung saan lalo niyang pinahusay ang kanyang husay sa pakikidigma. Sa kabila ng mga pakana laban sa kanya, nagt tagumpay si Liongo sa mga laban at pinarangalan ng hari sa pamamagitan ng pagpapakasal sa anak nito. Gayunman, nagwakas ang kanyang buhay sa pagtataksil ng sariling anak, na siyang pumatay sa kanya.” Bakit ikinadena at ikinulong ni Haring Ahmad si Liongo?

a)

Dahil natakot siya sa lakas at impluwensiya ni Liongo

b)

Dahil natalo siya ni Liongo sa digmaan

c)

Dahil nilabag ni Liongo ang batas ng Islam

d)

Dahil ayaw ni Liongo maghari

3.

Kung ikaw ay nasa kalagayan ni Liongo at nais mong makatakas sa bilangguan, alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katalinuhan tulad niya?

a)

Gumamit ng dahas laban sa bantay

b)

Humingi ng awa sa hari

c)

Gumamit ng talino at panlilinlang

d)

Manahimik at maghintay ng tulong

4.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamalaking aral na makukuha sa akdang Liongo?

a)

Ang lakas ay laging nagwawagi

b)

Ang kapangyarihan ay nagdudulot ng kasiyahan

c)

Ang pagtitiwala ay may kaakibat na pananagutan

d)

Ang digmaan ang solusyon sa alitan

5.

Batay sa kuwentong nabanggit tungkol kay Liongo, alin sa sumusunod na pamagat ang pinakaangkop kung babaguhin ang wakas ng kuwento kung saan nabuhay si Liongo?

a)

Ang Pagbagsak ng Bayani

b)

Ang Lakas ng Karayom

c)

Ang Muling Pagbangon ni Liongo

d)

Ang Hari ng Kadiliman

6.

Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihang nasa kahon. “A negative mind will never give you a positive life”.

a)

Ang isip na negatibo ay di magbibigay ng buhay na positibo

b)

Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong buhay

c)

Ang negatibong pag-iisip ay di magdadala sa iyo sa magandang buhay

d)

Ang pag-iisip ng negatibo ay hindi magbibigay ng positibong buhay

7.

Batay sa pagsasalin sa kahon, alin ang unang-unang pamantayan na dapat isaalang-alang sa pagsasalin? Kahon 1: “Love excuses everything, believe all things, hopes all things, endure all things”. Kahon 2: “Mapagpapatawad ang pag-ibig, pinaniniwalaan ang lahat ng bagay, puno ng pag-asa sa mga bagay, nakakaya ang lahat ng bagay”.

a)

Basahin nang paulit-ulit

b)

Ikumpara ang ginawang salin

c)

Surin ang bawat salita sa isinasalin

d)

May sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot

8.

Ano ang tamang hakbang sa pagsasalin?

  1. 1. Isagawa ang pagsasalin matapos mabasa

  2. 2. . Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin

  3. 3. . Basahin at suriing maigi ang diwa ng orihinal

  4. 4. Rebisahin ang salin upang ito ay maging totoo sa diwa ng orihinal

a)

1234

b)

4321

c)

3124

d)

2314

9.

Sa pagsasalin, ano ang mga pinakamahalagang hakbang ang dapat na isaalang-alang?

a)

Muling isalin

b)

Magdagdag at magbawas ng salita

c)

Ihambing sa iba ang ginawang salin

d)

Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal

10.

Paano ang dapat na pagsusuri sa akda bilang isang salin?

a)

Mahalayos ang pagkakasalin

b)

Malaya at madaling maunawaan

c)

Nauunawaan ang nais ipabatid ng isinalin

d)

Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino at ng ibang bansa

11.

“Ang kuwento ay umiikot sa mga taong may lihim na kakayahang lumipad ngunit itinatago ito habang sila ay inalipin. Isa sa kanila si Sarah, isang babaeng alipin na araw-araw na pinahihirapan sa palayan habang pasan ang kanyang anak. Sa kabila ng matinding pang-aabuso ng tagapagbantay, tinulungan siya ng matandang si Toby, na nakaalam ng mahiwagang salita mula sa Africa. Sa sandaling wala na siyang lakas, ginamit ni Sarah ang mahiwagang salita at muling natuklasan ang kanyang kapangyarihang lumipad, kaya siya at ang kanyang anak ay nakatakas. Kalaunan, tinulungan ni Toby ang iba pang mga alipin na maalala ang kapangyarihan ng kanilang lahi. Sa huli, sama-samang lumipad ang mga alipin patungo sa kalayaan, habang ang kuwento ng kanilang paglipad ay naipamana sa mga susunod na salinlahi bilang simbolo ng pag-asa at paglaya.” Ano ang pasan ni Sarah habang siya ay nagtatrabaho sa palayan?

a)

Sako ng palay

b)

Isang bata

c)

Kagamitan ng bukid

d)

Latigo

12.

Batay sa sipi tungkol sa mga alipin na nakalilipad, bakit itinago ng mga taong nakalilipad ang kanilang kapangyarihan?

a)

Dahil natatakot silang gamitin ito

b)

Dahil bawal ito sa kanilang kultura

c)

Dahil sila ay nasa lupain ng mga alipin

d)

Dahil nakalimutan na nila ito

13.

Ano ang pangunahing papel ni Toby sa kuwento batay sa akdang "Maaaring Lumipad ang Tao"?

a)

Siya ang sanhi ng pang-aalipin

b)

Siya ang tagapagbantay ng palayan

c)

Siya ang tagagabay tungo sa kalayaan

d)

Siya ang panginoon ng lupain

14.

Kung gagawan ng bagong bersyon ang kuwentong "Maaaring Lumipad ang Tao" sa kasalukuyan, alin ang pinakaangkop na tema?

a)

Aliwan at teknolohiya

b)

Diskriminasyon at karapatang pantao

c)

Pantasiya at romansang

d)

Pakikipagsapalaran sa kalawakan

15.

Sa pagsulat ng anekdota kinakailangan maging kawili-wili ang mga unang pangungusap nito upang makuha ang _______ ng mambabasa. Ito ay nagpapahayag ng mga pangyayari o kasanayang magkakaugnay.

a)

damdamin

b)

inaasahan

c)

interes

d)

kiliti

16.

Ito ang bansang pinagmulan ng anekdotang “Mullah Nassreddin” na kilala ngayon sa tawag na Iran.

a)

Pakistan

b)

Persia

c)

Peru

d)

Pilipinas

17.

Sino ang tagapagsalin sa Filipino ng kuwentong Mullah Nassreddin?

a)

Virginia Hamilton

b)

Roderic P. Urgelles

c)

Mullah Nassreddin

d)

Ahmad Hemedi

18.

“Mullah Nassreddin, isang tanyag na tagapagsalaysay ng katatawanan sa Iran na kinikilalang alamat sa sining ng pagkukuwento. Naimbitahan siyang magbigay ng talumpati sa harap ng maraming tao ngunit sa halip na magsalita, tinanong niya ang mga madla kung alam na nila ang kanyang sasabihin. Nang sumagot sila ng ‘Hindi,’ agad siyang umalis. Sa ikalawang pagkakataon, sumagot naman ang mga tao ng ‘Oo,’ kaya muli siyang umalis. Sa ikatlong paanyaya, hati ang sagot ng mga tao at dito ipinayo ni Mullah Nassreddin na ang mga nakaalam ang siyang magpaliwanag sa mga hindi nakaalam bago siya tuluyang lumisan. Ipinakita ng kuwento ang katalinuhan, magpabiro, at mapamlikhang paraan ni Mullah Nassreddin sa pagtuturo ng aral tungkol sa pag-iisip at pakikilahok ng mga tagapakinig.”

Ano ang ipinapakita ng kanyang mga sagot sa tatlong paanyaya?

a)

Pag-iwas sa tungkulin

b)

Katalinuhan at mapagbiro niyang istilo

c)

Pagmamalataas sa madla

d)

Kawalan ng pakialam

19.

Kung ikaw ay nasa sitwasyon ng mga tagapakinig, alin ang pinakamainam na gawin upang matuto?

a)

Maghintay lamang ng sasabihin

b)

Makinig at mag-isip sa paraan ng tagapagsalita

c)

Tumawa at umalis

d)

Magprotesta laban sa tagapagsalita

20.

Ano ang pinakamahalagang aral ng kuwento?

a)

Ang kaalaman ay dapat ibinibigay lamang ng guro

b)

Ang pagkatuto ay nangangailangan ng pakikilahok at pag-iisip

c)

Ang pagpapatawa ang pangunahing layunin ng talumpati

d)

Ang katahimikan ay tanda ng katalinuhan

21.

Ano ang uri ng pagsasalaysay na patulang naglalahad ng mga pangyayari sa pamamagitan ng saknong?

a)

Maikling kuwento

b)

Nobela

c)

Tulang pasalaysay

d)

Dulang pandulaan

22.

Alin sa mga sumusunod na paksa ang pinakamainam gawing alamat?

a)

Talambuhay ng isang guro

b)

Pinagmulan ng bulkang Mayon

c)

Araw-araw na karanasan sa paaralan

d)

Paglalakbay sa Baguio

23.

Ano ang pangunahing pagkakaiba ng anekdota at tala-arawan (talambuhay)?

a)

Ang anekdota ay kathang-isip, ang tala-arawan ay totoo

b)

Ang anekdota ay maikli at nakatuon sa isang pangyayari, ang tala-arawan ay tala ng buhay

c)

Ang anekdota ay patula, ang tala-arawan ay tuluyan

d)

Ang anekdota ay tungkol sa bayan, ang tala-arawan ay tungkol sa lugar

24.

Bakit ang Epikong Sundiata ay itinuturing na halimbawa ng tulang pasalaysay?

a)

Dahil ito ay maikli at payak

b)

Dahil ito ay tungkol sa pag-ibig

c)

Dahil ito ay patulang nagsasalaysay ng kabayanihan

d)

Dahil ito ay isinulat sa modernong panahon

25.

Kung gagawa ka ng salaysay tungkol sa iyong biyahe sa ibang bansa, anong uri ng pagsasalaysay ang iyong gagamitin?

a)

Alamat

b)

Tala ng paglalakbay

c)

Anekdota

d)

Dulang pandulaan

26.

Bakit tinawag na anekdota ang “Akasya o Kalabasa”?

a)

Dahil ito ay kathang-isip lamang

b)

Dahil ito ay maikling salaysay na hango sa makatotohanang karanasan at may aral

c)

Dahil ito ay patula

d)

Dahil ito ay tungkol sa kasaysayan

27.

Ano ang sinisimbolo ng punong akasya sa akda?

a)

Mabilis na tagumpay

b)

Panandaliang kaalaman

c)

Mahaba ngunit matibay na paghahanda at tagumpay

d)

Kabiguan sa buhay

28.

Kung ikaw si Mang Simon at nais mo ng matibay na kinabukasan para sa iyong anak, alin ang iyong pipiliin batay sa akda?

a)

Maikling kurso agad

b)

Hindi na pag-aaral

c)

Buong edukasyon kahit matagal

d)

Pagtratrabaho agad

29.

Mula sa tulang “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay,” ano ang ibig sabihing ng salitang may salungguhit? Sa taludtod: “Ang poo’y di marapat pagnakawan, Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.”

a)

nais

b)

mithî

c)

hangad

d)

pangarap

30.

Mangusap ka, aking musmos na supling, Ang iyong kamay na humahaplos sa akin. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?

a)

anak

b)

kapatid

c)

asawa

d)

ina

31.

Ikay’ biniyayan ng mga matang naglalagablab, At ang panibihirang pangungunot ng kilay. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?

a)

maaawing mata

b)

nanlilisik

c)

maamong mata

d)

kumikislap na mata

32.

Isang pahayag na hindi ginagamitan ng panipi. Ito ay isinasalaysay lamang ang sinabi ng nagbigay ng pahayag.

a)

Tuwirang pahayag

b)

Di-tuwirang pahayag

c)

Totoong pahayag

d)

Di-totoong pahayag

33.

Ito ay ginagamitan ng panipi na tumutukoy sa eksaktong sinabi ng nagbigay ng pahayag, walang labis na kulang.

a)

Tuwirang pahayag

b)

Di-tuwirang pahayag

c)

Totoong pahayag

d)

Di-totoong pahayag

34.

Isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinapahayag ang sariling kaisipan, kuro-kuro, saloobin, at damdamin na kapupulutan ng aral at aliw ng mambabasa.

a)

tula

b)

balagtasan

c)

sanaysay

d)

talumpati

35.

Ano ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilang nasa wikang isasalin?

a)

panlapi

b)

gramatika

c)

pagpapakahulugan

d)

pagsasaling-wika

36.

Ito ay pagpapahayag ng sariling opinion, kaisipan, at ideyang binibigas sa harap ng maraming tao.

a)

tula

b)

sanaysay

c)

talumpati

d)

balagtasan

37.

Panitikan na may suliraning kinakaharap ang pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mambabasa.

a)

nobela

b)

sanaysay

c)

maikling kuwento

d)

dula

38.

Sagisag ito na kumakatawan sa isang tagong kahulugan.

a)

idyoma

b)

matatalinhagang pananalita

c)

simbolismo

d)

tayutay

39.

Ang tulang ito ay walang sukat at tugma ngunit mayaman sa matatalinhagang pananalita.

a)

pandamdamin

b)

malaya

c)

blankong berso

d)

tradisyonal

40.

Panitikang nasa anyong patula noong sinaunang panahon na kalauna’y naging tuluyan.

a)

epiko

b)

anekdota

c)

sanaysay

d)

mitolohiya

41.

Ang mga sumusunod ay isang halimbawa ng tuwirang pahayag MALIBAN SA ISA:

a)

“Mariing sinabi ni G. Mandela sa kaniyang talumpati na, ‘Sa wakas ay naabot na natin ang emansipasyon sa politika.’”

b)

“Nagtagumpay tayo sa ating huling hakbang sa pagkakaroon ng kapayapaan,” sabi ni G. Mandela.

c)

Sinabi ng pangulo na, “Sa bawat oras, bawat isa sa atin ay dadamhin ang lupang ito, mararamdaman natin ang pansariling pagbabago.”

d)

“Sa talumpati ng pangulo sinabi nito na silang mga mamamayan ng Timog Africa ay nakadama ng kapayakan nang ibinalik sa sangkatauhan ang pagkakaibigan.”

42.

Ano ang tawag sa epikong ito sa Ingles?

a)

The Epic of Mali

b)

Sundiata: An Epic of the Old Mali

c)

Sundiata: The Lion of Mali

d)

The Mali Chronicles

43.

Kung ikaw ay si Sundiata, paano mo ipapakita ang iyong lakas sa murang edad, katulad ng ginawa niya sa epiko?

a)

Magtiis at huwag gumawa ng kahit ano

b)

Sundin ang payo ng mga nakatatanda at magsanay ng pisikal at mental na kakayahan

c)

Magpakita ng kayabangan

d)

Iwasan ang anumang pagsubok

44.

Ano ang epekto ng paninibugho ni Sassouma kay Sundiata at sa kanyang ina?

a)

Nagdulot ito ng paglayo at panghihinâ ng loob

b)

Nagbigay ito ng lakas at inspirasyon kay Sundiata upang patunayan ang kanyang sarili

c)

Nagdulot ito ng kapayapaan sa kaharian

d)

Wala itong epekto

45.

Ano ang pinakamahalagang aral ng epiko?

a)

Ang tagumpay ay nakukuha sa pakikipaglaban at sakripisyo

b)

Lahat ay nakukuha sa swerte

c)

Ang kapangyarihan ay hindi mahalaga

d)

Ang kabutihan ay hindi nakakaapekto sa kinabukasan

46.

Paano maipapakita ng isang mamamayan ang aral mula sa talumpati ni Mandela sa kasalukuyan?

a)

Tumutol sa kapwa sa tuwing may pagkakaiba ng opinyon

b)

Makipagtulungan at isulong ang pagkakaisa sa komunidad

c)

Huwag makialam sa mga nangyayari sa lipunan

d)

Maghintay lamang na may ibang mag-ayos ng problema

47.

Paano ipinakita sa talumpati ni Nelson Mandela ang kahalagahan ng pagkakaisa?

a)

Sa pamamagitan ng pagbanggit sa pangangailangang kumilos nang sama-sama

b)

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng utos sa hukbong militar

c)

Sa pamamagitan ng pagtalakay sa kasaysayan ng South Africa

d)

Sa pamamagitan ng paghahambing ng mga puno sa Pretoria

48.

Ano ang pangunahing layunin ng talumpati ni Mandela?

a)

Magturo ng kasaysayan ng Timog Africa

b)

Ipagdiwang ang kalayaan at ipakita ang pagkakaisa ng bansa

c)

Ipakita ang kanyang lakas bilang pinuno

d)

Humiling ng tulong sa ibang bansa

49.

Ang isa sa maaaring maging dahilan ng pagkalugmok ng isang bansa ay ang _________.

a)

pagpapahirap sa mamamayan

b)

pagkakaroon ng malupit na pinuno

c)

pagpapaairal ng kontrakwalisasyon sa mga manggagawa

d)

di-pantay na pagtingin sa mga mamamayang iba-iba ang estado sa buhay

50.

Mariing sinabi ni G. Nelson Mandela na sa wakas ay naabot na nila ang emansipasyon sa politika. Ang salitang sinalunguhitan ay nangangahulugang _____________.

a)

malaya

b)

kasaganahan

c)

karahasan

d)

pagkakulong

51.

Ito ay isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay.

(a)  

52.

ANALOHIYA:
Liongo: Kenya ; Mullah Nassredin: (a)  

53.

ANALOHIYA:
Dulang Pandulaan : binigyan diin ang kilos ng tauhan ; (a)   : tungkol sa pinagmulan ng isang bagay

54.

ANALOHIYA:
Talambuhay : tala ng buhay; (a)   : nahahati sa kabanata

55.

ANALOHIYA:
maikling kwento : nag-iiwan ng kakintalan sa isip ; (a)   : pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari

56.

ANALOHIYA:
Liongo : Roderic P. Urgelles ; Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay: (a)   (Filipino)

57.

ANALOHIYA:
Liongo : Kenya ; Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay : (a)  

58.

Huwag kang maniwala sa mga balitang kutsero sapagkat iyan ay walang katotohanan.

a)

balitang lansangan

b)

paninira

c)

hindi totoong balita

d)

tsismis

59.

Buhay-alamang ang kaniyang pinagdadaanan ngunit naging matagumpay siya sa huli.

a)

buhay mahirap

b)

masaganang buhay

c)

buhay-alipin

d)

masalimuot na buhay

60.

Laging nakataga sa bato ang mga aral na natutunan ko sa buhay upang hindi ko makalimutan.

a)

tinatandaan

b)

sinusulat sa bato

c)

nakakalimutan

d)

inuukit sa bato

61.

Wala akong pambayad ng tiket kaya hindi ako nakapasok sa loob upang makapanood ng sine, butas kasi ang aking bulsa.

a)

nahulog ang pera

b)

matipid

c)

walang pera

d)

kuripot

62.

Bukas-palad siya sa mga nangangailangan ng tulong sapagkat kailan man ay hindi siya tumututol sa mga lumalapit sa kaniya.

a)

mapagbigay

b)

magiliwq

c)

mapagmahal

d)

maunawain

63.

Pag maiksi ang kumot mamaluktot kaya magtiis kung ano ang meron upang makamit ang hinahangad na kariwasaan.

a)

Matutong pagkasyahin ang katawan sa kumot upang hindi ginawin.

b)

Baluktutin ang katawan upang magkasya sa kumot.

c)

Pagtiyagaan kung ano ang meron.

d)

Tanggapin ang tinatamasang sitwasyon

64.

Si John ay isang batang matigas ang katawan dahil maghapong walang ginagawa.

a)

tamad

b)

malakas

c)

matigas ang ulo

d)

hindi nakakagalaw

65.

Ilista mo sa tubig ang nangyari at magbagong-buhay sapagkat hindi makapagsisimula kung hindi ka marunong lumimot

a)

takpan

b)

kalimutan

c)

isang ritwal

d)

pabayaan

66.

Sino ang orihinal na may-akda sa Ingles ng tulang "Ang Hele ng Ina sa KaniyangPanganay".

(a)  

67.

Siya ang nagsalin sa Filipino sa akdang "Sundiata: Epiko ng Mali".

(a)  

68.

Siya ang orihinal na may-akda ng kwentong "Ang Alaga".

(a)  

69.

Tinatawag ring Maring Djata, anak ni Haring Maghan Kon Fatta sa ikalawang asawa.

a)

Sogolon

b)

Sundiata

c)

Sassouma

d)

Farakourou

70.

Ang pamumuno at pamamayagpag ni Sundiata sa Imperyong Manding o ng

Matandang Mali ay umabot ng ilang taon?

(a)  

71.

Ayon sa kaniya, ang sanaysay ay "pagsasalaysay ng sanay"

(a)  

72.

Pormal o Di-Pormal:

Ang sanaysay na ito ay Nagbibigay ng mahahalagang kaisipan, o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos sa paksang tinatalakay.

(a)  

73.

Pormal o Di-Pormal:

Ang sanaysay na ito ay nagsisilbing libangan o aliwan lamang.

(a)  

74.

Pormal o Di-Pormal:

Ang sanaysay na ito ay nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga paksang karaniw

(a)  

75.

Pormal o Di-Pormal:

Ang sanaysay na ito ay obhektibo ang pagkakabuo sapagkat di-kumikiling sa damdamin ng may-akda.

(a)  

76.

Pormal o Di-Pormal:

Ang sanaysay na ito ay subhektibo ang pagkakabuo sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda.

(a)  

77.

Ano ang tawag sa akdang pampanitikan na makapabibigay ng mahahalagang kaisipan tungkol sa isang paksa na nais talakayin

(a)  

78.

ANALOHIYA:

Nelson Mandela-Bayani ng Africa: South Africa ; Sundiata : (a)  

79.

Uri ng maikling kuwento na binibigyang-diin ang ugali o katangian ng tauhan.

a)

Kwentong Makabanghay

b)

Kuwentong Kababalaghan

c)

Kuwento ng Tauhan

d)

Kuwentong-Bayan

80.

Batay sa akda, ano ang gamit ng halamang baobab sa pagluluto?

a)

pampakulay

b)

pampalasa

c)

pampabango

d)

lahat ng nabanggit