WorksheetsPkLP_Quarter 3 Review
Total questions: 75
Worksheet time: 38mins
Ano ang pangunahing kahulugan ng pag-unlad ayon sa aralin?
Pagdami ng populasyon
Proseso ng pagpapabuti ng kalidad ng buhay
Pagtaas ng kita ng pamahalaan
Paglawak ng industriya
Ano ang pangunahing isyu noong 1970s–1980s na nagbigay-daan sa konsepto ng likas-kayang pag-unlad?
Globalisasyon
Lumalalang polusyon at pagkaubos ng likas-yaman
Teknolohikal na pag-unlad
Urbanisasyon
Ano ang pangunahing isyu noong 1970s–1980s na nagbigay-daan sa konsepto ng likas-kayang pag-unlad?
Globalisasyon
Lumalalang polusyon at pagkaubos ng likas-yaman
Teknolohikal na pag-unlad
Urbanisasyon
Alin ang HINDI kabilang sa pangunahing pangangailangan ng mahihirap na sektor?
Pagkain
Edukasyon
Luho
Kalusugan
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pag-unlad?
Pagmimina sa kabundukan
Pagpuputol ng puno
Pagpapatayo ng paaralan
Pagsusunog ng basura
Ano ang pangunahing layunin ng dimensyong panlipunan ng likas-kayang pag-unlad?
Pagtaas ng tubo ng negosyo
Pagprotekta sa kalikasan
Pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng lahat
Pagpaparami ng likas-yaman
Bakit mahalagang isaalang-alang ang “hangganan” ng kalikasan sa pag-unlad?
Dahil walang limitasyon ang likas-yaman
Dahil may kakayahan ang kalikasan na magpanibago agad
Dahil limitado ang kakayahan ng kalikasan na suportahan ang walang hanggang pagsasamantala
Dahil hindi kailangan ang kalikasan sa kaunlaran
Paano nagkaugnay ang tatlong dimensyon ng likas-kayang pag-unlad?
Maaaring unahin ang isa at balewalain ang iba
Magkakahiwalay at walang kaugnayan
Kailangang balanseng maisakatuparan ang lahat
Ekonomiya lamang ang pinakamahalaga
Ano ang layunin ng katarungang panlipunan?
Palakasin ang kapangyarihan ng mayayaman
Pantayin ang kita ng lahat
Protektahan ang mahihina at wakasan ang diskriminasyon
Paunlarin ang industriya
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng environmental sustainability?
Pagbibigay ng ayuda
Pagtatanim ng puno
Pagtaas ng sahod
Pagpapatayo ng mall
Anong gawain ang nagpapakita ng economic sustainability?
Illegal logging
Green jobs
Child labor
Overfishing
Paano makakatulong ang isang mamamayan sa likas-kayang pag-unlad?
Pagiging walang pakialam
Pagsunod sa disiplinang pangkalikasan
Labis na pagkonsumo
Pagtatapon ng basura kung saan-saan
Aling programa ang naglalayong bawasan ang kahirapan sa pamamagitan ng tulong pinansyal?
Writ of Kalikasan
4Ps
Mining Act
Tourism Program
Aling sitwasyon ang nagpapakita ng responsible business practice?
Negosyong lumalabag sa batas pangkalikasan
Negosyong inuuna ang tubo lamang
Negosyong may malasakit sa tao at kalikasan
Negosyong gumagamit ng murang paggawa
Bakit mahalaga ang equity sa katarungang panlipunan?
Dahil pare-pareho ang pangangailangan ng lahat
Dahil batay sa pangangailangan ang makatarungang pagbibigay
Dahil inuuna ang mayayaman
Dahil pinapaboran ang iilan
Ano ang ipinapakita ng Oposa v. Factoran (1993)?
Karapatan ng negosyo
Karapatan ng kasalukuyang henerasyon lamang
Karapatan ng susunod na henerasyon sa balanseng kalikasan
Kapangyarihan ng pamahalaan
Paano nakahahadlang ang korapsyon sa likas-kayang pag-unlad?
Pinapabilis ang proyekto
Pinapalakas ang tiwala ng mamamayan
Nasasayang ang yaman at tiwala ng publiko
Pinoprotektahan ang kalikasan
Ano ang magiging resulta ng magandang ekonomiya ngunit sirang kalikasan?
Tunay na kaunlaran
Likas-kayang pag-unlad
Hindi sustainable na pag-unlad
Katarungang panlipunan
Alin ang pinakamainam na desisyon ng pamahalaan para sa likas-kayang pag-unlad?
Pagpapahintulot sa walang limitasyong pagmimina
Pagbalewala sa epekto sa kalikasan
Pagbalanse ng ekonomiya, kalikasan, at lipunan
Pagbibigay-pabor sa malalaking kumpanya
Kung kulang ang serbisyong pangkalusugan sa isang komunidad, aling dimensyon ang higit na apektado?
Pangkapaligiran
Pang-ekonomiya
Panlipunan
Politikal
Anong kombinasyon ang nagpapakita ng tunay na likas-kayang pag-unlad?
Mataas na kita + sirang kalikasan
Protektadong kalikasan + kawalan ng katarungan
Balanse ng kalikasan, lipunan, at ekonomiya
Pag-unlad ng ekonomiya lamang
Ano ang pangunahing kahulugan ng inobasyon?
Pagpaparami ng produkto
Paglikha at pagbubuti ng produkto, serbisyo, o sistema
Pagpapabilis ng kita
Pagbabawas ng gastos
Ano ang unang hakbang sa problem-solving?
Pagpapatupad ng solusyon
Pagkilala sa problema
Pagbuo ng solusyon
Pagsusuri ng resulta
Aling ahensya ang naglathala ng Philippine Development Plan (PDP) 2023–2028?
DepEd
DSWD
NEDA / DEPDev
DOH
Alin sa mga sumusunod ang HINDI layunin ng inobasyon?
Makahanap ng solusyon sa problema
Mapahusay ang kalidad ng buhay
Magdulot ng positibong epekto sa lipunan
Magpakilala lamang ng bagong ideya kahit walang silbi
Bakit hindi sapat na “bago” lamang ang isang inobasyon?
Dahil mahalaga ang gastos
Dahil kailangang ito ay makabuluhan at kapaki-pakinabang
Dahil dapat ito ay komplikado
Dahil dapat ito ay teknolohikal
Paano nagsisilbing gabay ang SDGs sa kaunlaran?
Sa pamamagitan ng lokal na batas
Sa pagtukoy ng mga suliraning dapat bigyang-priyoridad
Sa pagbibigay ng pondo
Sa paglikha ng teknolohiya
Bakit mahalaga ang prinsipyo ng “Leave No One Behind” sa SDGs?
Dahil inuuna ang mayayaman
Dahil pantay ang benepisyo ng kaunlaran
Dahil pinapabilis ang pag-unlad
Dahil pandaigdigan ang SDGs
Ano ang pangunahing layunin ng problem-solving?
Makagawa ng mabilis na desisyon
Makahanap ng pansamantalang solusyon
Makahanap ng epektibo at pangmatagalang solusyon
Makaiwas sa problema
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng inobasyon para sa SDG on Education?
Waste segregation
Online learning platforms
Urban gardening
Solar-powered lamps
Anong uri ng inobasyon ang community-based programs?
Teknolohikal
Pang-edukasyon
Panlipunan
Pangkabuhayan
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong problem-solving?
Agad na pagpapatupad ng unang ideya
Pagkilala sa problema at pagsusuri ng sanhi
Pagbalewala sa datos
Pagpili ng pinakamabilis na solusyon
Anong gawain sa paaralan ang nagpapakita ng aplikasyon ng inobasyon?
Pagsusunog ng basura
Recycling program
Pagliban sa klase
Pagpapabaya sa kalinisan
Ano ang ipinapakita ng PDP bilang lokal na pagsasalin ng SDGs?
Pandaigdigang polisiya
Pangkalahatang layunin lamang
Pag-angkop ng SDGs sa konteksto ng Pilipinas
Programang pang-edukasyon
Bakit mahalaga ang innovation at technology sa production sectors?
Dahil nagpapaganda ng imahe
Dahil nagpapabilis ng kaunlaran at produksyon
Dahil uso ito
Dahil pandaigdigan ang SDGs
Ano ang maaaring mangyari kung walang monitoring at evaluation sa PDP?
Mas magiging mabilis ang proyekto
Hindi matitiyak ang bisa ng mga programa
Tataas ang kita agad
Mawawala ang SDGs
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mabuting pamamahala sa PDP?
Korapsyon
Maayos na imprastraktura at matatag na institusyon
Hindi pantay na serbisyo
Pabor sa iilan
Alin ang pinakamahusay na solusyon kung kulang ang serbisyong pangkalusugan sa liblib na lugar?
Mall construction
Mobile health clinics
Road widening lamang
Online shopping
Aling proyekto ang pinakamainam na halimbawa ng inobasyon para sa kalikasan?
Open dumping
Waste segregation at recycling
Illegal logging
Overfishing
Anong kombinasyon ang nagpapakita ng matagumpay na pagsusulong ng likas-kayang pag-unlad?
Mataas na produksyon ngunit sirang kalikasan
Inobasyon + problem-solving + gabay ng SDGs
Pag-unlad ng ekonomiya lamang
Pansamantalang solusyon
Ano ang pangunahing layunin ng likas-kayang pag-unlad?
Pagtaas ng produksyon
Pagpapanatili ng likas-yaman at kapakanan ng tao
Pagpapalawak ng industriya
Pagdami ng populasyon
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing isyung pangkapaligiran sa Pilipinas?
Globalisasyon
Climate change
Urbanisasyon
Migrasyon
Aling batas ang tumutukoy sa wastong pamamahala ng basura?
Clean Air Act
Clean Water Act
Ecological Solid Waste Management Act
Climate Change Act
Ano ang pangunahing sanhi ng deforestation sa Pilipinas?
Turismo
Illegal logging at kaingin
Transportasyon
Edukasyon
Ano ang pangunahing layunin ng National Greening Program?
Pagpapaunlad ng industriya
Reforestation at pagtatanim ng puno
Pagpapalawak ng pabahay
Paglikha ng trabaho sa lungsod
Bakit mahalagang tugunan ang climate change?
Dahil pandaigdigan ito
Dahil nagdudulot ito ng mas malalakas na bagyo at tagtuyot
Dahil mahal ang teknolohiya
Dahil urbanisado ang bansa
Ano ang ugnayan ng pangangalaga sa kalikasan at kaunlaran?
Magkahiwalay ang dalawa
Maaaring umunlad kahit sirang kalikasan
Hindi makakamit ang kaunlaran kung nasisira ang kalikasan
Ekonomiya lamang ang mahalaga
Ano ang ugnayan ng pangangalaga sa kalikasan at kaunlaran?
Magkahiwalay ang dalawa
Maaaring umunlad kahit sirang kalikasan
Hindi makakamit ang kaunlaran kung nasisira ang kalikasan
Ekonomiya lamang ang mahalaga
Paano nakaaapekto ang polusyon sa kalidad ng pamumuhay?
Pinapabuti ang kalusugan
Wala itong epekto
Nagdudulot ng sakit at pagkasira ng ekosistema
Pinapabilis ang kaunlaran
Anong batas ang nagbibigay ng libreng tuition sa SUCs at LUCs?
RA 11310
RA 10931
EO 34
Climate Change Act
Alin ang pangunahing layunin ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program (4PH)?
Pagpapalawak ng komersyo
Pagbibigay ng abot-kaya at disenteng pabahay
Pagpapaunlad ng turismo
Paglikha ng pabrika
Aling programa ang nagbibigay ng tulong-pinansyal sa mahihirap ngunit karapat-dapat na college students?
4Ps
Student Loan Program
Tertiary Education Subsidy (TES)
National Greening Program
Paano nakaaapekto ang overfishing sa yamang-dagat?
Dumadami ang isda
Nasisira ang marine ecosystem
Walang epekto
Pinapabilis ang pangingisda
Bakit mahalaga ang monitoring at evaluation sa 4Ps?
Para dumami ang benepisyo
Para matiyak ang epektibong pagpapatupad
Para mapabilis ang ayuda
Para mabawasan ang benepisyaryo
Ano ang maaaring mangyari kung labis ang pag-asa sa ayuda?
Mas nagiging masipag ang pamilya
Dependency at patuloy na kahirapan
Mas mabilis na kaunlaran
Mas mataas na kita
Kung nais palakasin ang human capital ng bansa, alin ang pinakamainam na programa?
National Greening Program
RA 10931
Clean Air Act
EO 34
Alin ang pinakamabisang hakbang upang mabawasan ang polusyon sa komunidad?
Pagsusunog ng basura
Wastong pamamahala ng solid waste
Pagdami ng pabrika
Pagtatapon sa estero
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng ugnayan ng lokal na pagkilos at likas-kayang pag-unlad?
Pagsunod lamang sa pandaigdigang polisiya
Pakikilahok ng LGU at mamamayan sa programang pangkalikasan
Pagtuon sa tubo lamang
Pagbalewala sa batas
Alin ang pinakamainam na paraan upang mapahusay ang epekto ng 4Ps?
Pagbabawas ng benepisyo
Mas maayos na monitoring at evaluation
Pag-asa lamang sa ayuda
Pag-alis ng kondisyon
Anong kombinasyon ang nagpapakita ng matagumpay na pagsasaklokal ng likas-kayang pag-unlad?
Programang pambansa lamang
Batas + aktibong mamamayan + lokal na implementasyon
Ekonomiya lamang ang pinapalakas
Pansamantalang solusyon
Ano ang likas-kayang pag-unlad?
Pag-unlad na nakatuon lamang sa ekonomiya
Pag-unlad na tumutugon sa kasalukuyan nang hindi sinisira ang kinabukasan
Pag-unlad na mabilis ngunit pansamantala
Pag-unlad na nakabatay sa teknolohiya lamang
Ano ang pangunahing layunin ng katarungang panlipunan?
Palakasin ang negosyo
Magbigay ng pantay na oportunidad at dignidad
Palawakin ang industriya
Taasan ang buwis
Alin ang halimbawa ng pandaigdigang isyu?
Basura sa barangay
Climate change
Kakulangan sa pabahay sa lungsod
Kawalan ng trabaho sa lokal
Ano ang pangunahing layunin ng Philippine Development Plan (PDP 2023–2028)?
Mataas na kita para sa iilan
Matatag, maginhawa, at panatag na buhay para sa lahat
Pagpapalawak ng kalakalan
Pagtutok sa urban development lamang
Bakit hindi nagiging likas-kaya ang kaunlaran kung may diskriminasyon?
Dahil bumabagal ang ekonomiya
Dahil may sektor na napag-iiwanan
Dahil kulang ang teknolohiya
Dahil pandaigdigan ang isyu
Paano nagiging pundasyon ng kaunlaran ang katarungang panlipunan?
Sa pagpapabilis ng kita
Sa pagtitiyak na inklusibo ang pag-unlad
Sa pagdami ng proyekto
Sa pagtaas ng buwis
Bakit mahalaga ang prinsipyo ng “walang maiiwan” sa likas-kayang pag-unlad?
Dahil pantay ang kakayahan ng lahat
Dahil inuuna ang mahihirap at naaapi
Dahil mas mabilis ang pag-unlad
Dahil pandaigdigan ang SDGs
Ano ang ugnayan ng likas-kayang pag-unlad at katarungang panlipunan?
Magkahiwalay na konsepto
Hindi mahalaga sa isa’t isa
Magkaugnay at kapwa kailangan para sa pangmatagalang kaunlaran
Ekonomiya lamang ang mahalaga
Aling programa ang naglalayong magbigay ng serbisyong pangkalusugan sa lahat?
4Ps
Universal Health Care (UHC)
PDP
BDP
Alin sa mga sumusunod ang programa sa edukasyon na nagsusulong ng pantay na oportunidad?
UAQTEA
4Ps
UHC
BDP
Ano ang maaaring mangyari kung paglago ng ekonomiya lamang ang pokus ng kaunlaran?
Tunay na kaunlaran
Likas-kayang pag-unlad
Paglala ng hindi pagkakapantay-pantay
Pagkakapantay-pantay ng lahat
Bakit mahalaga ang partisipasyon ng mamamayan sa panlipunang pagbabago?
Dahil ito ay obligasyon lamang
Dahil nagsisimula ang pagbabago sa lokal na aksyon
Dahil may parusa ang batas
Dahil pinapabilis ang kita
Alin ang pinakamabisang hakbang upang maisulong ang inklusibong kaunlaran?
Pagtuon sa tubo lamang
Pagsasama ng katarungang panlipunan sa mga programa
Pagbalewala sa mahihirap
Pansamantalang solusyon
Kung nais tugunan ang kawalan ng disenteng trabaho, alin ang dapat unahin?
Climate Action
Reduced Inequalities
Decent Work and Economic Growth
Quality Education
Anong kombinasyon ang nagpapakita ng tunay na ugnayan ng likas-kayang pag-unlad at katarungang panlipunan?
Mataas na kita + diskriminasyon
Paglago ng ekonomiya lamang
Inklusibong kaunlaran + pangangalaga sa kalikasan + dignidad ng tao
Pansamantalang tulong
