WorksheetsA&E Practice Test - Understanding Self & Society
Total questions: 10
Worksheet time: 10mins
Ang Pilipinas ay isang bansang binubuo ng 7,641 isla at napalilibutan ng malalawak na karagatan. Paano nakaaapekto ang katangiang ito sa kabuhayan ng mga tao?
Ang mga nakatira sa isla ay nagkaroon ng sariling mga hanapbuhay batay sa mga
produktong matatagpuan sa kanilang lugar.
Pakikipaging arkipelago ng Plipinas ay nakahadlang sa pag-unlad ng pangingisda at
pakikipagkalakalan sa kalapit na mga bansa.
Dahilusn hegrapiya ng Plipinas, pagsasa at pagmimina lamang ang mga pangunahing hanapbuhay ng mga tao, lalo na sa mga probinsya.
Dahil maraming isla ang Pilipinas, umaasa ang bansa sa pag-aangkat ng mga produkto mula sa ibang bansa, lalo na ang mga bagay na mahirap likhain dito.
Sa anong paraan nauugnay ang heograpiya o pisikal na katangian ng Pilipinas sa
pagkakaroon ng mga sinaunang tradisyon at sining, tulad ng paghahabi (ng tela o basket) at pag-ukit (woodcarving)?
dahil sa pagkakaiba-iba ng mga anyong tubig
dahil sa impluwensya ng mga dayuhang bansa
dahil sa pamumuhay ng mga tao sa mga lungsod
dahil sa likas yaman sa paligid kagaya ng mga puno
Ang Pilipinas ay isang bansang maraming isla. Nahahati ito sa tatlong pangunahing
bahagi: Luzon, Visayas, at Mindanao. Paano nakaaapekto ang ganitong katangian ng lupa sa kultura at pagkakakilanlan ng mga Pilipino sa iba't ibang rehiyon?
naging dahilan ito ng pagkakaiba-iba ng wika, kuitura, at kaugalian sa bawat rehiyon
naging dahilan ito ng pag-iisa ng ekonomiya at politika sa lahat ng rehiyon
wala itong epekto sa kultura at pagkakakilanlan ng mga tao
nagkaroon ng iisang wika at tradisyon sa buong bansa
Ang mga miyembro ng pamilya na nagtatrabaho sa ibang bansa ay minsang nalulungkot dahil malayo sa pamilya. Alin sa sumusunod ang PINAKAMAINAM na gawin kapag nalulungkot ang kaanak na lumayo upang maghanapbuhay?
paggugol ng oras sa mga gawain upang malimutan ang labis na kalungkutan
Kahit hindi tumawag, basta magpadala ng mga materyal na bagay tulad ng mga pagkain at laruan
makibalta sa mga kamag-anak at kaibigan upang malaman ang kalagayan ng mga naiwang pamilya
regular na mag-text, tumawag o video cal, at magpapadala lamang ng mga
importanteng bagay upang makapag-ipon para sa edukasyon at kabuhayan para hindi na kailangang lumayo.
Si Gina ay nag-iisang nagtataguyod sa kaniyang dalawang anak. Kahit na maraming pagsubok, nagtatrabaho siya habang inaalagaan ang mga ito. Araw-araw, hinaharap niya ang iba't ibang pangangailangan ng kaniyang mga anak.
Batay sa salaysay, ano ang pangunahing hamon na nararanasan ng mga solo
parent tulad ni Gina?
pagkakaroon ng maraming trabaho
pagiging malayo sa pamilya at mga kaanak
kakulangan ng oras para sa malalapit na kaibigan
pagbabalanse ng oras sa trabaho at pag-aalaga sa mga anak
Si Dina ay nais magtrabaho sa isang gasolinahan bilang gasoline attendant sa bayan. Kumpleto na ang kaniyang mga dokumento at handa na siyang sumailalim sa panayam. Sa araw ng panayam, sinabi sa kaniya na dapat siyang lumipat ng ibang pag-aaplayan dahil "ang trabahong ito ay para lamang sa mga lalaki."
Kung ikaw si Dina, ano ang PINAKAMAINAM na hakbang na maaari mong gawin?
Tatanggapin mo ang kanilang desisyon, ngunit ipapahayag mo ang iyong
opinyon tungkol sa pantay na karapatan ng lahat, kabilang ang mga kababaihan.
Magagalit ka at ipapakita ang iyong saloobin dahil sa kanilang hindi patas na pagtingin at pagtrato sa mga kababaihan.
Hindi mo tatanggapin ang kanilang desisyon at ipagkakalat mo ang nangyari sa social media.
Ipagdidiinan mong kung nagagawa ito ng mga lalaki, magagawa mo rin.
Nasunog ang bahay ni Mang Pedring, at nadamay rin ang kaniyang welding shop na pinagkakakitaan. Anong ahensya ng pamahalaan ang dapat niyang lapitan upang makabangon muli at makatanggap ng tulong?
Department of Environment and Natural Resources (DENR)
Department of Social Welfare and Development (DSWD)
Department of Education (DepEd)
Department of Health (DOH)
Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng World Bank, isa ang plastik sa mga nagiging problemang basura sa Pilipinas dahil ang plastik ay hindi nabubulok. Binanggit sa nasabing pag-aaral na tinatayang umaabot sa 2.7 milyong toneladang basurang plastik (plastic waste) ang naiipon bawat taon. Isa sa nagiging dahilan ng problemang ito ang madalas na pagbili ng mga produktong tingi o naka-sachet. Umaabot sa 163 milyong plastic sachet kada araw ang nagagamit sa Pilipinas.
Upang maiwasan ang sitwasyong tinukoy sa pag-aaral ng World Bank, ano ang
maaaring gawin sa mga basurang katulad ng plastic bottles, straw, lata at iba pang
katulad ng mga ito?
Maghukay at ilagay ang mga ito sa ilalim ng lupa.
Sunugin ang mga ito upang hindi maging kalat sa kapaligiran.
llagay sa gilid ng daan at hayaang kunin ng mga taong namumulot ng basura
Gawin itong mga palamuti o kaya ay ilagay sa mga Material Recovery Facility.
Si Roberto ay tinanggal sa kaniyang trabaho dahil sa kaniyang opinyong politikal
na iba sa kaniyang mga kasamahan. Ano ang kaniyang dapat gawin?
Lumipat na lang ng trabaho nang walang reklamo para maging tahimik ang buhay.
Tanggapin ang ibinigay na desisyon ng kompanya dahil palagi silang tama.
Humingi ng tulong sa National Labor Relations Commission (NLRC).
Manahimik na lang tungkol sa kaniyang opinyon para walang gulo.
Dahil sa kulay ng kaniyang balat, madalas na ma-bully si Joel sa paaralan at
sa kanilang komunidad. Araw-araw, naririnig niya ang masasakit na salita at panunukso mula sa mga kaklase at ibang tao. Dahil dito, hindi siya madalas nakasasali sa mga laro at iba pang aktibidad. Kahit masakit ito, tinatanggap na lang ni Joel ang mga pang-aapi.
Kung ikaw ay isang kaibigan ni Joel, ano ang maaari mong gawin upang matigil
ang kaniyang mga nararanasang pang-aapi?
tanggapin ang pang-aapi at ipagpatuloy ang pakikipagkaibigan sa mga nambu-bully
huwag makialam at ipagpatuloy ang paglalaro kasama ang ibang mga kaklase
ipagtanggol si Joel at kausapin ang mga nambu-buly sa kaniya
iwanan si Joel at maghanap na lang ng ibang kaibigan
