Search Header Logo
IBONG ADARNA (ARALIN 3)

IBONG ADARNA (ARALIN 3)

Assessment

Presentation

Education

7th Grade

Practice Problem

Easy

Created by

Maricho Barrit

Used 7+ times

FREE Resource

29 Slides • 5 Questions

1

IBONG ADARNA (ARALIN 3)

FILIPINO 7

Slide image

2

ANG MULING PAGTAKSIL NG DALAWANG PRINSIPE AT

ANG PAGTATAGPO NG PAG-IBIG SA BUNDOK ARMENYA


3

LAYUNIN

F7PT-IVc-d-20Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang nagpapahayag

 

F7PB-IVc-d-22Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga karanasang nabanggit sa binasa

 

F7PN-IVe-f-20Naibabahagi ang sariling damdamin at saloobin sa damdamin ng tauhan sa napakinggang bahagi ng akda

4

Ibong Adarna Buod Kabanata 14: Ang Muling Pagtataksil (Saknong 404 – 428)


5


Giliw na giliw ang hari sa Ibong Adarna. Gabi-gabi kung ito’y dalawin ng hari.

 

           Napagpasyahan ng hari na ipabantay ang Ibong Adarna sa mga anak upang hindi ito mawala o makatakas man. Nagbabala ang hari na mananagot ang sinumang magpabaya sa ibon. Halinhinang nagbabantay ang magkakapatid. Di naman sang-ayon si Don Pedro sa pagbabantay dahil siya ay isang prinsipe. Si Don Diego naman ay mabilis antukin at madalas na mainip sa bagal ng oras habang nagbabantay. Habang si Don Juan naman ay idinadaan sa pagkausap sa Ibong Adarna upang hindi dalawin ng antok.


6

 

           Muling nagbalak ng kataksilan ang dalawang magkapatid. Sa una’y hindi sumang-ayon si Don Diego ngunit napapayag din ito matapos pangakuan ni Don Pedro na gagawin siyang kanang kamay kapag naging hari ito. Nakatulog si Don Juan sa puyat at pagod dahil sa magkasunod na skedyul ng pagbabantay nito sa ibon. Habang natutulog ay sinamantala ng dalawa niyang kapatid na pakawalan ang Ibong Adarna.


7

Open Ended

1. Kung ikaw si Don Juan, aalis ka ba upang mapagtakpan ang kasalanang ginawa ng iyong mga kapatid? Bakit oo o bakit hindi?

8

Ibong Adarna Buod Kabanata 15: Ang Muling Paglisan ni Don Juan (Saknong 429 – 442)

9


Madaling araw pa lang ay umalis na si Don Juan upang tumakas sa kaniyang ama. Batid niyang kailangan niyang magtago dahil sa pagpapabaya sa Ibong Adarna.

 

Paggising ng hari ay agad itong nagtungo sa silid na kinaroroonan ng ibon. Nagulat ito nang matagpuang wala na ang ibon sa hawla. Nang ipinatawag ng hari ang kaniyang mga anak dalawa lamang ang humarap sa kaniya.

10

Nagtangkang magsinungaling muli sina Don Pedro at Don Diego ngunit hindi sila agad pinaniwalaan ng hari. Ipinahanap ni Don Fernando si Don Juan ngunit sawi itong matagpuan.

Ayon sa dalawa pang prinsipe ay nagtaksil si Don Juan at handa silang umalis upang hanapin ang nagtatagong bunsong kapatid.

Naglakbay sila kung saan-saan ngunit hindi nila natagpuan si Don Juan. Paglaon ay narating nila ang kabundukan ng Armenya kung saan naroon si Don Juan.


11

Open Ended

2. Sa kanilang tatlo, kanino mo higit na nakikita ang iyong sarili bilang isang kapatid? Sa Paanong paraan?

12

Ibong Adarna Buod Kabanata 16: Ang Bagong Paraiso (Saknong 443 – 479)

13


Ang kabundukan ng Armenya ay paraiso sa kagandahan. Maraming hayop at pananim sa paligid. Maraming uri ng ibon ang nasa himpapawid. Malinis at malinaw ang tubig sa batis. Walang magugutom sa lugar na iyon dahil sa mayamang kalikasan.

14

Sa lugar na ito naninirahan si Don Juan upang magtago at huwag maparusahan sa pagkawala ng Ibong Adarna. Nahihiya si Don Diego na humarap kay Don Juan dahil sa nagawa na namang pagkakasala subalit dahil kay Don Pedro ay nahikayat nito na tumira sila doon kasama ni Don Juan.Pumayag naman si Don Juan sa panukala ni Don Pedro dahil sa mahal niya ang mga ito. Maligayang nanirahan ang magkakapatid sa kabundukan ng Armenya.


15

Isang bahay na gawa sa kahoy ang naging tirahan nila doon. Lumipas ang panahon at napagpasyahan ng tatlo na tuklasin ang iba pang bahagi ng Armenya na hindi pa nila nararating.

16

Open Ended

3. Anong paraan s aiyo ang tunay na katapangan? Sa iyong palagay, sino sa mgakakapatid ang tunay na matapang? Bakit?

17

Ibong Adarna Buod Kabanata 18: Ang Nakakaakit na si Donya Juana (Saknong 504 – 530)

18

Patuloy pa rin sa pagbaba si Don Juan hanggang sa marating niya ang pinakamalalim na bahagi ng balon. Namangha siya dahil isang magandang hardin ang kaniyang nasaksihan.

19

Ito ang natatagong paraiso sa Armenya. Puno ng halaman at bulaklak sa paligid. Nagiging makulay at masamyo ang amoy ng kapaligiran dahil sa mga ito. Nakita ni Don Juan ang palasyo na yari sa ginto at pilak dahilan kung bakit ito nangingislap. Nasilayan din niya ang isang dalaga na diyosa sa kagandahan. Siya ay si Donya Juana.

20

Di makapaniwala ang dalaga na narating ni Don Juan ang lugar na iyon. Lumuhod si Don Juan upang nagpakilala bilang prinsipe ng Armenya. Humingi din ito ng paumanhin dahil sa mapangahas na pagpunta sa lugar na iyon. Sumamo si Don Juan na tanggapin ng dalaga ang kaniyang pag-ibig. Hindi naman ito nasawi dahil inibig din siya ng dalaga.

21

Ibong Adarna Buod Kabanata 19: Ang Higanteng Bantay (Saknong 531 – 568)

22

Nagbabala si Donya Juana kay Don Juan na ang nagbabantay sa hardin ay isang malupit na higante. Maya-maya pa’y lumabas ang higante dahil may naamoy daw ito na tao. Laking tuwa ng higante dahil hindi na niya kinakailangang mamundok upang humanap ng makakain. Nagalit si Don Juan sa higante at hinarap niya ito.

23

Nakipaglaban ang prinsipe gamit ang kaniyang matalas na espada hanggang sa matalo ang higante. Ayaw umalis ni Donya Juana sa lugar na iyon hanggang di niya kasama ang bunsong kapatid na si Prinsesa Leonora. Nakiusap ito kay Don Juan na iligtas ang kaniyang kapatid. 

24

Muling nagbigay ng babala si Donya Juana kay Don Juan dahil ang tagapagbantay naman ni Prinsesa Leonora ay serpyente na may pitong ulo. Mas mabagsik ito kumpara sa higante dahil kahit tagpasin ang ulo ay muling tutubo at mabubuhay ito. Matatagpuan si Prinsesa Leonora sa di kalayuang palasyo na may malaking hagdanang ginto.

25

Ibong Adarna Buod Kabanata 20: Ang Prinsesang mas Kaibig-ibig (Saknong 569 – 617)

26

Nabigla si Prinsesa Leonora nang makita si Don Juan. Nabighani naman ang prinsipe sa prinsesa dahil sa labis nitong kagandahan. Minamadaling paalisin ng prinsesa si Don Juan dahil hindi magtatagal ay maaari nang dumating ang serpyente. Nagmakaawa si Don Juan kay Prinsesa Leonora na siya ay kupkupin sapagkat tunay na nabihag niya ang puso ng prinsipe.

27

Nawala na sa isip ni Don Juan na nag-iintay sa labas ng palasyo si Donya Juana. Dahil matatamis na pananalita ni Don Juan ay lumambot ang puso ni Prinsesa Leonora at pinapanhik ito sa loob ng palasyo. Isinalaysay ni Don Juan ang mga naging pagdurusa bago marating ang lugar na iyon. Nangako ng tapat na pag-ibig si Don Juan sa prinsesa bagama’t may pangamba ang prinsesa na pagtataksilan ito. Ilang sandali pa ay nakaramdam sila ng pagyanig sa buong paligid.

28

Ibong Adarna Buod Kabanata 21: Ang Serpyenteng may Pitong Ulo (Saknong 618 – 658)


29

Kasabay ng malakas na pagyanig ay ang gumagapang na ahas paakyat sa hagdanan. Katulad ng pagharap sa higante ay matapang niya ring hinarap ang serpyente na may pitong ulo. Tinagpas niya ang ulo nito ngunit muli itong tumubo at nabuhay. Nakaramdam man ng pagod ay hindi nakalimutan ng prinsipe ang manalangin. Muling nanumbalik ang lakas nito at mas naging matapang.

30

Tumagal ng tatlong oras ang laban ng dalawa hanggang sa tuluyang napagod ang serpyente. Inihagis ni Prinsesa Leonora ang balsamo kay Don Juan upang mapaglagyan ng bawat ulo na matatagpas. Nang makuha ni Don Juan ang pinakahuling ulo ay hindi na muling tumubo at nagkabuhay. Naiakyat sa itaas ng balon ang magkapatid. Nalaman ni Don Pedro ang ginawang pagliligtas ni Don Juan sa dalawang prinsesa dahilan kung bakit ito mas lalong nainggit sa kapatid lalo pa’t nabighani ito sa kagandahan ni Prinsesa Leonora.


31

Open Ended

4. Naniniwala ka ba sa “pag-ibig sa unang pagkikita”? bakit oo o bakit hindi?

32

Open Ended

5. Kung ikaw si Don Juan, ipakikipagsapalaran mor in ba ang iyong buhay sa tiyak na panganib alang-alang sa kaligtasan ng iyong minamahal? Bakit?

33

Maraming Salamat sa pakikinig!. . .

34

Patuloy pa rin sa pagbaba si Don Juan hanggang sa marating niya ang pinakamalalim na bahagi ng balon. Namangha siya dahil isang magandang hardin ang kaniyang nasaksihan.

IBONG ADARNA (ARALIN 3)

FILIPINO 7

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 34

SLIDE