

Modyul 2: Parabula mula sa Syria (Mga Pang-ugnay sa Pagsasalaysay)
Presentation
•
World Languages
•
10th Grade
•
Medium
Ana Mae Santos
Used 5+ times
FREE Resource
25 Slides • 9 Questions
1
by Ana Mae Santos
2
Panginoon, kami po ay nagpapasalamat sa panibagong araw na ibinigay ninyo sa amin. Patuloy po ninyo kaming bigyan ng malakas na pangangatawan at talino upang malampasan ang lahat ng pagsubok na dumarating sa aming buhay. Gabayan po ninyo kami sa lahat ng aming gawain.
Patawarin po ninyo kami sa aming mga pagkukulang.
Hinihiling namin ang lahat ng ito sa ngalan ng Inyong anak na si Hesus, Amen.
3
https://drive.google.com/file/d/1CqykfhBubBsNJjRu_IjPcCmxz261jJf3/view?usp=sharing
4
Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay (pagsisimula, pagpapatuloy, pagpapadaloy ng mga pangyayari at
pagwawakas). (F10WG-Ib-c-58)
5
Panuto: Basahin mo ang maikling teksto. Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pang-ugnay. Piliin at isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.
6
Fill in the Blanks
Isang araw, kinausap ng isang mag-aaral ang kanilang guro. Sinabi niya sa
guro na ang kaniyang mga kaklase ay nagkakaroon ng alitan sa isa’t isa. Kaya
sa 1. (huli, sumunod) na araw ay ipinatawag niya sila. 2. (Unang,
Pagkatapos) tinawag ng guro ang pinakapangulo sa klase, 3. (saka, pati) siya
pinagpaliwanag ukol sa nakarating sa kaniya na alitan ng mga mag-aaral.
4. (Ganoon din, Pati sa) ang ginawa sa isa pang grupo ng mga mag-aaral.
Nalaman ng guro ang dahilan ng pag-aaway ng mga mag-aaral 5. (kung gayon,
kung kaya) pinayuhan niya ang mga ito na maging malumanay at pag-usapan
nang maayos ang mga bagay-bagay. Nakinig naman ang mga mag-aaral sa
kaniya at nanumbalik ang maganda nilang samahan.
Type answer...
7
Multiple Choice
Tumutukoy ito sa akdang pampanitikan na nagsasalaysay at nagtuturo ng pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kuwento sa Bibliya.
pabula
parabula
mito
alamat
P
8
Multiple Choice
Ito paglalahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
tauhan
tagpuan
banghay
9
Open Ended
ito ay parabulan nagpapaalala sa atin na dapat nating pahalagahan ang tiwalang ibinigay sa atin. Ayusin ang mga gulo-gulong letra upang mabuo ang pamagat.
Agn Tonsug Kiatawla
10
Poll
Pagkatapos ko ng Baitang sampu, nais kong...
tumigil muna sa pag-aaral at magpahinga.
mag-enrol upang makatapos ng pag-aaral.
magtrabaho upang makatulong sa pamilya.
11
"Sa sobrang inom ko ng kape, tumapang ako, pati maling tao, ipinaglaban ko."
12
"Try mo magkape, para magising ka naman at ma-realize mo ang ginawa mong kamalian."
13
https://drive.google.com/file/d/12hy0xPjt_h8jw5FTD5FnblWRD19NNcT7/view?usp=sharing
Mula 10:00 hanggang 16:00 minuto.
Maaari rin itong basahin sa
https://drive.google.com/file/d/10XO3YOqQ8ShkIbDt86Iy89NzYSrxMMKA/view?usp=sharing
sa pahina 10 - 11.
14
Open Ended
Paghambingin ang Carrot, Itlog at Butil ng Kape nang mailahok ito sa
kumukulong tubig.
15
Open Ended
Bigyang-kahulugan ang sinisimbolo ng butil ng kape sa kuwento.
16
Pagkatapos ninyong, mabasa/pamanood ang "Ang Mensahe ng Butil ng Kape", may nabago ba sa pananaw ninyo sa buhay? Ano ito?
17
Poll
Sa palagay mo, alin ka tatlo?
Ipaliwanag/magbigay ng halimbawa sa iyong sagot.
butil ng kape
karot
itlog
18
Pagsasalaysay ang tawag sa estilo ng pagpapahayag na may layuning
magkuwento o magpahayag ng sunod-sunod na mga pangyayari.
➢ Ang karanasan at nakikita sa kapaligiran ay maaring pagmulan ng
pagsasalaysay ng isang tao.
➢ Isa sa mga mahalagang katangiang dapat taglayin ng isang magandang salaysay ay ang pagkakaroon ng magandang pamagat. Ito ang unang nakapupukaw sa interes ng mga mambabasa.
19
Layunin ng Pagsasalaysay
1. Nagbibigay kaaliwan o libangan
2. Nagmumulat sa katotohanan
3. Nakapagdaragdag ng kaalaman at karunungan
4. May kakayahang bumuo ng isang pangyayari
20
Pang-ugnay ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang
yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o dalawang sugnay.
Ang mga pang-ugnay ay maaari ring magsilbing mga panandang pandiskurso na
maghuhudyat ng pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.
21
Uri ng Pang-ugnay
22
1. Pangatnig – ang mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap o ng isang kaisipan sa kapwa kaisipan.
Mga Halimbawa:
Kataga – at, na, o, ni
Salita – kahit, bagkus, ngunit, subalit, dapatwat, sakali, samantala, liban,
maging, habang, kung, sana, palibhasa, sapagkat, kasi, tuloy,
23
Pang-ukol – kataga o salitang nag-uugnay sa pangngalan o panghalip sa iba
pang salita sa pangungusap.
Mga Halimbawa: ng, sa, nasa, kay/kina, para sa/kay/kina, ayon sa/kay/kina, tungkol sa/kay/kina, laban sa/kay/kina, hinggil sa/kay/kina, ukol sa/kay/kina, alinsunod sa/kay/kina,
24
Pang-angkop – ang salitang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan (na, -ng, -g). Sa ibang salita, ginagamit ang mga ito sa pag-uugnay ng mga salitang naglalarawan at inilalarawan.a. na -
Ito ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n. Hindi ito isinusulat nang nakadikit sa unang salita. Ihinihiwalay ito. Napagigitnaan ito ng salita at ng panuring.
Halimbawa: mapagmahal na tao
25
b. –ng - Ito ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa mga patinig.
Ikinakabit ito sa unang salita.
Halimbawa: mabuting nilalang
c. –g - Ito ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa n. Ikinakabit
ito sa unang salita.
Halimbawa: mahanging gabi
26
Gamit ng Pang-ugnay
27
1. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon
Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga impormasyon. Kabilang dito ang mga salitang: pagkatapos, saka, unang, sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa, at gayon din.
28
2. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal
Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan at bunga, paraan at layunin, paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng kondisyon at kinalabasan. Kabilang na pang-ugnay sa bahaging ito ang dahil sa, sapagkat at kasi. Samantalang sa paglalahad ng bunga at resulta ginagamit ang pang-ugnay na kaya, kung kaya, kaya naman, tuloy at bunga.
29
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari upang makabuo ng isang maikling salaysay. Isalang-alang ang mga salitang pang-ugnay na ginamit sa bawat bilang. Isulat ang titik A, B, C, D, E, F, G, H. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
30
1. Kung kaya pinagsasampal ng mayamang ginang ang matandang lalaki.
2. Isang matandang lalaki na may bitbit na bayong ang pumasok sa bangko. Luma ang damit niya.
3. Nang ilabas ng matanda ang salapi sa counter ay nagulat ang lahat.
4. Sapagkat bungkos-bungkos na lilimandaaning piso ang idedeposito niyon.
5. Kaya bahagyang nabangga ng matanda ang isang ginang na marangya ang kasuotan nang papalabas na.
6. Dahil sa may kalabuan na ang mata ng matandang lalaki.
7. At gayon din, humingi sila ng dispensa sa matandang lalaki.
8. Sa dakong huli, nalaman nila na ang matanda ay ang mayamang may-ari ng napakalaking bukirin sa kanilang bayan. Simple lamang manamit ang matanda kaya
napagkamalang kung sino lamang.
31
Kung kaya pinagsasampal ng mayamang ginang ang matandang lalaki. D
Isang matandang lalaki na may bitbit na bayong ang pumasok sa bangko. Luma ang damit niya. A
Nang ilabas ng matanda ang salapi sa counter ay nagulat ang lahat. E
Sapagkat bungkos-bungkos na lilimandaaning piso ang idedeposito niyon. F
Kaya bahagyang nabangga ng matanda ang isang ginang na marangya ang kasuotan nang papalabas na. C
Dahil sa may kalabuan na ang mata ng matandang lalaki. B
At gayon din, humingi sila ng dispensa sa matandang lalaki. G
Sa dakong huli, nalaman nila na ang matanda ay ang mayamang may-ari ng napakalaking bukirin sa kanilang bayan. Simple lamang manamit ang matanda kaya napagkamalang kung sino lamang. H
32
Panuto: Basahin ang teksto at piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pang-ugnay. Isulat ito sa sagutang papel.
33
Fill in the Blanks
May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang
katiwala ang kaniyang ari-arian 1. (kaya’t, saka) ipinatawag niya ang katiwala
at tinanong. 2. (Unang, Pagkatapos) tinawag ng katiwala ang may utang na
isandaang tapayang langis, 3. (saka, pati) pinaupo at pinapalitan ng limampu
ang kasulatan. 4. (Gayon din, Dahil sa) ang ginawa sa isa pa. Ginawang
walampung kabang trigo mula sa isandaang trigo. 5. (Dahil sa, Upang)
kadayaan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala.
Type answer...
34
Basahin ang Modyul 3: Sanaysay mula sa Greece
Panitikan: Alegorya ng Yungib
Pahina 1-13
Panuorin ang video na DepEd TV episode 8
by Ana Mae Santos
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 34
SLIDE
Similar Resources on Wayground
23 questions
PilipinOlimpiks: Salinan
Presentation
•
10th Grade
29 questions
karapatan at tungkulin
Presentation
•
10th Grade
27 questions
Pagtugon sa Hamon ng Suliraning Pangkapaligiran
Presentation
•
10th Grade
24 questions
Mga Pahayag sa Pag-aayos ng Datos
Presentation
•
10th Grade
22 questions
G10_Kabanata 31-37
Presentation
•
10th Grade
34 questions
AP10Q1M2
Presentation
•
10th Grade
21 questions
Ikatlong Markahan-Modyul 1: Paghahambing at Pagsusuri sa Mit
Presentation
•
10th Grade
27 questions
Various Dimensions of Philippine Literary History
Presentation
•
11th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
How much do you know about our Portrait of an Eagle?
Quiz
•
10th Grade
10 questions
Fast Food Slogans
Quiz
•
6th - 8th Grade
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
16 questions
Subject & Predicate
Quiz
•
5th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
12 questions
Map Skills
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
5th Grade
Discover more resources for World Languages
20 questions
Ser y estar
Quiz
•
9th - 10th Grade
20 questions
Preterite vs. Imperfect
Quiz
•
10th Grade
25 questions
Spanish Cognates
Quiz
•
7th - 12th Grade
14 questions
Hispanic / Latino Heritage Month
Presentation
•
9th - 12th Grade
20 questions
Ser vs. Estar
Quiz
•
10th Grade
17 questions
Spanish Adjective Agreement & SER
Quiz
•
9th - 12th Grade
18 questions
REFLEXIVE VERBS IN SPANISH
Quiz
•
9th - 12th Grade
10 questions
Exploring Hispanic Heritage Month
Interactive video
•
6th - 10th Grade