

Q2W2-FPL-Hakbang sa Pag sulat ng Feasibility Stud y
Presentation
•
Other
•
11th Grade
•
Hard
Edgar Monte
Used 1+ times
FREE Resource
41 Slides • 41 Questions
1
Q2W2-FPL-Hakbang sa Pag sulat ng Feasibility Study
by Edgar Monte
2
Alamin
Aralin 2- Hakbang sa Pagsulat ng Feasibility Study
3
Pagkatapos ng modyul, inaasahan ang bawat mag-aaral na:
Naipaliliwanag sa paraang sistematiko at malinaw ang piniling anyo sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na termino (CS_FTV11/12PS-0j-i-93)
1. Nasusuri kung ano ang angkop na negosyo batay sa pangangailangan ng tao o konsyumer sa isang lokasyon;
2. Natitiyak ang seguridad at maaaring maging banta sa pipiliing lokasyon; at
3. Naisasagawa ang mga hakbangin at paghahanda sa pagbuo ng plano sa pagpili ng negosyo
4
Subukin
Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.
5
Multiple Choice
Sa pagtatayo ng negosyo nangangailangan ito ng sapat paghahanda laban sa mga banta at balakid. At para maisasakatuparan ang plano sa pagnenegosyo malaki ang maitutulong ng ____________.
pagsusuri ng sistema
pagtukoy ng proyekto
pagtukoy ng programa
pagsusuring feasibility
6
Multiple Choice
Ang pagdedesisyon ukol sa papasuking negosyo ay natutukoy ____________.
matapos isagawa ang feasibility study
habang isinasagawa ang feasibility study
matapos makausap ang mga supplier ng produkto
isang araw bago ilunsad ang proyekto sa pagnenegosyo
7
Multiple Choice
Ang pagsusuring feasibility ay isinasagawa ng ____________.
mga kapitalistang mamumuhunan sa itatayong negosyo.
may-ari ng uupahang puwesto para sa itatayong negosyo.
may-ari ng negosyo para matiyak ang paghahanda sa mga balakid.
system analyst na kinonsulta ng may-ari ng magtatayo ng negosyo
8
Multiple Choice
Ang pangunahing layunin ng feasibility study ay ____________.
tumulong sa pamamahala ng itatayong negosyo
masuri kung kakayaning tugunan ang mga kinakailangan sa pagnenegosyo
masuri kung kakayaning tugunan ang mga kakailanganin sa pagnenegosyo
tumulong sa paghahanap ng mga potential investors na handang maglaan ng bahagi ng kaniyang salapi para sa negosyo
9
Multiple Choice
Ang feasibility study ay naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon maliban sa ____________.
pangalan at logo ng itatayong negosyo
daloy at proseso ng pagsusuri at pag-aaral
estratehiya ng mga makakalaban sa negosyo
alternatibong plano sa napipintong balakid na kahaharapin
10
Aralin 2
Hakbang sa Pag sulat ng Feasibili ty Study
Ang pag-aaral sa pagsulat ng feasibility study ay isa mga kasanayan na dapat matutuhan ng mga mag-aaral sa loob ng akademya. Ito ang isa sa mga paghahanda na magagamit ng mag-aaral sa teknikal-bokasyunal kung ninanais niyang magtayo ng negosyo matapos ang kaniyang pag-aaral sa senior high school. Sa kasalukuyang panahon o kahit noon pa man walang negosyo ang hindi nagsimula sa prosesong ito. Bawat negosyante ay nagkakaroon ng simpleng pananaliksik kung saan maaaring itayo ang kaniyang negosyo at anong produkto o serbisyo ang angkop sa isang lugar. Ilan lamang ito sa mga bahagi ng feasibility study.
11
​
At ngayon, alam kong nais mong maging matagumpay ang iyong negosyo sa hinaharap at hindi masayang ang perang ilalaan mo para dito. Tara! Simulan mo na ang masusi mong pag-aralan ang bawat bahagi ng feasibility study.
12
Balikan
Tukuyin ang angkop na salita na tinutukoy sa bawat bilang. Piliin sa kahon at isulat ang tamang sagot sa patlang.
13
Fill in the Blanks
Type answer...
14
Fill in the Blanks
Type answer...
15
Fill in the Blanks
Type answer...
16
Fill in the Blanks
Type answer...
17
Fill in the Blanks
Type answer...
18
Tuklasin
Mag-isip ng produkto o serbisyo na sa tingin mo ay mabenta o maaaring ibenta sa mga lugar na nakatala sa ibaba. Isulat din kung bakit iyon ang napili mong produkto o serbisyo.
19
Open Ended
Produkto o Serbisyo
Sa Loob ng Mall
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Inside_view_of_City_Mall.jpg
20
Open Ended
Produkto o Serbisyo
Simbahan ng Quiapo
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:The_Timeless_ Quiapo_Church.jpg
21
Open Ended
Produkto o Serbisyo
Pampublikong Paaralan
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Global
Handwashing_Day_Celebration_at_Lupok_Central_
Elementary_School,_Guiuan_Eastern_Samar_Philippines.
Png
22
Open Ended
Produkto o Serbisyo
Parke ng Komunidad
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:9862Caloocan
CityBarangays_Landmarks_13.jpg
23
Open Ended
Produkto o Serbisyo
Pamilihang Bayan
https://www.flickr.com/photos/volvob12b/16830189588
24
Suriin
Kahulugan ng Feasibility Study
Ano ang feasibility study?
Ang feasibility study ay isang pamamahala ng pananaliksik na ginagamit upang masuri kung ang negosyong may produkto or serbisyo ay maaaring bang isagawa bago ito paglaanan ng pondo o kapital. Kalimitan naghahanap ang mga negosyanteng kapitalista ng mga tagasuri sa lugar na pagtatayuan ng kanilang negosyo. Inaalam ng mananaliksik ang kalakasan, kahinaan at uri ng negosyong aangkop batay sa pangangailangan ng mga taong naninirahan sa lugar na napili. Tinitiyak ng mananaliksik o analyst na lahat ng detalyeng makakalap at mailalapat sa feasibility ay may sapat at tamang datos.
25
Kahalagahan ng Feasibility Study?
Sa pagtatayo ng isang negosyo mahalagang malaman kung anong uri ng negosyo (produkto o serbisyo) ang naaangkop sa lugar na napili. Bago buksan ang mungkahing negosyo mahalagang malaman ng may-ari ang siyentipikong proseso na dapat isagawa upang maging matagumpay sa hinaharap. Sa pagsasagawa ng feasibility study kinakailangan na ang may-ari o mga mamumuhunan ay kumuha ng system analyst o mananaliksik na susuri sa magiging kalagayan ng itatayong negosyo.
Sa araling ito, malalaman mo ang mga hakbang at pamamaraan sa pagsulat ng feasibility study.
26
Bahagi ng Feasibility Study
​
27
​
Deskripsyon ng Negosyo (business or project description)– sa bahaging ito tutukuyin ang ninanais o mga mungkahi na pangalan para sa negosyong itatayo kabilang ang mga taong magtatatag nito at ang inaasahang kalalabasan ng negosyong itatatag. Makikita rin dito ang mga impormasyon na nakalap ukol sa pag-aaral ng negosyong papasukin.
28
​
Deskripsyon ng Produkto o Serbisyo (product or service description)
– dito inilalarawan ang produkto o serbisyong nakapaloob sa negosyong itatayo. Maaaring ito ay pagkain, mga damit, gadgets, at iba pa. Ito ay batay sa mga nakalap na datos mula sa isinagawang pananaliksik.
29
​
Layunin (Goals and Purpose)– sa pagsulat ng feasibility study mahalagang maitala ang mga panandalian at pangmatagalan na layunin at ano-ano ang proseso upang makamit ang mga layuning naitala. Bigyang-diin ang kahalagahan ng mga layuning ito at kung sino ang mga makikinabang. Kabilang din sa bahaging ito ang panahon na sisimulan ang pagtatayo ng negosyo hanggang sa ito ay matapos at maaari ng buksan sa publiko.
30
​
Pagtutuos at Paglalaan ng Pondo (Costs and Funding) – Itala ang mga magagastos sa pagtatayo ng negosyo. Alamin ang kakailanganing puhunan sa mga produkto kabilang na ang halaga ng mailalaan sa isasagawang pananaliksik o feasibility study.
31
​
Pagsusuri ng Lugar (Market Analysis) – sa bahaging ito, aalamin ang lugar na nais maging lokasyon ng produkto at negosyong itatayo. Aaralin ng mananaliksik kung magiging malakas o mahina ang kikitain ng negosyo sa pipiliing lokasyon. Titiyakin ng pag-aaral na ito na ligtas ang seguridad ng produkto at mga tauhan ng isang negosyo. Kinakailangang maitala ng detalyado ang mga posibleng banta, hadlang, at solusyon (kung kakayanin) para sa napiling lugar.
32
​
Mga Mapagkukunan (Resources) – kilalanin ang mga mapagkukunan o supplier ng produkto, kagamitan, tulong teknikal. Gayundin ang ahensya na maaaring magpadala ng mga empleyado na kakailanganin sa negosyo.
33
​
Mamamahala (Management and Teams) – itatala ang mga maaaring mamahala o kung kinakailangan bang kumuha ng karagdagang tao sa pagpapatakbo nito. Isa-isahin ang mga gawain na nangangailangan ng taong gaganap at susubaybay sa negosyo.
34
​
Pagsusuri ng Kikitain (Estimated Profit) - ilalahad dito ang kikitain ng produkto o serbisyo sa bawat araw. Pag-aaralan kung sasapat ba ang kita sa bawat araw, linggo, buwan para tustusan ang pasuweldo, upa, puhunan, kuryente, tubig, internet connection, at aktwal na kita ng may-ari.
35
​
Estratehiya sa Pagbebenta (Marketing Strategy)- ilalagay sa bahaging ito ang mga mungkahing pamamaraan na dapat tahakin upang makapanghikayat ng mga tatangkilik ng produkto o serbisyo. Isinasaalang-alang sa bahaging ito ang kakayahan ng mamimili at nakaugalian sa pagtangkilik ng produkto o negosyo. At maaari rin maglunsad ng makabagong pamamaraan ng hindi pa natutuklasan ng mamimili at tiyak na makakapukaw ng kanilang interes.
36
​
Mga Rekomendasyon (Recommendations)– ibigay ang karagdagang impormasyon na makatutulong sa pagdedesiyon ng may-ari ng negosyo bago niya pormal na simulan ang pagtatayo nito.
37
​
Apendise (Appendices)- nakapaloob dito ang ilan sa mga mahahalagang dokumento na maaaring isaalang-alang sa pagtatayo ng negosyo. Tulad ng kontrata sa supplier, lugar ng pagtatayuan, talaan ng mga permit at forms sa ahensya ng barangay, lokal, at pambansang pamahalaan (kung kailangan lang).
38
Kinalabasan Feasibility Study
Matapos maisagawa ang pananaliksik, dito maaaring matukoy ng may-ari kung itutuloy pa ang pagbubukas ng negosyo. Ang isang mahusay na feasibility study ay nagpapakita ng totoong senaryo bunga ng maingat na pag-aaral at pananaliksik. Narito ang dapat makita sa isinagawang pag-aaral:
Suliraning kahaharapin – kung natukoy ito sa pag-aaral, kailangan pagtuunan ito ng panahon ng may-ari ng itatayong negosyo. ▪ Alternatibong Hakbangin – may iba pa bang paraan na maaaring magawa kung sakaling may maging banta o hadlang sa itatayong negosyo.
39
Halimbawa ng Feasibility Study
40
Pagyamanin
​
41
Open Ended
Gawain 1 Sagutin nang mabuti ang tanong.
Anong bahagi ng ipinakitang halimbawa na feasibility study ang nais mong baguhin at paunlarin? At bakit?
42
Gawain 2 Pagsasaliksik ng Feasibility Study sa Online
Maghanap ng isang feasibility study sa online o sa mga aklat, basahin at unawain itong mabuti. Mula sa nabasang halimbawa hanapin ang mga hinihingi ng graphic organizer sa ibaba.
43
Open Ended
Gawain 3 Pagbibigay ng halimbawa
Magbigay ng limang halimbawa ng negosyo at punan ng impormasyon ang talahanayan batay sa bahagi ng feasibilty study.
(Lokasyon ng Negosyong naiisip)
44
Open Ended
Gawain 3 Pagbibigay ng halimbawa
Magbigay ng limang halimbawa ng negosyo at punan ng impormasyon ang talahanayan batay sa bahagi ng feasibilty study.
(Uri ng Produkto o Serbisyo)
45
Open Ended
Gawain 3 Pagbibigay ng halimbawa
Magbigay ng limang halimbawa ng negosyo at punan ng impormasyon ang talahanayan batay sa bahagi ng feasibilty study.
(Estratehiya sa Pagbebenta ng Produkto o Serbisyo)
46
Isaisip
Basahin at tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang. Piliin sa ang wastong sagot.
47
Fill in the Blanks
Type answer...
48
Fill in the Blanks
Type answer...
49
Fill in the Blanks
Type answer...
50
Fill in the Blanks
Type answer...
51
Fill in the Blanks
Type answer...
52
Fill in the Blanks
Type answer...
53
Isagawa
Tamang Pagpapasya sa Pagbuo ng Feasibility Study
Nais kong basahin mo ang maikling kwento ni Luzviminda na tutulong sa iyo upang maibigay mo ang tamang pagdedesisyon sa paggawa o pagbuo ng iyong feasibility study.
54
Ang Kuwento ni Luzviminda Perez
ni Gng. Jeane Cristine G. Villanueva
55
​
Sa panahon na nakararanas ang Pilipinas ng pagbagsak ng ekonomiya, maraming manggagawa ang nawalan ng trabaho. At isa si Luzviminda sa naapektuhan ng pangyayaring ito. Isang araw, naisipan ni Luzviminda na magtinda ng gulay sa palengke gaya ng kaniyang mga kapitbahay. Sa halagang 500 piso na kaniyang naitatabi, ito ay ginamit niyang puhunan upang makabili ng sari-saring gulay na madalas hinahanap ng tao sa pamilihan.
56
​
Nagpasya siyang ilagay sa isang supot ang halo-halong gulay at ibenta ito sa halagang 100 piso. Nakita niya na mas mabenta ito lalo na sa panahon na may iskedyul ang paglabas ng tao sa kaniya-kaniyang tahanan. Nakabuo siya ng 10 balot ng gulay na maaari niyang ibenta mula sa puhunan na 500 piso. Subalit wala siyang puwesto na maaaring mapaglagyan ng mga ito. Kung kaya, muli siyang nagpasya na umupa ng maliit na espasyo na may lamesa at may rentang 150.00 para sa buong isang araw.
57
​
Bago pa magpananghalian madaling naubos ang paninda ni Luzviminda dahil sa ito ay mura at naangkop sa kasalukuyan sitwasyon ng pamayanan kung saan ay naka-community quarantine. Sa araw na iyon, dumating ang kolektor ng upa sa puwesto at ibinigay niya ang halagang 150 piso. Umuwi si Luzviminda na may halagang 350 piso na tubo mula sa kaniyang puhunan.
58
​
Ito ang isa sa magagandang kuwento ng pagbangon ng mga Pilipino. Ngayon, upang magtuloy-tuloy ang kuwentong ito, nais kong ilagay natin sa isang pag-aaral ang kuwento ni Luzviminda. Makikita mo ang kahon sa ibaba, punan mo ng impormasyon ang mga kahon na maaring makatulong pa kay Luzviminda.
59
60
61
62
63
Open Ended
Pagsulat ng Repleksyon
Ano ang kahalagahan ng pagsulat sa pang-araw-araw na pamumuhay ng isang mag-aaral ng Teknikal- Bokasyunal? Paano nakatutulong ang pagiging masinop na mananaliksik at manunulat?
64
Tayahin
65
​
Hanapin sa BABA ang katumbas na kahulugan ng bawat terminong ginamit sa mga bahagi ng feasibility study. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot. Tandaan malaking titik lamang.
66
Fill in the Blanks
Type answer...
67
Fill in the Blanks
Type answer...
68
Fill in the Blanks
Type answer...
69
Fill in the Blanks
Type answer...
70
Fill in the Blanks
Type answer...
71
Multiple Choice
Nagbibigay ng malinaw na deskripsyon at pagkakataon sa mga nais magsimula ng negosyo ang ____________.
feasiblity Study
feasibility Plan
feasibility services
feasibility project
72
Multiple Choice
Kinakailangang masuri ang lokasyon ng itatayong negosyo. Ito ay inilalatag sa pamamagitan ng ____________.
product analysis
product/service description
market analysis
marketing strategy
73
Multiple Choice
Tinitiyak ng prosesong ito na masuri at maibigay sa mamimili ang kinakailangang serbisyo o produkto. Naisasakatuparan sa pamamagitan ng ____________.
product analysis
product/service description
market analysis
marketing strategy
74
Multiple Choice
Inilalarawan nito ang mga paraan o hakbang na makahihikayat ng mamimili na tangkilikin ang serbisyo o produkto. Ang ____________ ang susi sa pag-aaral na ito.
product analysis
product/service description
market analysis
marketing strategy
75
Multiple Choice
Ang pagsusuring feasibility ay isinasagawa ng ____________.
mga kapitalistang mamumuhunan sa itatayong negosyo.
may-ari ng uupahang puwesto para sa itatayong negosyo.
may-ari ng negosyo para matiyak ang paghahanda sa mga balakid.
system analyst na kinonsulta ng may-ari ng magtatayo ng negosyo
76
Multiple Choice
Sa anong kategorya nabibilang ang mungkahing negosyo na nais itayo ni Bb. Garcia?
serbisyo
produkto
barter
establisyemento
77
Multiple Choice
Batay sa ipinakitang modelo ng feasibility study sa pagtatayo ng computer shop, anong mga bahagi ang nawawala dito?
Deskripsyon ng Negosyo, Layunin, Mga Mapagkukunan, Daloy ng Proseso,
Mga Rekomendasyon, at Apendice
Deskripsyon ng Produkto o Serbisyo, Layunin, Mga Mapagkukunan, Daloy ng Proseso, Mga Rekomendasyon, at Apendice
Deskripsyon ng Negosyo, Pagtutuos at Paglalaan ng Pondo, Mga Mapagkukunan, Daloy ng Proseso, Mga Rekomendasyon, at Apendice
Deskripsyon ng Produkto o Serbisyo, Pagtutuos at Paglalaan ng Pondo, Mga
Mapagkukunan, Daloy ng Proseso, Mga Rekomendasyon, at Apendice
78
Karagdagang Gawain
Ikaw ay naatasan ng iyong guro sa paaralan na gumawa ng isang pag-aaral ukol sa proyekto ng paaralan na “Project TASTE”, layunin ng proyektong ito na makapangalap ng pondo mula sa mga produktong ginawa ng mga mag-aaral sa Tech-Voc. Ang nasabing pondo ay gagamitin ng mga mag-aaral sa kanilang field immersion sa mga kilalang hotel sa bansa subalit nangangailangan ito ng malaking pondo.
Sa pamamagitan ng tsart, magtala ng tatlong konsepto ng produkto o serbisyo na maaaring ipasok sa Project TASTE base sa natutuhan mo matapos ang pansariling pagtuklas sa araling ito. Sa ikatlong kolum naman, maaaring magtala ng katanungan kung may malabong impormasyong hindi naunawaan.
79
80
Multiple Choice
Ano ang naaangkop na deskripsyon ng serbisyo batay sa nilalaman ng pag-aaral na ito?
Iminumungkahi ng negosyong ito na maghatid ng digital services lamang.
Ito ay negosyong nais matugunan ang pangangailangan ng mga kostumer sa paggamit ng computer online at offline services kabilang ang softcopy at imprenta ng hardcopy.
Ang negosyong ito ay naglalayon na matugunan ang pangangailangan ng mga kostumer sa paggamit ng computer online at offline services kabilang ang software at hardware services
Ninanais ng negosyong ito na matugunan ang pangangailangan ng mga kostumer sa paggamit ng computer online at offline services kabilang ang softcopy at imprenta ng hardcopy.
81
Multiple Choice
Kabilang sa deskripyon ng negosyong ang propayl ng nagmamay-ari nito. Kung ikaw ang negosyanteng tinutukoy sa pag-aaral na ito, anong katangian ang dapat mong taglayin upang mas maging matagumpay ang negosyong iyong itatayo?
Nakapagtapos ng kolehiyo sa isang prestihiyosong unibersidad.
May naipong sertipiko ngunit walang kasanayan o skills sa deskripsyon ng serbisyo.
Kahit hindi nakatapos ng pag-aaral subalit sa oras na simulan ang negosyong ito ay unti- unting aaralin ang pagpapatakbo.
May karanasan at Competent sa pandaigdigang pamantayang ibinigay ng TESDA na may kinalaman sa Computer Services bago pa simulan ang pagnenegosyo.
82
Multiple Choice
Anong hakbang ang pwede mong irekomenda upang matiyak na hindi masisira ang pokus ng mga estudyante na nag-aaral sa mga paaralang malapit sa computer shop?
Irekomenda and pag-baban ng mga mag-aaral sa loob ng computer shop.
Humingi ng liham pahintulot mula sa mga magulang tuwing papasok ng shop ang mga mag-aaral.
Imungkahi sa may-ari na tanggapin ang lahat ng mag-aaral sapagkat hindi naman ito makakaapekto sa negosyo.
Ilagay sa rekomendasyon na magkaroon ng iskedyul o estratehiya sa pagpapapasok ng mga mag-aaral sa loob ng shop.
Q2W2-FPL-Hakbang sa Pag sulat ng Feasibility Study
by Edgar Monte
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 82
SLIDE
Similar Resources on Wayground
81 questions
Chemistry Semester 1 Review
Presentation
•
10th Grade
79 questions
Les Plantes : Cellules, tissus et organes végétaux
Presentation
•
9th - 11th Grade
74 questions
Heart/ Diseases
Presentation
•
KG - University
78 questions
BL Ch 2 Atoms, Molecules and Ions PPt
Presentation
•
9th - 12th Grade
78 questions
Final Review Physical Science A
Presentation
•
KG
72 questions
Unit 1 Review
Presentation
•
9th - 12th Grade
77 questions
M2- UGNAYAN NG HEOGRAPIYA AT KULTURA SA SINAUNANG PILIPINO
Presentation
•
11th Grade
74 questions
Repaso Segundo Parcial
Presentation
•
12th Grade
Popular Resources on Wayground
25 questions
The Ultimate College Knowledge Quiz
Quiz
•
8th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
15 questions
Fast food
Quiz
•
7th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
19 questions
Classifying Quadrilaterals
Quiz
•
3rd Grade
20 questions
Figurative Language Review
Quiz
•
6th Grade
Discover more resources for Other
10 questions
Fact Check Ice Breaker: Two truths and a lie
Quiz
•
5th - 12th Grade
40 questions
Math Large Group Session 1
Quiz
•
9th - 12th Grade
14 questions
Attributes of Linear Functions
Quiz
•
9th - 12th Grade
15 questions
Memorial Day Trivia
Quiz
•
KG - 12th Grade
65 questions
USH Final Exam Spring 2026
Quiz
•
11th Grade
21 questions
Hidden Figures
Quiz
•
6th - 12th Grade
20 questions
Scatter Plots, Lines of Best Fit, Sampling
Quiz
•
9th - 11th Grade
12 questions
Name that Candy
Quiz
•
KG - 12th Grade