

Kontribusyon ng kabihasnan
Presentation
•
Social Studies
•
8th Grade
•
Hard
Riza Posadas
FREE Resource
42 Slides • 0 Questions
1
2
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
Ang kabihasnang Tsino ay umusbong malapit sa tabing-ilog ng Yellow River o Huang Ho. Ang ilog na ito ay dumadaloy patungo sa Yellow Sea. Itinuturing itong isa sa pinakamatandang kabihasnang sa buong mundo gaya ng sa Kabihasnang Mesopotamia at Kabihasnang Indus. Kapag umaapaw ang Huang Ho, ito ay nag-iiwan ng banlik na nagsisilbing pataba sa lupa. Ito ang dahilan kung bakit nakapamumuhay ang mga sinaunang Tsino bilang mga magsasaka na siyang sanhi ng kanilang pamamalagi na nagdulot ng pagkakatatag ng unang dinastiya ng Xia.
3
Xia (2000- 1570 BCE)
Sinasabi na ito ang kauna-unahang Dinastiyang umusbong sa Huang Ho.
Hindi pa ito lubusang napatutunayan dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiyang arkeolohiya.
4
Shang (1570 - 1045 BCE)
Ang dinastiyang ito ay gumagamit na ng bronse.
Ayon sa mga mananaliksik, may naiwang pinakalumang kasulatan na nakaukit sa mga Oracle Bones.
Kadalasang isinagawa ang pagsasakripisyo ng mga tao lalo na sa tuwing namamatay ang kanilang pinuno.
Pinatalsik ang Shang ng mga Chou noong 1045 BCE.
5
Zhou o Chou (1045 -221 BCE)
Ang mga tao sa panahon ng dinastiyang ito ay naniwala sa Mandate of Heaven o “Basbas ng Kalangitan.”
Ayon sa kanilang paniniwala ang sinumang maging emperador ay pinahintulutan ng langit. Pinili siya dahil puno siya ng kabutihan. Kapag siya ay naging masama at mapangabuso, ay babawiin ng kalangitan sa anyo ng lindol, bagyo, tagtuyot, peste o digmaan.
6
Umusbong sa panahong ito ang mga mahalagang kaisipang pilosopikal na humubog sa kamalayang Tsino tulad ng: Confucianismo - Layuning magkaroon ng isang tahimik at organisadong lipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao sa lipunan.
Taoismo - Hangad ang balanse ng kalikasan at daigdig at pakikiayon ng tao sa kalikasan.
Legalismo – ang pilosopiya na naniniwala na ang tao ay ipinanganak na masama at makasarili. Subalit sila ay maaaring mapasunod sa pamamagitan ng mahigpit na batas at marahas na kaparusahan.
7
Q’in o Ch’in (221 - 206 BCE)
Napatalsik ang Zhou ng Dinastiyang Q’ín o Ch’in na siyang nagtuguyod ng unang imperyo sa Tsina (221- 210 BCE).
Sa ilalim ng kanilang pamamahala, sa pamumuno ni Emperador Shih Huang Ti, ipinatayo ang Great Wall of China upang magsilbing-tanggulan laban sa mga mananalakay na tribong nomadiko na nakatira sa hilaga.
Humina ang dinastiya nang mamatay si Emperador Shih Huang Ti at napalitan ng Dinastiyang Han.
8
Han (202 -200 CE)
Ang Dinastiyang Han ang kauna-unahang yumakap ng Confucianismo
Sa panahon ng kanilang pamamahala naitatag ang mga aklatan na naglalayon na mag-imbak ng mga mahahalagang kasulatan tungkol sa kasaysayan ng Tsina
9
Sui (589 - 618 CE)
Ang mga Sui ay nagpabuklod sa mga watak-watak na mga teritoryo ng Tsina.
Isinaayos sa panahong ito ang Great Wall na napabayaan sa mahabang panahon.
Ginawa rin ang Grand Canal na naglalayong mapagdugtong ang Huang Ho at Yangtze upang mapabilis ang transportasyon at mapasigla ang kalakalan ng mga karatig pook.
10
Tang (618 - 907 CE)
Sa panahon ng Dinastiyang Tang, masagana ang lupain at mabilis ang mga pagbabago sa larangan ng sining at teknolohiya.
Malawakang tinangkilik ang relihiyong Budhismo ng mga dugong bughaw at mga karaniwang tao.
Pinagtibay ang civil service examination system na naging mahalaga sa pagpili ng opisyal ng pamahalaan. Ang pagsusulit na ito ay unang ginamit sa panahong Han subalit pinagbuti pa sa panahong Tang.
Bumagsak ang dinastiya dahil sa pag-aalsa ng kanilang nasasakupan.
11
Sung (960 - 1127 CE)
Sa pagbaksak ng Han, humalili ang mga Sung na nagtayo ng malawakang hukbong imperial.
Sa panahong ito, naging sapat ang suplay ng pagkain sa Tsina dahil sa pag-unlad ng teknolohiyang agrikultural.
Nalikha ang isang paraan ng paglilimbag na nagpalago ng kanilang sistema ng imprenta.
Humina ang Dinastiyang Sung sa mga pananakop ng mga barbaro dahilan ng kanilang paglisan noong ika-12 siglo.
12
Yuan (1279 – 1368 CE)
Sa paglisan ng Dinastiyang Sung pumalit ang Dinastiyang Yuan sa pamumuno ni Kublai Khan mula sa bansang Mongolia. Sa unang pagkakataon, ang kabuuang Tsina ay pinamunuan ng dayuhang barbaro.
Pagkatapos ng mga labanan, naranasan ng dinastiya ang Pax Mongolica o panahon ng kapayapaan, at maayos na sistema ng komunikasyon.
13
Ming (1368 – 1644CE)
Nanumbalik ang Tsina sa mga Tsino sa pamumuno ni Emperador Zhu Yuanzhang.
Isinaayos ang malaking bahagi ng Great Wall Naitayo din ang Temple of Heaven at Forbidden City sa Peking na naging tirahan ng emperador. Ang sining, kalakalan, at industriya ay napayaman partikular ang paggawa ng porselana. Maraming aklat ang nailimbag sa pamamagitan ng pamamaraang movable typewriter. Lumaki rin ang populasyon ng Tsina na umabot sa 100 milyon. Bumagsak ang dinastiya noong 1644 dahil pinahina ito ng mga pagtutol sa mga pag-aalsa sa lipunan. Kasama rito ang pakikipaglaban nito sa Japan na sumalakay sa Korea.
14
Qing o Ch’ing (1644 – 1911 CE)
Ang Dinastiyang Qing o Ch’ing ay itinatag ng mga Manchu. Ang pagkatalo ng Tsina sa mga Digmaang Opyo laban sa Inglatera (1839-1842) at laban sa Inglatera at Pransya (1856-1860) ay malaking dagok sa imperyo. Sa pagkatalo ng Tsina, nagkaloob ito ng mga konsesyon sa mga dayuhan, kabilang ang pagkakaloob ng lupain tulad ng Hong Kong sa mga British. Pinagkalooban din sila ng karapatang pakinabangan at pamunuan ang ilang teritoryo sa Tsina bilang sphere of influence o mga rehiyon kung saan nangingibabaw ang kapakanang pang-ekonomiya ng nanalong bansa. Nagwakas ang sistema ng dinastiya sa Tsina nang maganap ang Rebolusyon noong 1911 na nagbigaydaan sa pagkatatag ng Republika ng Tsina.
15
Kabihasnang Ehipto
Napakalaki ng papel na ginampanan ng mga paraon (pharaoh) sa sinaunang Ehipto. Itinuturing silang diyos ng kanyang mga nasasakupan. Para sa mga paraon, sila ang tagapagtanggol at kontrolado nila ang pamumuhay ng mga tao. Kabilang sa kanyang mga tungkulin ang pagsasaayos ng mga irigasyon, pagkontrol sa kalakalan, pagpapatupad ng batas at pagtiyak sa kaayusan ng pamayanan.
16
Bago ang Panahon ng mga Dinastiya (Bago ang 3100 BCE)
Namuhay ang mga sinaunang Ehipto sa pamayanang malapit sa lambakk-ilog Nile.
Naglinang ng sariling sistema ng pagsulat na tinatawag na hieroglyphics.
17
Panahon ng mga Unang Dinastiya (Una at Ikalawang Dinastiya 3100-2670 BCE)
Sa panahong ito, pinamunuan ni Paraon Menes ang pag-iisa ng dalawang kaharian ng Upper Egypt at Lower Egypt.
18
Panahon ng mga Unang Dinastiya (Una at Ikalawang Dinastiya 3100-2670 BCE)
Sa panahong ito, pinamunuan ni Paraon Menes ang pag-iisa ng dalawang kaharian ng Upper Egypt at Lower Egypt.
19
Matandang Kaharian (Ikatlo hanggang Ikaanim na Dinastiya 2670-2150 BCE)
Panahon ng Ikatlo at Ikaanim na Dinastiya Sa panahong ito, naitayo ang mga kahanga-hangang estraktura ng piramide ng Ehipto.
Ang mga piramideng ito gaya ng Great Pyramid ni Khufu sa Giza ay nagsilbing libingan ng mga paraon.
20
Unang Intermedyang Panahon (Ika-7 hanggang Ika11 Dinastiya) 2150-2040 BCE)
Sa pagsapit ng 2160 BCE tinangka ng ng paraon ang pagbukluring muli ang Lower Egypt at Upper Egypt. Dulot niot nagsagupaan ang dalawang magkaribal na dinastiya.
21
Gitnang Panahon (Ika-12 at Ika-13 Dinastiya 2040-1650 BCE)
Nagsagawa sila ng mga ekspedisyon upang makatuklas ng mga mahalagang bagay na maaaring minahin o mga kahoy na maaaring gamitin.
Napalawak nila ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kanilang hukbong sandatahan at paggamit ng chariot.
Pinalawig nila ang kanilang kapangyarihan hanggang sa katimugang bahagi at pinatalsik ang mga Hyksos “prinsipe ng dayuhang lupain”.
22
Ikalawang Intermedyang Panahon (ika-14 hanggang ika-17 Dinastiya 1650-1550 BCE)
Sa panahon ng Ika-15 Dinastiya nangibabaw ang isang bahagi ng Nile Delta na
Nawalan ng kapanatagan ang at katatagan ang pamamahala sa dinastiya.
Ang mga Great Hyksos ng ika-15 Dinastiya Sa ika-17 Dinastiya napatalsik ang mga Hyksos sa Ehipto
23
I
Bagong Kaharian (Ika-16 hanggang ika-20 Dinastiya 1550-1070 BCE)
Ito ang itinuturing na pinakadakilang panahon ng Kabihasnang Ehipto.
Sa pamumuno ni Paraon Amenophis IV o Akhenaton, nabago ang paniniwala ng mga tagaEhipto hinggil sa polythiesmo o pagsamba sa maraming diyos.
24
I
Ikatlong Intermedyang Panahon (Ika-21 hanggang ika-25 Dinastiya 1070-664 BCE)
Sinimulan ni Smendes ng Lower Egypt ang Ika-21 Dinastiya na tinatawag na Tanites.
Pinamunuan ang dinastiyang ito ng mga hari mula sa Libya at naitatag ang ika-22 Dinastiya sa pamumuno ni Shoshenq I.
Maraming pangkat ang nagtunggali na nais mapasakamay ang kapangyarihan hanggang sa humantong ng pagkakabuo ng ika-23 na Dinastiya.
Pinamunuan ni Piye ang ika-24 na Dinastiya
25
I
Huling Panahon (Ika -26 hanggang Ika-31 Dinastiya 664-330 BCE)
Pinamunuan ni Psammetichus ang ika-26 na Dinastiya.
Napasakamay ng mga Persian ang ang Ehipto sa pamumuno ni Cambysses II ang naging unang hari ng ika-27 Dinastiya.
Noong 332 BCE sinakop ni Alexander the Great ang Ehipto.
Malawak ang kanyang imperyo. Umabot ito sa Macedonia, Asia Minor, Persia at Mesopotamia hanggang Indus Valley sa India. Noong 323 BCE namatay si Alexander the Great at pumalit sa kanya ang kanyang kaibigang si Ptolemy.
26
Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya
Sa rehiyong Timog Asya nagsimula ang kabihasnang Indus na nakasentro sa mga lambak ng Indus River. Dumadaloy ang Indus River sa kasalukuyang ban sang India at Pakistan. Sa nasabing ilog umunlad ang kambal na lungsod ng kabihasnang Indus: ang Harappa at Mohenjo-Daro
27
Harappa
Natagpuan sa kasalukuyang Punjab na bahagi ng Pakistan. May 350 milya ang layo nito mula sa Mohenjo-Daro pahilaga.
28
Mohenjo-Daro
Ang Mohenjo-Daro ay nasa katimugang bahagi ng daluyang Indus River.
29
Nanirahan sa maliliit na pamayanan ang mga Dravidian. Ang kanilang lugar ay matatagpuan sa mababang bahagi ng lupain, may mainit na klima at halos walang mapagkukunan ng suplay ng bakal.
pakikipagkalakalan
pagsasaka
Ang lipunang Indus ay kinakitaan ng malinaw na pagpapangkat-pangkat ng mga tao. Nakatira sa bahagi ng moog ang mga naghaharing-uri tulad ng mga mangangalakal.
30
Natagpuan din sa Sumer ang selyong Harappan na may pictogram na representasyon ng isang bagay sa anyong larawan. Dahil dito, inaakalang ginamit ang selyong ito upang kilalanin ang mga paninda. Patunay lamang ang kalakalan sa pagitan ng dalawang kabihasnan noon pa mang 2300 BCE. Kapuna-punang wala ni isa sinaunang kabihasnang Indus ang kilala sa kasalukuyan.
31
May iba't ibang paliwanag tungkol sa pagtatapos ng kabihasnang Indus. May nagsasabing bunga ito ng pagkaubos ng mga puno, mga labis na pagbaha, at pagbabago sa klima. Maaari rin daw nagkaroon ng lindol o pagsabog ng bulkan.
May mga ebidensiya rin na ang pagkatuyo ng Sarasvati River ay nagresulta sa pagtatapos ng kabihasnang Harappa noong 1900 BCE
Isang lumang paliwanag ang teoryang Mohen jo-Daro at Harappa ay nawasak dahil sa paglusob ng mga pangkat nomadiko-pastoral mula sa gitnang Asya, kabilang ang mga Aryan. Walang malinaw na ebidensiya na naglabanan nga ang mga Dravidian at Aryan na nagdulot ng wakas sa kabihasnang Indus.
32
Ang mga Aryan ay pinaniniwalaang nagmula sa steppe ng Asya sa kanluran ng Hindu Kush at nakarating sa Timog Asya sa pamamagitan ng pag daan sa Khyber Pass. Sila ay mas matatangkad at mapuputi kung ihahambing sa mga naunang taong nanirahan sa lambak ng Indus. Dumating ang mga Aryan sa panahong mahina na ang kabihasnang Indus.
33
Ang Panahong Vedic (1500-500 BCE)
Ang mga Aryan ay nagtungo sa kanluran ng Europe at timog-silangan ng Per sia at India. Dinala nila sa mga rehiyong ito ang wikang tinatawag ngayong Indo-European. Ang Sanskrit, ang wikang klasikal ng panitikang Indian, ay nabibilang sa pamilya ng Indo-European. Ang mga makabagong wika tulad ng Hindi at Bengali ay nag-ugat din sa Indo-European.
34
Ang salitang "Arya" ay nangangahulugang "marangal" sa wikang Sanskrit. Ginamit ito upang tukuyin ang mga pangkat ng tao o lahi. Ang kaalaman tungkol sa unang milenyong pamamayani ng mga Aryan sa hilaga at hilagang kanlurang India ay hango sa apat na sagradong aklat na tinatawag na Vedas: ang Rig Veda, Sama Veda, Yajur Veda, at Atharva Veda. Ang Vedas ay tinipong himnong pandigma, mga sagradong ritwal, mga sawikain, at mga salaysay. Makikita sa Vedas kung paano namuhay ang mga Aryan mula 1500 BCE hanggang 500 BCE na tinatawag ding panahong Vedic.
35
Ang lipunan ng mga sinaunang Aryan ay may tatlong antas lamang: -
maharlikang mandirigma, mga pari, at mga pangkaraniwang mamamayan. Kapansin-pansing ang mga kasapi ng bawat antas ay maaaring makalipat sa ibang antas ng lipunan. Ang isang mandirigma ay pinipili upang pamunuan at pangasiwaan ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Malinaw din ang mga tungkuling nakaatang sa kalalakihan at kababaihan.
36
Ang lipunan ay naging mahigpit at masalimuot nang lumaon. Nagtatatag ng kaharian at pagiging pinuno ay nagsimulang mama na. Naging mahalaga sa kanilang paniniwala ang mga rituwal at sakripisyo ng mga pari.
Nang lumaon, nabuo ang tinatawag na sistemang caste sa India. Ang katagang ito ay unang ginamit ng mga Portuguese na nakarating sa In dia noong ika-16 na siglo. Ang terminong ito ay hango sa salitang casta na nangangahulugang "lahi" o "angkan."
37
38
Kabihasnang Tsino
Mga Dinastiya: Chou, Ming, Q'ing, Shang, Sui, T'ang, Yuan
1. Nakasulat sa mga oracle bone ang mga naiwang kasulatan ng mga sinaunang Tsinong nabuhay sa dinastiyang ito
2. Unang dayuhang dinastiyang namahala sa China
3. Huling dinastiya sa China
4. Yumaong sa dinastiyang ito ang kaisipang humubog sa kamalayang Tsino tulad ng Confucianism, Taoism, at Legalism
5. Ipinagawa ang Grand Canal sa ilalim ng dinastiyang ito
6. Sa dinastiyang ito nagsimula at lumaganap ang kaisipang Mandate of Heaven
7. Ipinatayo ang Forbidden City sa Peking sa dinastiyang ito M
39
Mga Tauhan: Zheng He, Kublai Khan, Confucius, Shi Huangdi
8 Itinuring ang kaniyang sarili bilang "unang emperador
9. Itinatag niya ang Dinastiyang Yuan sa China
10. Pinangunahan niya ang mga ekspedisyon sa Indian Ocean at silangang bahagi ng Africating be
11. Nakasentro sa kaniyang mga aral ang kaisipang Confucianism C
40
Mga Ambag: Great Wall, Forbidden City, Mandate of Heaven, Taoism
12. Pagpapahintulot ng kalangitan na mamuno ang emperador
13. Nagsilbing tanggulan ang estrukturang ito laban sa mga tribong noma diko sa hilagang China
14. Naging tahanan ng mga emperador noong Dinastiyang Ming FC
15. Hangad ng kaisipang ito ang balanseng kalikasan at pakikiayon ng tao sa kalikasan
41
42
1. Nagpagawa ng Great Pyramid na pinakamalaki sa buong daigdig
2. Sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Egyptian
3. Itinuring bilang Empire Age at pinakadakila sa kasaysayan ng si naunang Egypt
4. Kinilalang isa sa mahuhusay na babaeng pinuno ng sinaunang Egypt
5. Napag-isa sa kaniyang paghahari ang Upper Egypt at Lower Egypt
6. Nagsimula sa Ikatlong Dinastiya ng Egypt at panahon ng pagtayo ng mga pyramid sa Egypt
7. Nagsilbing mga bantayog ng kapangyarihan ng mga pharaoh at nag ing libingan ng mga ito
8.Lumagda sa kauna-unahang kasunduang pangkapayapaan sa hari ng mga Hittite
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 42
SLIDE
Similar Resources on Wayground
38 questions
H.A.S. Introduction to Chemistry Part 2(Hill)
Presentation
•
8th Grade
35 questions
TONE AND BIAS IN LITERATURE
Presentation
•
8th Grade
39 questions
Novogodišnja potraga za hemijskim elementima
Presentation
•
7th - 8th Grade
36 questions
Sustancias Puras y Mezclas
Presentation
•
8th Grade
34 questions
Acids and bases
Presentation
•
7th - 8th Grade
37 questions
Pagbibigay ng kahulugan sa mga simbolo at pahiwatig na ginam
Presentation
•
8th Grade
35 questions
Iba't Ibang Sistemang Pang-ekonomiya
Presentation
•
9th Grade
36 questions
CP- L1.3 Classifying Elements
Presentation
•
8th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
Safety Day 2026 – Student Review
Quiz
•
9th Grade
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
16 questions
Subject & Predicate
Quiz
•
5th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
12 questions
Map Skills
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
5th Grade
15 questions
Rounding Decimals
Quiz
•
5th Grade
Discover more resources for Social Studies
19 questions
Foundations of America
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
Exploring the Age of Exploration: Key Events and Figures
Interactive video
•
6th - 10th Grade
20 questions
Articles of Confederation
Quiz
•
8th Grade
15 questions
Middle Ages of the Middle East Vocab List (CFA #2)
Quiz
•
6th - 8th Grade
13 questions
American Revolution Review
Quiz
•
8th Grade
18 questions
American Revolution Unit 3
Quiz
•
8th Grade
10 questions
Indigenous Peoples' Day Quiz
Quiz
•
8th Grade
5 questions
American Revolutionary War
Interactive video
•
8th Grade